CHAPTER 3

1661 Words
"Why are you with him?!" galit na tanong ni Nicko ng maiwan kaming dalawa sa parking lot ng school. "Tinulungan lang ako ni Micko," giit ko. "Of what? You're not even classmates, Lorren!" gigil niyang sabi. "Classmates lang ba ang p'wedeng tumulong sa akin?" Napairap na lang ako sa hangin dahil hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. "Inutusan ako ni Miss. Lianna para maghatid ng papers sa office. Muntik na akong madisgrasya at nando'n si Micko para tulungan ako," paliwanag ko. "Tulungan? Hanggang office?" sarkastikong tanong niya. "At bakit ka nagpapahawak sa lalaking 'yon? Saan kayo pupunta kung hindi ako dumating?" "Anong saan pupunta? Natural uuwi na! Saan ba ang parking lot dito sa school?" Naiinis na talagang sagot ko. "Nagmagandang loob na nga 'yong tao na tulungan ako! Kung anu-ano pa 'yang iniisip mo!" "Girlfriend kita! At natural lang na magselos ako!" "Selos?" Halos matawa ako roon. "Kapatid mo 'yon, Nicko! No! Kakambal mo na kaibigan natin-" "He's not my friend!" "Eh, 'di hindi kung hindi!" galit na sabi ko. "Kung hindi mo s'ya matingnan bilang kaibigan, atleast treat him as your family! Na hindi mo p'wedeng pagselosan dahil wala namang ginagawa 'yong tao!" "From now on, ayaw kong nakikita kang lumalapit sa lalaking 'yon!" "What?!" hindi makapaniwalang bulalas ko. "Kailan mo ba nakitang nag usap o nagkasama kami ni Micko, ha? Napaka-unreasonable mo! Alam mo ba 'yon?!" "Malay ko ba! Baka nag uusap kayo ng hindi ko alam o nagkikita kayo! Kagaya kanina!" bintang pa niya. Mas lalo tuloy uminit ang ulo ko. Hindi ko lubos maisip na kaya niya akong pag isipan ng ganito. And worst sa taong wala namang ginagawang masama. "Ano bang nangyayari sa 'yo, Nicko?" Naguguluhang tanong ko. "Hindi ganyan ang Nicko'ng kilala ko. Sa inaasta mo parang ibang tao ka na! May nangyayari ba sa 'yo na hindi ko alam?" Doon siya natahimik, iyong para bang biglang natauhan. Naihilamos na lang niya ang kanyang mga palad sa kanyang mukha at huminga ng malalim. "I'm sorry," malumanay na sabi niya pagkatapos. "Kung may problema ka sabihin mo sa 'kin. Makikinig ako, alam mo 'yan," sabi ko pa. Umaasa akong mag-o-open up siya ngayon sa akin. "Wala," sagot niyang sinabayan pa ng buntong hininga. "Ihahatid na kita pauwi," aniya pang hinawakan ang kamay ko. "Hindi na." Unti-unti kong binawi ang kamay ko. "Hihintayin ko si Sabrina. Mauna ka na." Naglakad na ako paalis para hindi na niya ako mahabol. Naiinis ako ng sobra sa kanya. Ang kapal ng mukha niya sa part na pag isipan ako ng masama. Pero at the same time, naaawa rin ako dahil alam kong may hindi tamang nangyayari sa kanya ayaw lang niyang sabihin sa akin. Alam kong hindi sila close ni Micko, hindi rin naman kami close no'ng tao at bilang lang sa daliri na nagkakasama kami. First time nga yatang mag usap kami kanina. Tapos pag iisipan pa niya ng hindi maganda 'yong kakambal n'ya. Naupo ako sa bench na malapit sa building ni Sabrina at doon kinalma ang aking sarili. Next time na may pagkakataon magso-sorry talaga ako kay Micko. Nakakahiya na pinag iisipan siya ni Nicko ng hindi maganda. "Kanina pa tumatawag 'yan ayaw mong sagutin," ani Sabrina nang sulyapan ang cellphone kong kanina pa umiilaw. Naka-silent iyon kanina pa. Sinadya ko talaga iyon dahil alam kong mangungulit si Nicko. Gano'n naman lagi tuwing nagkakasagutan kaming dalawa. Kukulitin niya ako sa kakatawag para mag-sorry. Nakita kong umilaw ulit iyon at may message na galing ulit kay Nicko. Hindi ko pa rin pinansin at tinapos na lang ang aking ginagawa. "Nag away kayo?" tanong ni Sabrina matapos itapon ang cotton pad sa trash bin. Matapos iligpit ang kalat ko ay lumabas na ako ng banyo at naupo sa sariling kama ko. Ganoon rin si Sabrina na ngayon ay nagba-brush na ng kanyang mahabang buhok. "Pinagbawalan niya akong lumapit kay Micko," sabi ko. I opened his message and he said sorry again. Inilapag ko sa side table ang phone ko at nahiga. "May nangyari ba?" kunut noong tanong ni Sab. "Nag uusap pala kayo ni Micko? Hindi ko yata alam." nakangising aniya. Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari kanina. Hanggang sa sagutan naming dalawa ni Nicko sa parking lot ng school. "Sobra naman siya! Gaano ba kalalim ang alitan nilang dalawa at pati pagtulong nang tao sa 'yo minamasama niya?" hindi makapaniwalang tanong ni Sabrina. "Hindi ko alam!" nalilitong sagot ko. "Pero alam ko hindi lang iyon ang problema n'ya, eh." "Tanungin mo si Kristha. Sila ang magkakasama sa bahay 'di ba?" "Ano namang aasahan mo kay Kristha? Alam mo namang ayaw makialam no'n kapag usaping personal na," wika ko pa. "Why don't you ask Micko instead?" Suhestyon pa niya. "Ngayon pa talaga? Naiiling kong tugon. "Konting tiis na lang talaga! Malapit ng maghiwalay ang mga landas namin!" napapabuntong hiningang sabi ko na lang. "I have an idea!" nakangising ani Sab. "Ano?" "P'wede mong gamitin si Micko para makipaghiwalay kay Nicko!" "Gaga ka ba? Hindi na nga magkasundo 'yong mga 'yon! Tapos lalo ko pang pagsasabungin!" nakasimangot na sagot ko. "Cous, natural lang naman kasi magselos 'yong tao dahil mahal ka." Maya maya ay kabig niya. "Takot lang 'yon na mawala ka." "Pwes! Nakakasakal s'yang magmahal!" pairap na tugon ko. "Sa ginagawa ba niya ngayon, sigurado ba siyang hindi ako mawawala? Kung hindi ko lang iniisip si Kristha hindi ko na paabutin ng ganito katagal ang kung anong meron kami." Kinabukasan ay tinambakan ulit kami ng mga gawain. Nag-text lang ako kay Sabrina na hindi na sasabay sa pagkain dahil sa dami ng dapat gawin. Malapit na kasi mag-christmas break kaya maraming paper works. At ayaw ko rin munang makita si Nicko dahil naiinis pa rin ako sa kanya. Matapos kumain ng binili kong lunch sa cafeteria ay sinimulan ko na ang mga gawain ko. Ang hindi ko matatapos ay sa bahay ko na lang gagawin. Wala ang subject teacher namin sa unang klase ngayong hapon kaya mahaba-haba ang oras ko. "Wala dito 'yong hinahanap ko." Tumayo ako at ibinalik sa pagkakasalansan ang libro. "I think nandito 'yon eh!" Pinasadahan ko isa-isa ang mga libro hanggang sa makita ko ang hinahanap ko. Ang kaso nga lang hindi ko abot. "Wait a minute, baby!" bulong ko pa at kinuha ang isang bangko para maabot ko ang librong pakay ko. Ngunit namilog na lang ang mga mata ko nang mahulog sa kabilang side ang ilang libro at makarinig ako ng daing. Bumaba ako agad para pumunta doon at nakita ko ang isang lalaking estudyanteng nakayukyok sa gilid at himas ang ulong tinamaan yata ng mga librong nahulog. "Naku!" Patakbo akong lumapit sa kanya. "Sorry! Sorry! Hindi ko sinasadya!" sabi ko pa habang pinupulot ang mga librong nahulog. "Sorry-Micko?" Saglit na natigilan si Micko sa paghimas sa ulo niyang tinamaan ng libro at unti-unting bumaling sa akin. At nang magtama muli ang mga mata namin. Bigla na lang kumalabog ng malakas ang puso ko. Ilang beses akong napalunok at mabilis na tumayo. "Sorry ulit. Hindi ko sinasadya, hindi ko naman alam na may tao pala dito," knakabahang paliwanag ko. "Ayos lang," tugon niya, tumayo rin siya at pinagpag ang pantalon. "Nakatulog kasi ako." "Wala kang klase?" "Wala. Wala 'yong teacher namin sa last subject kaninang umaga. Natulog na lang ako dito," paliwanag rin niya. Tiningnan ko ang oras at one thirty na ng hapon. "Wala ka rin bang klase ngayon?" baling ko sa kanya. "Meron." Bahagya pa siyang ngumiti ng matunog. Naloloka na yata ako, kasi naman bigla na namang lumakas ang t***k ng puso ko dahil sa pagngiti lang niyang iyon. "Kung hindi mo 'ko nabagsakan ng libro, baka mag-uuwian na tulog pa 'ko," kakamut-kamot sa ulong sabi pa niya. Ang cute n'ya! Para s'yang elementary student na nahuli ng teacher na nag-cut ng class. "Sige. Mauna na 'ko." "Wait!" pigil ko sa kanya. "Bakit?" nagtataka pang tanong niya ng lingunin ako. "Mahilig ka sa mga libro?" tanong kong napatingin pa sa librong nasa kamay niya. Napatingin rin siya sa hawak niyang libro. "Oo. Mahilig kasi akong magbasa. Corny sa iba at hindi kapani-paniwala, pero mahilig akong magbasa ng mga nobela at tula," nakangiting pahayag niya. "Maganda ba 'yan?" muli kong tanong. Base sa pamagat ng libro romance ang genre no'n. Ngayon lang talaga ako nakatagpo ng lalaking mahilig magbasa ng librong kinakaadikan ng mga babae. "Oo. Malapit ko ng matapos 'to. Gusto mong hiramin?" "Sige ba!" excited na sagot ko agad. "Tungkol ba saan 'yan?" "Ayaw kong i-spoile ka kaya basahin mo na lang. Sige mauna na ako. Salamat sa paggising." Wala na si Micko pero nakatayo pa rin ako doon. Kung hindi pa tumunog ang cellphone sa bulsa ng aking palda ay hindi pa yata ako nakakilos sa pagkakatulala. "Bakit?" "Nasaan ka? Early dismissal daw. Maaga tayong makakauwi," ani Sabrina sa kabilang linya. "Okay. Nandito ako sa library. Nasaan ka ba?" "Kasama ko ang barkada. Dito kami sa parking lot. Bilisan mo." Sinamsam ko na ang mga gamit ko matapos patayin ang tawag. Ang librong kailangan ko ay hiniram ko na lang sa librarianq. High tech na ang panahon ngayon at nasa computer na ang lahat ng kailangan mong hanapin. Pero mas gusto ko pa rin ang libro dahil mas naiintindihan ko ang mga nakasulat doon. Minsan kasi sa mga sites may mga pampagulong advertisement pa na hindi naman kailangan. At masyadong masakit sa mata kapag matagal nakatutok sa screen. Dumaan muna ako sa locker room para iwanan ang gamit ko sa afternoon class. Wala kaming assignment sa pang hapong klase kaya iiwan ko na lang ang mga iyon. Ilang libro rin kasi ang dala ko. Napangiti agad ako nang makita ang pink na sobre sa loob ng locker ko. Ilang linggo na rin nang huling makatanggap ako nito. Hindi ko talaga alam kung bakit. Pero kakaiba ang epekto nito sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba hilig ko talaga ang magbasa ng mga tula at nobela o dahil sa mismong nagbibigay nito sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD