Chapter 6 -Nakaw na halik-

2231 Words
❀⊱Sandy's POV⊰❀ Patungo ako ngayon sa palengke. Day off ko at kasama ko si Jovina upang mamalengke dahil gusto ng aking ina na magluto ng ginisang munggo at ng piniritong galunggong. Ganito lang kasimple ang pamumuhay namin. Masaya na ako na nabibigay ko ang lahat ng pangangailangan ng pamilya ko. "Besh, totoo ba na nililigawan ka ni Jun? Hay naku, alam mo naman 'yang mga kapatid mo walang maitatago sa kanila," wika ni Jovi kaya natawa ako. "Oo, makulit din kasi. Sinabihan ko na siya na mas priority ko ngayon ang pamilya ko kaysa sa sarili kong kaligayahan pero makulit si Jun, kaya daw niyang maghintay kahit gaano katagal basta huwag ko lang daw siyang pipigilan sa paglapit niya sa akin." Sagot ko at kinikilig naman ang kaibigan ko. "Mukhang tinamaan talaga sa'yo ang isang 'yon at matyaga ha! Kahit mahirap lang si Jun pero kung katulad naman niya ang magmamahal sa akin ay okay lang, mamahalin ko siya ng higit pa sa buhay ko," napatawa naman ako. Sa totoo lang ay alam naman nila na wala sa akin ang estado ng buhay ng isang tao. Kung tutuusin nga ay si Jun ang ideal man ko. Katulad niya ang pangarap ko, 'yung simple lang pero may dating. 'Yung kahit na mahirap lang siya, pero kaiinggitan ako ng maraming babae dahil may Jun sa buhay ko na nagmamahal sa akin ng totoo, idagdag pa na talaga namang sobrang gwapo nito. Sabi nga nila, 'makalaglag panty.' "Bakit ganyan ang ngiti mo? Naiimagine mo siguro si Jun na hinahalikan ka sa tahong mo noh?" Wika niya kaya nasamid yata ako ng aking laway at bigla akong napaharap sa kanya. "Grabe ka! Ano ba 'yang pinagsasasabi mo? Saan mo ba 'yan nalalaman?" inis kong ani. Hindi ako makapaniwala sa kaibigan kong ito. "Saan pa eh 'di sa adult site. Alam mo na 'yon," ani niya kaya tawa ako ng tawa sa kanya. "Nakakahiya ka Jovi, alam mo ba 'yon ha? Tumigil ka nga sa kapapanuod ng mga ganyan mo, kung ano-ano 'yang mga natutunan mo," ani ko kaya natawa na din siya. Habang naglalakad kami sa palengke ay biglang may humablot ng bag ko kaya nagulat ako at tinignan ko ang lalaking tumatakbo na, pero naging mabilis din ang mga kilos ko at hinabol ko ang lalaki. Kailangan kong mabawi ang bag ko dahil nanduon ang pambili ng phone para sa kapatid ko. "Magnanakaw!" Sigaw ko habang hinahabol ko ang lalaki. Maging si Jovi ay tumatakbo na rin at sumisigaw upang humingi ng tulong, ngunit isa man sa mga tao na nandito sa palengke at hindi kami tinutulungan. Dumampot ako ng isang sayote sa nagtitinda ng gulay at binato ko ang magnanakaw ng bag ko kaya sapul ito sa ulo at huminto sa pagtakbo. Muli akong dumampot ng sayote maging si Jovi at magkasunod naming binato ang magnanakaw kaya panay ang ilag nito. "Hoy mga ineng, huwag ang paninda ko! Huwag ninyong perwisyuhin ang mga paninda ko." Galit na galit na sigaw sa amin ng tindera ng gulay. Masama kaming tinitigan ng magnanakaw at isinabit sa kanyang balikat ang aking bag at saka siya naglabas ng patalim kaya natakot kami ni Jovi. Dumampot akong muli ng isang sayote at ibinato ko sa lalaki na tumama sa kanyang katawan, pero parang balewala na dito at sumugod ng pasaksak sa amin ng aking kaibigan. Bigla naming naipikit ang mga mata namin sa sobrang takot sabay yakap namin sa isa't isa. Hinintay namin ang pagtama ng patalim sa aming katawan pero hindi ito nangyari kaya idinilat kong bigla ang mga mata ko. Laking gulat ko ng makita ko si Jun na ginugulpi na ang magnanakaw at lupaypay na ito sa sahig. Nagkatinginan pa kami ni Jovi dahil hindi namin alam kung saan nanggaling si Jun. Ano ang ginagawa niya dito sa palengke? Sinusundan ba niya ako dito? "Tarantado ka! Sa susunod pipili ka ng gagaguhin mo dahil tutuluyan na kita kapag ginalaw mo ulit ang mga ito at ang lugar na ito, naiintindihan mo ba ako?" galit na sigaw ni Jun sa lalaki. Sumagot naman agad ang magnanakaw ng oo at pagkatapos ay pagapang itong lumayo at saka pa lang ito tumakbo. Hawak ni Jun ang bag ko ng humarap ito sa amin, pagkatapos ay iniisang hakbang niya ang pagitan namin at saka niya ako niyakap ng mahigpit. Gulat na gulat ako, ito ang kauna-unahang niyakap ako ni Jun, kasi alam niya na hindi ako nagpapayakap mula ng nililigawan niya ako. "Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba ng hayop na 'yon?" nag-aalala niyang tanong sa akin. Umiling naman agad ako kasi nahihiya ako. Ang dami ng tao na nakatingin sa amin dahil yakap pa rin niya ako, at sa laki ng katawan niya, pakiramdam ko ay ang liit-liit ko lang. "Hoy bayaran ninyo ang mga tinapon ninyong paninda ko, malulugi ako sa inyo!" Galit na ani ng tindera kaya napatingin si Jun sa tindera, pagkatapos ay dumukot sa bulsa at binigyan ng limang daang piso ang tindera. "Ayun! Ang gagong 'yan ang nakialam sa akin. Ang mayabang na 'yan ang gumulpi sa akin," wika ng magnanakaw na bumalik pero marami na itong kasama kaya nakaramdam kami ni Jovi ng takot. "Jun, tatawag ako ng pulis," wika ko. Hindi naman kumibo si Jun at para lang itong nag-stretch ng katawan niya sa harapan ko. Mga walong lalaki din ang nasa harapan namin at itinago ako ni Jun sa kanyang likuran. "Ikaw pala ang mayabang na gumulpi sa kaibigan namin. Makikita mo ngayon ang hinahanap mo," wika ng lalaki na may kalakihan ang katawan na parang hindi pa naliligo ng isang buwan at hulas na hulas pa ang katawan nito sa pawis. "So, gusto mo din magpagulpi sa akin? Nainggit naman kayo? Lapit lang kayo kahit sabay-sabay na para naman magulpi ko na rin kayo," sagot ni Jun kaya lalo tuloy akong natakot para sa kanya. "Naku mga ineng dito nga kayo," wika ng tindera ng gulay at hinila niya kaming dalawa ni Jovi palayo upang hindi kami madamay. Nakatingin lang kami kay Jun, iniisip ko kung paano niya tatalunin ang walong lalaki at ang iba ay may hawak pang pamalo. Ang mga tao sa paligid ay biglang nagpulasan bitbit ang kanilang mga paninda. Sumugod ang lalaking may malaking katawan ng isang malakas na suntok kay Jun pero parang balewala lang na umiwas si Jun sa kamao ng lalaki at isang batok ang ginawa niya dito, kaya halos sumubasob ang lalaki sa maruming sahig. "Okay ka lang ba? Ang lampa mo naman," wika ni Jun kaya simple akong napatawa pero may takot pa rin dahil halos sabay-sabay na sumugod ang pito sa kanya. "Hala, baka kung mapaano si Jun," wika ni Jovi na kanina pa natatakot. Kahit naman ako ay natatakot, hindi ko alam kung paano namin sila matutulungan. Gusto kong tumawag ng pulis pero hindi ko magawa, kasi alam ko kung anong klase ng buhay mayroon si Jun. Baka makasama pa kung tatawag ako ng pulis. Hindi ko naman alam kung ano ang dapat kong gawin. Umamba ng palo sa bandang ulo ni Jun ang isa, pero ewan ko ba kung may third eye si Jun at bigla na lang niya itong nararamdaman kaya umiiwas agad ang ulo niya upang hindi siya tamaan. Suntok at sipa ang ipinaparanas ni Jun sa mga kalaban niya, pero dahil marami ito at nag-iisa lang siya ay parang imposible na manalo ito. Isang sipa ang tumama kay Jun mula sa lalaking malaki ang katawan kaya napahawak si Jun sa malaking table na tindahan ng mga prutas. Nagulat ako ng makita ko na nakaupo duon ang kanyang kapatid. Si Kricel 'yon, sigurado ako na siya 'yon. Ilang beses ko na siyang nakita sa mga party na dinadaluhan namin nila Celestina. "Manunuod ka na lang ba diyan? Hindi mo ba sasanayin dito ang mga itinuro ko sa'yo?" Wika ni Jun. Pero si Kricel ay nakaupo pa rin sa ibabaw ng table at kumakagat lang ng mansanas. "Kaya mo na 'yan kuya, mukhang hindi naliligo ang mga 'yan," ani niya at muling kumagat sa mansanas. Isang palo ng kahoy ang nailagan ni Jun at pagharap nito sa lalaking pumalo sa kanya ay isang malakas na sipa ang ginawa niya dito kaya ang layo ng narating ng lalaki. Gulat na gulat naman ako ng apat na lalaki pa ang sumugod at ang isa ay may patalim na iniamba sa tagiliran ni Jun, pero isang sipa sa mukha ng lalaki ang dumapo dito mula kay Kricel at ngumisi pa ito sa mga kalaban ng kuya niya. "I'm ready, naubos ko na 'yung mansanas. ikaw magbayad ng kinain ko, wala akong dalang pera," sabi ni Kricel habang sumusuntok na ito sa kalaban, at pagkatapos ay kumapit ito sa balikat ng lalaki na nagulpi niya upang maiangat niya ang kanyang mga paa. Isang flying kick ang ginawa ni Kricel na tumama sa malaking lalaki kaya bumagsak ang pangit na lalaki sa maruming sahig. Si Jun naman ay mukhang nagseryoso na sa mga kalaban nila at panay na matitinding suntok, sipa at tadyak ang ipinadapo niya sa mga kalaban nila hanggang sa tuluyan ng bumagsak ang lahat ng ito. "See, kaya mo naman talaga ang lahat ng 'yan, gusto mo lang akong mag-ensayo," wika ni Kricel. Tuwang-tuwa naman kami ni Jovi ng makita namin na napabagsak na nila ang walong lalaki. "Okay lang ba kayo? Buti na lang at nakita namin kayo," wika ni Kricel kaya nahihiyang ngiti ang isinagot ko sa kanya. "Galing kami sa inyo, napadaan lang dahil may lakad ang kapatid ko. Sabi ng nanay mo ay nandito nga daw kayo sa palengke kaya sumunod kami dito ni Kricel. Buti na lang at dumating kami sa oras, okay ka lang ba?" sabi ni Jun kaya tumango ako sa kanya. Nagulat ulit ako ng muli niya akong niyakap. Mas mahigpit at ramdam ko ang pag-aalala niya. "Kayo na ba kuya? Kung makayakap ka, wagas! Kayo na ba?" pakli ni Kricel kaya natawa na ang kaibigan ko. "Jovina," wika ni Jovi. "Nagkita na tayo dati, hindi lang tayo nagkausap dahil lagi kayong busy at mailap," sagot ni Kricel sabay tawa nito. "Tumahimik ka Kricel, huwag kang panira." Inis na sagot ni Jun kaya lihim akong natatawa. Nang binitawan niya ako ay humarap naman siya sa mga tindera na napinsala ng gulong nangyari at pagkatapos ay dumukot ito ng pera sa kanyang bulsa at inabutan niya ang mga ito. Hindi ko na nakita kung magkano, pero siguro ay sapat ng halaga upang mabayaran ang mga nasira nila. "Tara na at iuuwi na namin kayo ng kapatid ko," wika ni Jun, pero umiling ako dahil kailangan ko pa bumili ng uulamin na gusto ni nanay. "Mauna na kayo, may mga bibilhin pa kasi kami," sagot ko. Tinanong niya ako kung ano kaya sinagot ko agad. Pinabantayan niya kami kay Kricel at agad siyang umalis. Naguguluhan man ako ay hinayaan ko na lang siya. Halos sampong minuto ng wala si Jun, nandito na rin ang mga barangay tanod na dinampot ang mga kalalakihan. Hindi kami itinuro ng mga tindera dito at sinabi lang nila na nanggulo ang mga 'yon dito sa palengke, kaya dinala na nila ang mga ito sa munisipyo. Hindi nagtagal ay bumalik din si Jun na may dala itong dalawang plastic bag. Nagulat ako na siya na ang namili ng mga iluluto ko para kay nanay. "Dinamihan ko na, baka pwedeng sa inyo na kami kumain ng kapatid ko," wika niya. "Idinamay mo pa talaga ako? Ikaw na lang kuya dahil may lakad pa ako. Sayang, masarap pa naman sana 'yan kaya lang may mahalaga akong lakad ngayon," wika nito. Pagkaalis ni Kricel ay inaya na kami ni Jun na umuwi. Kinuha niya ang kamay ko at para kaming mag-nobyo na naglakad ng magkahawak-kamay. Tinutukso tuloy ako ng kaibigan ko. Shemay, bakit ba ganito si Jun? "Sa susunod kapag gusto ninyong mamalengke, tawagan mo ako. Ibinigay ko naman sa'yo ang numero ko, hindi ba? Tawagan mo ako at darating ako upang samahan kita. Baka kasi makapatay ako sa susunod ng wala sa plano kapag naulit 'yong nangyari kanina." Wika niya. "Grabe, sana all na lang ako!" Wika ni Jovi kaya natawa na ako. Habang naghihintay kami ng tricycle sa harapan ng palengke ay bigla akong ninakawan ng halik ni Jun sa aking pisngi, kaya para akong naestatwa na hindi agad ako makakilos. Nakaawang pa ang labi ko dahil sa pagkabigla habang si Jovi ay tinutukso na kami. Nakauwi na kami sa bahay nila nanay pero hindi pa rin ako nagsasalita. Nagpaalam lang ako na pupunta ako ng silid ko upang magpalit ng damit. Pagkasara ng pintuan ng aking silid ay bigla akong napahawak sa aking pisngi at saka ako impit na tumili at isinubsob ko ang mukha ko sa unan. "Oh my God! Ang lambot ng labi niya." Ani ko habang tumitili ako na nakasubsob sa aking unan upang walang makarinig sa akin. Ayoko munang lumabas ng silid ko. Mapapansin kasi nila ang ngiti ko na ayaw mawala sa labi ko. 'Nakakainis ka Jun, bakit ka ganyan!' Isinisigaw ng isipan ko at saka ako nagpaikot-ikot sa kama ko na parang timang. "Buksan mo 'to! Alam ko na kinikilig ka diyan. Buksan mo 'to Sandy, huwag mong sarilinin ang kilig mo." Wika ni Jovi kaya bigla akong napabangon upang buksan ang pintuan at baka marinig siya ni Jun na nasa ibaba lang. Nakakainis talaga itong kaibigan kong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD