CHAPTER 5

1560 Words
Isang linggo na lang at christmas break na kaya busy ang buong senior high dahil sa mga pinagagawa ng mga teachers. Tapos ko na ang mga gawain ko kaya marami akong oras na ginamit ko naman para tulungan si Sabrina. "Okay na ba 'to?" tanong ko ng matapos kong gawan ng designs ang gagamitin niyang cover para sa project na ginagawa para sa Filipino. "Wala ka talagang kupas! Pwede na 'yan," aniya pa at napalingon sa bukana ng cafeteria. "Sa bahay ko na itutuloy 'to. Nand'yan na 'yong mga love birds." Napalingon rin ako sa bukana ng cafeteria at papasok na nga ang apat. Nagpunta sa pila sina Jared at Rocky dumiretso naman ang dalawa dito sa lamesa namin. "Busy?" ani Monnette ng makalapit. "Si Kristha?" kunot noong tanong ni Sabrina. "Bakit wala s'ya?" "Hindi pumasok. Ewan ko do'n, sabi n'ya may emergency daw, eh," ani Carmina. "Nag-text lang 'yon kanina sa akin." "Emergency?" natitigilang usal ko. "Si Nicko? Wala rin ba?" dagdag ko pa. Napatingin pa ako kina Jared at Rocky na nagkukulitan sa pila. "I don't know. Tanungin mo 'yong dalawa," si Carmina pa sa akin. "Sila lang naman ang laging kasama ni Nicko, eh." Habang kumakain ay hindi ako mapakali. Gusto kong magtanong ngunit hindi ako makakuha ng tyempo dahil sa sweetness ng dalawang couple na ito sa harap namin ni Sabrina. Napalingon sa gawi namin ang apat ng tumikhim si Sabrina. Matamis na ngumiti si Sabrina sa kanila at muling tumikhim. "Bakit wala 'yong dalawa?" tanong ni Sabrina. "Hindi ko alam. Nag text lang si Nicko kagabi na may importante daw siyang lakad," tugon ni Jared. Napatingin naman si Sabrina kay Rocky. "I don't know," kibit balikat lang na sagot nito. Wala ring text message mula kay Nicko mula kagabi hanggang ngayon. Mabuti pa nga si Jared at nagawa nitong i-text. Nag text na rin ako kay Kristha pero wala ring sagot. Kahit na nag aaway kami hindi ko pa rin naman maiaalis ang pag aalala ko sa kanya. Alam kong may problema si Nicko at iyon ang gusto kong alamin. Ayaw lang talaga niyang mag open sa akin. Kung ni-reply-an ko lang sana ang kahit isa sa mga text niya, alam ko sana kung bakit wala siya sa school. Naunang natapos ang klase ko kay Sabrina kaya naman dumaan na lang muna ako sa library. Hihiram na lang ako ng libro na pwede kong basahin. Tambak na ang mga libro ko sa bahay pero wala pa ako sa mood basahin ang mga iyon dahil may iba akong hinahanap. "Lorren?" Napapakunot pa ang noo ng library assistant habang binabasa ang pangalan ko sa aking i.d. "Bakit po?" "Wait lang," anitong may kinukuhang kung ano sa ilalim ng desk niya. "Ito, ipinabibigay sa 'yo." Sabay abot sa akin ng libro. Nanlaki ang mga mata ko dahil iyon ang libro na dala ni Micko last time na magkita kami dito sa library. Sabi niya ipahihiram daw niya iyon sa akin. Nandito kaya siya? Baka alam niya kung bakit hindi pumasok sina Kristha at Nicko. "Miss, nasaan po 'yong nag iwan n'yan?" tanong ko habang palinga-linga sa paligid ko. "Kakalabas lang." "Sige po! Thank you po dito!" Matapos kunin ang libro at i.d ko ay tumakbo na ako palabas. Kaliwa't kanan pa ang lingon ko, nagbabakasakaling makita ko si Micko. Hanggang sa dalhin ako ng aking mga paa sa locker room. Nagkagulatan pa kami ni Micko nang magkasalubong kaming dalawa sa pintuan. Palabas na siya ng locker at papasok naman ako doon. Tumikhim lang siya at nilagpasan na ako. Nasundan ko pa siya ng tingin at tinungo ko na ang locker ko. Kabubukas ko lang ng locker ko nang mahulog ang pink na sobre mula doon. Dahan-dahan kong pinulot ang sobre at napalingon sa pintuang pinasukan ko. "Hindi naman 'to locker room ng mga boys. Ano ang ginagawa n'ya rito?" tanong ko pa sa aking sarili at napatitig sa sobreng aking hawak. "Hindi kaya-" Nanlaki pa ang mga mata ko sa aking naisip. Mabilis ang naging kilos ko at halos tumakbo na ako palabas. Kailangan kong makita si Micko. Hinihingal na ako pero hindi ko siya makita. Napatingin ako sa aking relo at uwian na nga pala. Siya namang pagtunog ng cellphone ko dahil sa tawag ni Sabrina. "Cous! Sa parking area na tayo magkita!" sabi ko at agad pinatay ang tawag. Tumakbo ulit ako papunta sa parking area, baka naroon pa si Micko. Marami akong gustong itanong at malaman. "Wait! Micko!" sigaw ko dahil papasok na siya ng kotse. "Sandali!" hinihingal pang sabi ko nang pigilan ang isang kamay niya. Nagtataka niyang isinara ang pinto ng kanyang kotse at hinarap ako. "Ano 'yon?" "Itatanong ko lang sana kung bakit wala si Kristha." "May lakad sila. Baka, next year na ang balik. 'Yon lang ba?" "Next year? Pati si Nicko?" nagtatakang tanong ko. "Yeah," tipid niyang tugon. Bakit wala yatang nabanggit si Kristha tungkol doon. Ang sabi niya kay Carmina may emergency. Saka kung umalis sina Kristha at Nicko, bakit hindi siya kasama? "Kung wala ka ng sasabihin-" "Salamat nga pala dito," ani ko sabay pakita ng librong ipinahiram niya sa akin. Saglit niyang pinakatitigan ang librong hawak ko, dumukwang siya sa bintana ng kanyang kotse at may kinuha sa loob ng kanyang bag. "Here's mine." Sabay pakita niya ng librong kapareho ng hawak ko. "Hindi ko pa 'to tapos basahin kaya hindi ko pa mapahiram sa 'yo," paliwanag pa niya sa akin. Napapahiya tuloy akong yumuko at unti-unting itinago ang libro sa aking likod. "Sorry. Akala ko kasi-" "It's okay. I have to go now," nagmamadaling aniya pa. Wala na si Micko pero nakatulala pa rin ako doon. Pahiyang-pahiya ako! Buong akala ko talaga siya ang mystery man na iyon. Akala ko lang pala! "Hindi naman pumasok ang boyfriend mo. Bakit nandito tayo?" untag ni Sabrina sa akin nang makalapit. "Oh! Ano 'yang hitsura mo?" Napahinga na lang ako ng malalim at nagkibit balikat na lang. "Tara na! Umuwi na tayo," yaya ko na sa kanya at nauna na akong maglakad. "May nangyari ba?" Habol ni Sabrina sa akin. "Saka hindi na ba natin hihintayin sina Monnette?" "Jared and Rocky are there to take care of them. Umuwi na tayo," matamlay na sagot ko at muling naglakad. Kinabukasan ay narinig ko mula sa ibang batchmates namin na maaga daw nagbakasyon si Micko. Kahapon ay kumuha na ito ng exam na dapat ay sa thursday pa dahil next week ay bakasyon na. Ang sabi rin ng ilan ay maging sina Kristha at Nicko ay nag early exams rin. "Oh! Nasaan sila?" bungad ni Sabrina kay Carmina ng siya lang ang datnan namin sa cafeteria. "Pinatawag ng couch nila si Rocky. Sina Jared at Monnette, lovers quarrel yata," tinatamad na sagot ni Carmina. "Mabuti kayo ni Rocky hindi nag aaway 'no," ani Sabrina na tumingin pa sa akin. "Bakit sa akin ka nakatingin?" taas kilay kong tanong. Para kasing may gusto itong ipahiwatig. Ayaw lang sabihin. "Nagkabati na ba kayo ni Nicko?" baling rin ni Carmina sa akin. "I heard, pupunta yata sila ng U.S." "U.S? Ang aga naman yata ng bakasyon nila?" si Sabrina pa. "Hindi ba nagpaalam jowa mo sa 'yo?" Siniko pa ako nito. "After what happened last friday, hindi ko na s'ya kinausap kahit ano pang pangungulit niya sa akin through text. At simula kahapon hindi na s'ya nagparamdam," pahayag ko. "Balita nga ng ibang schoolmates natin pati si Micko, early vacation na rin daw," dagdag pa ni Carmina. Popular kasi ang kambal sa buong school dahil nga varsity player ang mga ito bukod sa talaga namang mga gwapo. "Ikaw ang close kay Kristha sa ating lahat. Baka naman may nangyari kaya pumunta silang U.S," maya maya ay sabi ni Sabrina. "Malihim si Kristha, alam n'yo naman 'yon. Saka ayaw ko ring mang usisa kasi baka isipin n'ya nakiki chismis ako sa mga bagay na pang family lang." Natapos ang araw ng martes hanggang dumating ang huling araw ng klase ngayong desyembre. At sa mga araw na iyon walang text, tawag o kahit chat man lang mula kay Nicko. At feeling ko mas mabuti na rin iyon dahil hindi nagugulo ang utak ko. Lalo na ngayon na nandito kami sa probinsya. Ayaw kong may inaalala dahil gusto kong sulitin ang bakasyon ko na kasama sina mama at Julius. Tulog na si Sabrina sa tabi ko pero ako ay gising na gising pa rin. Hindi ako makatulog kahit na nga buong maghapon kaming naligo sa batis kanina. Tumagilid ako at nagbukas na lang muna ng social media accounts ko para madaling antukin. Napabangon ako bigla ng may mag pop up na private message. Agad kong tiningnan ang profile nito pero naka-lock, private ang account nito. Isang yellow na teddy bear ang profile niya at mga libro ang cover photo. Naalala ko pa ang human size na teddy bear na regalo ni mystery man sa akin. Katulad rin ng teddy bear na nasa litrato. Tula mula sa librong paborito ko ang isi-nend niya sa akin. Naalala ko rin tuloy ang librong ibinigay sa akin ni mystery man. Nakakahiya pa dahil akala ko talaga ay si Micko ang nagbigay noon at siya ang mystery man na laging nagbibigay ng pink na sobre. Sana... dumating ang araw na makilala ko s'ya, makapag pasalamat man lang ako sa kanya dahil gumagaan talaga ang loob ko sa tuwing binibigyan niya ako noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD