KABANATA 2

1401 Words
KABANATA 2 NASA LOOB NA ng opisina ni Mr. Miranda si Sugar at hindi niya maitago ang saya na nararamdaman niya. Una sa dahilan, wala na roon ang kapatid ng guro na si Frosty Ximena na half human at purong maldita. Pangalawa, solo niya na ang guro. Panghuli, malaya na niyang matitigan ito sa kung ano man oras niya gusto. Pwedeng segundo o hindi kaya minuto. Habang nakaupo siya sa isang bakanteng upuan, iginiya niya ang tingin sa paligid hanggang sa napadpad siya sa mesa ng guro. Nang nakita niya na wala ng laman ang tupperware na nilagyan niya ng brownies, napangiti siya. Sa tingin niya, kinain na ang lahat ng iyon ni Mr. Miranda. “Good afternoon, Ms. Tan,” seryosong bati ni Mr. Miranda sa kaniya. “Naubos ninyo po ang brownies, Sir?” Hindi niya mapigilan na magtanong dito. Curious lang siya. Napatingin si Mr. Miranda sa tupperware na nasa mesa nito. “Nope. My brothers. But natikman ko naman—a bit. Anyways, you are a good pastry chef.” Napatayo siya sa kinauupuan niya at biglang napasayaw at napakanta ng Made You Look ni Meghan Trainor. Wala na siyang pakialam sa sasabihin ni Mr. Miranda. Ang mahalaga sa kaniya, maipakita niya ang saya niya sa sinabi nito. Hindi lang pala saya kung hindi nakamamatay na kilig na nararamdaman niya. Hindi nagtagal, napatigil na lang siya sa ginagawa nang makitang wala man lang reaksiyon ang guro. Hindi man lang ito natawa sa ginawa niya. Kahit pagtaas na lang sana ng kilay. Kung nagkataon na ginawa nito iyon, itatanaw niya sana iyon ng utang na loob. “Have a seat,” sabi nito. “Sir, thank you sa appreciation. Dahil sa sinabi mo, mag-shi-shift ako bukas ng course,” masigla niyang sabi. Hello? Hinigop niya lahat ang enerhiya na nagmula sa araw. “No need. You are doing well in your course, our Engr. Sugar Queen S. Tan.” “Engr. Sugar Queen T. Mi. . . char lang po.” Umupo na siya muli sa kinauupuan niya sabay takip ng bibig niya. Habang kinakagat ang ibabang parte ng labi para pigilan ang kilig, hindi niya mapigilan na tingnan ang guro. Hindi ito nakatitig sa kaniya at tahimik lang na nakaupo sa swivel chair nito. “Ms. Tan, come here,” seryosong sabi ni Mr. Miranda sa kaniya. Umayos na siya. “Okay, Sir.” Pagtayo niya sa kinauupuan ay agad na siyang tumungo sa guro. Pagdating niya sa tapat nito ay inabot na nito ang test questionnaire na sasagutan niya. Hindi niya maipagkaila na iba talaga ito sa lahat ng guro. Ang quiz na ibigay nito ay parang laging periodical examination sa haba at hirap. Pero wala siyang reklamo roon. Sa isipan niya ay ang lahat ng iyon sa ikabubuti nilang mga estudyante. “Thank you,” sagot niya. Pagkabalik niya sa kinauupuan niya, agad niya ng sinimulan sagutan iyon. Habang binabasa ang mga katanungan sa multiple choice, napataas na lang ang kilay niya. Sinigurado niyang makakuha ng perpektong score roon lalo pa at may bawas na siyang anim na puntos. Nang natapos, fill in the blanks naman ang sinasagutan niya. Aminado siyang nahihirapan nang kunti pero malakas ang kutob niya na tama ang mga sinagot niya. Pero hindi na lang siya aasa para hindi masyadong masaktan kung sakali man na may mali siya. Minuto ang lumipas, malapit na siya sa dulo. Kahit paano ay masaya siya sa sinagutan niya. Tangging essay na lang ang sinasagutan niya na hindi opinionated at dapat talaga facts ang sagot. Science lang naman ang sinagutan niya. Nang nasa bilang pangalawa na lang siya, biglang bumukas ang pinto at bumungad ang tatlo pang kapatid na lalaki ng kaniyang guro na sina Polar Kice, Saint Acer, at Saint Asus Miranda. Nanlaki ang mga mata niya nang matitigan ang mga itsura ng mga ito. Hindi niya maitanggi ang kaguwapuhan ng mga ito. Nakasisilaw. Sa isipan niya, ang suwerte ng mga mapapangasawa ng mga ito. Nang lumingon sa kaniya si Polar Kice, napangiti ito. Pagkatapos, sinuway nito ang kambal na sina Acer at Asus. Napatigil sa pagsasalita ang mga ito at tumungo na lang sa sulok. Sa higaan ng guro sa opisina nito. “Ipagpatuloy muna. Sorry sa disturbo,” sabi ni Polar. Nakatango siyang ngumiti rito. Hindi niya maitatanggi na iba ang ugali nito sa lahat ng magkakapatid na nakilala niya. Kung si Mr. Miranda ay parang walang emosiyon, iba naman doon si Frosty Ximena na purong maldita. Habang sina Acer at Asus ay walang pakialam sa paligid ng mga ito. Pero wala na dapat siya aasahan sa ugali ng mga ito. Para sa kaniya, napasobra lang ang mga ito sa pagmamahal ng mga magulang. Napabuntonghininga na siya. Hindi pala dapat niya husgahan ang mga ito lalo pa at hindi pa niya ang mga ito kilala. Mukhang napaaga ang panghuhusga niya na hindi pa sana dapat. Para gumaan ang pakiramdam niya, tatawagin niya lang iyong ginawa niya ng first impression sa mga ito. “Walang anuman. Hi, Kuya,” bati niya. “Hello. Mauna na ak—” Hindi nito natapos ang sasabihin. “Kuya, pakikuha ng water,” utos ng isa sa mga kambal—si Acer. Napakunot na lang ang noo niya sa narinig. Pwede naman sana itong tumayo para kumuha ng tubig pero mas pinili nitong makisuyo sa kapatid. Nang sinagutan na niya muli ang test questionnaire, nagpokus na muna siyang sagutan iyon. Hindi na lang niya inisip na may apat na lalaki na ubod ng kaguwapuhan sa paligid niya. Sa gitna ng katahimikan, napataas ang kilay niya nang may nagpipigil ng tawa. Sinilip niya ang mga ito at nanlaki na lang ang mga mata niya nang makita ang posisyon ng dalawang kambal. Para sa kaniya, parang mag-asawa ang mga ito kung maglambingan. Nakasandal ba naman ang isa sa kambal sa katawan ng kambal nito habang ang kambal nito ay nakayakap dito. Kilala niya ang mga pangalan ng mga ito pero hindi niya alam kung sino ang mga ito roon. Nasa unang baitang ng kolehiyo ang mga ito at kumuha ng kursong BS Business Economics. Mukhang plano ng mga ito na sundan ang mga kapatid na ganoon din ang kurso. Sa pagkakaalam niya, kakatapos lang noong nakaraang taon si Mr. Miranda sa kurso na iyon. Mas inuna nitong makapagtapos ng kursong Bachelor of Secondary Education Major in Science bago sumabak sa business class. “Are you done?” biglang tanong ni Mr. Miranda. Napalingon siya rito. “Not yet, Sir.” “Okay.” Nilingon nito ang mga kapatid. “Brothers, she was the one who made those delicious brownies.” Napalingon sa kaniya si Polar. “Wow! We love it. Thank you.” “Welcome, Kuya.” Napangiti siya. “TY,” sabay na sabi nina Acer at Asus. “Welcome. Gusto ninyo pa ba? Gagawa ako mamaya,” aniya. “Yes. But ayaw namin na free lang iyon. Babayaran na lang ng kambal,” sabi ni Polar. “A-Ano? B-Bakit kami, Kuya?” tanong ng isa sa kambal. “Ako na lang ang magbabayad,” sabi ni Mr. Miranda. “Pero hindi ko naman kailangan ng pera,” giit niya. “Hey! Kaanu-ano mo ba kami para librihin, ah?” tanong ng isa sa kambal. Matapang niyang nilingon ang mga ito. “Crush ko ang Kuya ninyo. Magiging bayaw ko kayo soon.” “A-Ako?” tanong ni Polar. Itinuro pa nito ang sarili nito. “Nope.” Nilingon niya si Mr. Miranda. “Ang Kuya Zeddrick Cold ninyo.” “Yucks,” sabay na sagot ng kambal. Napairap pa ang mga ito. Napangiti si Polar. “What the...” “Don’t take it seriously, Brothers. She was joking,” seryosong sabi ni Mr. Miranda. Napalingon siya rito at ang seryoso talaga ng mukha nito. Para bang ayaw talaga nito na magkagusto siya rito. Nagsasabi lang sana siya ng totoo pero parang tinapos na nito ang nararamdaman niya. Kung akala nito na susuko siya sa nararamdaman niya ay hindi niya hahayaan iyon. Napabuntonghininga na lang siya at tinapos ang sinagutan niya. Hindi nagtagal, natapos niya talaga iyon. Napatayo na siya sa kinauupuan niya at tumungo sa guro. Nang nasa tapat na siya nito, inakma niyang ibigay ang test questionnaie rito. Pero nang sinubukan na nitong tanggapin iyon, hinila niya iyon pabalik. Pagkatapos, tinitigan niya ito nang masama. “I love you,” mahina na sabi niya sabay kindat. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD