CHAPTER 1
CHAPTER 1
-The Reason-
I WAS seven years old that time, sa mura kong edad nalaman ko na ang pakiramdam ng nasasaktan. Iyong tagos sa pusong sakit at paghihirap ng kalooban. Sariwa pa sa alaala ko ang mga katagang binitawan ng mga magulang ko, "DIVORCE!” What a big word! na hindi ko maintindihan sa mga panahong iyon.
One day I woke up na hindi na magkasama ang parents ko, nag-iisa akong anak, masaya naman kami dati pero hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong iniwan ng tatay ko. My Mom tries to explain everything to me but still, I didn't understand.
I grew up with hatred in my heart. Kinakailangan naming bumalik ng Pilipinas were doon na kami nanirahan.
By the way, I'm Brandon Clyde Liu, a thirty-three year old bachelor and a member of the HEARTTHROBS. I'm a Filipino-Taiwanese and a lawyer at the same time and a businessman who owns a Hotel and Restaurant. I have six friends who became my good friends since College. We were seven members na magkaiba ang personalidad. Drake and Rocky are best friends ganoon din sina Sebastian at Slevin. Elly is my closest friend among them while Gael is super close to Drake and Rocky.
Sabi nila, I’m a playboy, womanizer and slightly rebellious. I think there's a reason why I'm like that. Hindi ko naman iyon tinatangging ganun talaga ako.
Paggising ko kaninang umaga habang nasa tabi ko ang isang magandang binibini na nakilala ko kagabi sa isang bar. Not the bar of Drake but the other bar na madalas kong puntahan. maganda naman siya at napakagaling sa kama pero hanggang doon lamang ang mamagitan sa amin. I grab my phone and I saw five missed calls from Rocky.
We know Rocky is a bit mysterious and serious kaya magkasundong-magkasundo sina Gael dahil similar ang personality at hindi na bago sa amin ang ganito na biglang tatawag ng madaling araw.
I call him back and here we go, hindi man lang niya sinasagot ang mga tawag ko. I check the time it's seven o’clock in the morning and maybe he's still in bed kaya I better call my other friends.
I dial Drake's number but it's not attended then Sebastian, Maybe you will wonder that by this time ay lima lang kami. Actually there's someihing happened three years ago. Magkasunod na nawala sina Elly at Gael both of them are partners in terms of their careers. The one is an artist and the other one is a photographer/writer.
Tatlong ring bago sinagot ni Sebastian ang telepono niya. "Where are you Bro?" tanong ko.
"I'm on my way to Rocky’s place, Why?" Sagot niya habang pababa ako tungo sa labas ng aking Condo..
"Pwede bang daanan mo ako dito sa aking Condo, papunta rin sana ako sa bahay nila. Tinawagan niya ako kaninang madaling araw pero hindi ko nasagot. I'm getting worried," saad ko sa kanya.
"Okay, sabay na lamang tayo. hintayin mo ako diyan," sambit niya.
I'm here outside the building ng aking Condo. ayokong pahintayin si Doc. Makalipas nga nang ilang sandali natatanaw ko na ang kanyang kotse kaya kusa na akong lumapit at pumasok na sa loob.
"Hey, Bro. Kumusta? Pinaghintay ba kita ng matagal?" tanong niya habang magkayakap kami.
"Hindi naman Bro, Bakit ka pala pupunta kina Rocky?" tanong ko sa kanya.
"Tulad mo tinawagan din niya ako, Hindi ko lang nasagot dahil mahimbing ang tulog ko kagabi.”
"Nag-breakfast ka na ba?" tanong ko. Umiling siya kaya naisipan kong gagawa kami ng breakfast sa bahay ni Rocky.
Nang makarating kami sa bahay ng kaibigan namin ay agad naming sinimulan ang paghahanda ng almusal habang hindi pa ito nagigising.
After half an hour namataan namin ang kaibigan naming kagigising lang na papalapit sa kinaroroonan namin.
"Good morning, Dude!" sabay naming bati sa kanya at niyakap kami ng napakahigpit.
"I'm so worried, Rocky! Biglaan kang napatawag na hindi ko man lang nasagot dahil sa pagod. You know naman may katabi akong chick kagabi," Nag-aalalang saad ko sa kanya habang nakaakbay sa kanya. Napailing na lamang siya habang walang kibo naman si Sebastian pero makikita sa mga mata ang pag-aalala.
"What happened to you, Rocky? Are you okay? Mukhang hindi ka masyado nakatulog kagabi," tanong ni Sebastian. Seryoso siyang nakatingin sa kanya na animo binabasa kung anuman ang nasa loob ng puso’t isipan ng kaibigan namin
"I'd be honest, I had a bad dream last night that's why hindi ako nakatulog ng maayos kagabi," pag-amin niya sa amin. We’re already at the dining and starts eating our breakfast na kami mismo ang naghanda.
"Papasok ka ba sa Opisina?" tanong ni Sebastian."I think you need to take some rest."
"Yeah! I guess I need to take some rest! I'll just call my Secretary to cancel my appointment today," sagot nito
"By the way, Rocky. join us tonight sa bar ni Drake. Sebastian is having a gig tonight," Biglang sabat ko habang nagkatinginan na lamang silang dalawa.
"Okay! I’ll be there tonight, matutulog lang ako then susunduin ko pa sina Mama later at three o’clock in the afternoon," aniya.
Parehong kaming nakangiti nang marinig na darating sina Tita Josephine at ang mga kapatid niya. We got worried about those bad dreams that he was experiencing.
“Oh, nice to hear that! At least may makakasama ka na dito," Nakangiting sambit ko sa kanya. He knows that we only wants the best for him sa ganitong sitwasyon.
"Wait, Where’s Drake?" Biglang tanong niya sa amin. Nagkatinginan kaming dalawa at napangiti.
"May misyon daw siya somewhere in our Beach house. Tumawag ang caretaker natin do’nt dahil may nakapasok na ibang tao particularly sa bahay niya," sagot ni Sebastian sa kanya.
"Brace, may lakad ka pa ba? By ten o’clock, I have an appointment sa isang pasyente then diretso na ako sa Clinic," Biglang tanong ni Sebastian sa akin habang tahimik lamang itong nakatingin sa aming dalawa habang nararamdaman niya na ang p*******t ng ulo dahil halata ito sa kilos niya.
"Uuwi na muna ako sa Condo. I need rest.”
"So paano Rocky, aalis na muna kami. you may take some rest at may pupuntahan ka pa mamaya," Paalam naming dalawa sa kanya saka niyakap namin siya bago kami umalis.
Inihatid ako ni Sebastian sa aking Condo. But, surprisingly dumating si Mama na walang pasabi.
"Ma! Bakit ka nandito? Why you didn't call para masundo sana kita," lumapit ako sa kanya and hugged her and kiss her.
"I want to surprise you! By the way, I have something for you,” may kinuha siyang kahon sa bag niya.
"Here! bigay ng Papa mo," aniya ng ikinabigla ko.
"Nakipagkita ka na naman ba sa kanya, Ma? How many times I’ve told you that we don't need him and please ibalik mo iyan sa kanya," I can't control my anger every time ganito si Mama at ang bilis niyang kalimutan ang lahat.
Nasaksihan ko ang paghihirap niya and hindi naman bago ito sa amin that after ten years nagkaroon ng communication sila ng tatay ko. My parents have their own family after the divorce.
"Anak naman! Nais lang naman makabawi iyong Papa mo sa'yo," aniya.
"Huli na Ma! Hindi na niya maibabalik ang panahong kailangan ko ng ama at huli na para magpaka-ama siya sa akin."
"But, Son. please give him a chance," pakiusap niya sa akin.
"Chance? Naririnig mo bang sinasabi mo, Ma? Is he deserves it? Magmula nang iniwan niya tayo at nagkahiwalay kayo ay kinalimutan ko nang may ama ako," I see teardrops on my Mother’s eyes. I immediately hug her and say sorry.
"I'm so sorry, Ma. Nasigawan tuloy kita."
"Take some rest, Son. I have to go," paalam niya.
"Where are you going?" tanong ko.
"Your siblings need me kaya doon muna ako and if you're ready to talk to your Father just give me a call," I felt guilty of what I did but sorry hindi ko pa kayang harapin si Papa.
"Okay, Ma. Take care," Hinatid ko siya sa pinto then dumeretso na ako sa aking silid.
I don't know what to feel, gusto kong magwala, manuntok at sumigaw. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil sa bawat pagmamatigas ko ay nasaktan ko na si Mama.
Hindi madali sa akin ang tanggapin na I came from a broken family. My parents have a new family of their own as they're both married for the second time. I have two siblings from my Mom nang nag-asawa muli ito and my Dad has two children kaya I already have four half-siblings.
I knew them already but we are not that close. I’m living all alone now and sometimes nagpupunta rin ako sa place ni Mama na kung saan kasama niya ang aking kapatid na si Mich