CHAPTER 5

2132 Words
(The best things happen unexpectedly) AYVA’S POV “AYVA, ano ang nangyari kahapon?” tanong ni Rachel. Nasa loob na kami na room at hinihintay na lang ang pagdating ng professor namin. “Dinala lang naman ako ng Calix na iyon sa kompanya nila,” matabang kong sagot habang ngumunguya ng kendi. “Talaga? So, ipinakilala ka niya sa mga empleyado nila? Grabe, kakaingit ka naman Ayva!” tili ni Rachel. “Bakit niya naman gagawin iyon? Hindi naman ako gusto ‘nun eh,” ani ko. “Eh, bakit ka dinala dun?” “Nag-usap ang mga magulang namin tungkol sa kasal.” “Wow! So, tuloy na tuloy na nga talaga?” “Kailangang may ibang magustuhan si Calix para hindi siya pumayag na ituloy ang kasal namin. Hindi pwedeng matali ako sa kanya para pasakitan lang,” sabi ko. “Bakit ba kasi? Ipakita mo na lang ang tunay na ikaw tapos paibigin mo siya para maging masaya kayong dalawa.” “Hindi kami bagay. Isa pa, nanggaling na mismo sa bibig ng lalaking iyon na panget ako at hinding-hindi niya ako magugustuhan.” “Kasi nga ganyan ang itsura mo. Sigurado akong kapag nakita ka niya sa tunay n among – “ “Ayva?” Sabay kaming napatingin sa nagsalita. Nasa harap na pala namin ang professor namin. “Bakit ganyan ang itsura mo?” “Ah… prof long story eh. Pasensiya na po talaga. Masagwa po bang tingnan?” Bigla itong natawa. “Palabiro ka talaga, Ayva. Kahit naman suot mo iyan ay maganda ka pa rin.” “Prof ha? Kung lalaki lang ako, matagal na kitang niligawan,” sabi ko . “Naku, ikaw talagang bata ka. Hayaan mo kapag nakahanap na ako ng lalaking magmamahal sa akin ay iimibitahan ko kayo sa kasal ko.” “Prof ang ganda-ganda mo kaya! Ang daming gustong dumiskarte sa iyo kaya lang natatakot. Nakaka-intimidate naman kasi ang kagandahan mo eh.” “Huwag mo na akong bolahin, Ayva. Talaga alam mo ang kiliti ko. I need to personally talk to you later about your evaluation hmn? “Yes, Prof!” Nginitian ko saka nag-okay sign kay Rachel. “By the way, magkakaroon tayo ng isang school event para sa mga designs ninyo and as the president of your class, I have a simple favor for you.” “Sure thing, Prof. Ikaw pa malakas ka sa akin,” sagot ko. “Parang baliktad yata. I think ikaw ang mas malakas sa akin,” anito saka mahinang tumawa. “Uy, si Prof ang ganda ng bitaw ng punch line!” puri na sabi ni Rachel. “Pwede na ba ang punch line ko para magka-boylet?” Natawa silang tatlo. “Let’s talk later after the class, anito saka kumindat.” Ilanga oras na mabilis na lumipas. Halos makaligtaan ko ng kumain dahil sa paghahabol ko sa ibang activities. Kasalanan kasi ng Calix na iyon! Iyan tuloy para akong kabayong nakikipagkarerahan para lang hindi ako maiwanan. “Oh, my God! Salamat at natapos ko rin!” Itinaas ko ang dalawang kamay saka malayang nag-inat. Dalawa na lang naman kami ni Rachel sa room. Ang swerte ko talaga sa bestfriend ko na kahit anong mangyari ay hindi ako iiwan. “Ayva, kung hindi lang talaga kita bestfriend ay hindi kita hihintayin. Nagugutom na ako,” angal na sabi ni Rachel. “I love you, Rachel.” “Oo na, love rin kita. Ililibre naman kita kahit hindi mo sabihin na gusto mo.” Lumuwang ang pagkakangiti nito. Iyon lang talaga ang kaligayahan nito. Ang kumain na kasama ako. “Akala ko kakausapin ka pa ni Prof? tanong nito. “Balikan na lang siya natin mamaya. Kain muna tayo.” Tumayo na ako. “Baka naman gusto mo ng tanggalin ang wig mo? Hindi naman na siguro lilitaw ang isang Calix ngayon na hapon na.” “Sige,” agad kong sabi. Habang naglalakad kami ay may isang estudyanteng bumangga sa amin. “Aba’t hindi man lang marunong humingi ng paumanhin ang lokong iyon ah!” “Hayaan mo na.” Hinila ko na si Rachel. Mas importanteng makakain na kami at baka bigla na lang itong manapak. “Nakakainis talaga kapag nagkakagulo rito ay parang may bagyo!” “Hayaan mo na nga sila. Tara na –“ “Hindi mo man lang ba ako babatiin, my soon to be wife?” anang boses na biglang sumingit sa amin. Parang alam ko na kung sino ang hambog na nagsalita. Pagkakita ko ay nakangiti ito. Nakangiting parang aso. “Ay bestfriend, grabe naman pala ‘yang si Calix. Talagang ipinapangalandakan na – “ mabilis kong tinakpan ang bibig nito. Halos palibutan na sila ng mga estudyanteng nandoon. “Sorry Mister, baka po nagkakamali kayo. Excuse me po,” sabi ko at nagpatiuna na akong humakbang upang makalayo doon. Nakakainis talaga ang lalaking iyon! Sinasadya yata talaga akong bwisitin eh! “Wait, Ayva!” malakas na sigaw pa nito. “Hintayin mo ako, my soon to be wife!” Bwisit! “Bilisan na natin Rachel!” “Ito na nga oh, nagmamadali na po!” Ang lakas talaga ng tama ng Calix na iyon. Ano ba ang ginagawa nito? “Alam mo mukhang patay na patay sa iyo ang soon to be husband mo,” ani ni Rachel. “Hindi ko siya soon to be husband,” mariing sabi ko. “Fiancee.” “Hindi rin.” “So, ano nag tawag mo sa kanya?” “Wala! Lalaking masungit na hindi ko gusto!” “Weh?” “Kaibigan pa ba kita?” “Oo naman! Tara na, bilisan na natin dahil baka magbago pa ang isip mo na ilibre ako,” sabay akay nito sa akin. “Halika na, bestfriend mo ako.” “Ayva, Rachel!” Muli na naman kaming natigil sa paglalakad. “Bakit Prof?” “Saan kayo pupunta? Bakit bigla na lang kayo nawala?” tanong nito na hinihingal pa dahil sa pagmamadaling abutan kami. “Kakain lang po sana kami, Prof. Super gutom na kami, ” si Rachel. “Tamang-tama. Nandito ang isa sa sponsor ng nalalapit nating event. May mga dalang pagkain kaya doon na lang kayo kumain.” “Talaga Prof?” Traydor talaga itong si Rachel pagdating sa pagkain. “Sorry,” mayamaya pa ay sabi nito nang tingnan ko ng masama. Wala akong nagawa kung hindi sumama na lang. Ang hirap pa naman tanggihan ng professor namin. Sobrang bait eh. Puno ng ngitngit ang loob ko dahil sa nangyari kanina lang. Ang walang hiyang si Calix a halos ipagsigawan na ako ang soon to be wife niya. Nakakainis! Tiyak na puputaktihin ako ng mga kababaihang patay na patay sa lalaking kulang na lang ay magpapila para lahat ay mabigyan ng ayuda. Ang ayudang yakapsul at labnat na siguradong pinanabikan ng mga fans ni Calix. Bakit ba kasi kahit saan may babaeng nahuhumaling sa lalaking iyon! “May sinasabi ka ba, Ayva?” tanong ni Rachel. “Guni-guni mo lang iyon,” sagot ko. Dumiretso kami sa faculty room. Napakalaki niyon dahil sa napakaraming guro ang nandoon sa tuwing may gaganaping meetings. Hindi naman ganoon karami ang mga professors na nakaupo sa mga upuan. Shocks. Isang pamilyar na bulto ang agad kong nakita. Kapag minamalas nga naman. Ilang beses akong kinalabit ni Rachel. Sumesenyas na umalis na lang kami. “Ayva and Rachel, hintayin ninyong matapos ang meeting ha? Kumain muna kayo sa bahaging iyon at lalapitan ko na lang kayo kapag all set na kami rito. Please, pagbigyan ninyo na ako.” “Okay po, Prof.” Mabibilis nag hakbang na tinungo ko ang bahagi na may pagkain. Mabuti na lang at medyo tago kaya hindi ako agad mapapansin ng lalaking iyon! Kung hindi lang talaga kay Prof, hindi ko gugustuhin na magtagal pa kung saan nandoon ito! “Huwag kang mag-alala, Ayva. Haharangin ko ang Calix na iyan para hindi ka ma-bully ulit. Kaya pala siya ganoon dahil sponsor pala siya sa school event natin.” “Hay naku, kung alam ko lang sana ay hindi ko na ginustong maging president ng klase natin. Kinakabahan ako sa nais ipagawa sa akin ni Prof,” ani ko. Parang nakikini-kinita ko na ang posibleng mangyari. “Huwag mong sabihin na may kinalaman kay Calix iyon?” anito sabay kuha ng paper plate. “Kumain na nga muna tayo. Nakakahalata na ako, Ayva ha? Puro Calix na lang ang naririnig ko sa iyo.” “Hindi yata uubra ang plano ko sa pagsuot ng wig na ito. Balewala sa mokong na iyon.” “Totoo naman kasi ang sabi ni Prof na kahit nakasuot ka niyan ay maganda ka pa rin. Sa una lang naman nakakagulat. As in, nakakagulat.” “Okay na Rachel eh, sabay binawi mo rin pala.” “Atleast, hindi ako nagsisinungaling sa iyo.” Kumakain na ito ng lingunin ko. Kumuha na rin ako ng paper plate saka nagsandok ng pagkain na nasa mga bilao. “Pero alam mo Ayva, ang gwapo niya talaga no? Kaya hindi malabong maraming magkagusto sa kanya,” dagdag pa na sabi ni Rachel. “So, nagkakagusto ka na sa Calix na iyon?” “Hindi ah. Sinasabi ko lang naman ang mga possibilities,” agad na sagot ni Rachel. Naupo ako sa upuan at nagsimula ng kumain. Hindi ko na lang pinansin ang huling sinabi ng kaibigan ko. Sobrang gutom na talaga ako. Nakita ko rin na nilalantakan na ni Rachel ang kinuhang pagkain kaya nag-focus na lang ako sa pagkain na nasa harap ko. Ang sarap! Gutom lang ba talaga ako? “Hinay-hinay lang, Ayva. Para kang hindi nakakain ng isang linggo,” mayamaya pa ay sabi ni Rachel. “A-ko pa ta-laga ang sinabihan mo. Ti-tingan mo nga sarili mo!” asik ko. Tumawa ito ng malakas kaya natawa na rin ako. “Mukha tayong patay-gutom, Ayva!” ani nito kasunod ng malakas na halakhak. “Ikaw lang iyon no?” “Ako raw. Ikaw nga riyan eh, mukha ng pulubi.” “Pulubi talaga?” “O-“ “So, you’re here.” Si Calix ay nakatayo na pala sa harapan namin ni Rachel. “Dito ka lang pala nagpunta,” ani pa nito. Inirapan ko ito saka ipinagpatuloy ang pagkain. “Rachel, bilisan na natin baka hanapin na tayo ni Prof,” ani ko. “Sige.” “So, you’re Rachel.” Lumapit ito sa kaibigan ko na muntik ng mabulunan. “Kaibigan ka ba ng fiancée ko?” Ako ang nabulunan kasunod ng pag-ubo. Nagtalsikan tuloy ang pagkain na laman ng bibig ko. “Tubig!” Si Rachel. “Ito Ayva, uminom ka muna ng tubig.” Inabot nito ang bottled water sa akin ngunit napakunot ang noo ko nang may kamay na humahagod sa likod ko. Si Rachel ay ipinagpatuloy na ang pagkain kaya sino ang nasa likod ko? Dahan-dahan akong lumingon patalikod at malakas na napabuga ng tubig nang mapagtantong si Calix ang nasa likod ko! Hinahagod nito pataas-pababa ang likod ko! “Ano ba iyan, Ayva?” anito na parang diring-diri. “Ano ba kasi ang ginagawa mo sa likod ko?!” “I am just trying to help you, okay? Tapos ito pa ang igaganti mo.” “Sino ba kasi ang nagsabi sa iyo – “ “Whatever, makaalis na nga!” Ang sama ng titig nito sa akin kasabay ng nakakuyom ang panga. Ginalit ko yata. “Hala, nagalit na an gang fiancée mo,” pang-aalaska pa ni Rachel. “Ngiting-ngiti lang Rachel?” “Ang cute ninyo kasing dalawa. Bagay kayo,” anito na hindi nawawala ang ngiti sa mga labi. “Ewan ko sa iyo,” tugon ko habang inaayos ang kalat na naidulot ko. “Mabuti na lang at hindi kayo umalis. Pasensiya na at medyo natagalan ako,” si Prof may dala-dalang malaking notebook. “Tuloy na tuloy na ang fashion event natin at tayo ang mag-oorganize. Kaya naman Ayva, bilang president ng inyong klase, ikaw ang inaasahan kong mangunguna sa pagtulong sa akin.” “Wow! Talagang bibida ang department natin. Go, Fashion Department!” malakas na sabi ni Rachel. “Ito ang unang pagkakataon na binigyan tayo ng isang napakalaking event kaya kailangan natin pagbutihin, okay?” “Prof, wala naman pong problema. Pipilitin ko po na gawin ang best ko,” ani ko. “Good to hear that, Ayva. Alam mo naman na ikaw ang pinaka inaasahan ko.” May maliit na puting envelope itong kinuha mula sa notebook. “And this is your first task.” “Sulat, Prof? Ano po ang gagawin ko rito?” tanong ko. “Yes, ikaw mismo ang magdadala ng invitation na iyan sa Presidente ng Villafuerte Company.” “Po?!” “Actually, nandito siya kanina kaya lang hindi pa nahintay ang invitation. Bigla na lang na nagmadaling umalis. So, you need to bring the invitation to him. Don’t worry, mabait naman si Mr. Calix Villafuerte.” “Oh,” tanging narinig ko mula kay Rachel. “Magagawa mo ba, Ayva? Kailanga, bukas na bukas rin ay maipadala na para mai-sched na ni Mr. Villafuerte ang araw ng event. Alam ninyo naman kapag big time, laging busy.” “Okay po, Prof,” matapos ang ilang segundo ay sabi. Ang hirap talagang tumanggi! “Pero may hiling lang po sana ako.” “Ano iyon, Ayva?” “Huwag na lang po natin ipaalam sa Papa ko, Prof.” Nagkatingin ito at si Rachel na labis ang pagtataka. “Medyo strict po kasi si Papa eh. Alam ninyo naman po, Papa’s girl ako.” “Okay, sige.” Pauwi na kami ni Rachel. Napansin kong nakatungo lang ito at parang malalim ang iniisip. “Okay ka lang?” “Nahihiwagaan kasi ako sa iyo. Ayaw mong makita si Calix. Paano mo dadalhin ang invitation?” tanong nito kasabay ang pagkunot ng noo nito. “Huwag kang mag-alala. Hindi niya ako makikilala bilang si Ayva. Makikilala niya si Raine,” nakangiting sabi ko. “Raine?” “Yes. Si Raine ang magdadala ng invitation bukas.” Tingnan ko lang Calix kung ano ang gagawin mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD