CHAPTER 19

1755 Words
Dahil last day na namin dito sa Infanta ay maaga kaming nagising lahat para salubungin ang sun rise. Nakalublob na ang mga kaibigan namin sa tubig at nagkakasiyahan habang sina mama at tita naman ay busy sa pag aayos ng agahan namin. "Ang sarap talaga gumising kung ganito kaganda ang makikita mo," ani Nicko habang nakahilig ang ulo sa balikat ko. Narito pa rin kaming dalawa at nakaupo sa tabing dagat. Maganda para kay Nicko ang sikat ng araw sa umaga kaya hindi muna kami umalis doon. "Babalik tayo ulit dito sa susunod," nakangiting saad ko. "May susunod pa ba?" malungkot na tanong niya sa akin. "Nicko..." Bumuntong hininga siya at hinawakan ang palad ko. "Alam mo, sa tuwing hawak ko ang mga kamay mo gumagaan lagi ang pakiramdam ko." Tahimik akong tumingin sa dagat at hinayaan lang na hawakan ni Nicko ang aking kamay. "Kung bibigyan ulit ako ng pagkakataon na mabuhay at tatanungin ako ng Diyos kung sino ang mga gusto kong makasama. Kayong lahat ulit ang pipiliin ko." "Kasama ako?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Oo naman. At sana sa panahong iyon, bigyan ako ng Diyos ng mahabang buhay para makasama ka. At sana sa panahong iyon, magkaroon na ng happy ending ang love story nating dalawa." "Sana nga..." mahinang usal ko. Sana nga... Para kahit doon man lang makabawi ako sa kanya. Para doon man lang maranasan niyang sumaya. Mahal ko naman si Nicko, eh. Pero hindi bilang karelasyon. Mahal ko siya at ayaw ko siyang mawala. Pero kung hanggang dito na lang talaga, hindi ko na pipigilan ang tadhana. Ayaw ko rin siyang nahihirapan kaya maluwag kong tatanggapin kung ano man ang mga mangyayari. Ilang linggo na lang ba? O, araw na lang yata ang natitira? Gusto kong masaya siyang aalis. Masaya na kami ang kasama. "I love you, Lorren..." Matunog akong natawa dahil hindi ko kayang sagutin ang sinabi niyang iyon. Gusto kong tumugon ngunit tumutol ang isipan ko dahil alam ko na alam ni Nicko na magsisinungaling lang ako sa kanya, lalo na sa aking sarili kapag sinagot ko iyon. Bumitaw na lang ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko at saka ko hinaplos ang kanyang pisngi. "Pasensya ka na kung hindi ko masuklian-" "Shhh..." Pagpapatahimik niya sa akin. "I want you to be happy. Be happy, Lorren. I will always be here. Forever...." Ngumiti ako habang sa dagat pa rin ang tanaw at haplos ang kanyang pisngi. Narinig ko siyang huminga ng malalim at hindi na muling umimik pa. "Mainit na sa balat ang sikat ng araw. Tara na sa cottage?" untag ko maya maya sa tahimik ng si Nicko. Hindi siya sumagot ni gumalaw man lang kaya sinilip ko ang mukha niya. "Nicko, let's go?" ani kong muli dahil nakatanaw lang siya sa malawak na dagat. Nasundan ko ng tingin ang kamay niyang bumagsak. Doon na ako kinabahan. "N-Nicko?" nanginginig ang boses na tawag kong muli sa kanyang pangalan. Muli kong sinilip ang kanyang mukha at nag unahan na lang sa pagpatak ang mga luha ko dahil hindi man lang nag iba ang ayos niya kanina. Nakatanaw sa malawak na dagat habang may ngiti sa kanyang mga labi. Wala na si Nicko... Wala na ang kaibigan ko... "Nicko..." humahagulgol kong sambit sa pangalan niya habang yakap yakap ko siya. Marahan ko ring isinara ang kanyang mga mata. "Nicko!" Tumigil sa pagtatampisaw ang mga kaibigan ko nang marinig ang umiiyak kong boses. Naunang tumakbo palapit sa akin si Micko. "Nicko! Nicko!" tawag niya sa kakambal habang tinatapik tapik ang pisngi nito. "Nicko! No! Please! Nicko!" umiiyak na sigaw ni Micko at niyakap na nang mahigpit ang kakambal na wala ng buhay. Tumatakbong lumapit sa amin sina mama at Tita Olivia dahil nagkakagulo na ang mga kaibigan namin. "Mom!" sigaw ni Micko nang tumabi si Tita Olivia sa kanya. "Nicko... Anak..." marahang tawag ni Tita Olivia. "Anak ko..." Parang pinipiga sa sobrang sakit ang puso ko habang nakikita ko si Tita Olivia na yakap yakap si Nicko habang pumapalahaw. Nag iiyakan na rin ang mga kaibigan ko habang nakatunghay rin kay Nicko. "Ma!" Yumakap ako kay mama at sa dibdib niya humagulgol. Hindi nagsalita si mama at hinagod lang ang aking likod. Ang masaya sanang pagtatapos ng outing namin ay napuno ng lungkot. Babalik kaming lahat na may kulang na. Imbes na sa bahay ay sa hospital kami dumiretso. Sakay ng ambulansya sina Tita Olivia at Micko habang narito naman kaming lahat sa van. Maya maya ay inilabas rin sa emergency room si Nicko at ililipat na raw sa morgue. "Mang Lauro, ikaw na ang bahala sa mga bata pauwi," habilin ni Tita Olivia sa kanilang driver. "Sige po, ma'am," tumatangong tugon nito. "Susunduin ko po ba kayo ulit?" "Hindi na." Malungkot kaming naghiwa hiwalay lahat matapos ang araw na iyon. Dahil wala namang ibang hinihintay ay limang araw lang ang itinagal ng burol ni Nicko. Dumagsa ang mga kaklase at schoolmates namin para makiramay. Dumating rin ang ibang mga school teachers namin. "Micko, mauuna na kami sa bahay. Kailangan na ni tita na magpahinga," tawag pansin ni Kristha sa tahimik na si Micko. Nakatayo lang si Micko sa harap ng puntod ng kanyang kakambal. Tahimik habang nakalagay sa magkabilang bulsa ng suot na pantalon ang mga kamay. "Sige, susunod na rin ko maya maya," nanghihinang sagot ni Micko. "Ako na muna ang bahala sa kanya, Kris," ani ko kay Kristha na bakas ang pag aalala. "Sumunod agad kayo, ha." Tumango lang ako kaya agad rin siyang tumalikod at umalis. Naupo ako sa bermuda grass sa tabi ng puntod ni Nicko at hinayaan ko lang si Micko sa pananahimik nito. "Nicko asked me if I like you that day? At first, I was hesitant to answered it. Because I know, I will hurt him badly." Naupo siya sa tabi ko at mapait na napangiti habang nakatingin sa lapida ng kanyang kakambal. "Grade seven pa lang tayo gusto na kita," pag amin niya. "Pero naduwag akong umamin dahil gusto ka rin ni Nicko. Kaagaw sa lahat ng bagay ang tingin niya sa akin. Kaya nagkasya na lang ako sa lihim na pagbibigay sa 'yo ng mga sulat." Sa mga narinig ko mula kay Micko ngayon, hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat kong maramdaman. May bahagi ng puso ko na natutuwa dahil gusto rin niya ako. May bahagi rin na nalulungkot o mas tamang sabihing nanghihinayang dahil umpisa pa lang inilayo na niya ang kanyang sarili sa akin para magpaubaya sa feelings ng kakambal niya. "I know, napilitan ka lang na sagutin si Nicko noon dahil sa mga panunukso nila. And I know from the start kung ano talaga ang priority mo sa buhay. Kaya naisip ko na itago na lang ang kung ano mang nararamdaman ko para sa 'yo." Nitong mga nakaraan nakalimutan ko na ang goal ko sa buhay. Ang kaalamang pareho kaming dalawa ng nararamdaman ay labis na nagpasaya sa akin. At ngayong binanggit niya ang tungkol sa mga priorities ko, para akong nagising sa reyalidad. Bata pa ako para sa seryosong pag ibig. Gusto ko pang abutin ang mga pangarap ko. At magagawa ko lang iyon kung mag-fo-focus ako sa buhay at pag aaral ko. "Mga bata pa naman tayo. Malay mo infatuations lang 'yang nararamdaman mo," natawa pa ako ng kaunti sa aking sinabi. Maging siya ay natawa at napailing pa. "Infatuations?" aniya pa. "Six years? Really?" "Marami pang mangyayari sa mga buhay natin, Micko. Hindi natin hawak ang ating kapalaran." Bumuntong hininga siya at may kung anong kinukuha sa kanyang bulsa. Nasundan ko ng tingin ang kwintas na hawak niya ng lumantad iyon sa harapan ko. "Hiniling ni Nicko na ibigay ko ito sa 'yo no'ng gabing umamin ako na ako ang mystery man mo," sabi niya habang nakatitig sa kwintas na kanyang hawak. "Pero hindi ko nagawang ibigay dahil baka hindi tayo pareho ng feelings at mapahiya lang ako." Para akong naestatwa sa aking kinauupuan nang lumuhod siya sa harap ko at ilagay sa aking leeg ang kwintas na iyon. Ngumiti siya sa akin ng bumalik sa pagkakaupo sa tabi ko. Habang ako ay hindi pa rin makapaniwalang nahawakan na lang ang pendat ng kwintas na ngayon ay nasa leeg ko na. "Teka! Ito 'yong..." Muli ay napangiti siya sa akin at tumango. "Binili ko talaga 'yan para sa 'yo." "Bakit?" naguguluhang tanong ko. "Isa sa mga hiling ni Nicko sa akin na patuloy kang mahalin." Napanganga ako sa aking narinig. "Alam ko na marami ka pang pangarap sa buhay. Marami kang gustong gawin at marating. Mahal kita, Lorren, pero ayaw ko na maging hadlang ang nararamdaman ko para sa 'yo para mawala ang focus mo sa mga goals mo." Hindi ko alam kung saan patungo ang mga sinasabi niya kaya nakinig lang ako. "Take that ring as a promise ring. Tutuparin ko ang pangako ko kay Nicko, Lorren. Hihintayin kita kahit gaano pa katagal." Parang sinugod ng libo libong paru paro ang puso ko. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Micko ngayon sa harapan ko. "Sa harap ng puntod ni Nicko. Nangangako ako na hihintayin kita. Ngangangako ako na mamahalin kita. Kahit gaano katagal pa." Isa isang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Nag uumapaw ang saya sa puso ko. "Micko..." "Tuparin mo ang mga pangarap mo. Tutuparin ko rin ang sa akin. Susuportahan kita sa mga iyon kahit nasa malayo ako," aniya habang haplos ang aking magkabilang pisngi. "Malayo?" "Babalik kami ng Amerika. Gusto ni mommy na makalimot sa lahat ng sakit na nangyari." "Hindi na tayo magkikita?" tanong kong biglang nakaramdam ng kirot. "Magkikita pa rin tayo, Lorren. Babalik ako, babalikan kita," sabi niya sabay yakap ng mahigpit sa akin. Inihatid ako ni Micko pauwi sa bahay matapos ng pag uusap naming iyon. At sa buong byahe ay tahimik lang ako dahil sa sari saring emosyon na meron sa puso ko. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan ng makarating sa tapat ng gate namin. "Micko..." Nahinto siya sa pagbukas ng pintuan ng tawagin ko ang kanyang pangalan. "Mahal kita!" Pinahid ko ang mga luhang tumulo na naman sa magkabilang pisngi ko. Lalo akong napaiyak dahil nakatulala lang siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan. Nanlaki na lang ang aking mga mata nang inilang hakbang niya ang pagitan namin at saka ako hinalikan sa aking labi. "I love you..." Iyon na huli naming pagkikita ni Micko. At ipinangako ko rin sa aking sarili na maghihintay ako. Hihintayin ko siya kahit gaano katagal pa, katulad rin ng ipinangako niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD