CHAPTER 21

1219 Words
"Ang laki naman ng ngiti ng dalaga ko!" Mahina akong natawa sabay yakap kay mama na nasa aking tabi. Sabay naming pinasadahan ng tingin ang diploma kong kakasabit ko lang sa dingding. Hindi ako makapaniwalang graduate na ako. Sobrang saya ko pa rin kahit wala akong awards o kahit anong karangalang nakuha. Ang importante sa akin ay nakapagtapos ako at may trabaho pa na naghihintay sa akin. Umuwi ako ng probinsya kasama si mama pagkatapos ng graduation ko para makapagpahinga naman daw ako. Hindi na sumama si Sabrina dahil marami daw siyang kailangang tapusin. Hindi ako nag aalala na iwan mag isa ang pinsan ko sa syudad. Kilala ko si Sab at hindi gagawa ng kahit na anong kalokohan ang isang iyon kapag wala ako. Tutok na rin siya ngayon sa pag aaral dahil ilang buwan na lang rin ay magtatapos na rin siya. Excited na rin si Sabrina dahil iyon lang daw ang tanging maibibigay niya kay Tita Suzy. Ang makatapos ng pag aaral at makapagtrabaho lang daw ang maisusukli niya sa lahat paghihirap ni tita sa ibang bansa. Hindi lang naman si mama ang inspirasyon ko sa buhay kundi maging si Tita Suzy rin. Silang dalawa ang larawan ng matatag na babae. Dahil kahit pareho silang nawalan ng makakatuwang sa buhay ay kinaya pa rin nila. "Kailan ka naman magsisimula sa trabaho?" tanong ni mama sa akin matapos maglapag ng meryenda sa harap ko. Nilagang saging na ang sawsawan ay bagoong na isda at pinatakan ng kalamansi. Natakam agad ako sa pagkaing nasa harapan ko. Masarap talaga dito sa probinsya. Bukod sa sariwang hangin, fresh pa ang mga pagkain lalo na ang gulay at prutas. "Next week po pagbalik ko papasok na po ako," ani ko habang ngumunguya pa. "Sobrang saya ko para sa 'yo, anak," naluluhang ani mama. "Natupad mo na ang pangarap mo na makapagtapos at maging pastry chef. Kung narito lang ang papa mo, tiyak na proud na proud 'yon sa 'yo." "Kung nasaan man po si papa ngayon alam ko na masayang masaya s'ya. Konting panahon na lang rin at makakaraos na rin si Julius. Magkakatrabaho na kaming pareho at pwede ka ng magpahinga sa paglalabada mo." Ngayong abot kamay ko na ang mga pangarap ko, ang gagawin ko naman ay mag ipon. Mag iipon ako para sa sarili kong negosyo. Pagbalik na pagbalik ko nga ng Maynila ay sumabak na ulit ako sa trabaho. Kung dati ay sa harap ako ng kaha nakatoka. Ngayon ay katu-katulong na ako ni Miss Odette sa paggawa ng mga desserts. Mas lalo akong nahasa sa paggawa ng cakes at kung ano-ano pang sweets dahil magaling at mabusisi talaga si Miss Odette sa pagtuturo sa akin. Lagi niyang sinasabi na nakikita niya ang kanyang sarili sa akin noong nag uumpisa lang daw siya. At kapag nagsikap at nagseryoso daw ako sa larangang napili ko ay tiyak na aasenso daw ako. Kaya naman kapag day off ko sa trabaho ay gumagawa ako ng mga cupcakes at polvoron na si Miss Odette mismo ang nagturo ng recipes sa akin at dinadala naman ni Sab sa school para ipa-order sa mga kaibigan at kakilala niya. "Kumusta ang pag aaral?" ani ko habang naghahain ng hapunan. "Ayos naman. Medyo maluwag luwag na dahil graduation na namin. Ito nga pala 'yong kinita ng cupcakes mo," aniyang inilapag ang pera sa ibabaw ng lamesa. "Sabi ng prof ko kukuha daw ulit s'ya ng dalawang box ng cupcakes next week pang regalo yata n'ya. Tapos may orders ka rin ng thirty boxes ng polvoron then fifty boxes ng cupcakes. Sa araw ng graduation ang deliver no'n. Ano kaya ba?" "Kayang kaya!" masiglang sagot ko at napangiti ng malapad. Na-excite ako dahil marami iyon. Pumatok ang cupcakes at polvoron ko kaya kahit mga kapitbahay namin at mga kakilala ng mga ito ay dinadayo pa ako dito sa bahay para um-order lang. Ginawan na rin ako ni Sabrina ng online page para sa paninda ko na talaga namang nakakataba ng puso dahil marami ang tumatangkilik. "Totohanan na ba talaga 'yan, miss?" malungkot kong tanong kay Miss Odette habang narito kami sa isang coffee shop. "Lumalaki na rin kasi ang anak ko, Lorren. Canadian citizen na rin naman ako at mas maganda ang opportunity na naghihintay sa akin doon," paliwanag ni Miss Odette. "Paano po ang negosyo n'yo dito?" "Naibenta na ng asawa ko ang ibang mga negosyo at properties namin. Ang Sweetness Overload naman ay mananatili pa rin dahil gagawa ako ng branch no'n sa Canada. At dahil nga magsi-stay na ako sa Canada gusto kong ikaw ang mag-manage ng cake shop habang naroon ako." "Po?!" hindi makapaniwalang bulalas ko. "Pero, Miss Odette-" Nginitian ako ni Miss Odette at hinawakan ang mga kamay ko. "Sa ilang taon mong pagtatrabaho sa akin. Nakitaan na kita ng potensyal. At mas magiging kampante ako kung isang katulad mo ang mamamahala ng negosyong pinaghirapan ko. Makakaasa ba ako, Lorren?" Hindi ako agad nakapagsalita dahil sa nag uumapaw na saya sa puso ko. Hindi ako makapaniwalang may isang katulad ni Miss Odette na magtitiwala sa akin ng ganito. Isa isa akong binati ng aking mga kasamahan sa trabaho ng sabihin ni Miss Odette ang nagpagdesisyunan niya. Ipinagkatiwala rin ni Miss Odette sa akin ang mga matatagal na niyang clients at pinagkatiwalaan rin niya ako na gamitin ang kanyang mga secret recipes na mayroon siya. At ngayong huling araw ni Miss Odette ay may humabol pang client at nagpagawa ng three layer ng cake para daw sa engagement party. Pinagawa ako ni Miss Odette ng limang flavor ng cake para pagpilian ng couple. Kabang kaba ako dahil sarili kong gawa ang mga iyon. Mas lalo akong kinabahan dahil tapos na ang taste test at tahimik lang ang couple habang nakatitig pa rin sa mga cake na nasa harapan nila. "What do you think?" ani Aryana sa nobyo nito. "Ikaw ang bahala," sagot ni Joe at matamis pang ngumiti. "I can't decide," naguguluhan pang sabi ni Aryana at pinasadahan muli ng tingin ang mga cake. Unti unti na akong kinakain ng kaba ko dahil baka hindi masarap ang cake na ginawa ko kaya hindi agad ito makapag desisyon. "Tita O, ikaw ba ang gumawa ng mga cake?" Baling nito kay Miss Odette na nakamasid lang. Napatingin muna si Miss Odette sa akin at nakangiting binalingan si Aryana. "Si Lorren ang gumawa ng mga 'yan. May problema ba?" tanong ni Miss Odette kay Aryana na bakas ang pag aalala. "Wala naman pong problema," aniya sabay iling pa. Doon pa lang ay nakahinga na ako ng maluwag. Akala ko talaga ay pangit na ang lasa ng ginawa ko. "Lahat masarap. Bago rin sa panlasa ko. Hindi tuloy ako makapag-decide kung ano ang pipiliin ko," natatawang paliwanag ni Aryana. "Ganito na lang. Dahil masarap naman lahat. Gawin n'yo na pong five layer at 'yan pong mga flavors ang ilagay n'yo. Is that okay?" suhestyon ni Joe. "Good idea!" napapalakpak pang ani Aryana. Hindi lang yata ako ang nakahinga ng maluwag kundi maging si Miss Odette rin at ilang kasama namin. Kaya naman pag alis ng couple ay kani-kanya kaming hinga ng malalim. "Alam kong magiging maayos ang takbo ng Sweetness Overload kahit wala ako. Goodluck, Lorren." Napangiti ako sabay yakap kay Miss Odette. Balang araw ay masusuklian ko rin ang mga kabutihang ibinigay niya sa akin.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD