KABANATA 3

1388 Words
KABANATA 3 NAPANGUSO NA LANG si Sugar nang maalala na wala na namang reaksiyon ang guro sa sinabi niya kanina. Pero wala na muna siyang magagawa roon. Kilala niya ito bilang emotionless guy. Ni hindi pa niya ito nakita na ngumiti man lang. Siguro kung mapangiti niya ito ay magpapahanda siya sa mansion nila. Paglabas niya ng gate ng unibersidad, nakaabang na ang family driver nila. Agad siyang pumusok doon at sinabing sa semeteryo siya ihatid. Habang nasa biyahe, napakuyom lang ang kamay niya. Hindi niya lang mapigilan na mag-isip ng kung anu-ano. Una na rito, ang ate niya na pumanaw noong nasa kolehiyo pa lang ito. Hindi man lang ito nakapagtapos ng pag-aaral. “Kakapunta lang natin sa sementeryo noong isang araw, Madam Sugar,” sabi ng driver nila. “Then who cares? Pwede bang magmaneho ka na lang at ’wag ka ng mangialam? Hindi ka pa nawalan ng mahal sa buhay kaya tumahimik ka,” aniya. Natapos niyang pagsabihan ang driver ay napabuntonghininga na lang siya. Simula noong pumunaw ang kapatid niya, aminado siya na nagbago ang ugali niya. May kamalayan siya sa kinikilos niya. Hindi lang talaga nawala ang galit sa puso niya. “Patawad, Madam,” sabi ng driver. “Kuya, sorry rin,” aniya. Minuto ang lumipas, dumating na sila sa sementeryo. Inutusan niya muna na bumili ng bulaklak at kandila ang driver nila bago siya tumungo sa puntod ng kapatid. Pagdating niya sa puntod ng kapatid, agad na napakuyom ang kamay niya. Hindi niya lang mapigilan ang sarili niya. Para kumalma ang nararamdaman niya, tumingala siya sa kalangitan. “Ate, tulungan mo naman akong habaan pa ang pasensiya ko,” aniya. Nagsimula ng mangilid ang luha sa mga mata niya. Ang akala niya ay gagaan ang pakiramdam niya kapag tumingala siya sa kalangitan. Pero maling-mali pala siya roon. Mas lumala lang ang nangyari. Nang ipinikit niya ang kaniyang mga mata, tuluyan ng bumuhos ang luha na pinipigilan niya. Matagal ng pumanaw ang kapatid niya pero sariwa pa rin sa kaniya ang sakit. Napahawak siya sa kaniyang dibdib sabay mulat ng kaniyang mga mata. Sa pagkakataong iyon, nanlilisik ang mga mata niya sa galit. “Nagsisimula na ako, Ate. Hindi ako titigil hanggang sa hindi ako—” Hindi niya na itinuloy ang sasabihin at mas piniling tumahimik na lang. Nang nakita niya na paparating na ang ang driver nila ay nagpunas na siya ng luha sa mga mata niya. Ayaw niya lang na makita siya nito na ganoon ang sitwasyon. Pagdating nito, agad siyang napangiti at umaarteng parang walang nangyari. Tinanggap niya na ang bulaklak at kandila mula rito. Pagkatapos, umupo na siya sa damuhan at inilagay sa ibabaw ng lapida ang bulaklak. Nilingon niya ang driver. “Kuya, mayroon kang lighter?” Kinuha nito iyon sa bulsa nito at inabot sa kaniya. “Umiiyak ka ba, Madam?” “Pwede bang ’wag mo akong pakialaman?” mataray na sabi niya. “Nag-aalala lang po dahil boss kita,” sagot nito. “Labas ka na kung ano man ang nangyayari sa akin. Driver ka namin at hindi personal psychiatrist na palaging tumitingin kung how are we really?” “Pasensiya. Pero what if nakita ko na may taong magtatangka sa buhay mo? Hindi kita tutulungan dahil driver lang ako? Ganoon ba ang gusto mong mangyari?” sabi nito. “Pwede bang tumahimik ka na lang? Lalo mo lang akong ginagalit,” sabi niya. Aminado siya na wala siyang laban sa katigasan ng ulo nito. “Okay. Sa sasakyan na lang siguro ako maghihintay,” paalam nito. “Mas mabuti pa,” sagot niya. Nang nawala na ito sa paningin niya, pasimple na niyang minasahe ang dibdib niya. Aminado siya na naninikip iyon sa nangyari. Kahit anong pigil niya sa kaniyang sarili, lumalabas talaga ang tunay na ugali niya. “Ate, I made brownies for Zeddrick Cold. Tinanggap naman niya. Natikman niya and he likes it. Pag-uwi ko, gagawan ko na naman siya. I hope he will like it again,” aniya. Oras ang lumipas, tumayo na siya mula sa pagkaupo sa damuhan. Nanatili pa rin na nakatitig siya sa lapida ng kapatid niya habang kinakausap ito sa isipan. Ayaw na niyang ilabas mula sa bibig ang gusto niyang sabihin at baka may makarinig sa kaniya. Mas minabuti niya na sila lang ang nakaaalam ng ate niya sa mga hinaing niya sa buhay. Nang nakapagpaalam na siya sa kapatid, aalis na sana siya. Pero napatigil siya nang dumaan ang sasakyan ni Mr. Miranda—ang ama ng guro niya. Sinundan niya lang iyon hanggang sa dumating iyon sa puntod ni Doña Irwana. Paglabas nina Ice at Kirsten Miranda mula sa loob ng sasakyan, sumunod na ang tatlo pang mga anak ng mga ito. Sa pagkakaalam niya, triplets ang mga ito. Kahit nasa malayo siya ng mga ito, nakikita niya ang magagandang mukha ng mga ito. Nakasisilaw. Tipid siyang ngumiti at nagsimula ng humakbang patungo sa sasakyan nila. Habang naglalakad, muling napakuyom ang mga kamay niya sabay pakawala ng malalim na hininga. “I can do it,” matapang na sabi niya sa isipan. Pagdating niya sa sasakyan nila, agad siyang pumasok. Hindi pa man niya sinabing umalis na sila, awtomatikong pinaandar na iyon ng driver nila. Habang nagmamaneho, napatingin na lang siya sa driver nila sa rearview mirror. Hindi niya alam kung bakit ito naging driver. Hindi na rin siya nagtanong kung bakit. May respeto pa rin naman siya sa pribadong buhay nito kahit madalas niyang tinatarayan ito. Pero ang sigurado siya, bata pa ito. Mga lamang lang siguro sa kaniya ng apat o tatlong gulang base sa itsura nito. Kahit driver lang nila ito, hindi niya maipagkakaila na may itsura ito. Maganda at malinis ito tingnan kahit mahirap ito. Sa ngalan na naging driver nila ito, masasasabi niya na hindi magara ang pamumuhay nito. “Bakit po, Madam?” tanong ng driver niya. “Wala. May iniisip lang.” “At sa akin talaga nakatingin?” tanong nito. Napabuntonghininga siya. “Pwede bang tumahimik ka na lang?” “Oo na,” nakangiti na sagot nito. “Mabuti. Masyado ka ng epal sa buhay ko,” irap na sabi niya. “Grabe ka naman. Hindi naman siguro,” sagot nito. Ayaw talaga magpatalo sa kaniya. Para hindi na uminit ang ulo niya, hindi niya na lang ito papansinin. Kapag siya mainis nang sobra rito, papalitan niya talaga ito. Minuto ang lumipas, dumating na sila sa mansion nila. Pagtigil ng sasakyan, agad siyang bumaba. Narinig niyang nagpaalam ito pero hindi na niya sinagot at nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Pagpasok niya ng mansion, agad siyang dumiretso sa kuwarto para magbihis. Nang natapos, bumaba na muli siya para gumawa ng brownies na ibibigay niya kay Mr. Miranda. Pagdating niya sa kusina, nandoon si Dwayne—ang family driver nila na parang sariling driver na rin niya. Ito ang palagi niyang kasama kahit saan siya magpunta. Kahit paano, kilala na niya ito at masasabi niya na mabait itong tao. Bagaman naiinis siya sa pagiging pakialamero nito, titiisin niya na lang siguro iyon. Sa isipan niya, masasanay rin siya. “Hi, Madam,” bati nito sa kaniya. “Kuya, bindi ba sabi ko ay Sugar na lang? Hanggang kailan ka ba makaiintindi?” tanong niya rito. Tinaasan na niya ito ng boses. “Boss kita,” sagot nito. “Alam ko. Pero hindi kumportable na tawagin mo ako sa ganoon.” “Pasensiya na po, Madam. Pero sinusunod ko lang talaga ang tama,” giit nito. “Anyways, pakikuha na lang ng ingredients ko sa brownies sa ref. Alam mo naman iyon, ’di ba?” Napangiti ito. “Ako pa ba? Basta may tatlong piraso ako mamaya, ah?” “Of course. Kahit mainitin ang ulo ko, hindi ako maramot at alam mo iyan.” “Yeah.” Napangiti na lang siya. Sa tingin niya, kailangan na niyang pigilan talaga ang ugali niya. Sisiguraduhin niya na walang makakaalam sa ugali niyang ganoon. Ang sigurado siya, alam ng lahat na makulit siya kaya dapat panatalihin niya na ganoon pa rin ang tingin ng mga tao sa kaniya hanggang sa itinakdang panahon. Nang makita niya ang kutsilyo na nakasabit sa may lababo, napakuyom muli ang kamay niya at hindi mapigilan na manlisik ang mga mata sa galit. “Ate, maipaghihiganti rin kita,” sabi niya sa isipan. ~~~

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD