CHAPTER 2

1723 Words
Ilang buwan na lang at magtatapos na kami ng grade twelve. At ilang taon pa para makapagtapos ako sa college. Marami akong pangarap sa buhay, pangarap sa pamilya ko at para sa sarili ko. Hindi ko naman priority ang love life. Kaya ewan ko nga ba kung bakit nag-boyfriend ako? Balak ko na pagkatapos ng graduation ay makikipaghiwalay na rin ako kay Nicko. Mas gusto kong mag-focus sa pag-aaral ko at siguro naman kapag college na ako hindi ko na rin s'ya makikita pa. Kung hindi ko lang inaalala ang mararamdaman ni Kristha kapag naghiwalay kami ni Nicko matagal na siguro akong nakipag-break. "Ang lalim ng iniisip mo, ah? Siguro iniisip mo pa rin 'yong kiss 'no?" tudyo ni Sabrina. Napatirik na lang ang mga mata ko sa kawalan dahil sa sinabi niya. Dinala ko na sa lababo ang mga gulay na hiniwa ko at hinugasan. "Ano?" pang-aasar pa ni Sab sa akin at lumapit pa talaga sa lababo. "Tigilan mo nga ako, Sabrina," naiinis na saway ko sa kanya. "Iniisip ko lang ang future." "Talaga?" tinatamad na sagot nito habang iniikut-ikot sa palad ang mansanas na kinuha niya. "Hulaan ko rin! Hindi kasama si Nicko sa future na 'yan 'no?" Natigilan ako saglit at ipinagpatuloy ang paghihiwa ng karne. "Manghuhula ka na pala ngayon," ani ko at dinala na rin sa lababo ang karne para mahugasan. "Tama naman ako 'di ba? You don't like Nicko the way he likes you. And don't deny it!" Sasagot na sana ako ng pigilan niya ko gamit ang kanyang daliri paturo sa akin. "I know you, Lorren. And, sorry kasi isa ako sa mga dahilan kung bakit napilitan kang sagutin si Nicko." malungkot na sabi pa ni Sabrina. "May magagawa pa ba ako? Nangyari na. At alam mo naman pa lang hindi ko gusto si Nicko nanulsol ka pa! Ngayon alam mo na ang sagot sa first kiss na sinasabi mo." "Hindi kayo nag-kiss?" gulat na tanong niya. "Grabe!" Pinaypay pa nito ang sarili. Nagkibit balikat na lang ako at nagsimula ng maggisa ng bawang at sibuyas. Habang siya naman ay nakatayo lang sa tabi ko at pinapanuod ang ginagawa ko. At dahil sabado ngayon ay maggo-grocery kami mamayang hapon. Ako ang nakatokang gumawa ng gawaing bahay ngayong buong linggo. Nagising naman ako ng maaga kaya kanina ko pa natapos lahat kaya may oras pa ako para magpahinga. "Kompleto na ba lahat? Wala na bang naiwan sa listahan?" tanong ni Sabrina habang nakapila kami sa counter. "Wala na. Ikaw? Baka may gusto ka pang idagdag?" "Hindi na. Ayos na 'tong pinamili natin. May stock pa tayo ng mga junk foods sa bahay," sagot niya habang pinapasadahan ng tingin ang laman ng cart namin. "Cous, p'wede bang sa fast food na lang tayo kumain? Nagugutom na talaga ako, eh." Paglabas nga namin ng grocery store ay dumiretso kami sa fast food chain na pareho naming paborito. Bata pa lang kami ay ito na ang paborito namin. Kasi naman, talagang 'bida ang saya.' "Wait!" Pigil ni Sabrina sa akin nang itutulak ko na sana ang glass door. Hinila niya ako sa isang tabi para hindi makaabala sa mga pumapasok. "Si Micko, oh!" Turo pa niya sa isang gutter hindi kalayuan sa amin. Micko seating there wearing denim jeans, naka-hoddie with white shirt on it. Naka-sneakers rin itong puti at masayang nakikipag kwentuhan sa tatlong batang ganadong kumakain ng mga pagkaing galing sa fast food chain na gusto naming pasukan. Nakikita ko naman siya sa school at minsan na ring nakakasama, pero ni minsan hindi ko pa s'ya nakikitang ngumiti ng ganyan. O, baka naman hindi ko lang napapansin talaga. Dumaan ang apat na taon sa junior high pero ni minsan hindi ko siya naging classmate, kahit sa senior high ay hindi rin. Masyado siyang tahimik at wala rin akong nakikitang kasama niya sa school, may mga nakikipag usap sa kanya pero hilig yata niya ang mag-solo. Nang matapos kumain ang mga bata ay iniligpit ng mga ito ang mga pinagkainan nila. Itinuro pa ni Micko ang hindi kalayuang basurahan at agad nagpunta roon ang isa sa mga bata para itapon ang mga basura. Ginulo ni Micko ang buhok ng mga ito isa-isa at kumaway pa ang tatlong batang kalye bago umalis. "Lorren, no offense, ha. Para sa akin lang naman, mabait naman si Nicko. Syempre halos siya ang lagi nating kasama, pero mas bet ko si Micko, mysterious type kasi," ani Sabrina habang tanaw rin si Micko. "At ngayong nakita ko ang ibang side n'ya ngayon lang, mas humanga ako," mahabang paliwanag ni Sabrina. "Type mo?" tanong ko habang tanaw ko si Micko na naglalakad palayo. "Hindi 'no! Basta! May kung ano kasi sa aura n'ya na wala sa kakambal n'ya." "Tara na nga sa loob. Kumain na tayo para makauwi na tayo agad," sabi ko na lang at nauna nang pumasok. Wala na si Micko sa direksyong tinahak nito kanina pero nilingon ko pa rin. Tama si Sab, may kung ano sa kanya na wala kay Nicko. "Ano'ng iniisip mo? Baka nagagalit ka na sa akin, ha?" "Loka ka talaga! Bakit naman ako magagalit? Opinyon mo 'yan kaya ayos lang." "Ayos lang? Eh, kasi... hindi mo nga naman gusto 'yong tao. Kaya kahit pangit na ang sinasabi ko, okay pa rin." "It's not that. Kambal lang sila, pero magkaiba sila ng ugali," ani ko. Umalis na ang nasa harapan ko kaya agad na akong lumapit sa cashier para sa order namin. Since that night ay lagi ko na tuloy napapansin ang bawat kilos ni Micko sa tuwing makikita ko siya sa school. Dahil nga iba-iba kami ng kursong gusto ay kani-kanya kami ng klase. Nagkakasama lang kapag free time. At sa bawat free time na iyon ay nakikita ko rin si Micko. As usual, wala na naman itong kasama. Minsan tuloy ay tinatanong ko sa sarili ko kung may kaibigan ba ito? "Micko! Dito ka na," tawag ni Kristha ng mapadaan ito sa gawi namin dala ang tray ng pagkain. "Next time na lang. Salamat," tanggi nito at tumingin pa sa amin. "May mga tatapusin pa kasi ako." "Okay," ani Kristha at hinayaan na si Micko na umalis. Laging ganoon ang scenario sa tuwing aalukin ni Kristha na makihalo ito sa amin. Halos bilang lang yata sa daliri ang pagsama nito sa amin at pilit pa. Aware naman kaming lahat na hindi sila okay ni Nicko. Si Kristha lang talaga ang pursigido na paglapitin silang dalawa. "Lorren, p'wede ba kitang utusan saglit," tawag ni Miss. Lianna sa akin. "Ano po 'yon, ma'am?" "Paki dala naman ito sa office. May tatapusin pa kasi ako. Kailangan na raw kasi 'yan doon. P'wede ba?" "Sige po." nakangiting sagot ko at binuhat na ang may kabigatang mga papel. Dahil focus ako na hindi mahulog ang mga papel ay hindi ko napansin ang sintas ng sapatos ko. Natanggal iyon sa pagkakabuhol at napatid ako. Hindi ko alam kung sumigaw ba ako o ano? Basta sobrang lakas ng kabog ng puso ko dahil sa kaba. Sobrang pikit na pikit ang mga mata ko at yakap ang mga papel na dadalhin ko sa office. Teka! Yakap? Nagmulat ako ng mga mata at tiningnan ang mga yakap ko. Kalahati na lang iyong nasa kamay ko. Mabilis akong nag angat ng tingin nang makita ang logo ng school namin sa mismong mukha ko. Hindi ako bumagsak. Ramdam ko na rin ngayon ang brasong nakapulupot sa baywang ko. Amoy na amoy ko ang mabangong pabango ng lalaki. Napatigin ako sa kanan ko at hawak nito ang ibang papel na kanina lang ay nasa akin. "T-teka! Nahulog 'yong iba!" Agad akong kumawala sa hawak ng lalaki at pinulot ang ilang papel na nahulog sa sahig. "Thank you-" Nahinto ako ng makitang si Micko ang lalaking tumulong sa akin. "Saan mo ba dadalhin ang mga 'yan?" seryosong tanong niya. "Sa office lang. Inutusan kasi ako ni Miss. Lianna. Uy! Teka lang!" Mabilis kong sinintas ang sapatos ko at hinabol si Micko dahil kinuha lang naman niya ang mga papel at nauna nang maglakad sa akin. "Teka lang!" Agad kong pinigilan ang braso niya ng maabutan ko siya. "S-sorry!" ani ko pa at agad tinanggal ang kamay ko sa kanyang braso. Para kasi akong nakuryente. "Sabi mo sa office dadalhin 'to?" kunut noong sabi nito. "O-oo! Pero kaya ko naman!" "Ako na. Medyo mabigat. Tara na!" Naglakad siya ulit kaya sumunod na lang ako. At habang tinitingnan ko siya ngayon bigla na lang akong napangiti. Ngayon ko lang siya nakausap ng ganito. "May masakit ba sa 'yo?" Muntik na akong masubsob sa kanyang likod dahil sa biglaan niyang pagtigil. "Wala naman. Bakit?" Nanlaki na lang ang mga mata ko ng bigla niya akong hilahin at mabilis na naglakad paakyat ng hagdan. Hiyang-hiya naman ako sa biyas ko! "Ang bagal mo kasing maglakad," anitong hila pa rin ang isang kamay ko. Gusto kong hilahin ang kamay ko dahil naramdaman ko na naman ang paggapang ng kuryente doon. Pero hindi ko mahila-hila dahil sa higpit nang kapit niya. Pagdating sa office ay siya na ang pumasok sa loob para ibigay ang mga papel. Naiwan naman ako sa labas at nahawakan ko pa ang kamay kong hawak ni Micko kanina. Ramdam ko pa ang init ng palad niya doon. Bumukas ang pinto ng office kaya umayos na rin ako ng tayo. "Thank you, ha." nakangiting sabi ko nang makalapit siya sa akin. "Wala 'yon. Kahit sino naman tutulungan ko," tugon rin niya. "Uwian n'yo na ba?" "Oo. Ikaw ba?" "Uh... kanina pa. Tara na? Sabay na tayong lumabas." "Lorren!" Napalingon ako bigla sa kanan namin nang marinig ang boses ni Nicko. Kasama nito sina Rocky at Jared. Nakita kong umigting ang panga niya. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan ni Nicko. Napatingin ako ulit sa kanya at kay Micko. Dahan-dahan kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Micko sa akin. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ang nakita kong sakit na dumaan sa mga mata ni Micko ng bawiin ko ang aking kamay. "Lorren, let's go!" tawag muli ni Nicko sa akin. Unti-unti akong lumapit kay Nicko. Nang tuluyang makalapit ay agad niyang kinuha ang bag ko at hinila na ako paalis. Nilingon ko pa si Micko nakatayo pa rin siya doon at nang magtagpo ang tingin namin ay agad siyang ngumiti bago ako talikuran at maglakad sa kabilang direksyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD