bc

Right Here Waiting (COMPLETED)

book_age16+
543
FOLLOW
1.4K
READ
goodgirl
drama
bxg
first love
friendship
like
intro-logo
Blurb

Ten years ago, nangako si Micko kay Lorren na babalikan siya nito. Babalik ito kapag maayos na ang lahat. Kapag handa na ang mga puso nila at malaya nang mag-mahal at kaya ng panindigan ang kani-kanilang nararamdaman.

Kung ikaw si Lorren? Maghihintay ka pa rin ba sa pangako ng nakaraan o tulad ng punong pinaglipasan ng panahon ay lilipas rin ang pag-asa mong magkakaroon ng katuparan ang pangakong binitawan.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"Wow! Ikaw na talaga, cous!" sabi ng pinsan kong si Sabrina habang nakatingin sa hawak kong pink na sobre. It's another poem again from him. Halos three years na rin akong nakakatanggap ng mga tula galing sa taong hindi ko naman kilala. Noong una akala ko love letters ang mga iyon kaya hindi ko binubuksan at iniipon ko lang. Pero ng minsang ma-badtrip ako dahil nagkasagutan kami ni Nicko ay binasa ko ang ilan doon. Mahilig ako sa tula at mga nobela kaya naman simula noon sa tuwing nakakatanggap ako ng sulat na may pink na sobre binabasa ko na at sa totoo lang gumagaan talaga ang loob ko. And there are times that I'd tried to caught him or who ever it was in the act. Pero bigo ako, hindi ko siya mahuli-huli. But one thing is for sure! Kung sino man s'ya, alam kong kilala niya ako. At alam kong narito lang siya sa paligid. Inilagay ko sa aking notebook ang pink na sobre saka ipinasok sa loob ng aking bag. Napangiti pa ako dahil nadagdagan na naman ang mga tulang meron ako. "Boyfriend mo!" Siniko ako ni Sabrina nang makalabas kami ng locker. "Cous, nagda-drugs ba 'yang boyfriend mo?" "Sira ka talaga!" Natawa pa ako. "Hindi 'no! Para kang ewan!" "Ang payat-payat na kasi oh! Sabihan mo namang kumain. Konti na lang parang liliparin na ng hangin eh!" Akala ko ako lang ang nakakapansin ng pagbagsak ng katawan ni Nicko. Minsan ko na ring pinupuna iyon na nauuwi lang sa sagutan naming dalawa. "Katawan ko 'to kaya alam ko kung ano ang nangyayari sa akin!" "Pero-" "Stop it okay! I'm fine, Lorren!" Laging mainitin ang ulo nito when it comes to his health. Last year nag umpisang bumagsak ang katawan niya na hindi ko rin alam kung bakit. At ayaw rin niyang sabihin sa akin. "Ako na ang magdadala ng bag mo," anito nang makalapit kami ni Sabrina sa kanya. "How's your day?" "Ayos lang naman," sagot ko. Ganito siya lagi sa akin na akala mo buong araw kaming hindi nagkikita. Hatid sundo naman niya ako lagi at sabay kaming kumain ng lunch at snacks. "Bye, guys! See you tomorrow!" Kaway ni Carmina sa amin habang naka-back ride sa likod ni Rocky sakay ng motor nito. Carmina and Rocky are in a relationship since grade seven, same as Monnette and Jared na childhood sweetheart na ever since. Kasunod na umalis nina Rocky sina Jared sakay rin ng motor. Kumaway lang sa amin si Kristha na sakay naman ng kotse ni Micko. Pinagbuksan ako ni Nicko sa front seat at walang imik namang sumakay si Sabrina sa likod. Minsan kapag nakakaramdam ng awkwardness si Sabrina o alam niyang nag away kami ni Nicko ay hindi na siya sumasabay sa amin, which is I don't want to happened. Sa akin inihabilin ni Tita Suzy si Sabrina kapalit ng libreng pagpapa aral niya sa akin dito sa Maynila. Kaya kahit saan ako pumunta o si Sabrina man ay dapat lagi kaming magkasamang dalawa. At dahil malapit lang naman ang bahay namin sa school ay mabilis rin kaming nakauwi. Matapos magpasalamat kay Nicko ay nauna nang pumasok sa loob ng bahay si Sabrina. "Gusto mo bang kumain sa labas? Maaga pa naman," ani ni Nicko sa akin matapos sulyapan ang suot na relo. Napahinga na lang ako ng malalim sabay iling. "Next time na lang. Marami akong assignments, eh." "How about sunday?" "Sige. Okay lang naman," tugon ko. "Okay. Take care." Hinalikan n'ya pa ako sa noo. "I'll text you when I'm home." Tumango lang ako at saka lumabas na ng kotse. Hinintay ko pang mawala sa paningin ko ang sasakyan niya bago ako pumasok sa loob. Pagkatapos kong magpalit ng pambahay ay agad na rin akong bumaba at tinungo ang kusina dahil alam kong naroon na si Sabrina. At nadatnan ko nga ang busangot niyang mukha. "Problema mo d'yan?" taas kilay kong tanong habang kumukuha ng loaf bread at palaman sa harapan niya. Sinimangutan lang niya ako at uminom ng juice saka humarap sa akin. "Bakit kaya hindi jowa mo ang tanungin mo?" "Ano namang kinalaman ni Nicko?" tanong ko habang ngumunguya. "Okay naman kayo, ah." "Oo! Okay kami, kanina 'yon. No'ng hindi couple-couple na umalis ang mga mag-jo-jowa-ng 'yon! Alam mo 'yon!" may pa-mwestra pang sabi nito. "Alam mo 'yong feeling na kulang na lang i-bandera n'ya sa pagmumukha ko 'yong laman ng utak n'ya na... Sabrina, naiinggit ako sa kanila! P'wede bang kami naman ni Lorren? Alone time namin. 'Yong mga gano'n." nanggigigil pang litanya niya. "Hindi naman mag-jowa si Kristha at Micko ah!" natatawang sabi ko. "Pero nakakainggit pa rin 'yon, Lorren! Dalawa lang sila sa kotse na I know that it was Nicko's dream! 'Yong ma-solo ka!" "May times naman na hindi ka sumasabay sa amin, ah." depensa ko pa rin. "Gaano kadalas ang minsan, cous?" Madamdaming baling niya sa akin. "Oo, magkasama kayo sa school, sweet kayo. Nagho-holding hands, kini-kiss ka n'ya sa noo, at niyayakap. Pero naisip mo ba kung kailan ka n'ya nahalikan sa labi? Mga torrid kiss gano'n! At sa alone time lang nangyayari 'yon!" madramang litanya pa ng pinsan ko. "Grabe ka naman sa torrid! Ano? Sabik na sabik lang?" Inirapan ko siya at naiiling pa sa mga pinag iisip niya. "Ginawa n'yo na ba 'yon habang hindi n'yo ako kasama?" tanong niyang nagpa-puppy eyes pa. "Ano namang akala mo sa 'kin?" nakangusong sagot ko sabay bato ng tissue sa mukha niya. But on the other side of me, napapaisip rin ako. Sa tatlong taon naming relasyon kailan nga ba ako nahalikan sa labi ni Nicko? Sa natatandaan ko isang beses lang iyon at smack pa. Tubong Quezon Province kami, doon ako lumaki at nag-aral hanggang grade six. At dahil highschool na at malayo sa amin ang eskwelahan ay balak na noon ni mama na paghintuin muna ako sa pag aaral. Hindi kaya ni mama na pag aralin kami ng sabay ni Julius kung malayo ang magiging school ko. Sa pamasahe pa lang kulang na. Hindi sapat ang kita ni mama sa paglalabada para sa pag aaral naming magkapatid at gastusin sa bahay. Kaya naman ng alukin ako ni Tita Suzy na mag-aral sa Maynila ay pumayag agad ako. Gustong-gusto ko kasi talagang mag-aral at makatapos para matulungan ko si mama. Pareho kaming marunong sa gawaing bahay ni Sabrina kaya kahit kaming dalawa lang dito sa bahay nila ay walang problema. Bata pa lang ay sinanay na kami sa mga gawaing bahay. Aalis kasi ulit patungo sa Dubai si tita at walang kasama si Sabrina kaya dinala niya ako dito sa syudad. Sa school na pinasukan namin ay doon namin nakilala sina Carmina at Kristha. Boyfriend na ni Carmina noon si Rocky kaya madalas na sumasama si Rocky sa amin pati si Nicko. Kalaunan ay naging tropa-tropa nila si Jared at naging kaibigan namin si Monnette na noon ay bestfriend pa lang ni Jared. Nakikita ko na rin noon pa si Micko pero hindi siya sumasama sa amin. Wala rin akong nakikitang kaibigan nito sa school palagi lang itong mag isa. Samantalang si Nicko ay madalas na ring sumama sama sa amin dahil kay Kristha na pinsan niya. Noon pa man ay alam kong hindi magkasundo sina Micko at Nicko sa hindi ko malamang dahilan. At wala rin ako sa posisyon para magtanong. At dahil sa kadaldalan ni Sabrina ay napakwento niya si Kristha na pinsan ng dalawa. Sabi ni Kristha ay lumaki sina Micko at Nicko na magkahiwalay. Nakakagulat rin dahil kambal pala sila. Super pecundation daw ang tawag doon sa kaso nila. Kambal na magkaiba ang mga ama. Lumaki si Micko sa totoong tatay nito at si Nicko naman lumaki kasama ng mommy at totoong daddy niya. Namatay na ang tatay ni Micko at hindi rin siya tanggap ng legal na pamilya ng ama kaya kinuha ulit siya ng biological mom niya. "Crush kita! Lorren Ramos!" sigaw ni Nicko habang nakatayo sa may flag pole. "Gusto kitang ligawan!" Halos itago ko ang aking mukha nang tumingin sa akin lahat ng mga estudyante. They played truth or dare that time at natapat sa kanya ang bote. He choose dare kaya inutusan siya ni Jared na tumayo sa flag pole at isigaw ang pangalan ng crush niya. Simula noon ay lagi na kaming tinutukso ng lahat. At dahil hindi naman big deal iyon sa akin hindi ko na lang rin pinapansin. And besides hindi ko siya gusto, nakikisakay na lang rin ako para hindi siya mapahiya. Hanggang sa dumating ang intrams at nagkaroon ng pustahan. Kapag nanalo ang team nila Nicko sa first game pa lang ay papayagan ko ng manligaw siya sa akin. To be honest, Nicko is not a boyfriend material for me. Kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya at hindi na hihigit pa doon. "Paano ba 'yan, Lorren?" nakangising ani Kristha. "Papayag ka ng ligawan ng pinsan ko?" Pero kalahating taon pa rin ng grade eight ang pinalagpas ko bago ako pumayag sa gusto nila. Pressured rin ako dahil sa patuloy na pangungulit ng mga kaibigan namin sa pustahang iyon. Even Sabrina pushing me to do it. Kaya naman pinayagan ko na ring manligaw si Nicko noon sa akin. I am not happy with my decision noong sagutin ko si Nicko last month of our grade eight years. Napilitan lang talaga ako sa pustahang iyon. Hindi ko siya gusto at kung hindi lang sa pressured na hatid ng mga friends namin hindi ko talaga siya papayagang manligaw at maging boyfriend ko. Until one day, the mystery letter came. Kasabay iyon noong sagutin ko si Nicko. Tandang-tanda ko pa ang tulang unang natanggap ko, sobrang lungkot ng tulang iyon. At aaminin ko, mas masaya at magaan ang pakiramdam ko sa tuwing nababasa ko ang mga tulang ibinibigay ng kung sino sa akin. Mas nakakapagtaka pa dahil kapag malungkot ako, malungkot rin ang tulang nababasa ko. Kapag masaya ako, iyon rin ang laman ng tulang ibinibigay niya sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

WHAT IF IT'S ME

read
69.0K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

Rewrite The Stars

read
98.0K
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
249.8K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook