CHAPTER 4

2070 Words
(History is an argument without end) AYVA’S POV OO, panget nga ang itsura ko ngayon pero hinding-hindi ako papatalo sa isang Calix na iyon. Kailangan ang lalaking iyon ang unang sumuko sa kasalang magaganap! Sisiguruduhin kong ang mayabang na iyon ang unang aayaw sa kasunduan na hindi namin pareho gusto! Ang nakakainis lang parang gusto pa nitong makipag-kumpitensiya sa akin. Tipong kahit dehado na ito ay hindi ito unang su-surrender. Akala mo napakabait na anak nina Tito Louie at Tita Janine! Pero sadyang ginatimpalaan ito ng kagwapuhan dahil kahit sa simpleng pagngiti lang nito ay talaga namang kaakit-akit. Ang gwapo naman at ang ganda ng mga magulang nito kaya sadyang ang ganda ng kombinasyon. At isang Calix nga ang resulta niyon. Napakamalas lang talaga nila Tita Janine at Tito Louie dahil ang nag-iisa nilang anak ay isang dakilang playboy. Ewan ko ba pero naiirita talaga ako sa tuwing makikita ko ilang socmed sites ang tungkol sa pabago-bago at paiba-ibang babae na kasama nito. Tapos ang ending, magiging asawa ko pala! Shocks to the max talaga! Pagkakataon nga naman no? Inirapan ko ito nang biglang mapatingin sa akin. Abala pa itong kausap ang mga magulang nito pati si Papa. Pinag-uusapan na nila ang tungkol sa kasal na hindi man lang ako isinasali. Ang sabi kasi ni Papa na siya muna ang makikipag-usap kaya nasa isang tabi lang ako at matiyagang hinihintay silang matapos. Buong akala ko talaga ay walang forever pero dahil sa nangyayari mismo sa harapan ko ay masasabi kong mas mainam na lang na lakarin ko ang kahabaan ng kalsadang walang katapusan sa EDSA kaysa maghintay. Nababagot na ako ang sobra. To think na iniwan ko ang dapat ay evaluation ko sa design ngayon! Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag hindi ko nagustuhan ang resulta ng buong araw kong pagtunganga sa kompanya ng hambog na si Calix! “Ayva dear, okay lang ba diyan?” tanong sa akin ni Tita Janine. Ngumiti muna ako ng pagkaganda-ganda bago sumagot. “Yes, Tita Janine.” “Hindi ko alam kung bakit parang ang ganda sa pandinig ko na marinig na tinatawag mo ang pangalan ko,” anito na lalo pang gumanda ng ngumiti ito. “Tita maganda naman po talaga kayo eh,” sabi ko. “I really like you Ayva,” tugon nito. “Gustung-gusto na talaga kitang maging daughter in law.” “Si Tita talaga,” ani ko at nagkunwa pa akong kinikilig. Lalo lamang itong ngumiti. Bigla na lang akong napasimangot nang nakataas ang kilay na tiningnan ako ni Calix. Nanghahamon talaga eh! “May kailangan lang kaming kausapin Calix at Ayva. Isa sa importanteng tao ang kailangan naming i-meet kasama si Reynan. Can the two of you stay and talk here? Babalik kami agad upang tapusin ang buong detalye ng kasal.” Pinaglipat-lipat ni Tito Louie nag tingin sa aming dalawa. “Of course Dad,” mabilis na sagot ni Calix. “Ayva?” baling na tanong sa akin. “Opo Tito,” sagot ko. “Anak, babalik din kami agad.” Marahan pa akong tinapik ni Papa sa balikat. “Huwag ka ng mag-alala sa evaluation mo ngayon. Nakausap ko na rin naman ang professor mo,” ani pa nito. Teka, bakit parang ako lang yata ang hindi na-inform? Ano ba talaga ang nangyayari? “Opo, Pa.” Sinundan ko ng tingin ang mga ito hanggang sa makalabas. Kasama rin pala ng mga ito ‘yung lalaking kasama ni Calix nang sunduin ako sa eskwelahan. Naiwan kaming dalawa ni Calix sa loob ng opisina nito. Marahas akong napabuga ng hangin. Hindi iyon nakaligtas sa lalaki. “What is that mean?” tanong nito ngunit hindi koi to pinansin. Bahala siyang maghanap ng kausap. Tumayo ako saka naglakad malapit sa bintana na may kulay asula na kurtina. Lalaking-lalaki ang ang disenyo ng buong silid. Nakakamanghang pagmasdan ang kabuuan ng paligid. Kahit sino ay magiging komportable na mag-stay sa lugar na nakakalma ang organisadong gamit na sinabayan pa ng akmang kulay. “Hey, wala ba akong kausap dito?” Patay-malisya kong tinanaw ang tanawing tinatawid ng bintana. Isang maaliwalas na kalangitan ang sumalubong sa akin kasabay ng maliwanag na sikat ng haring araw. Ang nagtatayugang mga gusali ay nakadagdag pa ng kagandahan ng paligid. Perpektong tanawin. Agad akong napangiti. Nakakagaan sa pakiramdam ang makita iyon. “Sinasadya mo ba talagang hindi ako kausapin? Huwag mo naman akong gawing parang hangin lang dito!” halos sigaw na sabi ni Calix. “Bakit, gusto mo ba talaga akong kausapin?” Nilingon ko ito. “Para saan pa? Hindi ba nanggaling na mismo sa bibig mo na hindi natin gusto ang isa’t isa? Bakit pa kailangan nating mag-usap?” Pagak na tumawa ang lalaki kasunod ng paghakbang nito papalapit sa akin. “So, tungkol pala ito sa sinabi ko kanina kaya hindi kita pwedeng makausap,” anito kasabay ng pagtango-tango. “Well, alam naman nating pareho – “ “The feeling is mutual Mr Calix Villaruel. Bakit hindi mo agad sinabi sa mga parents mo na hindi mo ako gusto para hindi na matuloy ang kasal? Are you just pretending to be a good son? Well, in fairness, ang galing mong umarte. Pwede ka ng manalo ng FAMAS award.” “What?!” Nakapamaywang na ito. Naniningkit ang mga mata na tinitigan ako. “Bakit ka ba ganyan makipag-usap sa akin?” “Huwag na tayong mag-usap, Calix. Iyon ang dapat, hindi ba?” “Hindi ako aatras sa kasal kahit ano pa ang sabihin mo, Ayva. Hindi ko kailanman susuwayin ang Mommy at Daddy ko - ” “Kahit hindi bukal sa loob mo. Hindi mo ba nakikitang hindi tayo bagay? Masyado kang – “ “Alam ko naman eh. Masyado akong gwapo para sa isang katulad mo.” “Ang yabang mo,” mahina kong sabi. “Ano ang sabi mo? Hininaan mo na naman ang boses mo. Sabihin mo na lang sa akin ng malakas para naiintindihan kita. Alam na alam kong matagal na akong gwapo,” mahabang sabi nito. Malapad akong ngumiti. “Oo na, gwapo ka na.” Nakita kong lumuwang ang pagkakangiti ng loko. “Kaya lang, parang Mama’s boy ka. Tama ba ako?” “Ano’ng – !“ “Wala kang balls, hindi ba? Kaya kahit napakaraming magagandang babae ang nasa paligid mo ay pipiliin mong pakasalan ako dahil lang sa kagustuhan ng mga Mommy at Daddy mo? If I were you, hindi ako papayag. Sayang lang ang kagwapuhan mo kung mapupunta ka lang naman sa isang katulad ko,” ipinagdiinan ko ang huling salitang sinabi ko. Mukhang hindi pa rin yata ito makapag-isip ng maayos. Iniwanan ko ito at bumalik na ako sa dating inupuan ko. “Akala ko dapat ko ng ipagpasalamat na ganyan ang itsura dahil ang sabi nila, kapag panget daw ay maganda ang ugali. Nagkami pala sila sa kasabihan iyon,” ani nito na hindi inaalis ang mga tingin sa akin. Awts. Ang sakit naman ng sinabi ng lalaking ito. Panget talaga ako? Totoo naman kasi. Atleast, nagpakatotoo na ang lalaki. “Tatandaan ko ‘yang sinabi mo,” sagot ko. “Ah…” Bigla itong lumapit sa akin. “So-sorry, Ayva.” Umupo ito sa tabi ko. “Bakit ka ba nagso-sorry?” angil na sabi ko. “Totoo naman, hindi ba?” “Nasabi ko lang naman iyon kasi… kung anu-ano na ang sinabi mo sa akin kanina.” “You don’t have to say sorry kasi totoo naman iyon. Please don’t talk to me,” sabi ko saka bahagyang kumilos upang magkaroon ng space sa pagitan naming dalawa. “Sa tingin mo gusto ko talagang kausapin ka? I’m trying to be a gentleman here.” May pa gentle-gentleman pa itong nalalaman. Kumakagat na sa pag-arte ko “Ayaw kong makasal sa iyo hindi dahil lang sa kasunduan ng mga magulang natin. Hindi lang talaga tayo ang para sa isa’t isa.” “Do you think they would buy that? Kahit anong gawin natin ay wala tayong magagawa. Sa tingin mo matutuwa si Tita Maxine na hindi tayo ang magkatuluyan? Kahit sina Mommy at Daddy ay iyon lagi ang bukang-bibig sa akin sa bawat oras na magkakasama kami kahit saang bahagi ng bahay namin, dito sa opisina at kung saan-saan pa.” Nasapo nito ang buong mukha saka nagbuga ng hangin. “Call me a mama’s boy or whatsoever, but I love my Mom. Malaki ang respeto ko sa mga magulang ko.” Natitigan ko ito ng matagal. Halatang nagsasabi ng totoo kung pagbabasehan ang expression ng mukha habang nagsasalita ito. Kung tutuusin, kahit ako ay hindi ko magagawang suwayin ang mga magulang ko. Lalo pa ang Mama ko na nasa piling na ni Lord. At kahit hindi pa siya kinuha ng nasa itaas ay mananatili akong masunuring anak. I also love my parents so much at handa kong gawin ang lahat ng bagay na makapagpapasaya sa mga ito. Pero Ma, ang hirap naman ng ganitong agreement. Hindi ko nakikitang si Calix ang lalaking makakasama ko hanggang sa pagtanda! “Gusto ko nga pala mag-sorry sa nagawa ko ‘nung mga bata pa tayo. Alam kong hindi naging maganda ang naging impression mo sa akin.” “Bakit na naman napunta ‘dun? Matagal ng nangyari iyon ah,” sabi ko. “Ang babata pa natin noon at hindi pa natin alam ang mga ganitong bagay,” dagdag ko. “Pakiramdam ko kasi dinamdam mo iyon hanggang ngayon kaya ganyan ka makitungo sa akin,” agad nitong sagot. “Well, tama ng aka hindi na tayo mga bata ngayon kaya lang ayaw ko rin naman isipin na ganoon kasama pa rin ang tingin mo sa akin.” Bigla tuloy akong nagduda kung walang halong biro ang sinasabi ng lalaking kinaiinisan ko. O baka naman paraan lang nito ang ganoon para subukan kung hanggang saan ang kabaitan ko? “Alam mo Calix, wala na sa akin iyon. Hi-hindi ko na nga halos matandaan eh. Kaya kalimutan na lang natin ‘yung nangyari.” “Salamat, Ayva.” Titig na titig ito sa mga mata ko. Bakit parang may tala na nakatanaw? May sira na yata ang mga mata ko! “Wa-walang anuman,” sabi ko saka nag-iwas ng tingin. Para akong mapapaso sa mga titig nito. “Calix –“ “Dear!” Sabay kaming napatingin sa biglang pagbukas ng pinto. “Nandito na kami,” si Tita Janine. Nang tingnan ko si Calix ay muntik ng tumama ang mukha ko sa kanya! Kitang-kita ko ang sunud-sunod na paglunok nito kasabay ng pamimilog ng mga mata. Mabilis akong tumayo upang layuan ito ngunit tumayo rin ito! Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko at lalagapak na sana ako sa sahig nang agad nitong hinapit ang baywang ko. Sana’y hindi matanggal ang suot kong wig! “Are you okay, Ayva?” tanong nito kapagdaka. “Oh!” malakas na sabi ni Tita Janine. Nang lingunin koi to ay nakatakip ang dalawang kamay sa bibig nito, halatang gulat na gulat. Mataman lang nakatitig si Papa at Tito Louie. “Bitawan mo na ako please,” bulong ko kay Calix. “Please,” ani ko. Sumunod naman ito sa akin. Inalalayan pa akong makatayo ng maayos. “Salamat,” dagdag ko. “May nangyari ba?” tanong ni Tita Janine kahit na napaka-liwanag ng mukha nito. “Ah, tinulungan lang po ako ni Calix. Muntik na po kasi akong matumba,” sagot ko. Pinigilan ko na lang ang mapasinghap dahil sa paghahabol ng aking paghinga. Nakakaloka! “Oh, I see. Mukhang naging maayos na kayong dalawa. Nakaganda yata ang pag-iwan namin sa inyo dito,” dagdag pa nito. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nawalan na ako ng lakas na magsalita pa. Hindi pa rin kasi ako maka-get over sa paglalapit ng mga mukha namin lalo na ang maagap nitong paghawak sa baywang ko. Ako ang nagmukhang parang hangin sa kamay nito. “Mom, napag-usapan lang namin ‘nung mga bata pa kami,” sagot ni Calix. “Really? Well, it’s a good start!” Kulang na lang ay sumigaw si Tita Janine. Ang saya-saya nitong tingnan. Sayang lang at maagang nawala si Mama. Marahil palaging magkasama ang dalawa kung nabubuhay pa si Mama, ang bestfriend nito. “Ayos ka lang ba, anak?” si Papa. “O-opo, Pa.” “Mabuti naman.” “Pasensiya na kayo kung medyo natagalan kami. Nagkamustahan lang naman kami ng mga dating kaibigan,” si Tito Louie. “It’s okay Dad,” sagot ni Calix. “So, pwede na ba tayong kumain ng tanghalian ng sabay-sabay?” tanong ni Tito Louie. “That’s actually what I am going to say,” pagsang-ayon ni Tita Janine. “Minsan lang mangyari ang ganito!” Biglang naging excited naman ang boses nito. “Reynan?” baling na tanong ni Tito Louie kay Papa. “Oo naman! Tama naman ang sinabi ni Janine, minsan lang ito mangyari. Hindi ba, Ayva?” Para akong nalulunod sa uri ng mga titig ng mga ito. Wala na akong kawala. “O-opo, Pa,” sagot ko. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina lang. Nakakapanghina ng isip. Bakit kaya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD