CHAPTER 7

3302 Words
CHAPTER 7 -Getting to know each other- PAGKATAPOS NAMING MAG-USAP ni Macy ay ang paglabas ni Mich. I'm not surprise kung ganito makatingin ang kapatid ko dahil nappndin niya agad ang kakaibang ekspresyon ng aking mukha. "Why are looking like that, Michelle Vaneth Del Rosario?" nakakunot noo kong tanong sa kanya. Napansin ko kasi ang kakaibang tingin niya sa akin. "I'm just wondering, kuya. Who calls you? Bakit kailangan mo pa talagang lumabas?” tanong niya. “Hindi ka kasi ganyan e, anong meron?”” "Ahmmm... Someone from my past," tipid kong tugon sa kamya. "Past? Is that the girl you've mentioned na dahilan na naging broken hearted ka?" tumango na lamang ako then mabuti na lamang hindi na ulit ito nag-usisa. "May pupuntahan ka pa ba?" tanong ko. "Gusto ko sanang kumain muna tayo, kuya then manonood ng sine," nakangiti niyang saad sa akin. "Pero hintayin mo muna ako, Kuya. pupunta lang ako ng restroom sandali." Naupo saglit ako sa bench habang naghihintay sa kapatid ko. May katext ako nang mga sandaling iyon nang mapaangat ako ng ulo at hindi sinasadyang nakita ko muli siya. The girl na nakabanggaan ko kanina. Napangiti ako sa reaksiyon niya. Hindi ko alam kung aabante ba siya o aatras. Ngayon ko lang napansin na may kagandahan at kaseksihang taglay pala ito. Napansin ko pa ang pagkabigla nito nang may tumapik sa balikat niya. Hindi ko na siya mahagilap nang napalingat ako dahil sa pagtawag ng kapatid ko sa akin. Dahil sa kanya ay bigla kong nakalimutan si Macy at ang usapan namin. Maaga pa naman kaya hinayaan ko na lang ang kapatid ko na gawin ang anumang naisin niya. Mabuti na lamang hindi naisipang mag-shopping dahil kilala ko ang kapatid kapag nagsa-shopping dahil sobrang tagal nitong makapili ng bibilhin. “Kuya, tara! Kain muna tayo. Bigla akong nagutom e,” aniyang hinila ako patungo sa paborito niyang restaurant. Syempre nasa restaurant ko kami kakain as one of my sister’s favorite. Matagal tagal na rin kasi na hindi ito nagagawi doon. Meron kasing branch na malapit sa Mall kaya lumabas kami saglit at babalik na lang mamaya para manood ng sine. “”Oh my God! I missed here, Kuya. Ang dami na palang nagbago dito,” nakangiti na saad ni Mich. Napangiti na lang ako habang papasok kami sa loob ng restaurant. “Oo nga e, It’s been a long time since you were here,” saad ko sa kanya. Naupo kami sa favourite spot ng kapatid ko. Agad kaming napansin ng isang waiter at agad na lumapit sa amin. “Good afternoon po, Kumusta Ma’am Mitch?” nakangiti na bati ni Charice. “Ayos lang, Charice. Kumusta na kayo dito?” nakangiti na tugon at tanong din ni Mich. “Ayos lang naman. Namiss ka namin dito,” aniyang ikinatuwa ni Mich. “Naku! Pasensya na, medyo busy rin ako nowadays e. Huwag kayo mag-alala dahil baka anytime bibisita rin ako dito,” saad niya na ikinangiti ko. “Aasahan namin yan, Maam. so, ano na bang order niyo po?” nakangiti na tanong ni Charice. “Of course, my favourite. What about you, kuya?” “Naku! Alam na nila ‘yan,” nakangiti kong saad. Pagkatapos nga makuha ni Charice ang mga orders namin ay umalis na rin ito. “Kuya, matanong ko lang. Bakit tumawag ang ex-girlfriend mo? Nagkita ba kayo? Siya ba ang dahilan kung bakit ka nasa bahay kagabi?” nabigla ako sa mga tanong ni Mich sa akin. Akala ko hindi na ito mag-usisa pero ito bigla na lang nagtatanong. Paano kasi,isang Psychology graduate. Kahit hindi ako magsalita ay parang nababasa niya ang nasa isip ko. Wala na akong takas sa mga tanong niya “Umm— parang ganun na nga. Actually nagkita kami sa hotel kahapon ng umaga then kinagabihan ay pinuntahan ko siya at—” nakakunot noo siyang nakatingin sa akin. “Then, what happened? Merong nangyari sa inyo?” walang gatol na tanong niya sa akin na ikinatango ko, When it comes to her ay talagang mapapaamin ako bigla dahil kilala ko ang kapatid ko. Hinding hindi ako tatantanan hanggang sa hindi niya makuha ang gusto niya, “Unfortunately, she’s engaged.” “Engaged? Tama ba ang narinig ko?” gulat na tanong ni Mich sa akin na ikinatango ko. “Yes, you hear it right. Engaged na siya.” “Ang ibig sabihin niyan ay nag-cheat siya sa fiance niya when she make love with you,’ hindi makapaniwala niyang saad. “Technically, yes. Hinayaan niya na meron mangyari sa amin,” napailing siya hanggang sa dumating ang foods namin kaya saglit itong tumahimik.muna. “Let's eat muna, sis. Bago lumamig ang pagkain,” natatawa kong saad. Wala na lang siyang nagawa kundi ang sumunod sa akin. Natatawa na lang ako sa ekspresyon ng kapatid ko. Pero, hindi pa rin pala ito tapos sa pag-usisa sa akin at sa nangyari kagabi, “Kuya, do you still love her?” bigla niyang tanong sa akin. Hindi ako makapagsalita sa tanong niya. “Kuya?” untag niya. “Yes?” “Ang sabi ko, mahal mo pa rin ba siya?” muli niyang tanong. “Hindi ko alam.. Hindi ko sigurado kung anong nararamdaman ko sa kanya. Ang alam ko lang nung gabing yun ay namiss ko pala siya at gusto kong meron mangyari sa amin,’ tanging saad ko sa kanya. Pangiti ngiti lang siya at parang merong pinapahiwatig. “Ummm—- namiss mo lang ba o meron ka pang nararamdaman sa kanya?” nakangisi niyang usisa pa rin sa akin. “Honestly, naguguluhan ako, Mich. kung kailangan ko pa ba siyang puntahan o hahayaan ko na lang.” “Kung ako pa sayo, Kuya. dapat mo siyang puntahan at kausapin para maging malinaw kayo pareho sa tunay niyong nararamdaman sa isa’t-isa.” Napaisip ako sa sinabi ni Mich. May point naman siya para maging malinaw na ang lahat at para hindi na ganitong magulo ang utak ko dahil sa babae. “I think you are right, Mich. Kailangan ko na siyang makausap at iiwasan dahil hindi tamang ms-involve ako sa isang tulad niyang malapit na ikasal. “That’s good to hear, Kuya.” Nang matapos kaming mag-usap at kumain ay umalis na rin kami ng restaurant ay bumalik na kami ng Mall para manood ng sine. Mahilig kasi itong manood ng sine kasama ako. Sa pagkakataong ito ay si Mich ang manlilibre. Pagsapit ng gabi, We had a dinner with my family then nagpaalam na ako. I plan to go to the hotel para makipagkita kay Macy but inabutan ako ng malakas na ulan. I was driving when I saw a car na nakatirik sa gilid ng kalsada. To my surprise there's somebody na nasa labas ng kotse. "Anong naisip nito at bakit sinadya pa talagang magpaulan?" tanong ko sa aking sarili. Napailing na lamang ako habang nakikita kong napayakap sa sarili ang naturang babae. I know she's feeling cold already at hindi man lang magawang pumasok ulit sa loob ng kotse. "Hey, anong nangyari? Balak mo bang magpakamatay?" Pasigaw kong tanong ngunit wala rin yatang saysay dahil hindi niya yata ako naririnig. Ang masaklap pa wala akong dalang payong na maaari naming gamitin. I have no choice na suungin ang malakas na ulan to help this lady out of here. Baka pag-interesan pa ito ng masasamang nilalang konsensiya ko pa. "Halika na nga! Doon tayo sa kotse.”Nasiraan ang kotse mo e," ani ko sa kanya habang hinubad ko ang aking suot kong jacket para isuot sa kanya. Hindi man lang ito kumikibo hanggang makapasok kami sa loob ng kotse. I can see on her that she's feeling cold. Napansin ko pa ang panginginig ng kaniyang katawan. I look at the backseat baka sakaling nadala ko ang mga damit kong dadalhin sa Hotel. Mabuti na lamang may nakita akong tuwalyang maari naming ipunas. "Fix yourself at ihahatid kita sa inyo" I said without looking at her. Hindi ko maintindihan kahit sinungitan niya ako kanina pero I can't help myself, She captured my heart instantly. "How about my car?" biglang tanong niya sa akin. "Ipapakita ko na lang then dalhin sa talyer na pagmamay-ari ng friend ko. Don't worry your car is safe with them," Nakatitig na ako sa kanya then agad pag-iwas ng tingin. "Sorry-- Naabala tuloy kita." nahihiya niyang sambit without looking at me. "Sorry? No you don't have to say sorry. Kahit sino naman siguro ang dadaan at makita ka ay tutulungan ka rin panigurado." Napalunok pa ako ng laway habang nakamasid sa mga labi niya. Her lips is tempting na kay sarap hagkan anumang oras nanaisin ko. I'm acting strange to a stranger like her. I took a deep breath again while staring at her beautiful face. I never ever imagine that I am so much near to this beautiful lady in front of me. I don't even care if she has a boyfriend. Parang nakakahipnotismo ang kakaibang aura ng kanyang mukha. Naramdaman ko na lamang na dahan-dahan akong lumalapit sa kanya. "BOOM!" Here we go I start to kiss her without any words and just want to taste her sweet tempting lips na hindi ko mapigilang hagkan. Nadadala na ako sa kakaibang emosyon na aking nararamdaman while kissing her lips. I gently move waiting her to move and response to my kisses. After a while, naramdaman ko na ang pagkilos ng kaniyang mga labi na hudyat na tinutugon na niya ito. It was just twenty seconds or a minute of kissing that we shared with each other. Pareho kaming nahiya nang maghiwalay ang aming mga labi. "Sorry, I didn't mean to kiss you." Hinging paumanhin ko subalit nanatili pa rin siyang tahimik. Hindi man lang kumikibo. Hindi ko tuloy alam kunng anong pwede kong sabihin. “Let’s go,” nilingon ko siya habang pinapaandar ko na ang kotse. "Just tell me where you live Miss at ihahatid kita," saad ko. "Gwyneth, just call me Gwyneth." sa wakas nagsalita na siya. Akala ko kasi hindi niya ako kikibuin dahil sa hinalikan ko siya kanina. "Gwyneth? By the way I'm Brace. My name is Brace Liu," nakangiti kong sambit habang panakaw tingin siya sa akin. I really find her cute. I don't care if mayroon siyang karelasyon o wala. "Gwen, Pasensya ka na sakin," napatingin siya sa akin. “Hindi ko sinasadya. "Naku ako nga dapat humingi ng pasensiya. Tingin ko may pupuntahan ka then naantala dahil sa akin," nahihiya niyang saad. Akala ko ganoon na talaga siya kasungit pero sa tingin ko sadyang nahihiya at naiilang ito sa sitwasyon namin. "Ayos lang iyon, kaysa sa iiwanan kita mag-isa baka mapahamak ka pa." saad ko. Pilit siysng ngumiti at muling nagsalita. "Brace, nandito na tayo," sambit niya. "Sige, Itatabi ko lang," saad ko at marahan kong itinabi ang kotse. Pumasok na siya sa loob habang napahinto ako and just watch her going inside her house. Pero bigla na lamang siyang lumingon then nakangiti sa akin. "Can you join me, Don't worry mag-isa lang ako kaya walang kukuwestiyon sa'yo," Aya niya sa akin. Sa una nag-atubili akong sumunod sa kanya pero huli na nang hawakan niya ang aking kamay. "Nakakahiya naman, Gwyneth na pinapasok mo pa ako," sambit ko. "Ano ka ba! Alisin mo iyang hiya dahil sa tinulungan mo ako kanina kaya please hayaan mong masuklian ko man lang iyon. Then tingnan mo nga sarili mo, ang basa mo kaya magpalit ka muna," aniyang tuluyan na nga kaming nakapasok sa loob ng bahay. "Ha? Paano?" napakamot ako ng ulo nang tuluyan na niya akong hinila at ayon pumasok na kami sa loob. Nilibot ko ang aking paningin sa buong buhay. Napangiti siyang lumingon sa akin sabay hawak sa kamay ko. "Feel at home Brace. I will get some clothes muna," "Clothes?" tumango lamang ito at tinungo ang isang kwarto. "Maupo ka muna," sambit niya. Makalipas nang ilang sandali bumalik siya na may dalang damit. "You can wear this. Sa kapatid ko ito," "Nakakahiya naman. Naabala pa tuloy kita,” saad ko. "Ayan ka na naman sa hiya mo e, Pwede bang alisin mo iyang hiya mo kapag ako iyong kasama mo," I really find her cute and straight forward. Someone na hindi mo aakalain even may pagkamataray ito. When it comes to girls, sabi nila magaling daw ako kumilatis kaya mapapasagot ko nga lahat ng mga prospect ko. Pero, mukhang kakaiba ito sa mga babae na nakilala ko. "Sige salamat, Magpapalit lang ako." Saad ko na kinatango niya. Papunta na ako sa restroom habang patungo rin yata ito sa sariling kwarto. Napagpasyahan ko nang maligo sapagkat nabasa rin naman ako. After taking a shower, nagbihis na rin ako and when I am now in front of the mirror. Napangiti ako ng bahagya to think I'm with her now and I'm much willing to get to know her more better. Mula sa araw na ito, I try my best to have quality time with her. Iyon ang isa sa aatupagin ko. Hindi ko alam pero the first time I laid my eyes on her, I simply felt something na minsan kong naramdaman sa isang babaeng maaaring seseryosohin ko. Naroon na tayo sa bansag nila na certified playboy ako but it doesn't mean na hindi na ako marunong magmahal. Paglabas ko nga ng banyo, agad ko siyang nakita sa kitchen habang nagtitimpla yata ng kape. Napangiti ito nang makita niya ako. "Hi, Halika magkape muna tayo." sambit niya. "Anong gusto mong kape? Ipagtitimpla kita," "Ako na lang," saad ko habang kumukuha ito ng Mug ngunit bago man lang siya nakabalik sa kinaroroonan ko bigla na lamang itong nawalan ng malay. Mabuti na lamang naagapan ko. Dinala ko ito sa kaniyang silid upang makapagpahinga. "Naku! Ang init mo Gwyneth. Nilalagnat ka," Para akong nataranta sa kalagayan nito. Hindi ko alam ang gagawin ko habang nakatingin sa aking relo. Magpapaalam sana ako na aalis na dahil pupuntahan ko si Macy pero hindi ko naman pwedeng pabayaan ito lalo na mag-isa lamang ito sa bahay. Kumuha ako ng tubig at bimpo nang mapunasan ko siya at maghahanap ako ng gamot sa medicine cabinet niya. Hindi ko talaga inaasahan ito, I have to stay for her to feel her better. Sa totoo niyan first time kong mag-alaga ng may sakit na babae. Ganito pala ang nararamdaman kapag nakikita mo na na ang isang babaeng namumutla at mataas ang temperature. Nasanay kasi na ako iyong inaalagaan kaysa ako ang mag-aalaga sa kanila, Unang beses pa lang na nakakaranas na ako naman yung mag-aalaga sa kanya. Napangiti akong nakamasid sa kanya. She is silently sleeping and hindi ko mapigilang mapahanga sa kanya. Bahagya siyang gumalaw at marahang napamulat makalipas nang ilang sandali. "What happened?" She curiously asks. Inalalayan ko siyang umupo para makainom ng gamot. Hindi ko na nagawang gisingin kanina dahil matapos niyang mawalan ng malay ay nakatulog ito kaya pinunasan ko na lamang ito para kahit papano humupa iyong init sa katawan niya. "Nawalan ka ng malay kanina kaya dinala kita dito sa loob ng kwarto mo." Inabot ko ang gamot at inuming tubig. "Uminom ka muna ng gamot." “Talaga? Sorry ha! Masyado na kitang naabala,” hinging paumanhin nito. “Ayos lang yun, ano ka ba?” Napatingin siya sa akin. "Hindi ka ba nakauwi? I mean nandito ka lang magmula kanina," Tumango lamang ako then napatingin ito sa orasang nakasabit sa kanyang dingding. "Hala! Alas nuwebe na pala. Baka may pupuntahan ka pa Brace at lalo kitang naabala," saad niya. "Huwag mo nang isipin iyon, Magpalakas ka at huwag ka masyadong magkikilos dahil hindi ka pa gaanong magaling," paalala ko sa kanya. "Gusto mo bang magpahinga ulit? Nagugutom ka ba? Pagluluto kita ng sopas," tanong ko. "Huwag ka nang mag-abala masyado, Bukas na bukas magaling na ako," "Huwag ka munang pumasok bukas, Give me the numbers of your co-teacher to let them know na masama pa ang pakiramdam mo kaya hindi ka makapasok tomorow," saad ko sa kanya. "Tomorrow is Monday, Brace. Kaya hindi ako pwedeng lumiban at magtataka ang mga students ko." Lumapit ako sa kanya at naupo at nakatitig lamang sa kanya. "Maganda ka sana pero may katigasan din ang ulo mo, I told you that you will not go tomorrow and take some rest," I pinch her nose kaya napahawak ito sa ilong niya habang ningitian ako. "Brace naman!" Tinakpan ko ang kaniyang bibig. "Sige! Magsasalita ka pa diyan ay hahalikan talaga kita," banta ko sabay alis ko ng kamay ko sa bibig nito. Umiwas siya ng tingin at tinalikuran ako. Napailing na lamang ako at inayos ko ang kumot nito at lumabas na ako sa labas. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang iwanan siya. Muntik ko ng makalimutan na makipagkita sana ako kay Macy pero biglang meron nangyaring hindi ko inaasahan. Bago nga ako tuluyang nakatulog ay sinubukan ko na tawagan si Macy Nagbakasakali akong sasagutin niya ang aking tawag. Hindi ko rin kasi na tawagan ito kanina dahil nga sa nag-dinner kami ng pamilya ko then ito nga nakilala ko si Gwyneth. Ilang beses din akong nag-dial pero hindi niya sinasagot. Baka tulog na ito o nagtampo sa akin. Hindi man lang ako tumawag sa kanya upang ipaalam kung makakarating ba ako o hindi. Pagdilat ko ng aking mga mata. Napatingin ako sa orasan. Alas-diyes na ng umaga then bahagya akong bumangon. Nagtaka akong bakit may nagbago yata. Akala ko nanaginip lang ako na nilagnat ako kagabi at mayroong lalaking nagpuyat para alagaan ako. Lumabas ako sa aking silid at nadatnan ko ito sa kusinang abala sa pagluluto. Naamoy ko pa ang sinangag na huli yata niyang isinalang. "Good morning, My Princess." Nakangiti niyang bati sa akin. Princess? Tama ba ang dinig ko? She calls me Princess? Nobody calls me that and sa totoo lang kinilig ako. "Good morning, Nakatulog ka ba?" Kunot-noo kong tanong. Ang naalala ko kasi na medyo late na siyang nakatulog. "Huwag mo nang isipin kung nakatulog ako o wala, my Princess. Halika na breakfast is ready," hindi pa rin maalis ang matamis nitong ngiti na lalong nagpapaguwapo sa kanya. Hindi ko mapigilang mapangiti sa pagiging gentleman niya. Lahat na pinapakita niya sa akin kabaliktaran sa ginagawa ng boyfriend ko. Napahanga ako sa sobrang caring nito sa akin even kagabi lang kami nagkakilala. I know he's different, he's not my boyfriend pero bakit ibang-iba siya at dahil sa kanya naramdaman ko ang inaalagaan lalo na sa naging kalagayan ko. "Kumusta my Princess? Are you feeling better now?" He asks. tumango lamang akong nakangiti, "Brace, Why are you calling me, My Princess?" Out of nowhere natanong ko. siya. He smiles at me habang nakatitig sa akin. "You won't like it? Sorry ha." Pinakatitigan niya ako. "I just want it. Gusto kitang maging prinsesa ko. Don't ask me kung bakit basta you are my princess okay?" Huminga ako ng malalim lalo nang hinawakan niya ang kamay ko. “Hindi naman sa ganun, nagtataka lang kasi ako,” saad ko. Napakamot siya ng ulo at ngumiti sa akin. “Huwag mo na ngang isipin yun, basta friends na tayo,” nakangiti pa rin siya habang nakatitig sa akin. Hindi ko maintindihan, hindi ko naramdaman ito sa boyfriend ko. Iyong pakiramdam na parang nakukuryente ka kahit simpleng pagdaiti lang ng balat niyo. Hindi na ako halos makahinga sa tuwing tinitigan niya ako. Animo natutunaw ako sa mga titig nito. Pilit kong tinatago ang tunay kong nararamdaman pero mukhang obvious naman dahil sa tindi ng ng ngiti at pagtiitg niya sa akin. Kung hindi ko lang iniisip na meron akong boyfriend ay iisipin kong meron itong gusto sa akin o kaya posibleng magustuhan ko siya. Napakahirap ng kalagayan ko ngayon. Hindi ko alam kung tama pa ba itong ginagawa ko. Hahayaan ko na lang ang lahat kung ano ang pwedeng kalalabasan ng pakikitungo namin sa isa’t-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD