CHAPTER 7

1991 Words
(There is beauty in simplicity) AYVA’S POV INAASAHAN kong lalabas sila ng Villaruel’s Company upang doon mag-meryenda ngunit dinala ako sa mismong eleventh floor. Mayroon pala doong cafeteria exclusive lamang sa mga empleyado ng naturang kompanya. Malinis ang buong paligid at halatang hindi basta basta ang mga staff na nandoon. Napapagitnaan ako ng dalawang lalaki na walang tigil sa pag-uusap. Kapansin-pansin naman ang pagsulyap-sulyap sa akin ni Calix. May mangilan-ngilang empleyado na sunud-sunod na bumabati sa dalawang lalaki. “Ako na ang kukuha ng kakainin natin,” ani ng lalaking kasama ni Calix. Tumango ako kasunod ng pagtango naman ni Calix. “Let’s sit,” mahinang sabi ni Calix nang hilahin nito ang upuan sa mesang hinintuan namin. “Thank you,” tugon ko. “Raine, right?” tanong nito. “Yes Sir,” agad kong sagot. “Calix na lang. Hindi naman siguro ako masyadong matanda sa iyo,” anito na nakangiti. Ibang-iba ang paraan ng pakikapag-usap nito sa akin. “Ilang taon ka na ba?” “Twenty one,” mabilis kong sagot. “In line ka ba sa Fashion Design?” “Ah, oo! Ang swerte ko nga kasi nag-offer ang COA ng Fashion Course.” “Yeah, dapat palitan na nila ang pangalan ng school kasi hindi na Architecture lang ang mga courses na mayroon sila. Ang balita ko, marami na ngang bagong courses at pang-international ang curriculum na gagamitin nila.” “Wow, talaga? Siguradong makakatulong sa bansa natin kung ganoon. Pang-international din naman ang talents ng mga Pilipino.” Tinitigan ako nito kasabay ng makahulugang pagngiti. “Ba-bakit?” tanong ko. “Alam mo nakakatuwa ka,” anito. “I like your attitude.” “Salamat. Pero, iyon lang naman ang pananaw ko.” “Well, wala naman masama sa sinabi mo. Totoo naman na Pilipino tayo and we should produce Filipino talents in international level. Maganda nga ang ideyang mo,” sabi nito. “Hindi ko naman idea iyon Mr. Villaruel. Sigurado akong isa sa mga may-ari o staff o professor ang nag-suggest ‘nun para sa ikagaganda ng COA.” “So, what are your plans after your –“ “I am planning to take a masteral pero I am not sure kung saan ako magte-take.” Mahina itong tumawa na naman kasabay ng paghawak sa noo. “Bakit na naman?” “May naalala lang ako. Isang kakilala na ganyan na ganyan din ang sagot. Wait, baka kaklase mo siya! Do you know Ayva Santiago?” “Ah… si Ayva? O-oo naririnig ko siya kay Professor Martin. Kaya lang hindi kami magkaklase. Special case so madalas two to three times lang ang pasok ko.” Dahilanan pa more, Raine! “Bakit naman?” “Medyo busy lang sa ibang bagay.” Naku, huwag ka ng magtanong pa Calix. Hindi ko na alam ang sasabihin ko! “I see,” anito ngunit tila hindi kumbinsido sa sinabi ko. Kailangan ko ng umalis at baka kung ano pa ang tanungin ng mokong na ito. “Ah, Mr. Villareal,” tawag ko. “Pasensiya na pero baka hindi ko na kayo masabayan pang mag-merienda. Naalala kong may kailangan pa akong importanteng gagawin ngayon. Sorry talaga,” ani ko. “Ah, ganoon ba? Sige, ihahatid na lang kita sa ibaba.” “Hi-hindi na! Okay lang ako. Sige, pakisabi na lang sa kasama mo. Salamat sa pag-aya sa akin dito.” Sinigurado kong maganda ang pagkakangiti ko kaya naman hindi na ako nagtaka sa pagkalaglag ng panga nito. “Ahm, pwede ko bang mahingi ang number mo? Para maituloy natin ang pagmemeryenda some other time?” “Hi-hindi naman na kailangan eh,” ani ko. Tumalikod na ako ngunit maagap ang kamay nitong hinawakan ang kamay ko. “Please,” anito na tila nagmamakaawa. “Si-sige.” “Salamat,” sabi nito matapos kong ibigay ang numero ko. “Ayva! Nasaan ka na ba?” tanong ni Rachel nang sagutin ko ang tawag. “Hindi ba dinala ko ang invitation kay Calix?” sagot ko habang naglalakad patungo sa elevator. “Oo nga, alam ko! Bakit parang ang tagal mo?” “Ah, kasi may kausap siya kanina kaya hinintay ko lang na matapos.” “Okay, hindi ba nakahalata?” “Hinding-hindi niya ako mahahalata no? Ang ganda ko kaya ngayon!” “Oo na, ikaw na ang maganda. Anyway, papasok ka pa ba? Sinabi ko kay Prof na hinatid moa ng invitation eh.” “Hindi na ako papasok. Ite-text ko na lang si Prof.” “Sige, puntahan na lang kita sa inyo Wala naman masyadong gagawin ngayon eh.” “Sige, hintayin kita sa bahay.” Nang makababa ako ng elevator ay nginitian pa ako ng babaeng nakausap ko sa information desk. Hindi ko kinalimutang magpasalamat. Mukha namang mabait ito kaya tiyak na magkakasundo kami. Nakasakay agad ako ng taxi. Bago ko tuluyang maisara ang pinto ay nakita kong tumatakbo si Calix palabas ng gusali. Tila tinatawag ako nito ngunit umusad na ang sinasakyan ko. “Maam, babalik po ba tayo? Mukhang kayo po yata ‘yung tinatawag ‘nung lalaki?” tanong ni Manong driver. “Ah, hindi po. Baka may ibang hinahabol po iyon,” sagot ko. Ako ba ang hinahabol ng Calix na iyon? Kung sabagay, maganda kasi ako. Pero nagwagi ako na makuha ang atensyon nito. Mabuti na lang dalawa ang number na ginagamit ko sa mobile phone. “Pa?!” gulat na tanong ko nang madatnang nanonood ng tv si Papa. Wala pa halos tanghalian ay nasa bahay na ito. “Ang aga ninyo naman yata umuwi ngayon, Pa?” “Oo, maaga kasing natapos ang meeting ko.” “ “Bakit parang sunud-sunod naman po yata ang meeting ninyo? Tungkol saan po ba iyon Pa?” “Ah… sa trabaho lang,” maagap nitong sagot. Ibinaba nito ang hawak na diyaryo. “Teka, bakit ganyan ang suot-suot mo? Saan ka nanggaling, anak?” “May inihatid po kasi akong invitation sa sponsor ng gaganaping event sa school. Inutusan lang po ako ni Prof.” “Ganoon ba? Ano ba ang gusto mong kainin sa tanghalian? Ako ang magluluto ngayon para makabawi man lang ako sa pag-indiyan ko sa iyo kagabi,” pag-iiba nito ng usapan. “Talaga Pa?” Mabilis itong tumango. “Sige po, kahit ano. Masarap naman po lahat ng luto ninyo eh,” sagot ko. “Damihan ninyo pala Pa, darating si Rachel.” “Okay, anak!” Dumiretso ako sa silid ko. Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili ko sa harap ng malaking salamin. Totoong simple lang ang suot kong damit pero hindi maitatago niyon ang magandang kurba ng katawan ko. Parang nakikita ko ang mukha ni Mama kapag ganoon ang ayos ko. Mahaba ang napakalambot na buhok. Ang mukha ko ay pinaghalo ang kombinasyon ni Papa at Mama. Tama nga si Rachel, ang swerte ko sa pagkakaroon ng mga maganda at gwapong magulang. Nakangiti akong tinungo ang cabinet upang kumuha ng pamalit ng damit. Napalingon ako nang biglang tumunog ang mobile phone ko. Bitbit ang damit na kinuha ko ay kinuha iyon mula sa sling bag na nakapatong sa mesa. Hind ko na inabala pang tingnan kung sino ang tumatawag basta ko na lang pinindot ang green button. “Hello?” “Hi,” bati ng isang lalaki. Napakunot ang noo kong napatingin sa mobile phone. Numero lang iyon kaya hindi ko alam kung sino ang lalaking parang anghel ang boses. “Hello Mister, baka po wrong number po kayo? Kung naghahanap naman kayo ng mapagtitripan, mali ho ang natawagan ninyo,” ani ko at akmang pipindutin ko na ang red button nang magsalita ito ng mabilis. “Raine, si Calix ito.” Tila tumigil ang oras nang marinig ko ang sinabi nito. My gosh, tumawag na agad si Calix! Naku self, talaga ngang nagtagumpay ka! “Ah, Mr. Villafuerte! Ikaw pala iyan! Pasensiya ka na, hindi ko agad nakilala ang boses mo,” ani ko. “It’s okay. I just want to ask if you already at home? Hinabol kita kanina para sana ihatid na lang sana sa uuwian mo kaya lang nakasakay ka na ng taxin.” “Ganoon ba? Hindi ko kasi napansin, I’m so sorry,” apologetic kong sabi. “No, it’s okay. Walang problema sa akin.” Saglit itong tumikhim. “Gusto ko rin sana itanong kung hindi ka busy mamayang gabi? Aanyayahan sana kitang mag-dinner, parang treat ko na sa iyo.” Treat? Bakit? “Hindi kasi natuloy ang merienda natin kanina,” dagdag na sabi nito. “Naku Mr. Villaruel, walang problema sa akin iyon. Hindi ninyo na kailangan pang gawin iyon.” “I’ll insist. Friends naman tayo hindi ba?” Nakagat ko ang ibabang labi ko saka muling nagsalita. “Sige, just send me the location kung saan tayo magkikita.” “Thank you so much Raine. I’ll see you later,” anito saka nawala na sa linya. Huli ka Calix! May dahilan na ako para mawalan ng pag-asa ang kasal. Lumabas din ang tunay mong anyo. “Ayva! Si Rachel nasa labas! “ sigaw ni Papa. “Pagbuksan mo ng pinto at madumi pa ang kama ko!” ani pa nito. “Opo, Pa!” Mabilis kong isinuot ang damit na pambahay na kinuha ko saka ko tinakbo ang pinto. “Hi, Ayva! Akala ko hindi mo na ako pagbubuksan ng pinto,” nakasimangot na sabi ni Rachel. “Ang tagal mong buksan eh!” “Nagbihis pa kasi ako. Sorry naman,” ani ko. “Ewan ko sa iyo. Nandito ba si Tito? Narinig ko ang boses niya eh.” “Oo, nagluluto sa kusina.” “Ano ang nangyari sa iyo kanina?” pabulong na tanong nito. “Pwede bang sa kwarto na lang tayo mag-usap?” Nagmamdali kaming pumasok sa silid ko at pabagsak kaming umupo sa gilid ng kama. “He’s asking me out,” ani ko. “Ano?!” malakas na sabi ni Rachel. “Huwag mong lakasan ang boses mo! Baka marinig ni Papa!” pabulong na sabi ko. “Baka pagalitan ako kapag nalaman ni Papa eh.” “Tinablan agad ang Calix na iyon dahil sa alindog mo?! Grabe ka talaga, Ayva! Ikaw na talaga!” “Friendly date lang naman iyon. Nakokonsensiya yata kasi hindi ako naihatid kanina,” sagot ko. “Kahit pa. Paano kung malaman na si Ayva at si Raine ay iisa?” “Malabo iyon. Ibang number ang binigay ko.” “Paano naman kapag nagtanong kay Prof, aber?” “Huwag mo na problemahin. Kakausapin ko si Prof.” “Ano ka ba naman, Ayva! Bakit mo kasi pinahihirapan ang sarili mo? Payagan mo na lang na makasal kayo sa itsura ni Raine. At heto pa ha? Paano kapag sinabi ni Tito ang tungkol sa tunay mong itsura? For sure, hindi ka na makakatanggi pa,” mahabang sabi ni Rachel. “Trust me Rachel, okay? Alam mo naman na hindi totoo na nakalimutan ko na ang pagiging maldito ni Calix noong maliit pa kami at pakiramdam ko hindi magtatagal ay lalabas ang pagiging babaero ‘nun. Kapag nangyari iyon, ending na. Tapos na ang kasal na inaasam ng mga magulang namin.” “Sure ka talaga diyan sa ginagawa mo ha? Baka sa huli pagsisihan mo iyan.” “Ano ka ba? Hindi ko hahayaang makasal sa lalaking dadalhin ko lang ang apelyido. Di bale ng matigang huwag lang makasal sa maling tao.” “Paganyan-ganyan ka, baka ma-inlove ka rin sa Calix na iyon.” “Never, as in never! Magunaw man ang mundo!” “Sira ka talaga!” natatawang sabi ni Rachel. “Ayva, kumain na tayo. Ayain mo na si Rachel!” tawag ni Papa. “Yes, Pa! Papunta na po!” sagot ko. “Tara, kain na muna tayo!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD