CHAPTER 18

1487 Words
Maaga kaming natapos sa hapunan at nagpaalam na rin sina mama at Tita Olivia na mauuna sa kwarto namin sa hotel. Sumama na sa kanila si Monnette na bigla na namang nawala sa mood dahil kay Jared at hindi naman namin alam kung ano ang dahilan. "Oh! Saan ang punta n'yo?" Harang ni Sabrina kina Rocky at Carmina nang tumayo si Rocky kasama ni Carmina. "Maglilibot," ani Rocky. "Kayo lang?" taas kilay na tanong ni Sabrina. "Oo. Bakit?" ani Rocky pa na napalingon kay Carmina. "Aba! Eh, sasama kami ni Kristha! 'Di ba?" Baling pa ni Sabrina sa walang kamalay malay na si Kristha dahil busy sa hawak na cellphone. "Ang alin?" kunut noong tanong ni Kristha nang makitang lahat kami ay nakatingin sa kanya. Nagkatitigan sila ni Sabrina at wala sa sariling tumangu tango ito. "See?" nakangising sabi pa nito. "Let's go!" Naiiling na sumunod sina Carmina at Rocky sa pinsan kong kikembot kembot pa habang naglalakad. "Teka! Hintayin n'yo 'ko!" Habol naman ni Kristha sa mga ito. Naging tahimik ang paligid namin ng kaming tatlo na lang ang maiwan dito sa cottage. "Bro, pwede ba tayong pumunta do'n?" tanong ni Nicko sabay turo sa isang cottage na malayo sa amin. "Nicko, mahamog na," marahang saway ko sa kanya. "May gusto lang akong makita do'n. Saglit lang naman," ani Nicko na nagpapalit palit pa ang tingin sa aming dalawa ni Micko. Bumuntong hininga si Micko saka marahang tumango. "Saglit lang tayo, ha? Baka bumaba si mommy at hanapin tayo." Tulak tulak ni Micko ang wheelchair ng kakambal habang nakasunod naman ako sa kanilang likuran. Bukas ay uuwi na rin kami at magsi-stay pa sila sa amin ng ilang araw. Balak namin ni Sabrina na ipasyal sila bago matapos ang ilsng araw nilang bakasyon dito sa probinsya namin. Inilibot ko ang aking mga mata sa loob ng cottage na pinasukan namin. Napuno iyon ng mga bulaklak at makukulay na ilaw. May maliit na mesa sa gitna na mayroon ding bulaklak na nakalagay sa vase. "Come here, Lorren," tawag ni Nicko sa akin na naroon na sa tabi ng mesa kasama si Micko. Humakbang ako papasok sa loob kahit nagtataka. Muli ko pang pinasadahan ang buong paligid. "Six years ago, nakilala ko ang babaeng masasabi kong na love at first sight ako." Napalingon ako kay Nicko habang kunut ang noo. Ngunit nginitian lang ako nito. "Sabi ko sa sarili ko. I think she's the one! Ipinagsigawan ko sa buong school na crush ko s'ya at gusto ko siyang ligawan. I know from the start that she was not ready for having a relationship. I know that she loves me as a friend but I tried my best." Naguguluhan man ako kung bakit niya sinasabi ang mga iyon ay nanatili lang akong tahimik. "Until me and my family found out that I have a cancer. Naging mahirap sa part ko na tanggapin ang lahat. Unang pumasok sa isip ko na mamamatay na ako. Na wala ng pag asang natitira para sa akin, kaya naging malaki ang pagbabago ko. Dumating sa point na pati mga tao sa paligid ko nasasaktan at nababalewala ko na." Tumingin ako kay Micko at seryoso lang rin siya habang nakatayo sa likod ng wheelchair ni Nicko at nakikinig. "Habang nasasaktan at nababalewala ko ang babaeng mahal ko, may isang taong umalalay at sumubaybay sa kanya. Sa lungkot man o saya, kasama n'ya ang babaeng mahal ko ng lihim. No'ng una nagalit ako, dahil feeling ko inaagaw niya ang babaeng mahal ko behind my back. Iyong pakiramdam na lahat na lang inaagaw n'ya. Pero, na-realized ko rin kalaunan na parang isang blessings in desguised iyon para kapag nawala na ako dito sa mundo. Alam kong may magmamahal at mag aalaga pa rin sa babaeng minahal ko ng anim na taon." Tumulo isa isa ang mga luha ko. Ang sakit sakit ng puso ko dahil pakiramdam ko namamaalam na si Nicko sa mga sinasabi niya. At ang sakit sakit dahil ako pa rin... Ako pa rin ang iniisip niya... Napaawang ang bibig ko nang makita ang stationary paper na kinuha ni Nicko sa ibabaw ng mesa na hindi ko naman napansin kanina. "Ikaw?" mahinang usal ko habang hilam sa luha. Nakangiting umiling si Nicko sa akin sabay baling kay Micko sa kanyang likuran. Biglang tumibok ng malakas ang puso ko. Parang gustong lumabas noon sa loob ng dibdib ko. Nag angat ng tingin si Micko at sinalubong ang luhaang mga mata ko. "I am your mystery man, Lorren." Para bang tumigil bigla ang mundo ko. May hinala na ako noon pero iba pa rin talaga ang hatid sa akin ngayong harap harapan niyang inamin. "Masaya na akong aalis kasi alam kong maiiwan sa mabuting tao ang babaeng mahal ko." "Nicko..." nanginginig ang boses na saway ko sa kanya. "Halika," tawag niya sa akin para lumapit pa sa kanya. Kahit nanginginig ang mga paa ko dahil sa halu halong emosyong nararamdaman ko ay nagawa ko pa ring ihakbang ang mga paa ko palapit sa kanya. "Pwede bang humingi ng pabor?" seryosong tanong niya sa akin habang hawak ang isang kamay ko. "A-ano?" "Pwede bang alagaan mo si mommy at mahalin kagaya ng kung paano mo mahalin at alagaan si Tita Celly? Pwede bang alagaan at mahalin mo rin si Micko para sa akin?" Napaangat ang tingin ko kay Micko at naramdaman ko na naman ang malakas na pintig ng puso ko. At dahil hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya ay ibinalik kong muli ang aking tingin kay Nicko. "Can you do that for me, Lorren?" "Oo! Promise!" ani ko pa at itinaas pa ang isang kamay ko. "Thank you!" nakangiting tugon ni Nicko at pinisil ang kamay kong hawak niya. "I want you to be happy, Lorren. At pinapalaya na kita. Malaya ka ng magmahal kung sino man ang gusto mong mahalin. At mas magiging masaya ako kung si Micko ang maswerteng lalaking 'yon." Malalim na ang gabi pero gising na gising pa rin ako. Hindi pa rin ako maka move on sa nangyari kanina. Narito ako sa balkonahe ng kwarto namin at nagpapahangin ng makita kong may lumabas rin sa balkonahe ng kwarto nina Nicko na katabi lang rin namin. "Kape?" alok ni Micko sa akin habang nakalahad ang tasa ng kape. Tahimik kong kinuha iyon at bahagyang uminit ang pakiramdam ko ng masayaran ng mainit na kape ang lalamunan ko. "Hindi ka rin ba makatulog?" untag niya sa pananahimik ko. "Oo," tipid kong sagot. "Matagal ng alam ni Nicko na ako ang mystery man mo," aniyang sa malawak at madilim na dagat sa harap namin nakatanaw. "No'ng binugbog niya ako sa school iyon ang araw na nalaman niya dahil nakita niya ang stationary papers ko sa kwarto. Itinanggi ko no'ng una, pero hindi ko maitatanggi na mahilig ako sa mga libro at tula. Nahuli rin niya ako kalaunan," kwento niya. "Bakit mo ba kasi kailangang gawin pa 'yon? Pwede mo naman akong kausapin. Pwede mo naman akong maging kaibigan?" "Ayaw ko kasing dagdagan pa ang frustrations ni Nicko. Alam ko ang pakiramdam na inaagawan," natawa pa siya ng mapait. "What do you mean?" "Naramdaman ko na iyon sa daddy ko. Lahat ng atensyon at pagmamahal inagaw ng mga half siblings ko at wala silang itinira sa akin hanggang sa mawala ang daddy ko, hindi ko man lang naramdamang mahal niya ako at mahalaga ako sa kanya." Nakaramdam ako ng awa. Para sa kanya at para kay Nicko. Ganoon rin ang pakiramdam ni Nicko noon. Iyong pakiramdam niya na inagaw na ni Micko ang lahat sa kanya. "Until one day, he talked to me. Man to man. Sinabi niya sa akin lahat ng hinanakit niya. Lahat ng sama ng loob niya towards me. And then he asked me... tanong na no'ng una ayaw kong sagutin dahil alam kong masasaktan ko s'ya." "Tanong na ano?" "Kung gusto ba kita?" Nang sabihin niya iyon ay sinalubong niya ang mga tingin ko. Kumabog ng mabilis at malakas ang puso ko. Kinakabahan ako sa sagot na maririnig mula sa kanya. Sa kabilang banda, umaasa akong sana ay pareho kami ng nararamdaman. Ilang segundo akong naghintay ng sagot mula sa sarili niyang tanong ngunit hindi na siya muling nagsalita pa. Seryoso lang siyang nakatanaw sa malawak na dagat habang sumisimsim sa tasa ng kapeng kanyang hawak. "Lorren..." Napalingon ako sa loob ng kwarto nang marinig ang boses ni mama. "Good night, Lorren..." Pumasok na si Micko sa loob at naiwan akong nakatulala. Gusto ko sana siyang tawagin dahil gusto kong malaman ang sagot niya sa tanong ni Nicko sa kanya. Pero naisip ko rin sa huli na parang maling moves iyon. Ayaw kong isipin niya na masyado akong assuming. Na baka isipin niyang umaasa akong gusto rin niya ako. Muli akong tinawag ni mama kaya pumasok na rin ako sa loob para matulog. Kung makakatulog nga ba ako dahil nadagdagan na naman ang isipin ko. Gusto rin kaya niya ako?...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD