Chapter 5 -Sino ang napahiya?-

3026 Words
❀⊱Sandy's POV⊰❀ Nakabihis na kaming lahat ng kapatid ko, sila nanay ay hindi makapaniwala na sa Astronex mall kami gustong dalhin ni Jun. Sabi ko nga sa kanila ay nahihiya ako kay Jun. Pero ito naman kasi ang gusto niya kaya hinayaan ko na lang at hindi na ako tumanggi upang hindi ito mapahiya. Hindi nagtagal at dumating si Jun, na may tricycle pang naghihintay sa amin sa labas. Maayos naman ang suot ni Jun, 'yun nga lang ay kupas at lumang-luma na ang kanyang kasuotan. Napansin ko din ang kanyang sapatos na halos pudpod na, kaya't bigla akong napatingin sa aking suot. Tinignan ko rin ang mga kapatid ko na maayos ang kasuotan kaya atubili ako kung ano ba ang aking gagawin. Ayoko namang umalis kami na magmumukhang alangan sa amin si Jun. Ayoko nuon kaya mabilis na gumagana ang aking isipan. "Mano ho," wika niya sa aking mga magulang kaya simple akong napangiti. Magalang at mabait si Jun, lagi niyang nirerespeto ang lahat ng mga mahal ko sa buhay, ibang-iba kay Gerald na mayabang at walang pakialam sa ibang tao. Akala mo naman ay sobrang yaman kung umasta, lagi pa niyang niyayabangan si Jun, buti na lang ay hindi pinapatulan ni Jun. "Tara na? Nagugutom na ako. I'm sure na gutom na rin kayo. Uhm, gusto ho ba ninyong sumama?" ani ni Jun. Humarap pa ito sa mga magulang ko at bahagyang nagyukod ng ulo. "Naku hindi na hijo, katatapos lang naming kumain. Kaming mag-asawa ay walang kahilig-hilig sa mga ganyang lugar. Sigurado ka ba hijo na duon kayo pupunta ng mga anak namin? Baka naman hijo maubos ang ipon mo, balitang napakamahal ng mall na 'yon," wika ni tatay. "Naku okay lang ho 'yon. Minsan lang naman ho at may ipon naman ho ako kaya walang problema sa akin. Gusto ko lang ho silang madala duon, lalo na ang dalawang makulit na ito." Wika niya pagkatapos ay tumingin sa akin. "Aba'y kung iyan ang gusto mo hijo ay ikaw naman ang masusunod, mag-iingat lang kayo at huwag na lang ninyong papansinin kung may mga tao man na makikitid ang pag-iisip sa lugar na inyong pupuntahan," sagot ng aking ama kaya bahagyang tumango muli si Jun. "Tara na?" Ani sa akin ni Jun kaya pilit akong ngumiti at saka ako nagsalita. "Uhm, sandali lang Jun, may nakalimutan ako sa silid ko. Saglit lang naman ako at hindi ako magtatagal, okay lang ba?" sagot ko, habang tumango si Jun sa akin. "Okay lang, basta ikaw ay handa akong maghintay kahit na matagal," wika niya kaya ngumiti ako at tumingala sa kisame na akala mo ay may tinitignan ako. "Si ate kinikilig," wika ni Kaitlyn kaya bigla ko siyang tinignan ng masama. Hindi ko na pinansin pa ang kapatid ko at nagmadali na akong pumunta sa aking silid upang magpalit ng damit. Bago kasi ang suot kong damit na bigay sa akin ni Celestina kaya heto at nag-aalagan ako kaya gusto kong magpalit. Sa huli, isang lumang jeans at crop top ang napili kong isuot at hinubad ko na ang dress na binigay sa akin ng kaibigan ko. Kahit ang sapatos ko ay pinalitan ko rin ng luma at kahit medyo pudpod na rin, walang kaso sa akin. Hindi naman ako nabubuhay at naliligayahan sa mga materyal na bagay. Iyon lang ang isinuot ko kasi akala ko magsusuot ng medyo bago si Jun since parang date na namin ito na may dalawang chaperone na kapatid ko. Parang ganuon kasi 'yon, lalo pa at unti-unting napapalapit ang pamilya ko kay Jun kaya siguro inimbitahan nya rin ang mga kapatid ko. Nagmamadali na akong bumaba ng hagdanan at nagulat pa ang nanay at tatay ko sa pagpapalit ko ng damit. Ngumiti ako sa kanila at hinagod nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay isang napakalaking ngiti ang gumuhit sa kanilang labi. "Ang ganda ng anak ko, bagay na bagay sa'yo ang iyong kasuotan," sabi ni nanay, na nagpapangiti ngayon sa akin. Agad naman nilang naunawaan ang dahilan sa likod ng aking pagpapalit ng damit. Pero si Jun ay kunot ang noo at nakikita ko sa mukha niya ang matinding pagtataka. "Bakit nagpalit ka pa? Bagay nga sa'yo ang suot mo kanina, napakaganda mo," sabi ni Jun, kaya't nagdahilan na lang ako. "Ano kasi... Uhmmm... nabasa kasi 'yung damit ko kanina habang naghuhugas ako ng mga kasangkapan, tapos nagka-mantsa pa dahil sa tilamsik ng tubig na may sauce. Nakakahiya naman kung basa na nga, may mantsa pa, hindi ba?" paliwanag ko, kaya't tumango si Jun sa akin. "Bakit, hindi ba ako maganda ngayon dahil ito ang suot ko? Mas komportable nga ako ngayon dito sa suot ko," wika ko pa, pinapakita ko sa kanya na kunwari ay nagtatampo ako. "Bagay na bagay sa'yo. I mean, ano kasi... Ano ka ba kasi, huwag kang magtampo, bagay na bagay ang kahit na ano pa ang isuot mo. Magandang-maganda ka sa loob at labas ng iyong pagkatao," wika niya na nagpangiti sa akin. "Si ate, hindi lang sa pag-ihi kinikilig, pati sa pambobola ni Kuya Jun," wika ni Kali kaya nanlaki ang aking mga mata at bigla kong tinakpan ang bibig niya ng akma muli siyang magsasalita. "Tumahimik kayong dalawa kung ayaw ninyong iwanan ko kayo dito," bulong ko kaya bigla naman talaga silang tumahimik kaya natatawa si nanay at si tatay sa mga kapatid ko. "Pagpasensyahan mo na itong dalawang ito Jun, talaga lang mapang-buska sa kanilang ate ang dalawang 'yan. Basta mag-iingat kayo, huwag kayong magpapa-apak sa ibang tao. Mahirap man tayo, ipakita natin sa kanilang lahat na karespe-respeto rin tayong mga mahihirap," ani ng aking amma kaya ngumiti kami sa kanila. "Saan ang lakad ninyo?" Bigla kaming napalingon sa may pintuan ng marinig namin ang tinig ni Gerald. Kunot ang noo nito na salubong pa ang dalawang kilay. Sa kamay nito ay may hawak itong bouquet kaya napatingin si Jun sa mga bulaklak. "Kuya Gerald, inimbitahan kami ni Kuya Jun kumain sa Astronex mall. Tapos sabi pa niya ipapamili niya kami ng gamit ni Kali para sa school, magiging sosyal na kaming dalawa," wika ni Kaitlyn kaya mas lalong kumunot ang noo ni Gerald at tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay namin. "Talaga lang ha! Kilala mo ba kung anong mall ang papasukin ninyo? Kaibigan kong matalik ang nagmamay-ari ng mall na 'yan. Isang tawag ko lang sa kanya ay hindi ka na niya papapasukin sa loob. Alam mo ba 'yon?" ani ni Gerald sabay tulak niya kay Jun gamit ang kanyang hintuturo. Pinagpagan naman ni Jun ang damit niya na nasayaran ng dulo ng daliri ni Gerald kaya mas lalo itong nainis kay Jun. "Gerald, ganyan ba talaga ang ugali mo?" may galit na ani ni tatay. Bigla namang nagyuko ng ulo si Gerald at humingi ng sorry sa aking mga magulang, pero I'm sure wala naman siyang pakialam sa aking ama at ina. "Pasensya na ho, gusto ko lang ho kasing malaman ng taong ito na hindi basta-basta pinapasok ang Astronex mall kung hindi kaya ng bulsa." Wika nito kaya nainis na ako. "Wala namang nakalagay sa labas ng mall na paalala na bawal pumasok ang mahihirap na katulad namin. Katulad namin na hindi kaya ng aming bulsa ang magpunta ruon. Pakisabi sa ipinagmamayabang mong kaibigan na subukan lang niya kaming harangan sa entrance at isusumbong ko sila kay...." Ani ko na hindi ko na itinuloy kasi nag-iisip ako kung kanino ko ba ito isusumbong. Kanino nga ba? "Isusumbong mo kanino?" tanong ni Gerald. "Oo nga ate, kanino mo isusumbong ang may are ng mall?" tanong din ni Kaitlyn. "Uhm, sa kaibigan ng Ate Celestina ninyo, kay Marcus. Bakit ba! Pwede naman 'yon," wika ko kaya natatawa na si Jun. Pero mukhang nainis pa yata si Gerald sa pagtawa ni Jun. Siguro dahil mas lalong naging gwapo si Jun ng tumawa ito. Malayong-malayo sa hitsura niya. "Walang sinabi kung sino man 'yan sa may ari ng mall na 'yon. Bilyonaryo ang kaibigan kong 'yon at siya rin ang nag-mamay ari ng Astronex Global group of companies. Kilalang-kilala ang Astronex na 'yan at kaibigang matalik lang naman ang relasyon ko sa may-ari niyan," wika nito. Sinibangutan ko lang siya at kinuha ko na ang kamay ni Jun. Pagkatapos ay hinila ko na ito palabas at binangga pa ng balikat ko si Gerald. Bwisit talaga ang lalaking ito, hindi makuha sa ilang basted na ginawa ko sa kanya at makulit pa rin na pabalik-balik dito sa aming bahay. "Bulaklak for you," malakas niyang ani. "May allergy ako," sagot ko naman kaya isang malutong na halakhak ang pinakawalan ni Jun. Galit na galit naman si Gerald na sumasakay ng kanyang sasakyan. Si Jun naman ay sumabit sa likuran ng tricycle at kami naman ng mga kapatid ko ay sa loob. Ibinaba ni Gerald ang binatana sa side ng driver seat at saka niya ininsulto si Jun. "Tigas din naman ng mukha mo para duon mo dalhin sa mall ang mga 'yan. Tignan natin kung hindi ka mapahiya duon mamaya. Magkita na lang tayo mamaya duon para malaman natin kung sino ang mas binibigyan ng importansya sa mall na 'yon." Pagmamayabang ni Gerald. Nakakaramdam tuloy ako ng kaba. Papunta na kami sa Astronex mall, isa sa pinakamahal na mall sa bansa kung saan ang mga taong pumupunta ay mga milyonaryo at bilyonaryo dahil sa sobrang mahal ng mga bilihin sa loob ng mall na 'yon. Lahat ng kasuotan ng mga taong nagpupunta sa lugar na 'yon ay de kalidad at napakamahal, samantalang kami, kahit magtrabaho pa yata kami nang buong buhay namin ay hindi namin kayang pantayan ang halaga ng kanilang mga kasuotan. Siguradong pagdating namin sa mall, pagtitinginan at susuriin kami ng ibang tao, katulad nga ng sinabi ni Gerald sa amin. Hindi ko maintindihan kung bakit kami inimbitahan ni Jun na kumain kasama ang aking mga kapatid sa ganuong lugar. Pwede naman sana kami sa simpleng kainan lang or 'yung mall na afford ang lahat, pero ewan ko ba dito at bakit kailangan niyang magpa-impress sa mga kapatid ko. Humugot ako ng malalim na paghinga. Habang binabaybay ng sinasakyan namin ang daan patungo sa mamahaling mall ay hindi maalis ang kaba sa aking puso. Ewan ko ba kung bakit pakiramdam ko ay may mangyayari na hindi maganda lalo pa at sigurado ako na duon patungo ngayon si Gerald upang mang-inis. "Ate, excited na ako, ngayon lang tayo makakapasok ng mall na 'yon. Puro na lang sa tv at sa social media natin nakikita ang halaga ng mga bilihin duon, pero ngayon ay mapapasok na natin ang lugar na 'yon," wika ni Kaitlyn. Napangiti naman ako. Sa isang banda ay masaya na rin ako dahil nakikita ko ang labis na kasiyahan sa mukha ng dalawa kong kapatid. Sana lang talaga ay hindi gumawa ng isang bagay si Gerrald sa mall na 'yon na ikapapahiya ni Jun. Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa harapan ng isang napakataas at napakagandang mall na kumikinang dahil sa kulay gintong salamin na wall nito. Bigla akong napahawak sa dibdib ko, hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko habang titig na titig ako sa mall. Hindi kami bagay dito, sa harapan ng mall ay nag-gagandahang mga sports car ang humihinto at inihahagis ang kanilang mga susi sa mga valet na naghihintay sa kanila. "Jun..." Pinutol nya agad ang balak kong sabihin. "Tara na. Nagugutom na ako kaya kakain na tayo," wika niya at kinuha niya ang kamay ko. Pinagsalikop niya ang palad namin kaya ang pagtibok ng aking puso ay para ng sasabog sa sobrang lakas nito. "Huwag kang kabahan. Walang mangyayari sa atin dito," wika niya kaya bahagya akong ngumiti. Ang hindi niya alam, kaya nanlalamig ang mga kamay ko dahil magkasalikop ang aming mga palad. Oh my God, bakit ba kasi ganito ka-gwapo si Jun, makalaglag ng lahat ng kasuotan. "Tara na ate, gusto ko ng makakain ng masasarap na pagkain, at gusto ko ng makakita ng iba't ibang size ng kubyertos. Sabi kasi nila, sa isang mamahaling restaurant, iba-iba ang gamit ng mga kubyertos at gusto ko 'yong ma-experience." Wika ng kapatid kong si Kaitlyn. Ngumiti ako at nagpatianod na ako sa paglalakad. Katulad ng inaasahan ko. Ang lahat ng mga mata ay sa amin nga nakatingin. Hindi naman ako kumikibo, nakayuko lang ako at ayokong salubungin ang mga mapanuring tingin sa amin ng mga tao. Jusko, ang mga suot nilang damit, nakakalula dahil kilalang mga signature ang bawat damit at accessories na nakikita ng aking mga mata. Mula ulo hanggang paa ay malulula ka sa hitsura ng mga taong nakakasalubong namin na nakatingin sa amin. "Jun, sa iba na lang tayo magpunta," bulong ko. "Hayaan mo lang sila, wala naman silang karapatan na manuri ng pagkatao ng kapwa nila. Lahat tayo ay pantay-pantay lang. Walang mataas at walang mababa." Sagot niya na kay daling sabihin. Pero kapag ganito na ang sitwasyon at nararamdaman ko ang mga titig ng mga tao sa paligid namin, nakakababa ng confidence. Habang naglalakad kami ay bigla akong may nabundol na isang lalaki. Hindi ko naman sinasadya at muntikan pa nga akong matumba dahil sa laki at tangkad ng lalaking ito. Galit na humarap sa akin ang lalaki at masama niya akong tinignan. Pakiramdam ko ay sinusuri na nito ang pagkatao ko. "How dare you!" Galit na sabi nito kaya susugod sana si Jun, ngunit pinigilan ko ito. "I'm truly sorry, sir. I didn't mean to bump into you," I managed to say, my voice barely audible, but his eyes blazed with fury as he continued to scold me. "Didn't see me? How dare you!" sigaw pa niyang muli. Marami-rami ng tao ang mga nakatingin sa amin at base sa nakikita ko sa mukha nila ay mababa lamang ang tingin nila sa amin. Mag-so-sorry sana ulit ako sa lalaki upang maiwasan na ang gulo at maka-alis na kami sa lugar na ito, pero napatigil ako ng biglang nagalit si Jun. "Hey, don't you dare talk to her like that, you jerk!" Jun's words dripped with anger, his protective instincts kicking in kaya napakapit ako sa kanyang braso. Pinipigilan ko na siya bago pa lumala ang usapan. "Oh, another homeless troublemaker causing a scene in this upscale mall. What a disgrace. Mukhang pinipilit mo pa ang magmukhang sosyal sa pananalita mo with accent. Iba ka rin naman, mapag-panggap. Sa tingin mo ba ay makukuha mo ang babaeng 'yan sa simple mong pagpapanggap?" Nakaramdam ako ng galit sa tinuran ng bastos na lalaking ito, pero I knew it was wise to walk away from the escalating confrontation. Wala namang masama ang umiwas sa gulo. Hinawakan ko ang kamay ng dalawa kong kapatid at tumalikod na ako, ayokong makita nila ang uri ng mga taong katulad nito na mapang-mata ng kapwa. Sa isang sulok ng aking mga mata ay napansin ko si Gerald na nakatayo at nakangisi. Kaya alam ko na baka isa ito sa kanyang mga kaibigan. "Where do you think you're going?" sabi ng lalaki kaya nilingon ko ito. "Wala ka ng pakialam pa! Nag-sorry ako sa'yo at kung ayaw mong tanggapin, wala akong pakialam. Chura mo lang! Akala mo gwapo ka, pero hindi ka naman humihinga para hindi makita ang malaki mong tiyan," inis kong sagot kaya ang lakas ng tawa ni Jun. Umakma ng suntok ang lalaki kay Jun pero mabilis ang bawat kilos ni Jun na iniilagan lang ang bawat kamao nito. Inis na inis ang lalake, pero hindi talaga siya tumatama. Naglapitan sa amin ang maraming guard at pinalalabas na kami, pero si Jun ay nakatayo lang at hindi nagpapatinag. "Sir lumabas na ho kayo, ginugulo lang ninyo ang mga tahimik na customers ng mall na ito," wika ng isang guard. "Anong kaguluhan ito? Isang baritonong boses na maawtoridad ang umalingawngaw sa buong paligid kaya napalingon kami ng mga kapatid ko at ang mga taong nakapaligid sa amin. Mas lalo tuloy akong natakot dahil ito na yata ang kaibigan na tinutukoy ni Gerald. "Dexter Radley, nanggugulo ang mga 'yan dito sa mall mo. Dapat sa mga 'yan ay palayasin." Wika ni Gerald kaya yumuko ang ulo ko. Ayokong makita ng aking mga kapatid ang gulong nagawa ko kaya niyakap sila ng mga kamay ko. "Bitawan ninyo sila, mga hunghang!" Sigaw ng lalaking tinawag na Dexter ni Gerald sa mga guard na hawak kami sa braso. "And you! Do I know you para kausapin ako at tawagin mo ako sa buo kong pangalan?" Galit na ani nito kay Gerald. "Gerald Ruiz, bro." Wika nito. "Don't call me bro. Hindi tayo close." Sagot ng Dexter at humarap ito kay Jun. Nagulat tuloy ako, kasi sabi niya ay magkaibigan sila. "Ilabas na ninyo ang lalaking ito na lumait sa pagkatao ng mga bisita ko. Siguraduhin ninyo na hindi na makakapasok ang isang 'yan." Wika ng may-ari ng mall at itinuro pa ang lalaking nabangga ko. "Halika bro, nakahanda na ang restaurant na kakainan ninyo. Buti naman at naisipan mong pumasyal dito," wika ng lalaki kaya naguguluhan ako. "Anyway, my name is Dexter Radley. Kaibigan ni Jun," wika nito sabay lahad ng palad nito, kaya napatingin ako kay Jun. Napakarami talaga niyang kaibigan na mayayaman. Hindi na ako nagsalita pa, ang mga tao sa paligid namin maging si Gerald ay hindi makapaniwala. "Ako naman si Sandy, at ito naman ang mga kapatid ko na si Kali at Kaitlyn, ikinagagalak namin na makilala ka," mahina kong sagot at tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay. "Bro, sabi niya ay best friend niya ang may-ari nito. Kilala mo?" pang-aasar ni Jun at ngumisi pa kay Gerald. "No way! Wala akong interes makipag-kaibigan sa isang katulad niyan na mukhang mayabang," sagot ng nagpakilalang Dexter at inakbayan pa nito si Jun. Napapa-wow tuloy ako sa mga nangyayari. "Yehey! Ang saya lang." Wika ng dalawa kong kapatid. Kaya naman pala malakas ang loob niya na dito kami kumain ay dahil siya pala ang kaibigan ng may-ari nito at hindi ang mayabang na si Gerald. Nakakamangha lang na ang isang simpleng tao na katulad ni Jun ay may mga kaibigan na kilala sa lipunan. "Bye Gerald, I hope na hindi ka napahiya." Wika ni Jun at nagsimula na kaming maglakad na magkahawak-kamay pa kaming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD