CHAPTER 7

1413 Words
Totoo nga ang sinabi ni Kristha dahil hindi na nga nagpakita pa si Nicko sa school. Wala rin akong balita sa kanya dahil kahit isa sa mga messages at tawag ko ay hindi niya sinasagot. Marami rin ang nabigla sa balitang iyon dahil isa si Nicko sa mga popular na estudyante dito sa campus. "May kukunin lang ako saglit sa locker ko. Hintayin mo na lang ako d'yan," sabi ko kay Sabrina sa kabilang linya. Pinatay ko na ang tawag at papasok na sana ako sa locker room ng matigilan dahil sa dalawang bultong nakita kong paalis galing sila sa loob ng locker room. "Nag aaway ba sila?" kunot noo kong tanong sa aking sarili. Nawala na sina Jared at Monnette sa paningin ko pero hindi pa rin ako natinag doon. Noong linggo ay hindi kami sinipot ni Monnette sa mall. Isang linggo na rin siyang wala sa mood at minsan ay hindi sumasama sa amin para kumain. Nagkibit balikat na lang ako at saka tumuloy na lang sa pagpasok sa loob. Kapag may pagkakataon ay kakausapin ko na lamang siya. As expected ay may pink na namang sobre ang loob ng locker ko. Napangiti ako at kinuha ko iyon saka inilagay sa loob ng aking bag. Kinuha ko na rin ang pakay kong gamit at saka lumabas. Muli akong natigilan ng may makitang aninong nagmamadaling lumabas galing dito sa loob. Lalaki iyon sigurado ako dahil sa uniporm nito. Nagmadali tuloy akong lumabas para habulin iyon ng tingin ngunit wala na akong naabutan. Napatingin pa ako sa sahig ng makaapak ng isang matigas na bagay. Pinulot ko iyon at muling luminga sa paligid. Hour glass key chain, baka pag mamay ari iyon ng lalaking nagmamadaling lumabas kanina. Tumumog muli ang cellphone ko at nagmadali na rin akong umalis dahil tiyak kong naiinip na si Sabrina kakahintay sa akin. "Kanino 'yan?" tanong ni Sabrina habang nagsusuklay ng buhok na nakatunghay sa akin. "Napulot ko lang," tinatamad na sagot ko. Nakahiga na ako sa aking kama at pinaglalaruan ang hour glass na nakita ko kanina sa labas ng locker room. "Parang nakita ko na 'yan." Agad akong napatingin sa kanya. "Kanino?" curious kong tanong. "Hindi ko matandaan eh! Pero sigurado akong nakita ko na 'yan," aniya pa. "Lalaki ba ang may ari nito?" "Excited?" taas kilay nitong sabi. Napanguso ako. "Sa locker room ko 'to napulot kanina-" "Locker room ng mga girls?" "Oo." "Doon mo napulot 'yan, tapos sasabihin mo lalaki ang may ari," saad pa ni Sabrina na naguguluhan na sa akin. "May nakita akong lalaking lumabas sa locker room. Hindi ko napansin ang key chain na 'to nang pumasok ako. At ang lalaking iyon lang ang huling lumabas doon kaya palagay ko sa kanya 'to!" "As in lalaki talaga?" naninigurong tanong ni Sabrina. "Ano namang gagawin ng lalaki sa locker room ng mga babae?" Natigilan rin ako agad dahil naalala kong naagaw nga pala nina Monnette at Jared ang atensyon ko kanina kaya baka hindi ko talaga iyon napansin pagpasok ko. "Oh! Bakit?" "Nakita ko sina Monnette at Jared kanina. May problema ba 'yong dalawang 'yon?" "Lovers quarrell siguro. Maayos rin nila 'yon," sagot ni Sab at napakibit balikat pa. "Eh, kayo ni Nicko? Ano ng balita?" Umasim lang ang mukha ko dahil sa tanong nito. Napairap ako sa hangin at bumuntong hininga. "Hindi ka kinakausap?" pang uusisa pa ni Sabrina. Umiling ako. "Hindi." "Ayaw mo no'n? Pabor sa 'yo para hindi ka na mahirapang makipag break sa kanya." Muli akong napahinga ng malalim. "Sana man lang nagsabi s'ya 'di ba?" may hinanakit kong saad. "Mahal mo na?" "Saan naman galing 'yan?" nalilitong ani ko. "Para ka kasing loyal girlfriend na bigla na lang iniwan sa ere! Dapat nga mas okay sa 'yo 'di ba?" "Sab, naging magkaibigan naman kaming dalawa. Sana 'yon na lang ang tiningnan n'ya, para kaming walang pinagsamahan!" himutok ko pa. "Baka nahihiya." "Saan naman?" "Remember what happened last year? 'Yong binugbog n'ya si Micko," paalala ni Sabrina. Iyon na nga ang huling kita ko kay Nicko. Hindi rin natuloy ang sana ay pagkikita namin noon, peace offering daw niya pero hindi naman niya ako sinipot. "Hay naku! 'Wag na nga natin s'yang pag usapan," sabi ko at nag ayos na ng aking mga gamit at handa ng matulog. Wala na kaming klase sa last subject ng panghapong klase kaya sa library na muna ako tumambay para magpalipas oras at hintayin si Sabrina. Namimili na ako ng libro ng makarinig ako ng mga hikbi. Bigla akong kinilabutan at nagpalinga linga pa sa aking paligid. Nahaplos ko pa ang aking mga braso dahil sa nagtayuan ang mga balahibo ko. Medyo sulok na kasi itong pinuntahan ko. Halos tatlong classroom kasi ang laki ng library dito sa school. Napahinto akong muli ng marinig ang muling paghikbi ng kung sino. Dahan dahan akong naglakad, hindi ko alam kung saan pupunta at tanging ang hikbing iyon lang ang sinusundan ko. Napahinto ako nang makita ang isang nakayukyok na estudyanteng babae sa sulok. Naririnig ko na ng malinaw ngayon ang kanyang pag iyak. Nag aalangan pa ako kung kakausapin ko ba ito o hindi. Hindi rin siya kumikilos at patuloy lang sa kanyang pag iyak. Hindi rin yata niya ako napapansin. "Uh... Miss, okay ka lang ba?" hindi na talaga makatiis na tanong ko. Maging ako ay natangahan rin sa tanong kong iyon. Umiiyak s'ya kaya hindi s'ya okay. "M-mali yata ang tanong ko," ani kong napakamot na sa ulo. "May problema ka ba? Baka makatulong ako." Pareho kaming natigilan ng magkatitigan kaming dalawa. "M-Monnette!" Agad akong lumapit sa kanya at tinulungan siyang tumayo, pero ayaw niyang kumilos kaya ako na ang naupo sa kanyang tabi. "Ano'ng problema?" nag aalalang tanong ko. Muling tumulo ang kanyang mga luha at hindi ako sinagot. "Handa akong makinig." "Gusto ko ng mamatay, Lorren!" umiiyak na sabi niya at yumukyok na naman sa magkabila niyang tuhod habang patuloy sa pag iyak. "Ano ba 'yang sinasabi mo?!" saway ko sa kanya nang makabawi mula sa pagkabila dahil sa kanyang sinabi. "Hindi ko na alam ang gagawin ko! Natatakot ako! Natatakot ako, Lorren!" Hinagod ko ang likod ni Monnette. "Nandito kami, ako, handa ka naming tulungan, Nette. Ano bang problema?" "Lorren!" umiiyak na yumakap siya sa akin. "Hindi ko na alam ang gagawin ko...." At wala akong nagawa kundi hagurin lang ang kanyang likod at hayaan siyang umiyak para gumaan ang kanyang loob. Nang unti unti siyang tumahan ay iniharap ko siya sa akin. "Ano ba kasi ang problema mo? Makikinig ako." "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Natatakot ako, Lorren. Baka mapatay ako ni papa," sabi niya at muli na namang umagos ang panibagong luha mula sa kanyang mga mata. Kunot noo ko siyang pinakatitigan dahil hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. May dinukot siya sa kanyang bulsa at kinuha niya ang aking palad at may inilagay na maliit na bagay doon. Napanganga na lang ako nang makita kung ano ang bagay na iyon. Nagtatanong ang mga matang napatitig ako kay Monnette. Humikbi siyang muli at yumakap sa akin. "Natatakot ako, Lorren. Hindi ko alam ang gagawin ko. Paano kapag nalaman nina mama't papa? Paano kapag hindi nila natanggap?" "Ilang buwan na?" "Hindi ko alam! Hindi ko alam! Ano'ng gagawin ko?" "Ano'ng sabi ni Jared? Alam ba n'ya?" sunud sunod kong tanong. "Oo! Pero hindi rin niya alam kung ano ang gagawin. Lorren, paano na?" "Sabihin mo kay Tita Irene," suhestyon ko. "Madaling sabihin, pero natatakot ako sa magiging reaksyon ni mama. Lalo na ni papa!" "Hindi ko alam ang tamang gawin sa bagay na 'to. Nakakabigla kasi, Nette. Bakit kasi ginawa n'yo 'yon?" pangaral ko pa sa kanya. "Matagal na naming ginagawa 'yon. Hindi ko alam na mabubuntis ako," pag amin niya. Mas lalong napaawang ang labi ko. "Matagal n'yo ng ginagawa? Tapos hindi ka man lang natakot na pwedeng mangyari 'to?" "Nag iingat naman kami-" "Ano'ng klaseng pag iingat?" sansala ko sa kanya. "Kailangang mag usap kayong mabuti ni Jared at habang maaga pa, ipaalam mo na kay Tita Irene 'yan. 'Wag mong hintayin na sa iba pa niya malaman." Muli na naman siyang umiyak at wala akong nagawa kundi aluin na lamang siya. Hindi ko rin naman alam kong ano ba ang dapat o tamang gawin sa ganitong sitwasyon. Tama si Monnette, madaling sabihin na ipaalam niya kay tita ang pagbubuntis niya pero mahirap gawin iyon lalo na at mataas ang expectations nila kay Monnette. Lalo na ang papa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD