CHAPTER 20

1142 Words
Nanlaki ang aking mga mata sa gulat ng sunggaban ako bigla ni Sabrina nang makapasok ako sa loob ng bahay. Nagtitili pa ito habang yakap yakap pa rin ako. "Ano ba ang nangyari sa 'yo?" naguguluhang tanong ko sabay kalas sa kanyang mga brasong nasa leeg ko. "Kayo na ba? Kayo na?" nakangiti at excited na tanong niya sa akin. "Ano'ng kayo na? Gutom ka ba? Nalipasan ka ba?" nagtataka pa ring usisa ko sa kanya. "Pwede ba! 'Wag kang ano d'yan!" Pinandilatan pa ako ng kanyang mga mata. "I heard you!" Dinuro pa ako. "You said that you loved him. I saw with my own two eyes! Micko kissed you, and he said I love you!" tumili pa ito nang sabihin ang huling salita. Simula ng gabing ihatid ako ni Micko at magkaaminan kami ng mga tunay naming nararamdaman sa isa't isa ay walang oras at araw na hindi kami nag uusap at magkasama. Buong akala ko nga ay iyon na ang huli naming pagkikita. Kapag nakapag- fourty days na daw si Nicko ay saka sila lilipad papuntang U.S. Sinusulit namin ni Micko ang mga araw na narito s'ya. Dinadalaw namin ng sabay si Nicko. Mamamasyal sa kung saan hanggang sa abutin ng dilim. Palagi rin naming dinadalhan ng pagkain sina Tristan. Nakilala rin namin ang mama nila ng minsang hatiran namin sila ng pagkain sa bahay na tinitirhan nila. Ilang linggo lang kaming magkasama pero parang sobrang tagal na noon para sa akin. Mas nakilala ko kung sino talaga si Micko. Hindi naman sila nagkakalayo ni Nicko, ngunit may mga bagay at ugali rin silang magkaiba. Hanggang sa dumating ang araw ng kanilang pag alis papuntang U.S. Kompleto kaming lahat para ihatid sina Tita Olivia sa airport. Kanina ay tumawag lang si mama para magpaalam kay tita dahil hindi siya nakaluwas. "Okay ka lang?" maya maya ay tanong ni Micko na nasa aking tabi. Tumango ako at ngumiti. "Oo naman!" Pilit kong pinasigla ang aking boses kahit na nga ang totoo ay talagang malungkot ako sa pag alis nila. "Mag iingat ka dito, ha," aniyang napayuko dahil bakas rin ang lungkot sa kanyang mga mata. "Kapag nasa L. A na ako, hindi muna kita iistorbohin-" "Ano'ng ibig mong sabihin?" kunut noong tanong ko dahil naguluhan ako bigla sa sinabi niya. Parang may kumirot bigla sa isang bahagi ng puso ko. Para bang alam ko na ang ibig niyang ipahiwatig. "Gusto kong maging piloto. Pangarap ko iyon bata pa lang ako. Gusto ko ring mag-focus sa pag aaral at mga pangarap ko katulad mo. Ayaw kong guluhin ang utak mo habang busy ka sa pag abot ng mga pangarap mo sa buhay. Kaya puputulin ko muna ang ano mang kumunikasyon nating dalawa. Pero hindi ibig sabihin no'n na kakalimutan na kita. Palagi kang nandito, Lorren." Napatingin ako sa kanang dibdib ni Micko ng dumapo roon ang kanyang kamay. "Babalik ako, Lorren. Babalikan kita..." Sa paglipas ng panahon ay wala kaming naging communications ni Micko sa isa't isa kagaya ng sinabi niya. Mahirap man ay tiniis ko iyon lahat. Iniisip ko na para rin iyon sa future ko. Para kina mama at Julius ang lahat ng pagsisikap kong ito. Iyon naman talaga ang goal ko sa umpisa pa lang. Hindi rin naman ako fan ng mga social media site at nagagamit ko lang ang cellphone ko sa tuwing tatawag si mama at kapag may mga research akong dapat gawin. O, 'di naman kaya ay tawagan at i-text ni Sabrina kapag late itong umuuwi. Dito sa bahay ay madalang na rin kaming magtagpo ni Sabrina dahil magkaiba na kami ng university na pinapasukan. Nagpa-part time job na rin ako sa isang cake shop malapit sa university na pinapasukan ko pandagdag sa gastusin. Ayaw ko namang iasa lahat ng gastusin kay Tita Suzy dahil college na kaming pareho ni Sabrina. Pinapadalhan rin naman ako ni mama ng allowance at hindi rin naman ako magastos kaya nakakaipon ipon rin naman ako kahit paano. Dumaan ang isa, dalawa, tatlong taon sa buhay ko. Mga taon na mahirap dahil may parte ng buhay ko ang kulang. Nakikibalita na lang rin ako minsan kay Sabrina tungkol sa mga kaganapan sa buhay ng mga kaibigan ko dahil nga wala na akong time para magbuklat buklat ng mga applications sa cellphone ko. Huling taon ko na ito at last year lang ay nakapag OJT na rin ako. May sigurado na rin akong papasukang trabaho kapag naka-graduate na ako. Habang nagbibihis at nakaharap sa salamin ay nasagi ng aking daliri ang kwintas na nasa aking leeg. Napangiti ako habang tinitingnan iyon sa harap ng salamin. Ang kwintas na ito ang nag iisang alaala ni Micko sa akin. Ang kwintas na ito ang nagpapatatag at nagpapatibay ng damdaming meron ako para sa kanya. "Kumusta ka na kaya? Sana lagi kang nasa maayos. Miss na kita." Napalitan ng lungkot at mapait na ngiti ang matamis kong ngiti kani-kanina lang. Napabuntong hininga na lang ako sabay iling. Ipinagpatuloy ko na rin ang pagbibihis para makaalis na. Nag iwan lang ako ng note na inipit ko sa harapan ng refrigirator para madaling makita ni Sabrina pag uwi niya mamaya. Pagkatapos ng maghapong klase ay dito naman ang diretso ko sa cake shop. Seven o'clock ng gabi hanggang ten o'clock ang duty ko. "Thank you," nakangiting sabi ko sa isang costumer naming babae na bumili ng dalawang ube cake roll matapos kong ibigay ang resibo. "Lorren, mag- audit ka na. Ten minutes na lang at out mo na," ani Miss Odette nang madatnan ako. Si Miss Odette ang may ari nitong cake shop na pinapasukan ko. Sa restaurant rin nila ako nag-OJT last year. Siya rin ang nag alok sa akin ng trabaho kapag naka-graduate na ako. Mababait rin ang mga katrabaho ko. Halos lahat nga kami dito ay part timer. At maswerte kami dahil isang tulad ni Miss Odette ang naging boss namin. Habang sakay ng bus pauwi ay napatingin ako sa magkasintahang pumara sa bus na sinasakyan ko. Masayang nagku kwentuhan ang dalawa habang yakap yakap ng babae ang teddy bear na kulay krema. Naalala ko ang teddy bear na bigay sa akin ni Micko. Kapag nalulungkot ako ay niyayakap ko iyon at kinakausap na para bang si Micko na rin ang kaharap ko. Miss na miss ko na s'ya at nagkakasya na lang ako sa pagtingin sa mga bagay na bigay niya sa akin. Tinupad niya ang kanyang sinabi na hindi niya ako guguluhin habang nag aaral. Alam ko ring nag aaral rin siyang mabuti katulad ko. Nangako naman siyang babalik... Babalikan niya ako... Tatlong taon pa lang naman ang dumadaan. Kaya kong maghintay kahit gaano pa katagal. Napahawak na lang ako sa singsing na nagsilbing pendat sa kwintas na nasa aking leeg. Sumilay ang ngiti sa aking labi nang lumitaw ang imahe ng nakangiting si Micko sa isipan ko. "Maghihintay ako, Micko..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD