CHAPTER 14

2079 Words
"Ramos, Lorren." "Ramos, Sabrina." Nang makababa mula sa stage ay sinalubong ako ni mama kasunod ko si Sabrina na niyakap rin nito. "Kristha Roman." Matapos tawagin ang natitira pang classmates namin ay sumunod naman ang ibang section sa aming batch. Isa ako sa mga napangiti at napapalakpak ng matapos ang speech ng aming valedictorian. Hindi man ako pinalad na maging valedictorian ay masaya pa rin naman dahil ako ang pumangalawa. May siguradong scholarship na rin ako sa college na labis kong ikinatuwa dahil malaking tulong iyon para sa akin. "Congratulations to all the graduates!" bati ng aming principal ng araw na iyon. Matapos ang graduation ceremony ay tumuloy kaming magkakaibigan sa bahay nina Nicko. Nagpaalam na rin na uuwi na ng probinsya si mama dahil graduation rin ni Julius kinabukasan. Maiiwan pa muna kami ni Sabrina dito sa Manila para ayusin ang ilang requirements namin sa eskwela. May hatid rin kaming magandang balita kay Nicko na paniguradong ikatutuwa nito. "He's awake," Micko said when he came back. Galing ito sa kwarto ng kakambal at sinilip kung gising na ito. Natutuwa ako hindi lang dahil medyo maayos na ang kalagayan ni Nicko ngayon, kundi dahil nakikita kong maayos na rin sila ni Micko. May konting ilangan pa sa pagitan nila ngunit hindi na katulad ng dati na para bang hindi talaga nila kilala ang isa't isa. "Congratations!" bati naming lahat kay Nicko ng buksan ni Kristha ang pintuan ng kwarto nito. Napangiti ito nang makitang kompleto ang barkada. Agad yumakap sa kanya si Kristha kasunod ang iba pa. Tinapik siya sa balikat ni Micko at napangiti ako dahil sa ngiting iyon ni Nicko sa kanyang kapatid. "Congratulations sa inyo," aniya habang nakangiti pa at isa isa kaming pinasadahan ng tingin. "Kasama ka kaya 'no!" ani Kristha na inilabas ang isang toga sa dala nitong bag. "Ako pa ang binati n'yo. Eh, hindi nga ako nakaakyat sa stage," ani Nicko pa na bahagyang lumungkot ang boses. "Kahit hindi ka nakaakyat kami naman ang kumuha nito para sa 'yo!" excited na sabi ni Kristha at iniabot kay Nicko ang isang envelop. Natulala pa si Nicko ng tanggapin iyon. Dahan dahan niyang binuksan ang envelop at kitang kita namin ang pagtulo ng kanyang mga luha ng makitang may diploma rin pala siya. "Totoo?" hindi pa rin makapaniwalang tanong nito. "Totoong totoo! At dahil 'yan kay Micko," nakangiting ani Kristha. Napatingin kaming lahat kay Micko na tahimik lang. "H'wag n'yo nga akong tingnan ng ganyan," naiilang na saway nito sa amin. "Salamat," pasasalamat ni Nicko na tuluyan ng napaiyak. "Wala 'yon. Hindi pwede na kami lang ang ga-graduate. Mas masaya kung kasama ka namin." "At dahil d'yan! Picture taking na tayo!" ani Sabrina na inihanda na ang hawak na cellphone. Magkatulong namang sinuotan nina Rocky at Jared si Nicko ng toga na dala ni Kristha kanina. "Smile, guys!" sabi pa ni Sabrina habang panay ang selfie kasama kami. Napahinto kami at sabay sabay na napatingin sa pintuan ng bumukas iyon. "Nagkakasiyahan pala kayo dito, ha," nakangiting sabi ni Tita Olivia at tuluyan nang pumasok sa loob. "Akin na ang cellphone mo, Sabrina. Kukuhanan ko kayo," Tumabi kaming lahat kay Nicko at ilang beses pang kinuhanan ni tita ng litrato. Bakas rin ang saya sa mukha ni Tita Olivia habang isa isang tinitingnan ang mga kuha namin mula sa cellphone ni Sabrina. "Hindi pa ba tayo kakain?" nakasimangot na tanong ni Monnette maya maya. Napatingin kami sa bawat isa at sabay sabay na natawa. Gutom na naman kasi si buntis. "Uy! Halata na ang t'yan mo, ah!" puna ni Nicko. "Five months na 'to next week," ngiting ngiting ani Monnette habang himas pa ang kanyang tiyan. "Ninong at ninang kayo nito, ha," aniya pang pinasadahan kaming lahat ng tingin. Natahimik rin kami ng huminto siya at mapayuko ng tingnan si Jared sa huli. Ang alam ko ay hindi pa rin sila maayos. Ang huling balita ni Monnette sa akin ay hindi na rin nakikipag cooperate ang pamilya ni Jared sa kanila. Wala naman daw problema iyon sa mga magulang niya dahil kaya nilang buhayin ang bata. Pero naaawa lang kasi ako sa kaibigan ko. Lagi man niyang sabihin na ayos lang siya at kaya niya, alam kong nasasaktan siya. At sana lang magkaroon pa ng pagkakataon na magkaayos sila kahit para na lang sana sa magiging anak nila. "Maabutan ko pa ba 'yan?" Bumalik sa reyalidad ang isipan ko ng marinig ang sinabi ni Nicko. May himig kasi ng lungkot sa boses nito. "Basta ba magpalakas ka, eh!" si Sabrina pa. "Makakasama ka pa namin hanggang sa paglaki ng magiging inaanak natin." Nanumbalik tuloy sa aking isipan ang naging pag uusap namin ni Tita Olivia no'ng nakaraan. Pag uusap na ayaw ko ng balikan dahil sa sakit na dulot noon sa akin. At hanggang ngayon hindi mawala wala sa aking isipan. Ayaw kong isipin na iiwan na kami ni Nicko ng tuluyan... "Tita, ayos lang po ba kayo?" tawag ko kay tita nang makita ko siya sa garden at nag iisa. "May problema po ba?" Suminghut singhot pa siya at inayos ang sarili saka ininom ang natitirang alak na laman ng kanyang baso. Marahan akong naupo sa tapat ng kanyang kinauupuan at kitang kita ko ang muling pagbalong ng kanyang mga luha. "Tita?" "Wala na, Lorren... Wala ng pag asa..." umiiyak pang sabi nito. "Ano pong ibig n'yong sabihin?" "Tinapat na ako ng doktor. Dalawang buwan... dalawang buwan na lang..." Akala ko ay unti unti ng gumagaling si Nicko, ngunit mali pala ako. Dalawang buwan na lang ang nalalabi para makasama namin siya. "Mauna na ako sa baba para maayos ko ang pagkain n'yo," ani Tita Olivia na alam kong umiiwas dahil ano mang oras ay iiyak na naman ito. "Guys, tara na muna sa baba para makakain na tayo," yaya ni Micko sa iba. Nakalabas na silang lahat habang ako ay nanatili pa rin dito sa loob. "Dapat binubuksan ang bintana para pumasok ang sariwang hangin dito sa kwarto mo," ani ko at binuksan ang sliding window. Napapikit pa ako dahil sa nalanghap na sariwang hangin na sumalubong sa mukha ko. Bumalik ako sa tabi ng kama ni Nicko at napansin kong tahimik lang siya. Mukhang malalim ang iniisip. "Kumusta ang pakiramdam mo?" untag ko sa kanyang pananahimik. "May problema ba? May masakit ba sa 'yo" "Ayos lang ako, Lorren," tugon niya sa akin na sinalubong pa ang aking mga tingin. "Salamat, ha." "Para saan?" "Sa laging pagdalaw, sa palaging pagpapalakas ng loob ko. Kahit na alam nating pareho na wala na- "Nicko, baka may pag asa pa," awat ko sa kanya. "Pag asa?" Bahagya siyang natawa doon. "Dalawang buwan, Lorren," naiiling pang aniya. "Dalawang buwan," pahina nang pahina ang kanyng boses habang sinasabi iyon. "Pero-" "Masaya naman akong aalis, eh. Dahil alam ko na nand'yan kayo kasama ko sa lahat ng hirap. Huli n'yo man nalaman, hindi n'yo pa rin ako iniwan." "Pwede bang 'wag mo munang isipin ang pag alis mo? Kasi nalulungkot ako, eh," ani ko pang nagbabadya na ang mga luha. "Handa na ako, Lorren." "Kami hindi pa. Ako." "Sorry. Sorry sa lahat ng maling nagawa ko sa 'yo," aniyang hinaplos ang pisngi ko. "Naging makasarili ako. Hindi ko naisip na nand'yan ka, na nasasaktan ka sa mga paglilihim ko. Akala ko kasi, kaya ko." "Ako rin, gusto kong mag sorry sa 'yo dahil hindi lang ang sarili ko ang niloko ko. Pati ikaw, dahil pinaniwala kita na mahal kita higit pa sa kaibigan," sabi ko habang pigil na pigil ang aking mga luha. "Naging makasarili rin ako at sarili ko lang rin ang inisip ko ng mga panahong sakal na sakal na ako sa relasyong meron tayo." "Naging masaya ako habang tayo kahit na nga sabihin mong hanggang magkaibigan lang tayo." Hinila niya ako sa kanyang tabi at saka niyakap ng mahigpit. "Mahal kita, Lorren. At masaya akong aalis. Sa ayaw at sa gusto natin aalis rin tayo dito sa mundo, mauuna lang ako." Doon na tumulo ang mga luha ko. Hindi ko kayang isipin na aalis si Nicko. Aalis at hindi na muling babalik pa. Nanatili pa ako sa kwarto ni Nicko hanggang sa makatulog ito. Nahinto ako sa tangkang pag aayos ng unan sa kanyang gilid nang makita ko ang aking litrato sa gilid noon. Naka frame pa iyon. Napangiti ako nang kunin at pagmasdan iyon. Kuha yata iyon no'ng grade eight kami during intrams. Lumapit ako sa sofa at kinuha sa loob ng aking bag ang picture namin ni Nicko na magkasama. Kuha iyon ni Sabrina matagal na. Kinuha ko ang picture ko sa loob ng picture frame at ipinalit ang picture naming dalawa. "Ang ganda! Matutuwa si Nicko n'yan," ani Kristha na hindi ko namalayang nakapasok na pala dito sa loob. Napangiti rin ako habang hawak pa rin ang picture frame. "Dito man lang makita n'yang masaya kaming magkasama," tugon ko at inilapag iyon sa ibabaw ng study table ni Nicko . "Tara na sa baba." Tumango lang si Kristha sa akin at sabay pa naming sinulyapan ang himbing na himbing na si Nicko bago tuluyang lumabas ng kwarto nito. "Bakit malungkot ka?" tanong ni Kristha sa akin habang pababa kami ng hagdan. Napabuntong hininga ako at huminto sa paglalakad. "Naiinis lang ako sa sarili ko. Kung noon ko pa sana nalaman na may sakit s'ya 'di sana noon ko pa ginawa na mapasaya s'ya." "Lorren, ginusto ni Nicko na 'wag sabihin sa 'yo at sa iba dahil ayaw n'ya na kaawaan mo o ninyo s'ya," paliwanag ni Kristha. "Kung sinabi ko rin sa 'yo. Ano'ng gagawin mo? Magsi-stay ka pa rin sa relasyon n'yo kahit kaibigan lang talaga ang tingin mo sa kanya?" Natahimik ako sa sinabi niya. Iyon rin ang sinabi ni Nicko sa akin. Pero kung iyon ang paraan para mapasaya ko s'ya, bakit hindi? "Iyon ang ayaw mangyari ni Nicko, Lorren. Dahil sa awa kaya mo pipilitin ang sarili mo." "Ma'am kristha, may tawag po sa phone mommy n'yo po, " tawag ng isa sa mga kasambahay nila ng tuluyan kaming makababa. "Mauna ka na sa garden. Kausapin ko lang si mommy," paalam ni kristha at tinungo ang telepono. Iniwan ko na si Kristha sa loob at lumabas na ng bahay. Naririnig ko ang kantyawan ng mga kaibigan namin na nasa garden at si Sabrina na naman ang pasimuno ng kakulitan. Imbes na puntahan sila ay tinungo ko na lang ang kabilang side ng mansyon kung nasaan ang swing. "Tulog na ba si Nicko?" Kakaupo ko pa lang at muntik na akong mahulog doon ng bigla na lang magsalita si Micko. Natawa pa ito nang makita ang reaksyon ko dahil sa panggugulat niya. "Sorry," aniyang natatawa pa at naupo sa swing na katabi ng sa akin. Napailing na lang ako. "Kanina pa tulog si Nicko," sabi ko na lang para matigil na siya sa pasimpleng pagtawa sa muntikan ko nang pagkahulog kanina. "Pwede bang humingi ng favor?" seryoso niyang sabi maya maya. "Ano?" "Magpapasama sana ako sa 'yo, eh. Nagpaalam na ako kay mommy kanina. Basta 'wag lang daw tayong magpagabi masyado dahil uuwi pa kayo." Wala naman sigurong masama hindi ba? Sasamahan ko lang naman siya. "Sige. Saan ba tayo pupunta?" seryoso na ring tanong ko. "Magdi-date." Napatulala ako. Parang biglang nag loading ang utak ko dahil sa aking narinig. "D-date?!" bulalas ko na bahagya pang kinabahan. "Seryoso ka d'yan?" "Joke lang! Hindi ka talaga mabigla d'yan," natatawang aniya pa sa akin. Napatulala akong muli dahil para akong namamalik mata. Totoo ba 'to? Nag uusap kami ni Micko at tumatawa s'ya sa harap ko na ngayon ko lang nakita sa kanya. Sa school kasi ay seryoso lang siya. Parang masungit tingnan ngunit tinitilian pa rin ng karamihan. "Sorry, sorry," aniya pa na pilit pinasiseryoso ang sarili. "Magpapasama lang sana ako sa 'yo. May bibilhin kasi ako sa mall and I can't decide sa balak kong bilhin kaya ikaw ang pipili para sa akin." "Nang ano?" kunut noo ng tanong ko. "Basta! Let's go!" Bago pa man ako muling makapagsalita ay hinila na niya ako para pumunta sa garahe. Inalalayan niyang akong sumakay sa sasakyan at siya na rin ang naglagay ng seat belt ko. Bigla na naman akong nakaramdam ng kuryente sa aking katawan ng hawakan niya ang kamay ko kanina. Hindi ko alam kung ano ang bibilhin niya sa mall at kailangan na ako pa ang sumama sa kanya doon. Pero sa kabilang banda may kung ano sa kaloob looban ko na waring kinikilig dahil magkasama kaming dalawa ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD