CHAPTER 3

2066 Words
(Glance is the enemy of vision) AYVA’S POV “Ano ang mayroon dito?” tanong ko nang papasok na kami ng eskwelahan. Ang daming mga estudyanteng nagkalat sa paligid at parang natataranta. “Hindi ba dapat ay super tahimik ngayon dahil evaluation today?” si Rachel. “Nagmadali pa naman tayong pumasok dahil baka ma-late tayo tapos ganito madadatnan natin?” “Hay naku, tara na sa loob para malaman natin kung ano talaga ang nangyayari.” Agad naman na tumango si Rachel kaya patay-malisya lang kaming tumuloy sa room namin. Ang tanging nasa isip ko ay ang evaluation namin sa araw na iyon. Kahit na anong mangyari ay kailangan kong makapasa at makakuha ng mataas na grades. Iyon ang lamang ang tangi kong maireregalo kay Papa. Ang nag-iisa kong magulang na labis akong inalagaan simula nang mawala na si Mama. “Uy, Ayva,” untag sa akin ni Rachel. “Tahimik ka na naman. Akala ko ba excited ka sa evaluation ngayon?” “Oo naman!” “Eh, ano naman ang iniisip mo at natahimik ka?” “Wala lang. Pwede naman walang iniisip, di ba?” “Kanina ‘yung lalaking Calix na future husband mo ang iniisip mo. Baka siya pa rin hanggang ngayon?” Nakataas-kilay ito nang lingunin ko. Kapwa kami tumigil sa paglalakad. “At bakit ko naman iisipin ang masungit na lalaking iyon?” “Di ba, siya ang dahilan ng itsura mo?” Muntik ko ng makalimutan na kaya pala ako nagsuot ng kulot na wig kasabay ng malaking salamin na walang grado dahil sa oras na makita ko ang Calix na iyon ay tiyak na iiwasan ako ‘nun. “O, ano? Pati ba naman dito sa eskwelahan magpapakita iyon sa iyo?” “Rachel, hindi natin alam kung kailan na lang biglang susulpot iyon. Alam mo kung gaano ka-wais si Tita Janine. Gagawa at gagawa ng paraan iyon para magkita kaming dalawa.” “Ay-Ayva…” nauutal na sabi ni Rachel. “Alam mo Rachel, kahit siya pa ang pinaka-gwapong lalaki sa buong mundo, hinding-hindi ko siya magugustuhan. Hindi na baleng makatuluyan ko ang isang panget na lalaki kaysa naman sa napaka-sungit na lalaking iyon. Kahit magalit pa sa akin si Tita Janine.” “Ayva, sa… likod mo,” ani ni Rachel na parang natatakot. “Ano ba kasi ang nasa likod ko?” Dahan-dahan pa akong lumingon patalikod upang makita lamang ang lalaking sa suot pa lang nito ay nagyayabang na. May kasama pa itong isang lalaki na halos kasing-edad nito. Gwapo rin naman. “Ikaw ba si Ayva?” tanong nito. Ang boses nito ay kasing-taas ng bundok ng Everest. High pitch na tila kumakanta sa choir ng simbahan. Si Rachel ay biglang nagtago sa likuran ko. Ramdam ko ang takot nito. “Yes, why are you asking?” Hindi ako masisindak ang lalaking ito! Hinanda ko na ang sarili ko sa oras na magkita kami. “Sumama ka sa akin,” utos na sabi nito. Nakakainis talaga ang uri ng pagsasalita nito. Ang sarap kutusan! Ano ako katulong na basta na lang niyang uutusan ng gagawin? “I’m sorry Mister, but I have an important evaluation today. So, if you’ll excuse me.” Mabilis na humarang ang lalaking kasama nito sa daraanan namin. Gusto ko ng manapak! “I said, you need to come with me. Wala akong pakialam kung may evaluation ka ngayon.” “Teka, sino ka ba? Do I know you, para utusan ako na samahan ka kung saan mo man gusto pumunta?” Nakatitig lang ito sa akin ngunit may kalakip na pagbabanta ang mga mata nito. “Alam kong kilala mo ako. Kapag sinabi kong kailangan mong sumama sa akin, you need to come with me. Sa ayaw at sa gusto mo,” madiin na sabi nito. “At kung ayaw ko?” Hinding-hindi ako patatalo sa hambog na ito! “Hawakan siya,” utos nito sa kasama. “Sumama ka na Ayva, pinagtitinginan na tayo ng mga estudyante dito. Ako na lang ang magsasabi sa professor natin. Hindi magandang tingnan nap ag-tsismisan ka rito,” ani ni Rachel. Napabuga na lang ako ng hangin. Kung wala lang ako talaga ako sa eskwelahan ay tinamaan na ito sa akin eh! “Okay na sasama na ako. Huwag ninyo na lang ako hawakan, pwede?” Biglang natawa ang lalaking katabi ni Calix. “Ano’ng nakakatawa?” “Wa-wala naman,” mabilis na sagot nito. Inirapan ko lang ito. Halata naman kung bakit ganoon na lang ang pagtawa nito. Nahihiwagaan yata sa itsura ko. Kaunti na lang talaga madadagukan ko ang mag-amo na ito eh! Hindi magkamayaw ang mga fans ng Calix na ito dahil hanggang sa makarating kami sa gate ay nakasunod ang mga ito sa amin. Ew, kung alam lang nila kung gaano ka-sama ng ugali ang lalaking hinahangaan nila. “Thank you sa paghatid, see you next time,” ani pa nito bago sumakay ng kotse. A handsome playboy. Napailing na lang ako. “Don’t tell me na kailangan pa kitang alalayang pumasok?” nakangiting aso na sabi nito. “Sinabi ko ba?! Ito na nga papasok na nga eh!” Ano na ang mangyayari sa evaluation ko? Wrong timing talaga ang Calix na ito! “Kinausap ko na ang professor mo at pumayag naman siya na isama kita. Tito Reynan must be really proud of you. You’re on top of your class kaya hindi ako nahirapan na pakiusapan ang professor mo.” Katabi ko ito sa loob ng sasakyan. Pakiramdam ko sasabog ang mga ugat ko sa katawan sa isiping sa kaunting galaw lang ay magdidikit ang mga balat namin. “Alam mo Calix – “ “I’m glad you still know my name. Ikaw ang hindi ko halos nakilala.” “Well, walang permanente sa mundo except changes. Kung ikaw hindi ka nagbago, ibahin mo ako. Hindi ako katulad mo – “ “I know. I know what is your point. Maaga kasing nawala si Tita Maxine.” Ang bwisit na ito! Special mention pa talaga ang Mama ko! “It’s not about my Mama, okay?” “Alam ko naman na malaki ang pagkakaiba kung ang isang ina ang – “ “Pwede huwag na nating pag-usapan? Sigurado naman ako na hindi iyon ang pakay mo.” Humugot ito ng malalim na buntunghininga. “Pwede ka pang umatras habang maaga pa,” anito. Nakasimangot akong nilingon ito. “Alam ko naman na ayaw mo sa akin.” Mabuti at alam mo. “And the feeling is mutual.” Aba’t may pambanat pa sa huli! “Hindi mo na sa akin kailangang ipamukha pa iyan, Mr. Villaruel. I know where I stand,” dagdag ko. Sino ba naman ang magkakagusto sa itsura ko? One point, Ayva! Mukhang magwawagi ka na talaga! VILLARUEL’S COMPANY Ano ba ang gagawin ko dito? Diyos ko, please help me! Baka may masamang balak itong Calix na ito para hindi ako maipakasal! “Gusto mo bang ipabuhat pa kita?” tanong nito. “Ha?” “Sabihin mo lang, kung iyon ang makapagpapabilis ng paglakad mo.” Iniinis talaga ako ng antipatikong lalaking ito! “Wala ba akong mga paa? At saka, pwede ba akong magtanong?” nakapamaywang sabi ko. “Bakit nandito tayo? Bakit dito mo ako dinala?” “Tumawag sa akin si Mommy at pinasundo ka. Kahit na tumanggi ako ay wala pa rin akong nagawa. Kaya huwag mong isipin na gusto kitang dalhin dito.” “Ewan ko sa iyo,” sagot ko saka mabilis na humakbang. “Bwisit!” “I heard you,” anito. Tiyak na pinagtatawanan ako ng lalaking iyon ng lihim. Naka-one point ang ungas na iyon. Sinundan ko na lang ang isang lalaki na kausap nito. Mainam na makausap ko na rin si Tita Janine para matapos na ang lahat ng ito. Siguro naman ay pakikinggan ako ng Mommy ni Calix. Sa oras na makita ang itsura ko ni Tita ay tiyak na aatrasan na nitong pakasalan si Calix. Alam kong malaki ang pagpapahalaga ng pamilyang Villaruel sa itsura at masisira ang imahe ng mga ito kung maliligaw sa angkan ng mga ito ang panget na itsura ko. Tatlong beses na kumatok ang lalaking sinusundan ko sa pinto na may nakasulat na The President’s Office saka kasunod nitong binuksan ang pinto. Isang nakangiting ginang ang biglang tumayo na sumalubong sa akin. “Ayva!” masiglang bati nito. “I’m so happy to see you!” Mahigpit akong niyakap nito. “Hello po, Tita Janine.” “Papayagan kitang tawagin na Tita ako pansamantala pero kapag naayos na natin ang kasal ninyo ay Mommy na ang itatawag mo sa akin ha?” malambing na sabi nito. Labis kong ipinagtaka kung bakit hindi yata ito tila nabigla sa pagkakakita ng itsura ko. “Tita – “ “Mom,” tawag ni Calix nang makapasok ito. “Ginawa ko na po ang request ninyo. Pwede na po ba akong bumalik sa trabaho?” “Son, hindi pa kita pinapaalis. Darating ang Daddy mo at ang Tito Reynan mo. Kailangan na nating pag-usapan ang tungkol sa kasal ninyong dalawa ni Ayva,” mahabang sabi ni Tita Janine. “But Mom – “ “No buts, Calix.” Nasa tono ng boses nito ang pinipigilang galit. Isang malalim na buntunghininga lang ang itinugon ng lalaki. Kailangan kong gumawa ng paraan bago pa dumating sina Papa at Tito Louie. “Tita Janine, baka po pwedeng – “ “Oh! Nandito na sila!” tugon ni Tita Janine bago ko pa man matapos ang sasabihin ko. “Hi, my dear! Good to see you, Reynan!” Una nitong sinalubong ang asawang si Tito Louie na lalo pa yatang gumwapo sa kabila ng paglipas ng maraming taon. Si Papa naman ay masayang niyakap ito saka tumingin sa akin. Matapos na magmano ni Calix sa dalawang bagong dating ay umupo na ito sa pang-isahang upuan. “Ayva,” tawag nito sa akin saka lumapit. “Kanina ka pa ba dumating dito?” “Kararating ko lang po, Pa” Nagmano ako kay Papa. “Ano ba ang mayroon dito, Pa?” “Binasa mo naman siguro ang sulat ng Mama mo, Ayva.” Nakatitig ito sa akin na matiyagang hinihintay ang isasagot ko. “Binasa ko po pero –“ “Ayaw mo bang sundin ang huling hiling ng Mama mo?” tanong ni Papa. “Hindi naman sa ganoon, Pa.” “Sinadya mo bang isuot ang panget na wig na iyan?” pabulong na sabi nito. Napalunok ako ng sunud-sunod. Hindi maaaring malaman ng Calix na iyon na nagbabalat-kayo lang ako. “Huwag kang mag-alala Ayva, hindi naman kita ibubuko sa harapan nila.” “Pa, hindi naman po yata kailangan pa ang ganito.” “Ayva, anak, para sa inyo ito ni Calix. Magtiwala ka lang,huh?” “Ayva, ikaw na ba iyan?” Sabay kaming napalingon ni Papa sa pinanggalingan ng boses. “Ang laki mo na!” Hindi ko alam kung matutuwa ba ako maiilang sa huling sinabi ni Tito Louie. Parang wala lang talagang magandang adjective ang pwedeng isalarawan tungkol sa akin, pagkakita nito. Agad akong lumapit. “Mano po, Tito Louie.” “It’s nice to see you, Ayva. Alam mo hinintay lang talaga namin na umabot ka sa edad na twenty one para maisagawa natin ang agreement na matagal na naming napagkasunduan ng mga magulang mo.” Sumenyas ito na maupo kami. “Nasa fashion design ang linya mo, hindi ba?” “Opo,” agad kong sagot. “Ano ba plano mo? Kasi iisa lang ang linya ninyo ng Tita Janine mo.” “Oo nga po. Sa ngayon ay nasa huling taon na po ako, ang balak ko sana ay mag-take ng masteral sa ibang bansa para mas lalong mahasa ang kaalaman ko.” “You still young at pwedeng-pwede mo naman gawin iyon kahit pa makasal na kayo ni Calix. You can stay outside the country for your masteral kahit hanggang isang taon. Pagbalik mo naman ay pwede ninyo ng pagplanuhan ang magiging unang apo namin.” Hindi sinasadyang nagkatinginan kami ni Calix. The nerve! Nakakainis ang mukha nitong galit na nakatingin sa akin. Kailangan kong lakasan ang loob ko. It’s now or never. “Tita Janine, Tito Louie at Papa,” saglit akong tumigil upang sumagap ng hangin. Tila anumang oras ay mauubusan ako ng hangin sa baga. “Hindi po ako – “ “Mom, Dad and Tito Reynan,” singit na sabi ni Calix. “Kung anuman po ang iniisip ninyo ay iyon po ang sa tingin naming makakabuti sa amin ni Ayva. Ang hiling ko lang po sana ay bigyan ninyo ng sapat na oras si Ayva dahil may pangarap pa siyang nais niyang maabot.” At talagang nagkukunwari pang mabait ang hudas! Inunahan pa ako sa dapat kong sabihin. Naku, napasama pa tuloy! Pagkatapos ay nginisian pa ako! Nambubwisit talaga ang mokong! “It is so considerate of you, my son Calix. Sinasabi ko na nga bang mana ka sa Daddy mo. Laging inuuna ang kapakanan ng babaeng minamahal.” Nalintikan na! “Talaga po ba, Tita? Sa pagkakaalam ko po kasi ay ganoon naman talaga siya sa kahit na sinong babae,” ani ko pagkatapos ay tinakpan ko ang bibig ko. “Oopps, sorry Calix.” Nang lingunin ko ito ay nagmukha itong isang lobo na handang mangagat ng isang inosenteng usa. Ano ka ngayon? Lihim akong nagbunyi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD