CHAPTER 8

1371 Words
Nang mahimasmasan na sa kakaiyak ay tumayo na rin si Monnette at inayos ang kanyang sarili. Inakay ko siya sa isang bakanteng lamesa sa isang sulok para doon muna magpalipas ng oras. Kinuha ni Monnette ang kanyang make up kit at sinimulang ayusan ang kanyang sarili. Tinakpan niya ng make up ang namamaga niyang mga mata dahil sa kakaiyak kanina. Nilagyan rin niya ng tint ang kanyang labing namumutla. Hilaw pa siyang napangiti sa harap ng salamin ng makita ang kanyang mukha. Madali talagang itago ang tunay na ikaw sa likod ng mga kolorete. Parang si Monnette lang, durog na sa loob pero parang walang problema sa panlabas na hitsura "Lorren," tawag ni Monnette sa akin. "Sana sa atin lang muna 'to, ha," pakiusap pa niya. Marahan akong tumango sa kanya. "Makakaasa ka," tugon ko. "Sasabihin ko rin naman sa parents ko. Mag iipon lang ako ng lakas ng loob dahil alam kong sangkatutak na sermon ang aabutin ko nito," mapait pa siyang napangiti. Naging tikom ang aking bibig sa problemang kinakaharap ngayon nina Jared at Monnette. Naaawa ako sa dalawang kaibigan ko pero wala naman akong magagawa para mapagaan ang problema nila. Lalo na si Monnette na talagang stress na sa nangyayari. "Kausapin mo si Jared. Dapat kayong dalawa ang humarap sa problema," payo ko pa. Narito ulit kami sa library para mag usap ng walang nakikinig. Sinabi ko na rin sa kanya ang mga napapansin ng ibang kaibigan namin kaya balik ulit siya sa dating sigla at kapag kami na lang ang magkasama ay heto siya na para bang pinagsakluban ng langit at lupa. "Lagi lang kaming nag aaway ni Jared, Lorren. Feeling ko nga, parang lumalayo ang loob niya sa akin simula ng malaman niyang buntis ako," malungkot na kwento pa ni Monnette. "Nabigla rin siguro siya. Kailan mo balak sabihin kay tita?" "Pagkatapos ng graduation natin. Ayaw ko namang ipalaglag ang anak ko." Napatitig ako sa kanya. "Magagawa mo ba 'yon?" may takot sa boses na tanong ko. "Syempre hindi! Pero si Jared..." aniyang unti unting humina ang boses at tumulo isa isa ang mga luha. "What?!" hindi makapaniwalang bulalas ko. "Pero hindi ako pumayag. Walang kasalanan ang bata sa problema namin. Handa na akong tanggapin kung ano ang mangyayari sa akin, sa amin." Napabuntong hininga na lang ako, hindi ko lubos maisip na magagawa ni Jared ang bagay na iyon. Childhood bestfriend sila ni Monnette. Sila na ang magkasama bago pa kami dumating. "Parang hindi ko na s'ya kilala. Parang nagbago na s'ya, Lorren," ani Monnette habang umiiyak. Ang balak ni Monnette na pag amin ay napaaga. Isang linggo na siyang hindi pumapasok sa school. Mabuti na lang at kakatapos lang ng exams namin. Sinabi na rin niya sa mga kaibigan namin ang kanyang pagbubuntis. Galit na galit ang papa niya sa nangyari kaya isang linggo na rin siyang hindi pumapasok. "Tita Irene!" tawag ni Carmina sa mama ni Monnette. Huminto si tita at lumingon sa amin kaya patakbo kaming lumapit sa kanya. "Kumusta po si Monnette?" tanong agad ni Carmina nang makalapit. "Ayos lang naman s'ya, nagpapahinga pa muna s'ya sa bahay," tugon ni tita. "Pwede po ba namin s'yang dalawin, tita?" tanong ni Kristha. "Oo nga po," ani Sabrina pa. "Sige, mamaya pumunta kayo sa bahay para malibang naman ang isang 'yon," nakangiting pagpayag ni Tita Irene. Pag alis ni tita ay tumungo na kami sa cafeteria. Naabutan namin si Rocky sa palagi naming inuukupang lamesa, pero wala si Jared. "Kris!" Napalingon kami kay Micko ng tawagin nito si Kristha. "Ano 'yon?" takang tanong nito. "I have something to tell you! Come with me!" Tiningnan pa muna kami ni Kristha at saka sinundan si Micko na nagmamadali pa. "Nasaan ang magaling mong kaibigan?" tanong ni Carmina ng maupo sa tabi ni Rocky. "Hindi pumasok. May problema daw sa kanila." "Talagang may problema! Binuntis lang naman niya si Monnette!" ani Sabrina sa mahinang tinig. Kami kami lang ang nakakaalam ng pagbubuntis ni Monnette. Ayaw naming pag pyestahan ang aming kaibigan. "Seryoso?" gulat na tanong ni Rocky at pinasadahan kami ng tingin isa isa. "Oo, kahit kami hindi rin inaasahan 'yon. Pupunta kami mamaya kina Monnette kaya mauna ka ng umuwi," ani Carmina pa. Hinayaan ko lang silang mag usap usap habang ka-text ko naman si Monnette. Grounded daw si Jared dahil sa nangyari. Nag usap naman na raw ang both family nila tungkol sa kalagayan niya. Hindi na bumalik si Kristha at kaming tatlo na lang ang natuloy sa pagpunta kina Monnette. "Nasa kwarto s'ya. Akyatin n'yo na lang," ani Tita Irene pagkarating namin. "Yaya, pakidalhan po ang mga bata ng meryenda sa taas," utos pa nito sa kanilang kasambahay at bumalik na muli sa pakikipag usap sa cellphone. Ilang beses pa lang kaming nakakapunta dito sa bahay nila. Istrikto ang papa ni Monnette at ayaw nitong nababarkada ang nag iisang anak, ayon pa nga kay Monnette ay isa kami sa sinisisi ng papa niya kung bakit maaga itong nabuntis. Hindi ko na sinabi iyon sa iba dahil alam kong aalma ang mga ito lalo na si Sabrina. "Hoy!" Napaahon bigla si Monnette sa pagkakahiga sa kama ng gulatin siya ni Sabrina. "Pasok kayo!" nakangiting sabi nito at umayos sa pagkakaupo. "Mabuti naman at pumunta kayo. Naiinip na ako dito sa bahay, eh." "Kumusta ka naman?" tanong ni Carmina bakas ang pag aalala sa kanyang mukha. "Nahihirapan ka bang maglihi?" "Hindi naman. Magana nga ako laging kumain." "Next month graduation na natin. Ano ng balak mo?" sabi naman ni Sabrina. "Ako na po, salamat po," wika ko pa ng pumasok ang isang kasambahay na may dalang tray. Kinuha ko ang tray ng desserts sa kamay nito at ipinatong ko sa maliit na lamesang naroon. "Papasok pa rin ako. Gusto ni papa na tapusin ko ang mga natitirang buwan," kwento ni Monnette. "Ilang buwan na ba 'yang tummy mo? Ginulat mo kami, ha!" si Sabrina pa. "Five months na, maliit lang daw ako magbuntis sabi ng doctor." Kung anu ano pa ang napagkwentuhan namin, mga plano ni Monnette sa paglabas ng anak at kung anu ano pa. Syempre mga ninang at ninong kami kapag lumabas na si baby. Tahimik lamang ako dahil alam ko, kahit ano pa ang gawing ngiti ni Monnette sa amin ay kitang kita pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata. Tumunog ang message alert tone ng cellphone ko. Nakalimutan kong i-off ang data ko, napakunot ang noo ko ng makitang nag-chat si mystery man. Nag send ito ng isang sad emoji sa akin. 'Problem?' chat ko. Sad emoji lang ulit ang sagot niya sa akin. 'I am here to listen," I chatted him again. 'I am totally fine. Thank you.' Napakunot ang noo ko. Ang gulo nitong kausap. Magsi-send ng sad emoji tapos ayos lang daw s'ya! "Lorren!" untag ni Sabrina sa pananahimik ko. "B-bakit?" napatingin pa ako sa kanila. "Nasa outer space na naman 'yang isip mo! Ayaw mo bang umuwi?" nakapamaywang pang sabi ng pinsan ko. Saglit lang naman kaming nagka-chat ni mystery man, mahaba na ba agad iyon? Uuwi na pala kami. "Ingat kayo pag uwi ha," bilin pa ni Tita Irene sa amin ng ihatid kami sa labas kasama si Monnette. Ilang saglit pa ay dumating si Rocky sakay ng motor nito para sunduin si Carmina. Mag-ji-jeep na lang kami ni Sabrina pauwi. "Matagal na rin ba ang dalawang 'yon?" maya maya ay tanong ni Tita Irene na ang tinutukoy ay sina Carmina at Rocky. "Opo, ipinagkasundo po sila ng both family nila, tita," sagot ni Sabrina. "I-enjoy n'yo muna ang kabataan n'yo. 'Wag maging padalus dalos sa mga desisyon. Isiping mabuti kung tama ba ang mga bagay bagay," pahayag pa ni tita. Napayuko na lang si Monnette dahil sa sinabing iyon ng kanyang ina. Nalungkot ako para sa kaibigan ko, alam kong ngayon siya nagsisisi sa kanyang nagawa. Inakbayan ni Tita Irene si Monnette at ngumiti sa amin ni Sabrina. May dumaan ng jeep kaya nagpaalam na rin kaming aalis na. Napalingon pa ako sa gawi nina Monnette at nakita kong hinaplos ni tita ang pisngi ng kaibigan ko bahagyang ngumiti at niyakap si Monnette. Napangiti na rin ako doon. At the end of the day, magulang pa rin talaga natin ang ating tatakbuhan sa huli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD