CHAPTER 9

1389 Words
"Nagkakagulo sa hallway, oh! Ano kayang meron?" ani Sabrina na tanaw ang hallway dito sa pwesto namin. "Tingnan natin!" sabi rin ni Carmina at nauna nang maglakad. Naabutan namin ang mga junior high na excited matapos basahin ang kung anong nakapaskil sa bulletin board. "Prom night!" sabay na basa nina Carmina at Sabrina. Agad rin akong bumaling doon at prom night nga ang nabasa ko. Ang araw, oras at lugar kung saan gaganapin ang event. "Next week na pala!" ani Carmina na napatingin pa sa amin. "Ano'ng meron?" tanong ni Kristha na kararating lang. "Ay! Wow! May prom night ulit!" excited na bulalas nito ng basahin ang nakapaskil. "Kailangan pala lahat ng senior sumali," sabi pa ni Carmina na pinapasadahan pa ng mga mata ang naturang announcement. "Sayang si Nette, hindi s'ya makakasama," malungkot na turan ko. "Hayaan mo na, gano'n talaga!" alo ni Sabrina sa akin. "Si Nicko rin naman wala 'di ba?" Napatingin kaming tatlo kay Kristha. Pero nag iwas lang ito ng tingin at bumuntong hininga. "Choice n'ya 'yon, guys. Wala rin naman akong magagawa tungkol doon," malungkot na tugon ni Kristha. Maya maya ay nag bell na rin kaya kanya kanya na kaming pasok sa mga klase namin. At hanggang doon ay iyon ang bukam bibig ng mga kaklase ko. Kani kanya na silang plano ng mga susuotin at kung anu ano pa. First prom night ko noong grade nine kami. Masaya dahil kompleto ang mga kaibigan ko. Nahinto lang ang prom night nang mag grade ten kami dahil sa reklamo ng ilang magulang noon na nabuntis o hindi kaya ay nagtanan ang mga anak nila. At ngayon ay binuhay na naman ulit iyon ng teaching staff. Gusto nilang ibalik ang sigla at saya ng love month. Nagpa general meeting rin naman sila last week at isa yata ang prom night sa napag usapan nila kasama ang mga parents. "Wala na si Monnette kaya hindi pwedeng may hindi pa-a-attend!" ani Kristha nang maabutan ko sila sa cafeteria. "Si Lorren ang sabihan mo at alam mo namang manang 'yan!" ingos ni Sabrina sabay nguso sa akin. "Kung hindi ko lang pinilit 'yan noong grade nine tayo, hindi 'yan pupunta 'no!" daldal pa niya. "Oh!" alma ko agad dahil bumaling na si Kristha at Carmina sa akin. "Desisyon na agad, Lorren!" ani Kristha na pinaningkitan pa ako ng mga mata. "Wala akong isusuot," sabi kong napapakamot pa sa ulo. "Girls! Look!" nanlalalaki ang mga matang turo ni Sabrina sa bukana ng cafeteria. Sabay sabay kaming napalingon doon at nakita namin si Jared. May kaakbay itong ibang babae. Sa palagay ko ay kaklase ko pa yata iyon sa ilang subject. "Ang kapal ng mukha! Matapos buntisin si Nette ganyan ang gagawin n'ya!" galit na galit na ani Carmina. "Don't!" pigil ni Kristha ng tumayo si Carmina. "Hindi mo problema 'yan, Carmi," sabi pa nito sabay iling. "Hindi ka man lang ba naaawa kay Monnette! Harap harapan, Kristha!" giit ni Carmina. "Kapag ipinahiya mo si Jared sa marami, parang ipinahiya mo na rin si Monnette. Remember. Walang may alam na buntis s'ya bukod sa atin," paliwanag ni Kristha. Natahimik si Carmina doon. May point rin naman si Kristha. Pero malalaman at malalaman rin naman ng lahat ang tungkol doon once na pumasok na next week si Monnette. Medyo malaki na kasi ang tiyan niya. Ayaw na rin sana siyang papasukin pa ni Tita Irene pero mapilit ang papa niya. Anito ay harapin daw ng anak ang consequences ng ginawa niya. Ilang buwan na lang rin naman at graduation na. Muli akong napatingin kay Jared at naroon pa rin ito sa bukana ng cafeteria at nakikipagharutan sa mga bago yata niyang mga kaibigan. Hindi na rin siya sumasama sa amin mula nang malaman ni Monnette na buntis siya. Todo iwas ito kay Monnette at pati sa amin, kahit na nga kay Rocky na laging kasa kasama nito ay hindi na rin nakikipag usap ayon kay Carmina. Bukod sa paparating na prom night ay usap usapan na rin sa buong school si Monnette. Marami ang napapatingin sa amin sa tuwing mapapadaan sila sa lamesang lagi naging ukupado. Minsan ay magbubulungan pa ang mga ito at alam naman namin kung sino ang pinag uusapan dahil sa kanilang tingin pa lang ay hindi na maipagkakaila. "Don't mind them. Be proud, Nette. Hindi nila kaya ang ginagawa mo," ani Kristha pa kay Monnette isang araw. Medyo emosyonal kasi ito dahil sa mga nangyayari sa paligid. Hindi rin naman namin siya mabantayan ng mabuti dahil magkakaiba kami ng klase. "Tama si Kristha, 'yong iba nagtatago dahil nahihiya o ikinahihiya ang pagbubuntis nila. Lalo na ng mga parents nila. Pero ikaw, pinatunayan mo lang na iba ka. Hindi ka nila katulad," dagdag ko pa. "Wala kang ginagawang masama sa kanila. Kaya 'wag mo silang intindihin. Nandito lang kami palagi. Kami ang mas nakakakilala sa 'yo kaya hayaan mo sila." Ganoon ang laging scenario sa school. Ang laging ngang sinasabi ng papa ni Monnette, aral iyon sa lahat. Hindi porke't nabuntis ka hihinto ka na. Hindi porke't nabuntis ka titigil na ang mundo mo. Ilang araw lang nga ay parang nasasanay na rin ang ibang schoolmates namin na makakita ng buntis na estudyante sa school. Hindi rin naman againts ang pamunuan ng school tungkol sa issue as long as kaya ng isang estudyante na gampanan ang kanyang pag aaral. Until the prom night came... Umaga pa lang ay nasa bahay na si Monnette. Dahil nga raw hindi siya makaka-attend ay sa akin na lang daw niya ibibigay ang kanyang gown. "Tapos na po ba?" tanong ni Monnette nang bumaba sa sala. Pinagpahinga na muna namin siya sa kwarto kanina. Kami na lang ang naghintay sa kaibigan ni Tita Irene na nagmi-make up sa amin. At tamang tama ang pagbaba niya dahil patapos na ang pagmi-make up sa akin. "Ay! Pak! Bongga!" tili pa ng baklang nag aayos sa akin. "Ang ganda ganda mo!" Napangiti na rin ako ng makita ko ang aking hitsura sa salamin. Nilingon ko rin si Sabrina na tapos na ring ayusan. Ang ganda ganda rin ng pinsan ko. "Ang ganda n'yo!" puri ni Monnette ng tuluyang matapos ang make over. "Hindi kami gaganda kung hindi dahil sa 'yo at kay tita 'no!" ani Sabrina at umikot pa talaga. "Feeling ko ako si Cinderella!" natatawang aniya pa. Maya maya pa ay nakarinig na kami ng busina sa labas. Nagsabi kasi si Kristha na susunduin kami ngayon. "Ang ganda n'yo!" patiling sabi ni Kristha ng lumabas kami ng bahay. "Nagsalita ang hindi, oh!" natatawang ani Monnette. "Ingat kayo, ha. Enjoy!" "Salamat dito, ha. Ingat ka pauwi," ani ko at niyakap pa siya ng bahagya. "Wala 'yon. Hindi rin naman ako makakapunta. Paano? Aalis na ako," paalam na nito. "Alis na 'ko!" tawag pansin pa niya sa dalawang panay ang picture. Nag-picture taking pa kami sa huli bago tuluyang umalis si Monnette. Puno na ang school ground nang dumating kami. Malaki ang gymnasiun ng school kaya iyon na ang ginawang venue ng prom. Pagpatak ng seven o'clock ay nag umpisa na ang event. Pagpasok sa loob ay doon na namin nakita sina Carmina at Rocky na gwapo at maganda sa kani kanilang attire. Hindi man kami kompleto ay masaya pa rin naman dahil sa kalokohan ng mga kasama ko. Nakita ko rin si Micko at nakikipag usap ito sa ilang kaklase niya. Akala ko talaga noon ay wala itong kaibigan dahil laging mag isa sa tuwing bumibili sa cafeteria. Matapos akong isayaw ng isa kong kaklase ay naupo na rin ako sa table namin. Samantalang sina Kristha at Sabrina ay hindi pa maupo upo dahil sa dami ng gustong makipag sayaw sa kanila. May ilang lumapit pa sa akin ngunit tinanggihan ko na. Gusto ko na lang maupo at panuorin ang mga kaibigan ko. "Hoy! Party 'to! Bakit nagmumukmok ka dito?" sita ni Carmina sa akin nang bumalik sila dito sa lamesa namin. "Pagod na 'ko," sagot ko. "Enjoy the night last na natin 'to!" Enjoy the night daw. Palibhasa, alive na alive ang love life niya kaya masaya siya. Nailibot ko pa ang aking mga mata para hanapin si Jared. Nakita ko itong lumabas ng gym. Hindi ko alam kung uuwi na ba ito o ano? And then I saw Micko papasok ito sa loob at natulala ako sa lalaking kasunod niyang pumasok. Si Nicko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD