CHAPTER 9 -Friendly Date- MALAPIT NA AKO SA HOTEL. Naririnig ko na ang pagkabog ng aking dibdib na hindi ko maintindihan. Dala lang ba ito sa pangamba na baka galit si Macy sa akin o kaya posible kaya nagtatampo na siya sa akin.”Bahala na nga!” Lumabas na ako ng kotse at agad na pumasok sa hotel. Nadatnan ko si Mia na agad nakapansin sa akin. She smiles at me. “Good noon, sir.” “Good noon, Mia. kumusta kayo dito?” tanong ko sa kanya. “Ayos lang po, sir. Nag-lunch pa po si Ma’am Macy,” aniyang nakangiti pa ito, Napakamot na lang ako ng ulo kahit wala akong tinatanong pero siya na mismo ang nagsabi sa akin tungkol kay Macy. “Oh, talaga? Kanina lang ba siya?” tanong ko sa kanya. “Bago lang po, sir. Pupuntahan mo ba siya?’ tanong niya. Umiling ako. “I will go to my room first to take