CHAPTER 6

1241 Words
"Mag ingat kayo sa byahe, ha. Nand'yan na ang mga baon n'yo sa isang bag," habilin pa ni mama nang ihatid kami paakyat ng bus. "Ingat kayo ni Julius, ma," ani ko at niyakap siya ulit. "Bye, tita." Niyakap na rin ni Sabrina ang mama ko at naupo na sa aking tabi. Bumaba na si mama ng bus nang masigurong maayos na ang pwesto namin. Kumaway pa siya sa amin nang umusad na paalis ang bus. Sa lunes kasi ay balik eskwela na kami. At ilang buwan na lang ay ga-graduate na rin kami ni Sabrina ng senior high. Kinakabahan at excited ako dahil tutuntong na ako sa college. Nursing ang gustong kurso ni Sabrina. Culinary Arts naman ang gusto ko at may nakita na rin akong school na pwede kong pasukan. Dahil ilang linggo rin kaming nawala ay ginugol namin ang aming oras para magkatuwang na linisin ang buong bahay. "Dumating na sila Kristha kahapon. Nagka-chat na ba kayo ni Nicko?" usisa ni Sabrina habang magkatulong kaming naglalaba. "Hindi," tugon kong napailing pa. "Simula nang mag christmas break hindi na kami nag usap pa." Sabay kaming napalingon ni Sabrina sa gate ng makarinig na may nag door bell doon. "Ako na," aniya at mabilis na tinungo ang gate. Nagpunas ako ng kamay at agad sumunod sa kanya dahil medyo matagal siya roon sa gate. "Okay na po ba?" "Okay na po, ma'am. Salamat po." Huminto ako sa paghakbang ng pumasok na si Sabrina at isarado ang gate. "Ano 'yan?" "Para sa 'yo, may pangalan mo, eh," ani Sabrina sabay abot ng box. Kinuha ko iyon at naglakad patungo sa upuan sa harap ng bahay namin. Sumunod rin si Sabrina para tingnan kung ano ang laman ng box. "Ay wow! Libro again!" ani Sabrina habang nakangiti pa sa akin. "Kay mystery man na naman 'yan galing 'no?" May ilang pink na sobre rin na kasama ang tatlong libro, kay mystery man nga galing ito dahil kilala ko ang sobre. "Ang tyaga rin n'yan 'no. Three years na puro paramdam lang, wala man lang pa face reveal ga-graduate na tayo, oh!" "Sino nga kaya siya ano? Alam kaya niyang may boyfriend na ako kaya hindi siya nagpapakilala o nagpapakita sa akin?" Napabuntong hininga na lang tuloy ako. "Wow! Lalim ha!" tudyo pa ni Sabrina sa akin. "Alam naman sa buong school na boyfriend ko si Nicko. Ayaw lang sigurong makagulo," ani ko at muling natitigan ang regalong bigay nito na nasa kandungan ko. "Pero sa nangyayari, ikaw 'tong naguguluhan." Kunot noo pa akong napatingin kay Sabrina. "Bakit naman?" "Lorren, iba ang spark ng mga mata mo kapag may mga ganyang pakulo ang mystery man na iyon 'no! At saka alam nating pareho na hindi mo naman talaga totally gusto si Nicko." Tumayo ako para tigilan na ni Sabrina ang iba pa niyang sasabihin. "Tapusin na nga natin 'yong labahin ng matapos na tayo. Kung anu ano na naman 'yang mga iniisip mo." Ibinalik ko sa loob ng box ang mga pink na sobre at iniwan ko muna iyon doon sa upuan. "Totoo naman 'di ba?" "Ayokong pag usapan," saway ko pa sa pinsan kong ayaw paawat sa kadaldalan. Matapos ang kalahating araw na paglilinis ay heto kami at mga nakahilata sa kwarto. Maaga pa naman para mag grocery kaya nag cellphone na lang ako para malibang. Nanlaki pa ang mga mata ko ng mag message ang mystery man ko. He asked me kung natanggap ko na raw ba 'yong late christmas gift niya para sa akin. 'Sino ka ba talaga?' Five minutes ko ng na-send 'yon pero hindi man lang siya nag reply sa akin hanggang mag log out na ito. Tumunog muli ang message alert tone ng cellphone ko pero bumagsak lang ang mga balikat ko ng group chat lang namin ang mag pop up doon. 'Meet up tayo sa mall mamayang three pm guys! See yah!' It was from Kristha. Nag send pa ito ng photos ng mga paper bags na pasalubong daw niya sa amin. Ten minutes before three ay nasa mall na kami para kitain si Kristha. Nakita namin si Carmina sakay ng escalator kasama si Rocky. "Hi!" bati ni Carmina sa amin at bumeso pa. "Iwan na muna kita dito," paalam ni Rocky sa girlfriend. "Just text me later kapag uuwi ka na." "Okay," ani Carmina matapos halikan sa pisngi ang nobyo. Kumaway lang si Rocky sa amin habang papalayo. "Saan punta no'n?" "May pinadadaanan kasing orders si Tita Mae sa kanya malapit dito." Nag-chat si Kristha at sinabing nasa loob na siya ng milk tea shop dito sa loob ng mall kaya kami na ang pumunta sa kanya. Hindi naman kami nahirapang hanapin siya dahil konti pa lang naman ang tao sa loob. "Wala pa si Monnette," ani Carmina. "Nag message na 'ko sa kanya. Hindi pa nasi-seen," ani Kristha naman. "Baka wala pa 'yon," singit ni Sabrina. Kinuha ni Kristha ang ilang paper bags sa lapag at isa isang ibinigay sa amin. "Mamaya na itong kay Monnette kapag dumating s'ya," aniya pa. Nagkwentuhan kami tungkol sa mga naging kani kanya naming bakasyon. Syempre magkasama sina Rocky at Carmina buong bakasyon. "Kris, si Nicko nga pala kumusta?" maya maya ay tanong ko. Maging sina Sabrina at Carmina ay nahinto sa pag uusap dahil sa tanong kong iyon. Napansin ko agad ang pagkakatigil ni Kristha. Nang mapansing nakatitig ako ay agad hinamig ang kanyang sarili at ngumiti. "H-he's fine! Yeah, he's fine naman," nauutal niyang tugon."Hindi pa ba kayo nag uusap?" "Tini text ko s'ya, nagmi message rin ako sa kanya. Hindi naman niya binubuksan ang mga messages ko," malungkot na sabi ko. Natigilan muli si Kristha parang may malalim na iniisip. "Nag aalala rin naman ako sa kanya, last time na nagkita kami alam kong may mali. Alam kong may problema s'ya, ayaw lang niyang sabihin sa akin," pahayag ko pa. Napahinga ng malalim si Kristha at pilit na ngumiti sa akin. "Ano kasi..." aniyang waring naghahagilap pa ng sasabihin. "Nasa Los Angeles pa rin s'ya, hindi s'ya sumamang umuwi sa amin ni Micko. Doon na yata n'ya itutuloy ang pag aaral n'ya," malungkot na saad ni Kristha. "What? Seryoso ka d'yan?" hindi makapaniwalang tanong ni Sabrina. "Ilang buwan na lang graduate na tayo ah!" Napayuko na lang ako at hinayaan ko na lang silang mag usap. Hindi ako makapaniwalang basta na lang siyang aalis at magdedesisyon ng ganoon. Sinabi ko naman na hihiwalayan ko rin si Nicko pagkatapos ng graduation day namin. Syempre gusto ko siyang kausapin at linawin sa kanya ang mga bagay bagay. At hindi ko talaga inaasahang ganito na lang ang paghihiwalay namin. Ni hindi man lang niya ako kinausap. Ni wala man lang siyang pasabi o sinabi na may plano na pala siyang ganito. Sana man lang pormal siyang nakipaghiwalay sa akin bago s'ya umalis. Napapaisip tuloy ako kung naging importante ba ako sa kanya at ganoon lang niya ako kadaling binalewala ngayon. Aaminin ko, minahal ko siya bilang kaibigan at hindi na hihigit pa doon. Sana man lang naisip niya ang pinagsamahan naming dalawa. Sana man lang kinausap niya ako kahit through messages lang kung ayaw niyang marinig ang boses ko o makit ako. Nakakasama ng loob sa totoo lang. Pero hahayaan ko na lang. Madali niya akong binitawan ng walang paalam. Kaya alam kong madali rin niya akong makakalimutan. In the first place ito naman ang gusto kong mangyari hindi ba? Ang makawala sa anino ng pagiging girlfriend niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD