bc

My Dully Soon to be Wife

book_age16+
7.1K
FOLLOW
28.2K
READ
contract marriage
CEO
student
humorous
icy
campus
office/work place
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

"Hinding-hindi ko magugustuhan ang isang katulad niya!" malakas kong sabi.

"Bro, Ayva is the ideal woman for you," pang-aasar ng kanyang kaibigan.

Lalo yatang nag-init ang ulo niya.

"Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Mom at Dad sa babaeng iyon! Eh, kahit makatabi iyon sa upuan ay hindi ko maaatim!" sagot niya.

"So, ganoon ba ang ideal para sa iyo?" tanong ni Zeke habang nakaturo sa isang babae na kapapasok lamang ng bar.

Tila nawala yata ako sa kalasingan at napatutop sa aking noo. "Oh my God! She's perfect!" aniya na halos lumuwa pa ang mga mata ko.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
(Perfect love story arranged by our parents) CALIX POV “MOM! DAD!” sigaw ko matapos nilang sabihin sa akin ang tungkol sa pagpapakasal. “You can’t do this to me!” Natigil sa paghakbang ang papalabas na sana niyang mga magulang sa aking silid. “And what will you do Calix?” mataray na sabi ng Mommy ko. Nilapitan pa niya ako saka hinawakan sa balikat. “Matagal na namin napag-usapan ito ng Daddy mo, my dear. Don’t you worry, you’ll be in good hands.” Hindi ko talaga maintindihan kung bakit naging pabigla-bigla ang mga magulang ko na pagdesisyunan ang usaping kasal para sa akin. Ang masama pa nito, gusto nilang matali ako sa isang babaeng kahit kailan ay hindi ko magugustuhan. “Then why Ayva?” Matiim akong tinitigan ni Mommy samantalang dinaluhan ito ni Daddy. Hinahagod ang likod, pilit pinapakalma. “I don’t see any reason why you chose her. I really don’t like her,” sabi ko. Gusto kong malaman kung ano pang dahilan ang sasabihan ni Mommy sa kinagigiliwan niyang babae na nais niyang pakasalan ko. Unless gusto nito na magkaroon na panget na mga apo! “Ayva is the ideal wife for you, Calix! At hindi ka na makakatanggi pa, kung ayaw mong kalimutan kong may anak ako na katulad mo,” madiin ang pagkakabigkas na tugon ni Mommy. “Ayva is a good girl. Hindi mo lang nakikita iyon because you’re still playing and with different girls sa kung saan saan!” “Janine, please calm down. Hayaan na muna natin na makapag-isip ang anak natin,” singit ni Daddy. “Calix, don’t talk to your Mom like that. She is still your mother, please pay your respect.” May babala sa tinig ni Daddy. Kapag ganoon ay wala na akong masabi pa. Baka bigla na lang mahimatay ang Mommy at mag-panic na naman si Daddy. Marahas na lang akong napabuga ng hangin. “I am telling you Calix, kapag hindi ka pumayag ay kalimutan mo ng may magulang ka!” Iyon ang huling sinabi ni Mommy bago tuluyang lumabas ng aking silid. Nakasunod agad si Daddy dahil alam nitong matindi ang galit na nararamdaman nito sa mga oras na iyon. Kinuha ko ang bawat gamit sa kama ko at inihagis sa sahig. Gusto kong ibunton doon ang lahat ng inis, galit at pagkamuhi ko kay Ayva! Damn! Bakit siya pa? Ang dami namang babae sa mundo bakit ang isang wirdong iyon ako nais makasal ng Mommy sa akin?! Nawalan na ba ng mga ito ng taste para sa pagpapalago ng aming lahi! “Hello?” matabang kong sagot nang pindutin ang answer call button ng mobile phone kong walang tigil sa pagtunog. Muntik ko ng mabato ito subalit napigilan ko lang sa pag-aalalalng marinig ni Mommy at Daddy. “It’s me Calix. Are you free tonight?” Narinig ko ang isang pamilyar na boses. His flavor of the month and saktong kailangan niya ito. “Athena? Is it really you?” “May iba ka pa bang inaasahan?” “Oh. I mean, wala! You know, napakaswerte mo ngayon at libreng-libre ako tonight. So, where to?” Bumangon ang pananabik sa kabuuan ko. I’m going to enjoy it, for sure! “Same place and same time,” sagot niya na lalong nagpainit sa pakiramdam ko. “Okay, I’ll be there.” Pinatay ko na ang tawag. Mabuti na lang talaga at may mapagbubuhusan akong lahat ng samang nararamdaman ko sa araw na iyon dahil kung wala, baka hindi na ako patulugin ng paulit-ulit na sermon ni Mommy. It will be a long, long night. SAME PLACE. I swipe the card kahit na alam ko ang passcode at pumasok na sa loob ng silid. Well, ito ang madalas kong puntahan tuwing kailangan niyang huminga ng maluwag. Kumakalma ang aking isipan at lumiligaya pa ang aking katawan. Nilinga nga ko ang paligid. Maayos at malinis ang paligid. Marahil ay dumating na ang babaeng kausap ko kanina. Dumiretso ako sa kamat at doon tinanggal ang sapatos nang marinig ko ang lumalagaslas na tubig na nagmumula sa banyo. Napalunok ako nang maisip na nandoon si Athena at naliligo sa sarili niyang shower o di kaya ay nasa bath tub at nagbabad ng katawan nito. Nagmadali akong naghubad at halos takbuhin ang pinto ng banyo. Napamura pa ako ng mapagtantong naka-lock iyon. Agad kong hinablot ang bath towel na nakasampay sa upuan saka muling kumatok. “Athena, I’m here. Can you open the door for me?” Ngunit walang sumagot mula sa loob. “Hey, Athena! Nandito na ako. Pwede ba akong sumabay sa iyo diyan?” Baba-taas ang haplos ko sa aking baba kasabay ng pagngisi. Lagaslas lang ng tubig ang naririnig niya. Kinatok ko ng malakas ang pinto subalit wala pa ring tugon. “Athena? Nandiyan k aba? Sandali lang, kukunin ko ang susi. Hintayin mo ako ha?” Inilang hakbang ko ang tokador na lagayan ng susi saka tinakbo muli ang banyo. “Masyado mo naman akong sinasabik eh.” Ang kurtinang tumatabing sa pagitan ng bath tub at toilet bowl ang unang bumungad sa kanyang pansin. Ang bulto ng isang babae na payapa sa pagkakahiga. Naaaninag niya ang suot nitong headset na nasa taenga kaya marahil hindi nito naririnig ang pagtawag ko. Patuloy rin ang paglagaslas ng tubig mula sa shower na hindi ko alam kung bakit nakabukas samantalang hindi naman ginagamit. “Athena, papatayin ko muna ang shower ah. Sayang ang tubig at nandito na naman ako,” sabi ko na hindi inaalis ang pagkakatitig sa katawan ng babae. “I’ll join you ha?” Tinanggal ko ang nakapulupot na tuwalya sa baywang ko at isinabit saka hinawi ang kurtina. “Ah!!!” sigaw ng babae. “Sino ka?! Ano ang ginagawa mo dito?” Halos masira ang kurtina sa pagmamadali kong kunin ang tuwalyang isinabit. “Magnanakaw ka no?!” sabi ko. “Ahh! Ahh! Ahh!” patuloy pa rin sa malakas na pagsigaw ang babae. “Hoy! Huwag mo akong madaan-daan sa pagsigaw mo ha? Ikaw itong pumasok sa unit na ito na hindi mo pagmamay-ari. Sandali at tatawag ako ng staff sa ibaba.” Palabas na ako nang bigla itong tumayo at marahas akong hinawakan sa braso. Napakunot ang noo niya ng makita ang suot nitong shorts at sando. Naitulak siya nito na sakto naman ang pagkakabalandra niya sa bath tub. “Argh.” Sa sakit na dulot ng pagkakabagsak niya. “Hoy, saan ka pupunta?!” Ngunit sa halip na lingunin siya ng babae ay dire-diretso lang ito sa paglabas at malakas na isinara ang pinto ng banyo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.7K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.7K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.9K
bc

My Ex, My Boss, My Husband R-18

read
556.9K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
199.4K
bc

The ex-girlfriend

read
138.9K
bc

That Professor is my Husband

read
504.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook