CHAPTER 6

1895 Words
(The voice is a second face) AYVA’S POV ANG katangiang taglay ni Raine ang siyang gagamitin ko upang madala ang invitation kay Calix. Kinakailangan ko lang dagdagan ang galing ko sa pag-arte. Well, magaling ako doon. Praktisado ako sa mabait kong version. “Ayva, sino ba si Raine?” nagtatakang tanong ni Rachel habang naglalakad na kami palabas ng eskwelahan. “Ano ka ba? Hindi ba sabi mo dapat ipakit ko kay Calix ang tunay na ako? So, ipapakita ko sa kanya!” sagot ko. “Duda ako diyan sa sinasabi mo, Ayva. Ibig sabihin si Raine ay ikaw rin?” “Oo. Ang maganda at mabait na version ko. Kapag nagkagusto siya kay Raine, mas maigi.” Nagpipigil akong tumawa. “Noong una, ang gusto mo magpapanget para hindi ka magustuhan ni Calix. Ngayon naman magpapaganda ka para magustuhan ka niya. Tapos ano?” “Tapos- wala! Kapag nagustuhan niya si Raine ay tiyak na hindi na siya papaya sa kasal. Hindi ba maganda iyon?” “Alam mo Ayva, nawiwirduhan ako sa iyo. Kaibigan nga kita, para kang luka-luka,” naiiling na sabi nito. “Let’s say na ganoon ang nangyari, and hanapin niya si Raine para pakasalan? Ano ang gagawin mo?” “Hindi niya makikita si Raine kahit kailan. Nasa ibang bansa na ako bago pa man niya malaman,” confident kong sabi. “Mabuti kung ganoon nga ang mangyari,” ani ni Rachel. “Ikaw, ang nega mo sa akin. Gusto mo bang makasal ako sa Calix na iyon? Ang gusto lang ‘nun maging asawa ako sa papel para sa mga magulang niya. Pero ibang babae naman ang gustong makasama hanggang sa pagtanda.” “Gusto mo ba ikaw?” “O- hindi no!” malakas kong sigaw. “Okay, fine! Huwag mo naman akong sigawan.” “So-sorry. Hindi ko sinasadya.” “Ayo slang. Basta kung ano ang gusto, go mo lang. Alam ko naman na alam moa ng ginagawa mo eh,” anito. “Kailangang huwag kang pumalpak dahil naku malilintikan ka talaga kapag nagkataon.” “Wala ka bang tiwala sa akin? Siyempre, pagpaplanuhan ko ng mabuti.” “Paano ‘yung school event?” “Bakit, anong problema doon?” “Kung pupunta si Calix dahil sponsor siya, hindi malabong hanapin ang Raine na magdadala ng invitation. Tama ba ako? Alangan naman na mag-change outfit ka or something?” “Actually, pinag-isipan ko nga iyan eh. But don’t you worry, may plano na ako para diyan.” “Kinikilabutan talaga ako sa plano mong iyan, Ayva.” “Trust me, Rachel.” Kinindatan ko ito kasunod ng pagsakay namin sa taxi na pinara ko. WALA pa si Papa nang dumating ako sa bahay. Marahil ay nasa trabaho ito. Dumiretso ako sa kusina para tingnan ang laman ng refrigerator. Magluluto ako ng dinner dahil siguradong gutom na si Papa pag-uwi nito. Mabuti na lang at marunong akong magluto. Simula ng mawala si Mama ay nag-aral na akong magluto para kapag uuwi si Papa galing sa trabaho ay may makain ito. Nakakasawa rin kasi ‘yung mga binibili niyang lutong pagkain at mahal pa. Kaya kahit hirap na hirap akong intindihin ang mga nasa recipe book na binili ko ay pinilit kong makapagluto ng maayos. Tinatakbo ko na lang ang bahay nila Rachel para magtanong sa Mommy nito at kung minsan ay pumupunta pa talaga ito kasama ang kaibigan ko para ituro sa akin. Kinuha ko ang manok mula sa refrigerator. Napangiti ako nang makita na may gulay pa na pwede kong isahog sa iluluto kong tinola. May narinig akong kumaluskos malapit sa pinto. Si Papa na siguro iyon. Sakto, paluto na ang tinolang manok. Tinusok ko ng tinidor ang sayote. “Malambot na,” ani ko saka pinatay ang kalan. “Pa? Ikaw ba iyan?” Ngunit walang sumagot. Kumuha ako ng dalawang plato at maingat na inilagay sa mesa. “Pa?” tanong ko kasabay ng malalaking hakbang patungo sa pinto. Binuksan ko ang pinto. “Calix?!” manghang tanong-sigaw na sabi ko. “Ano’ng ginagawa mo rito?” Mabuti na lang hindi ko pa natatanggal ang suot kong wig! Hindi man lang ito kumatok. The nerve talaga! “Pinapunta ako rito ni Mommy. Samahan daw muna kita habang may meeting sila with Tito Reynan,” sabi nito na parang napilitan lang pumunta. “Hindi mo naman kailangang samahan ako rito. Kaya ko naman ang sarili ko at isa pa ang lapit lang ng bahay ng kaibigan ko. Walang mangyayari sa akin,” ani ko. “Nasaan ang salamin mo?” tanong nito. “Ah- ano kasi,” tumalikod ako saglit. “Sandali, tinanggal ko lang muna kasi nangangati ang mga mata ko. Kukunin ko lang ah,” dagdag pa na sabi ko. Bakit ba naman bigla-bigla na lang itong dumarating! “Sige, okay lang ako.” Saan ko ba nailagay iyon? Magpakita ka na salamin at baka mabuking ako ng antipatikong lalaking iyon! Nakahinga ako ng maluwag nang makita ang hinahanap ko sa mesa na nakapatong sa malaking bowl na may lamang prutas. “Hindi ka ba aalis? Sasamahan mo talaga ako?” tanong ko nang makabalik sa sala. Nakatayo ang lalaki habang tinitingnan ang mga larawang naka-display doon. Wait, may picture ako doon! Lumingon na ito sa bandang kanan kung saan nakalagay ang mga pictures ko na naka-frame. Mabilis kong hinablot ang kamay ni Calix at namimiloga ang mga mata nitong tumitig sa akin. Pati ba naman ang mga kilay nito ay sinadyang kaakit-akit tingnan? “Bakit?” tanong nito na nakakunot noo. “Ah- may niluto kasi ako. Pwede bang tikman mo?” Sana kumagat. Sana hindi makahalata ang mokong. “Nagluto ka?” Nakataas na ang isang kilay nito. “Oo nga! Tutal, nan-dito ka na naman. Sabayan mo na rin akong kumain,” sabi ko. Hindi na ito sumagot kaya hinila ko na lang. Baka magbago pa ang isip. “Upo ka, para hindi naman masayang ang pagpunta mo rito ay sabayan mo na lang ako sa pagkain ng hapunan. Pasensiya ka na sa akin kanina. Hindi lang kasi ako makapaniwala na nandito ka sa bahay. Hindi ako sanay.” “Kung ganoon ay uuwi na lang ako,” anito sa supladong tono. “Ah, hindi! Kumain muna tayo. Maupo ka na,” aya ko kay Calix. Mabuti at sumunod naman agad ito. Nagmamadali akong nagsandok ng kanin at ng ulam na niluto ko dahil baka bigla na lang umalis ang lalaki. “Try my tinola. Niluto ko iyan kasi akala ko uuwi ng maaga si Papa.” “Ikaw ang nagluto?” “Oo!” “So, marunong ka magluto?” “Marunong ako magluto. Natuto ako nang…” tila may bumara sa lalamunan ko. “Nang mawala si Mama,” sabi ko. “Sige, kumain na tayo. Titikman ko kung masarap ang luto mo,” anito na parang wala akong sinabi. MAAGA akong nagising kinabukasan. Nagustuhan ni Calix ang niluto kong tinola kagabi. Akala mo first time makakain ng tinolang manok. Ikinatuwa kong nagpaalam na rin ito agad pagkatapos kumain. Hindi ko na nahintay ang pagdating ni Papa dahil pakiramdam ko ay antok na antok na ako. Napakaraming nangyari kahapon kaya naman mabilis akong nakatulog. “Ah…” nag-inat inat ako. “Ayva, aalis na ako!” narinig kong sigaw ni Papa. “Papasok na ako sa trabaho.” Nagmamadali akong bumangon. “Pa, sandali!” Naabutan ko itong nagsusuot ng sapatos. “Ang aga ninyo naman po yata pumasok, Pa. Hindi ko na kayo nakasabay na kumain kagabi.” “Pasensiya ka na anak. May importanteng bagay lang kaming inaasikaso ng Tito Louie at Tita Janine mo. Pumunta ba si Calix dito kagabi?” “Opo. Umalis din agad pagkatapos kumain.” Ngumiti ito. “Tiyak na nagustuhan ‘nun ang luto mo. Ang galing mo na magluto eh,” sabi ni Papa. “Maaga akong uuwi mamaya. Dinagdagan ko ang baon mo. Tingnan mo na lang sa account mo, anak.” “May pera pa naman ako Papa,” ani ko.” “Okay lang iyon para kapag gusto mong mamasyal o kumain sa labas ay magagamit ka.” “Salamat, Pa. Ingat ka sa daan,” sabi ko. Tumango ito saka lumabas na. Tumunog ang mobile phone ko. Agad ko itong kinuha sa silid ko. “Oh, Rachel?” “Papasok ka na ba o pupunta ka muna sa kompanya ng soon to be husband mo?” anito kasunod ng pagtawa. “Hala! Muntik ko ng makalimutan!” “Gusto mo bang samahan kita?” “Huwag na, Rachel. Tatawag ako sa iyo mamaya,” anang sabi ko at ibinaba na ang tawag. Kailangan ko ng magmadali! Ayva, si Raine ka muna ngayon! Self, please tulungan mo muna ako! Ilang beses akong bumalik sa harapan ng malaking salamin sa silid ko upang siguruduhing maayos ang lahat sa akin. Isang simpleng peach dress ang sinuot ko na binagayan ng three inches na sandals. Straight na straight ang buhok ko dahil sa plantsang gamit ko at hindi ko rin nakalimutang gamitin ang kwintas at isang pares ng hikaw gayundin ang relo na iniregalo pa sa akin ni Papa noong nakaraang birthday ko. Inilagay ko ang puting sobre sa pulang sling bag na gagamitin ko. I am Raine now. Good luck na lang sa iyo, Calix! Isang sulyap ang ginawa ko sa salamin saka tuluyan na akong lumabas ng silid ko. “Good morning!” bati ko isang babae na nasa information desk. “Yes, how may I help you?” tanong nito. “I’m here for Mr. Calix Villaruel. Inutusan ako na ihatid ang invitation mula po sa College of Architecture.” “Wait lang Miss ah, check ko lang kung available na si Sir Calix,” sagot ng babae. “Pwede ka ng pumasok sa office niya Miss?” tanong nito matapos ibaba ang hawak na telepono. “Raine po,” sagot ko. “Okay, Miss Raine. Katukin mo lang siya sa opisina niya sa tenth floor.” “Thank you Miss, lalo kang gumaganda kapag ngumingiti ka,” ani ko. “Talaga? Salamat,” tugon nito at bahagya pang namula ang pisngi ng babae. Kahit hindi na sabihin ng babae ay alam ko naman ang daan patungo sa opisina ni Calix. Napabuga ako ng hangin nang huminto sa pinto. Akma na sana akong kakatok nang marinig kong may nagsasalita sa loob. Marahil ay may kausap pa si Calix. “Come on, Calix. Kailan ka pa natutong kumain ng tinola? Sa pagkakaalam ko ayaw mo ‘nun dahil sabi mo parang malangsa sa panlasa mo,” sabi ng boses lalaki. “Iyon nga nag ipinagtataka ko. Hindi ko man lang nalasahan iyon sa niluto ni Ayva at naubos ko ang isang mangkok na ulam!” Lihim akong napangiti. Nagustuhan pala ni Calix ang niluto ko. Self, kalma please! “So you mean – “ Talong sunod akong kumatok. Mapagkakamalan akong espiya kung matatagalan akong nasa labas ng opisina. “Mr. Villaruel, I’m from College of Architecture – “ “Come in please,” agad na sagot nito. Pinihit ko ang seradura. Tila nag-slow motion ang paligid nang makita ko si Calix na manlaki ang mga mata pagkakita sa akin. “Hi, I’m here to give the invitation form the College of Architecture.” Tipid akong ngumiti. “Oh,” sambit ng lalaking kausap ni Calix. “Please, have a seat.” “Thank you, pero hindi na rin po ako magtatagal,” tugon ko. “Ikaw ba ang inutusan ni Professor Martin?” tanong ni Calix na halos lumuwa na ang dalawang mata sa pagtitig sa akin. “Yes, Mr. Villaruel. Ito po ang invitation,” ani ko sabay abot ng puting sobre. Agad naman nitong inabot iyon. “Ahm, may I know your name? Parang hindi pa kita nakikita sa COA.” “I’m Raine po. Just call me Raine.” “What a nice name, Raine,” ani ng isang lalaki. “Right, Calix?” “Ahm… yeah!” nauutal na sagot ni Calix. Sige lang, Calix. Tingnan mo lang ako. Makakalimutan mo rin ang kasal mo kay Ayva. “Can we invite you for a snack?” tanong ng isang lalaki sabay kindat kay Calix. “Yes, sure po,” agad kong sagot. Ito na ang simula, Calix. I’ll make sure na magugustuhan mo ang isang tulad ni Raine. Nakangiting tumatango ang lalaki nang bumaling doon ang tingin ng Presidente ng Villaruel’s Company.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD