Chapter 3 -Jun-

2558 Words
◄Jun's POV► Nandito ako ngayon sa bagong condo na binili ng kaibigan ko. Hindi siya makapaniwala na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako bumabalik sa aking nga magulang. It must be around ten years now, I suppose. "Dude, seriously? You are not even thinking about going back to your family? I mean, all you have to do is marry Morgana, and everything will be okay. You can't escape them, you two are practically destined to be together. Your parents arranged it, it's practically written in stone. Morgana is your fiancée whether you like it or not," wika ni Dexter. Tatlo lang ang mga kaibigan ko na pinagkakatiwalaan ko ng aking buhay, si Dexter, Ozias at si Marcus. Si Dexter ang best friend ko since batang paslit pa lang kami and he is the owner and CEO of the Radley Group of Companies. Katulad niya ay mayaman din ang pamilyang pinanggalingan ko. Bilyonaryo ang pamilya ko at ako sana ang magiging CEO ng Herrera Group of Companies pagtuntong ko nuon sa tamang edad, pero binitawan ko ito ng pilit nila akong ipapakasal kay Morgana. Tinalikuran ko ang yaman ng pamilya ko huwag lamang nila akong diktahan. Ten years na mula ng umalis ako sa poder nila, I was only eighteen years old ng malaman ko ang tungkol kay Morgana. Hindi ko ipinapaalam sa kanila kung nasaan ako, at sa tulong ni Marcus ay hindi nila ako nahahanap hanggang ngayon. Buti na lang at hindi sila umuuwi ngayon ng Pilipinas at busy sila sa mga negosyo nila sa America. Twenty-eight years old na ako ngayon at wala akong balak na bumalik pa sa kanila lalo na kung ang dahilan ay si Morgana. No Fúcking way! Hindi mangyayari na pakasalan ko ang babaeng 'yon. I sighed, running a hand through my hair, the weight of the situation pressing down on me. Bakit ba hindi maunawaan ng mga magulang ko na wala ako ni katiting na pagmamahal kay Morgana? "I don't love her, Dex. I don't want to marry her. It's as simple as that." Sagot ko. Dexter leaned back in his chair and his gaze fixed on me at napapailing ito ng kanyang ulo. Alam ko na hindi niya gusto ang nagiging buhay ko dahil sa pagtalikod ko sa yaman ng mga Herrera. Pero wala namang problema sa akin kahit na disown ako ng aking mga magulang, huwag lang nilang pakikialaman ang pribado kong buhay, huwag lang nila akong didiktahan sa kung ano ba ang dapat kong gawin. Hindi ko sila hahayaang manalo. "Jun, bro, you know this isn't about what you want. You know naman na ang mga magulang mo ay hindi papayag kapag nalaman nila na may kinababaliwan kang babae. Bro, gagawin nila ang lahat and even use every ounce of their power to stop you from being with her. They will make your life a living hell if you defy them at pahihirapan nila ang pamilya ni Sandy, gusto mo ba na mangyari 'yon?" Wika niya. Natawa naman ako at naupo ako sa sofa. Kung inaakala ng mga magulang ko na hahayaan ko silang masaktan ang pamilya ni Sandy ay nagkakamali sila. "It has been ten years bro. Isa pa ay wala naman silang alam kung nasaan ako at mananatili silang walang alam hangga't iyon ang gusto ko. Tanging kayong mga kaibigan ko lang at si Kricel ang nakakaalam kung nasaan ako. Isa pa ay hindi naman ako papayag na guluhin nila ang buhay nila Sandy dahil hindi ko 'yon pahihintulutan." Sagot ko sa kanya. "Si Ozias na tanga. Sumali sa grupong pinagsisilbihan mo makasama ka lang at makasiguro na maayos ang kalagayan mo. Dude ako ang natatakot sa mga pinag gagagawa ninyo sa buhay ni Ozias. Bumitaw na lang kayo sa ganyang uri ng trabaho at bumalik sa marangyang buhay na kinagisnan ninyo. Nag-alala tuloy ako para sa inyo, I swear kapag nalaman ng mga magulang mo ang tungkol sa babaeng 'yon, they will make your life and her life a living hell." Wika niya kaya natawa ako ng mahina. "Just be careful bro. O kaya layuan mo na lang muna ang babaeng 'yon para hindi na sila madamay pa sa gulo ng buhay mo. Ako ang nag-aalala sa pwedeng mangyari," dagdag na ani pa niya, kaya humugot ako ng malalim na paghinga bago ako sumagot. "I know," I said, my voice a low murmur. "But I can't just give up on her. I can't just pretend I don't feel anything for her. I love her, Dex. I love her with everything I have." Sagot ko. Gusto kong malaman niya na ganuon ko kamahal si Sandy at handa ko itong protektahan sampo ng mahal niya sa buhay laban sa mga magulang ko at sa mga tauhan nito. "And what about your family? What about the legacy you are supposed to uphold? What about the expectations they have for you?" Dexter countered, his voice rising slightly. "Bro hindi ka basta-basta lang na nilalang. Baka nakakalimutan mo, you are the heir to the Herrera Group of Companies. You have a responsibility to your family, to your name at hindi mo naman siguro hahayaang mag-isa si Kricel na gampanan ang dapat ay ikaw ang gumagawa, hindi ba? Ikaw ang panganay at ikaw ang mamumuno ng Herrera empire." Wika niya kaya kumunot na ang noo ko at nagsalubong na ang mga kilay ko. "I know, I know," I said, my frustration building. "But I'm not a robot, Dex. I'm not just a pawn in their game. I have feelings, I have a heart. I can't just turn off my emotions and pretend I don't care about Sandy." Sagot ko. Gusto kong maunawaan niya na wala akong balak na bumalik sa mga magulang ko para maging laruan ng mga ito. "I get it, Jun. I really do," Dexter said, his voice softening. "But you have to be realistic. You can't fight your parents. You can't win against them. They will crush you." Wika niya kaya natawa na ako ng pagak. "Maybe," I said, my voice barely a whisper. "But I'm not going to give up without a fight. I'm not going to let them dictate my life. I'm going to fight for Sandy, even if it means fighting my own family." Humugot siya ng malalim na paghinga. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at kumuha ng alak at dalawang baso. Pagbalik niya ay umupo ito sa tabi ko at sinalinan ng alak ang dalawang baso, pagkatapos ay ibinigay niya sa akin ang isa at agad ko itong tinungga. Dexter looked at me, his expression a mix of worry and admiration. "I just hope you know what you are doing, Jun. This is a dangerous game you are playing. You could lose everything, I mean... Everything." Wika niya kaya muli akong natawa. "Not everything, and you know that." Sagot ko at isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. "Yeah, yeah. Pero ang Herrera empire, bro..." I cut him off. "I know, pero alam mo kung ano ang totoo at kung ano ang kaya kong gawin, hindi ba?" I said, my gaze fixed on the wall at tinapik niya ako sa aking balikat. "I know, bro, I know..." "Anyway, How's the Astronex Global Group of Companies? Mukhang maganda ang pagpapatakbo ninyo. Ang dami kong naririnig na magaganda tungkol dyan." Wika ko upang maiba naman ang takbo ng usapan namin. Ayoko na kasing pag-usapan pa ang mga magulang ko dahil wala naman akong balak na makipagkita pa sa kanilang muli. Hindi ko makakalimutan ng marinig ko na may kausap sila sa office ng aking ama, at pinag-uusapan na nila ang magiging kasal namin ni Morgana. Duon ko lang napagtanto lahat na kaya pala laging magkakasama ang pamilya namin at pamilya ni Morgana nuon sa lahat ng okasyon, at maging sa simpleng family dinner namin ay dahil ipapakasal pala nila kami sa pagtuntong ni Morgana ng eighteen years old. Mula nuon ay nilayasan ko na sila, namuhay ako mag-isa at duon ko nakilala si Marcus. Madalas sabihin sa akin ni Kricel na namimiss na daw ako ng mga magulang namin, pero kilala ko ang mga magulang namin, sinasabi lang nila 'yon ipang mahuli nila si Kricel kung may alam ba ito sa kinaroroonan ko. "Gusto kong sagutin ang tanong mo, pero alam ko naman na binabago mo lang ang usapan, tama ba ako?" Sagot niya kaya natawa na ako. "Damn bro! Ganyan ka na ba talaga ngayon mag-damit? Butas pa 'yang t-shirt mo sa balikat. Puro mantsa pa 'yang suot mo at ang pantalon mo ay butas-butas. Iyang sapatos mo, mukhang pinaglumaan lang 'yan ng iba ah? Hindi ba at malaki ang kinikita mo kay Marcus sa tuwing may ipapatumba ito sa'yo? Isang milyon ang ibinabayad niya sa'yo kapag pipitsugin lang, hindi ba? Kapag malaking tao mas malaki ang bayad sa'yo, pero bakit hindi ka makabili ng sarili mong damit at sapatos?" Wika niya kaya natawa ako ng mahina. "Ano ba ang masama sa damit ko? Pati sapatos ko pinapansin mo. Huwag mo ngang pakialam ang perang kinikita ko, may pinaglalagyan ako ng mga 'yon, at hindi ko naman kailangan ng mga bagong damit. Masaya na ako sa kung ano ang mayroon ako. Ito ang gusto ko kaya hayaan mo lang ako sa mga ginagawa ko." Sagot ko. "Pero bro, Kayang-kaya mo ang kahit na..." I cut him off. "Ayoko ng pag-usapan pa. Kumain ka na ba? Hindi ka naman marunong magluto kaya sigurado ako na hindi ka pa kumakain. Tara kain na lang tayo sa labas, treat mo ako," ani ko kaya ang lakas ng pagkakatawa niya. "Walang problema. Baka gusto mong magpalit ng damit, marami akong bagong damit diyan na pwede mong pagpilian," ani niya kaya natawa lang akong muli at umiling sa kanya. "Manlibre ka na lang at kanina pa ako nagugutom," ani ko kaya maging siya ay natawa din. Tumayo ito at kinuha ang susi sa kanyang bulsa at nagsimulang maglakad palabas ng condo niya. Kasunod lang ako sa kanyang likuran ng magsalita ito. "Pupunta tayo sa Astronex mall. Duon tayo kakain," wika niya napapailing ako ng aking ulo. Duon pa talaga niya ako dadalhin, mukhang gusto niyang ipahiwatig na magpalit ako ng damit, pero hindi ko gagawin. Papasok ako sa Astronex mall na ganito lang ang suot ko at wala akong pakialam sa sasabihin ng mga mayayamang tao sa mall na 'yon. Wala akong pakialam sa kanila. Hindi nagtagal ay narating namin ang Astronex mall. Lahat na yata ng tao ay sa akin nakatingin. Ang mall na ito ay isa sa sikat at mamahaling mall. "See? I told you to change your clothes. Everyone here is staring at you." He gestured around, his eyes widening with mock horror kaya tawang-tawa ako sa kanya. Nasisira ko yata ang chance niya na makahanap ng magagandang babae sa mall na ito. "This is an exquisite mall, with people who wouldn't be caught dead wearing anything less than a thousand-dollar shirt. And you are walking around with holes in your clothes and shoes that are practically falling apart." I shrugged, my gaze lingering on a display of diamond-encrusted watches. "I don't care about them at ano ba ang pakialam nila kung ano ang suot ko?" I said, my voice laced with a hint of defiance. "This mall wasn't built for them to downgrade someone based on their clothes. It's just a place to shop, and I'm here to do just that. And besides..." I stopped. Hindi ko na tinuloy pa ang sasabihin ko at tumawa na lang ako. "Pakainin mo na ako at kanina pa ako nagugutom. Dadalhin ko dito si Sandy at ang dalawang kapatid niya. Ipamimili ko sila ng mga gamit na mapapakinabangan nila," wika ko kaya natawa na siya ng tuluyan. Inis na inis naman ako habang hindi ito tumitigil sa kanyang pagtawa. "Ipapamili mo sila ng designer bags, designer clothes and shoes? You think na tatanggapin nila ang mga 'yon? Isa pa, hindi ba at wala naman siyang kaalam-alam tungkol sa pagiging bilyonaryo mo?" Wika ng kaibigan ko kaya hindi ako nakakibo. "O baka naman ipamimili mo pa sila ng mga diamond watches? Kanina mo pa kasi 'yan tinitignan. Dude, kapag ginawa mo 'yan pagdududahan ka nila," wika pa nito kaya napahugot ako ng malalim na paghinga. Hindi na ako kumibo pa, naglalakad lang kami at sinasalubong ko ang lahat ng mapanuring tingin sa akin ng lahat ng mga taong nakakasalubong namin ni Dexter. Bigla akong napahinto sa aking paglalakad ng mula sa hindi kalayuan ay makakasalubong namin sila Marcus. Kasama nila si Ozias at ang ilang mga tauhan namin. "Well, well, well..." wika ni Marcus at natawa pa ito ng tinapik niya ako sa aking balikat. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya na hindi inaalis ang mapanuksong ngisi sa kanyang labi kaya napapailing na lamang ako ng aking ulo. "Masama ba? Off ko naman kaya nandito ako," sagot ko kaya natawa muli si Marcus. Nakakainis ang isang ito. May usapan kami na kapag off ako, huwag niya ako aasarin kasi pikon ako at hindi siya amo sa akin kapag day off ko, pero heto at nakangisi siya sa akin at halatang inaasar ako. Para talagang bata itong King Venum na ito. "Ang gwapo natin ah! Gusto mo ba ipamili kita ng damit dito?" Muli niyang pang-aasar sa akin kaya lalo lamang napapailing ang ulo ko. "Dude, magbihis ka nga at pinagtitinginan tayo ng mga tao. Walang pumapansin sa akin na babae, lahat iniiwasan ako." Napipikon na ani ni Dexter kaya ang lakas ng pagkakatawa namin. "Bakit ba pinag-iinitan ninyo si Jun. Saka Jun, bakit ba ayaw mong bumili ng damit? I'm sure na marami ka ng naiipong pera sa dami ng naging trabaho mo kay Marcus. Kahit isang terno na maayos na damit lang ay okay na kaysa naman butas-butas ang suot mo," wika ni Mayson habang si Ozias ay lihim na natatawa kaya kinunutan ko siya ng aking noo. "Boss Mayson, nagtitipid ako dahil may pinaglalaanan ako," pagsisinungaling ko kaya natawa ito at tinapik ako sa aking balikat. "Kung sabagay, ganyan talaga siguro kapag na-i-in love ang isang lalaki. Oh well, what can I say?" sagot ni Mayson kaya natawa na lang ako. Sa grupo ng Venum Org ay tanging si Marcus lamang ang nakaka-alam ng estado ko sa buhay maliban kay Ozias. Silang lahat ay walang alam na galing ako sa mayamang pamilya since marami namang Herrera ang nagkalat sa mundo, maging dito sa Pilipinas. Buti na lang at napapaniwala sila ni Kricel nuon na nagtatrabaho lang ang kapatid ko sa ibang bansa kaya nagagawa nitong bumili ng mamahaling gamit. "Dude, magpapalit ka na ba ng damit?" tanong ni Dexter. "Nope! Komportable ako sa suot ko." Sagot ko kaya marahas na kumamot ng ulo ang kaibigan kong matalik habang nagtatawanan na sila Marcus. "Ewe!" Ani ng isang magandang babae ng mapadaan ito sa akin. Natawa na lang ako sa babaeng napahinto pa sa tapat ko kaya ang ginawa ko ay inangat ko ang kilikili ko upang makita niya na butas din ang ilalim ng manggas ng damit ko at kitang-kita niya ang kilikili ko. "Ewe! Disgusting!" Wika nito at nagmamadali na itong lumayo habang kami ay tawa ng tawa ng malakas. Akala naman niya ay ikinaganda niya 'yon. Tsk! Mga babae nga naman. Napatingin ako kay Lucio, mukhang hanggang ngayon ay hindi niya alam kung nasaan si Avvi. Mahirap din kasing kalaban si Thomas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD