CHAPTER 10 I'm being Honest WE ARE STILL HERE SA RESTAURANT and I am enjoying eating my lunch with him. Hindi ko na yata maalala kung kailan kami huling nag-date ng boyfriend ko. Sa totoo lang hindi ko sukat akalaing kasama ko ang isang ito na napaka-caring. Napakagaang kasama at higit sa lahat ipinapadama niya sa'yo how special you are to him. Ilang araw pa nga kaming nagkakilala at magkasama ay parang pakiramdam ko ay matagal na kaming magkakilala sapagkat nakakagaan ng loob ko sa kanya. He reminds me of someone na nagbibigay sa akin ng bulaklak. "Brace, Is this your restaurant na minsan mong nabanggit?" biglang tanong ko. Napaangat siya ng ulo then he smiles at me. "Yeah! Ito nga. So anong masasabi mo?" tanong niya. Nilibot ko muna ang aking paningin sa kabuuan ng lugar at nap