CHAPTER 4

2234 Words
"Ang tagal mo, ha. Ang lapit lang ng library, eh." puna ni Sabrina nang makalapit ako sa table na lagi naming ukupado dito sa cafeteria. "Dumaan pa kasi ako sa locker," sagot ko matapos ilapag sa table ang mga librong bitbit ko. "Library ba talaga?" Napalingon ako kay Nicko dahil sa kanyang sinabi. Maging sina Sabrina ay napalingon rin sa kanya. "Saan ko pala kinuha ang mga librong dala ko?" sarkastikong tanong ko. Hindi pa nga kami gaanong nagkakaayos ay nag uumpisa na naman siya. Natahimik ang lahat dahil nakaramdam yata nang namumuong tensyon sa pagitan namin ni Nicko. "Ah... So, ano? Dito ba tayo kakain o sa labas ng school na lang?" agaw ni Sabrina sa atensyon ng lahat. "Hindi naman ako nagugutom. Mabuti pa umuwi na lang tayo dahil marami pa akong gagawin," ani ko. Tumayo na ako dahil wala na ako sa mood. "Oo nga, guys, mabuti pa next time na lang tayo kumain. May pupuntahan pa kasi kami ni Rocky," sabi rin ni Carmina na nakatayo na kasunod si Rocky na dala na ang mga bag nila. Agad ring sumang ayon sina Jared at Monnette na nagpaalam na rin kalaunan. Ako ang unang tumayo pero mas nauna pang umalis ang dalawang couple na iyon kaysa sa akin. "Mauna na rin kami, Kris," paalam ni Sabrina sa tahimik na si Kristha. Tumayo na rin si Sabrina at sumunod sa akin nang maglakad ako palabas. Hindi ko na pinansin pa si Nicko dahil sa sobrang inis ko. Napahinto ako sa paglalakad nang may kamay na pumigil sa braso ko. Napatingin ako kay Nicko at bakas ang galit sa mukha nito. "Cous!" tawag ni Kristha dito. "Kaya ka ba laging nagagalit sa akin dahil may iba ka na? Ano? Ginagawa mong way ang galit-galitan mong attitude to towards me para madali kitang sukuan at iwan?" "Ano bang sinasabi mo-" "Answer me?!" "Ano bang problema mo?! Sa ating dalawa ikaw ang laging mainit ang ulo! Pati taong nananahimik dinadamay mo sa galit mo!" Sumabog na ang inis ko. "Tapos pagbibintangan mo akong may iba?!" Natawa talaga ako ng nakakaloko. "Ano 'to?!" Nasundan ko ng tingin ang papel na itinapon niya sa lapag. Sa sobre pa lang ay alam ko na, na iyon ang sobreng kakakuha ko lang sa locker ko kanina. Mula sa pagkakatitig ko sa sobreng iyon ay siya naman ang binalingan ko. "Binasa mo?" tanong kong sagad na yata ang inis. Pati papel na walang kamalay-malay pinagdidiskitahan niya. "Obvious naman na love letter 'yan kahit hindi ko buksan at basahin!" aniya pang dinuro-duro ang sobreng lukut-lukot na sa lapag. "Guys, pwede ba 'wag naman kayo ditong mag away. Nakakaagaw na tayo ng atensyon ng ibang students," awat ni Kristha sa amin ni Nicko. Pinulot ko ang sobre at sa harap niya mismo ay binuksan ko iyon. "Sana naman bago mo 'ko pagbintangan ng kung anu-ano binasa mo muna 'to!" Sabay bato ko sa mukha niya ng stationary paper. "Lorren, tara na! Umuwi na tayo. Baka may dumating pang teachers malalagot tayo sa ginagawa n'yo, eh," ani Sabrina na hinila na ako sa aking kamay. "Hindi ko alam kung nagda-drugs ka ba o ano? Habang tumatagal nag iiba na 'yang ugali mo! At sana bago mo 'ko pagbintangan alamin mo muna!" nanggigigil kong saad at saka sila tinalikuran. Hindi pa man kami nakakalayo ng tuluyan ay nakarinig kami ng mga tilian. Huminto si Sabrina sa paglalakad at napalingon pa sa kung ano o sino ang tinitilian ng mga schoolmates namin. "Oh my gosh! Lorren!" Patakbo akong hinila ni Sabrina. "Si Nicko!" "Hayaan-" nabitin sa ere ang sasabihin ko nang makita ko kung ano ang nangyayari. Nakahiga na sa damuhan si Micko habang walang habas itong inuundayan ni Nicko ng magkakasunod na suntok. Hindi man lang lumalaban si Micko at walang magawa si Kristha dahil ayaw paawat ni Nicko sa p*******t sa kakambal niya. Mabilis akong lumakad pabalik sa kinaroroonan nila at malakas kong itinulak si Nicko paalis sa ibabaw ni Micko. "Nicko!" bulalas ni Kristha at dinaluhan si Nicko para makatayo. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano dahil sa ginawang iyon ni Kristha. Si Micko itong nabugbog pero si Nicko ang tinulungan nitong tumayo. "Bakit mo ginawa 'yon?!" ani Kristha na bakas ang pag aalala sa mga mata ng muling lingunin si Nicko. "Ano'ng bakit?" naguguluhang tanong ko. "Hindi mo ba nakita kung anong nangyari?" may inis na sa boses kong sabi. Nakita kong tumayo na rin si Micko mula sa pagkakaupo at inayos ang sarili. Putok ang gilid ng labi at may mga pasa sa ibang bahagi ng mukha. "Si Micko ang nasaktan pero kung mag alala ka parang si Nicko ang nabugbog dito, ah!" ani ko pa habang palipat-lipat kay Kristha at Nicko ang mga mata ko. "Hindi ka na dapat nakialam!" Bigla akong napalingon kay Micko ng magsalita ito, pinulot niya ang kanyang bag na nasira pa yata ang strap. "Sa susunod hayaan mo na lang kami." Tiningnan pa nito sina Nicko at Kristha saka kami tinalikurang lahat. Hanggang sa pag uwi tuloy ng bahay ay dala-dala ko ang pangyayaring iyon. Naguguluhan ako sa mga nangyari kanina. "Kanina ka pa wala sa sarili, iniisip mo pa rin ba 'yong nangyari?" "Naguguluhan lang kasi ako." "Saan naman?" tanong ni Sabrina habang inaayos ang kanyang kama. "Hindi mo ba nakita ang inasta ni Kristha kanina?" Saglit siyang natigilan na parang nag iisip pa. "Anong masama sa pagtulong-" Natigil si Sabrina sa pagsasalita na para bang may mali sa kanyang sinabi. "Oo nga 'no! Si Micko ang nabugbog, pero si Nicko ang tinulungan niya na akala mo nasaktan sa pagkakatulak mo!" pahayag pa niyang tumingin pa sa akin gamit ang nagtatanong na mga mata. "Parang may mali kasi!" naguguluhang saad ko pa. "Remember Micko told you, hindi ka na raw dapat nakialam, at hayaan mo na lang," ani Sab pa na napaupo na rin sa sariling kama at waring naguguluhan. "Bakit hindi s'ya lumaban? Kung tutuusin isang suntok lang niya sa boyfriend mo babagsak agad 'yon!" Pati ako ay bahagyang natawa sa sinabi nito dahil alam ko ang ibig niyang sabihin doon. "Wala ba talagang bisyo 'yang boyfriend mo, Lorren? Napapansin ko kasi habang tumatagal pati ugali n'ya nag iiba na rin, eh." Ako man ay iyon ang napapansin kay Nicko hindi lang ngayon kundi noong nakaraang taon pa. Para bang unti-unting nawawala ang masayahin, magalang at mabait na Nicko'ng nakilala ko. Nasabi ko pa nga sa sarili ko noon na ayos lang rin na sinagot ko siya dahil likas na mabait talaga. Pero ngayon bumalik ang kagustuhan kong ituloy ang pakikipag hiwalay ko sa kanya. "Natahimik ka na d'yan?" untag ni Sabrina sa pananahimik ko. "Iniisip ko lang ang attitude ni Nicko lately," tugon kong bumuntong hininga pa. "Sa ginagawa niya, gusto ko ng ituloy ang balak kong makipag hiwalay. At kapag nagpatuloy pa ang ganito, hindi ko na hihintayin ang graduation." "Sure ka na?" naninigurong tanong niya. Muli akong napabuntong hininga dahil nagdadalawang isip rin naman ako sa gagawin ko. Hindi lang naman si Nicko ang masasaktan ko kundi si Kristha na rin. "Kausapin mo muna kaya si Nicko baka kasi may problema lang s'ya kaya ganoon ang nagiging bahavior niya nitong nakaraan." "Ayaw nga niyang pag usapan 'yon, Sab. Nagagalit s'ya sa akin lagi kapag pinupuna ko s'ya." "Pilitin mo si Kristha. Kung wala pa rin, si Micko ang kausapin mo," payo pa ni Sabrina sa akin. "Nahihirapan na 'ko, Sab. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mas mabuti pang naging magkaibigan na lang talaga kami dapat ni Nicko, eh." "And sorry for that, isa ako sa mga nangulit sa 'yo noon," Sabrina said. "May magagawa pa ba tayo? Heto na 'di ba? Sana lang talaga ay makausap ko ng matino si Nicko," umaasang saad ko pa. Kinabukasan ay maaga akong nagising para gawin ang mga naiwang gawain ko sa school, hindi ko na naasikaso kagabi dahil alam kong hindi rin ako makakapag-focus doon dahil sa nangyari. Ipapasa ko na kasi iyon sa monday, gusto ko kasing on time palagi ang pagpapasa ko para hindi ako nagagahol sa oras. "Ang aga natin ah!" Nginitian ko lang si Sabrina ng magsalita ito. "Nagluto na 'ko ng almusal. Ikaw na bahala sa ibang gawain," ani ko na muling tumutok sa aking ginagawa. Si Sabrina kasi ang nakatoka sa gawaing bahay ngayong weekend. Bumangon na siya at saka iniligpit ang kanyang higaan saka pumasok sa banyo. Iniwan na rin naman niya ako sa kwarto matapos samsamin ang mga labada namin. "Lorren! Lorren!" Narinig ko pa ang mga yabag niya paakyat dito sa taas. Tumayo na ako at agad binuksan ang pinto. "Ano'ng nangyari?" "Tara sa labas! Bilis!" "T-teka!" Muntik pa akong mahulog dahil sa biglaan niyang paghila sa akin pababa. Lumabas kami sa labas at binitawan rin niya ang kamay ko. Habol niya ang kanyang paghinga at ganoon rin ako. "L-look!" She said while pointing at something. Sinundan ko iyon ng tingin at maging ako ay nagulat nang makita ang human size na teddy bear na nasa loob ng bakuran namin. Nakasabit iyon sa gate kaya agad kong nilapitan para tingnan kung may notes ba. Kulay yellow ang teddy bear which is favorite color ko rin. Tama nga ako dahil may card nga sa likod. "For you," basa ni Sabrina sa nakasulat nang tabihan niya ako. "Iyon lang?" aniya pang kinuha ang card sa kamay ko at sinipat-sipat pa. "Baka sa boyfriend mo galing." "Baka naman sa 'yo 'yan?" "Sira! Sino namang magbibigay sa akin? Ni wala nga akong manliligaw 'no," aniya pang inalis pa sa pagkakasabit ang teddy bear. "Baka naman hindi sa atin 'yan! Nagkamali lang siguro sila ng pagkakalagay sa gate natin," giit ko pa. "Paano kung para sa 'yo talaga 'yan? Baka peace offering nga ng boyfriend mo dahil sa nangyari kahapon." Nagkibit balikat na lang ako roon at sumunod na kay Sabrina papasok sa loob dala ang human size na teddy bear. Nang maiwan ako sa itaas ay pinakatitigan ko pa ang teddy bear na iyon. Kinuha ko ang cellphone ko para sana i-text si Nicko at ng makapag pasalamat. Muntik ko pang mabitawan ang cellphone ko nang tumunog iyon. Sinagot ko na rin agad nang makitang si Nicko ang tumatawag. "Hello," bungad ko. "Busy ka ba today?" tanong niya sa kabilang linya. Napasulyap ako sa lamesa ko at patapos naman na ako sa mga gawain ko sa achool. "Hindi naman. May kailangan ka ba?" Natahimik siya sa kabilang linya saglit at narinig ko pang napabuga siya ng hangin. "Gusto sana kitang yayaing lumabas. Peace offering ko sana about what happened yesterday. Para makapag usap na rin tayo," pahayag pa niya. Napatingin tuloy ako sa teddy bear na nasa ibabaw ng kama ko."O-oh sige! Anong oras ba?" Pilit ko pang pinahaba ang usapan namin dahil gusto kong banggitin niya mismo ang teddy bear na ibinigay niya. Kung sa kanya nga talaga galing iyon. Natapos na't lahat ang usapan namin wala man lang siyang binanggit. Dahan-dahan akong lumapit sa cabinet ko at binuksan ang malaking drawer noon sa ibaba. Napabuntong hininga pa ako at muling sinulyapan ang teddy bear sa aking kama. "Paano kung sa kanya rin galing ang mga ito?" mahinang tanong ko sa aking sarili habang pinapasadahan ng tingin ang mga bagay na bigay ng kung sino sa akin. Marami rami na rin kasi ang mga sobre na inilagay ko sa kahon ng sapatos. May mga libro rin na galing sa mystery man na iyon. Ang iba sa mga ito ay naalala ko pang nakita ko sa book store at inaasam na bibilhin ko. Kagaya ng librong gustong-gusto ko at nangako pa akong pag iipunan ko. Pero laking gulat ko ng i-deliver iyon dito sa bahay at hindi rin sinabi sa akin ng rider kung kanino galing. Kinuha ko ang box ng sapatos na ginawan ko ng designs para doon itago ang mga bigay sa aking pink na sobre. Bahagya akong nakaramdam ng kirot sa kaalamang may nasayang na isang sulat sa mga ito. Hindi ko alam kung bakit ako nagkaka ganito pagdating sa misteryosong taong iyon. Ni hindi ko nga alam kung ano'ng klaseng tao siya. At pakiramdam ko nagkakaroon na siya ng space sa bahagi ng puso ko. Mas malaki pa yata ang sakop niya sa puso ko kaysa kay Nicko. "Kanina pa ako tawag nang tawag sa 'yo hindi ka sumasagot d'yan! Tulala naman pala kasi!" ani Sabrina habang nakataas ang isang kilay na nakatunghay sa akin. "May delivery ka sa ibaba, at dahil tulala ka ako na ang nag-recieve." "Ano 'yon?" "Ito oh!" Sabay pakita niya ng bouquet na puro yellow roses. "Galing sa boyfriend mo!" "Salamat," ani ko matapos siyang lapitan at kunin ang mga bulaklak. "Pero kanino galing ang teddy bear?" "Kanina ko pa gustong sabihin sa 'yo 'to, eh," sabi pa niyang nakamot ang likod ng ulo niya. "Paano kung galing 'yan sa taong nagbibigay sa iyo ng pink na sobre?" Napatingin ako kay Sabrina dahil doon, pareho rin pala kami ng iniisip. "Sino s'ya kung gano'n? Ang creepy lang kasing isipin na pati dito sa bahay nagbibigay siya ng kung anu-ano." "Gustong-gusto ka talaga ng mystery man na iyon 'no? Hindi siya mag aaksaya ng pera para bilhin ang ganito kamahal na human size teddy bear 'di ba?" Saka lang ako napaisip na puro bulaklak at chocolates nga pala ang laging ibinibigay ni Nicko sa akin. Birthday, anniversaries, valentines o kahit anong okasyon pa iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD