Chapter 5

1123 Words
Ellise Nikyle's P. O. V. Nang makarating kami sa condo unit na bigay nila Mommy at ng Mother in law ko. Namangha ako sa laki at ganda ng buong unit. Para na itong modern na bahay para sa dalawang tao. Kumpleto ang gamit, sa salas may malaking TV, wifi, cable, may DVD pa at speaker. Sa salas ay may malaking bintana na kita ang iba pang buildings. Namangha naman ako sa sofa na kapag hinila mo ang bandang ilalim ay humahaba ito at nagiging kama. Sa likod ng salas ay may division patungo sa kitchen. May dining area at cooking area. Napansin ko namang may pinto sa tabi ng kusina kaya binuksan ko iyon at nakita ko ang maliit na banyo pero sobrang linis. Kumpleto ang stall na puno ng gamit, like shampoo, conditioner, soap. "So, gumastos sila ng ganito kalaki para dito?" iritang sabi ni sir Amiel. Napansin kong galing na siya sa kwarto. Nagtaka naman ako at isa lang ang pinto. "Isa lang ang kwarto?" tanong ko. "Sadly, yes," aniya. Agad akong tumakbo sa kwarto at sumunod siya. Hinarang ko ang dalawang kamay ko sa pinto. "Mine!" sigaw ko. "What the---" wala siyang nagawa at napasapo sa kaniyang noo. Hindi talaga ako pabor sa plano ni Mommy na ito. I didn't know na seryoso siya sa sinabi niyang pang-aakit sa lalakeng ito because of their company. "Dito na ako sa sala." Lumakad si Sir patungo sa sofa at naupo roon. "Wala tayong gamit?" tanong ko. Bigla namang tumunog ang doorbell. Si Sir na ang tumayo para buksan ito. "Magandang araw po, ito po ang mga gamit niyo," ani ng isang babaeng staff at may dala siyang stall na may gulong sa ilalim puno iyon ng dalawang maleta, tatlong bag. Kinuha iyon ni Sir at ipinasok sa loob ng unit saka niya sinaradong muli ang pinto. Nag-a-auto lock naman ang pinto ng unit kapag sumarado. "Paano naman ang gamit ko? Kailangan ko ng closet," ani Sir. Tinitigan ko siya. Kawawa nga siya. "Fine, damit lang, papayag na akong mag-share tayo sa closet," ani ko. "Thank you, please move yourself and your gown," cold niyang sabi. Hinila ko naman ang dulo ng gown ko para makadaan siya papasok ng kwarto. Dala niya ang bag, nilapag niya ito sa kama at binuksan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang madami kong underwear na branded kasama ang bra, bralette, tube at swim suits. "AKIN PALA 'YAN!" sigaw ko at agad na niyakap ako bag. Nang tignan ko siya ay napansin ko ang pamumula ng mukha niya. "I-I'm sorry," naiilang niyang sabi at mabilis na lumabas ng kwarto. Sinarado ko ulit ang bag. Bumalik naman ng kwarto si Sir na may dalang dalawa pang bag. Nilapag niya pareho sa kama. "Ikaw na magbukas, baka sa 'yo pala 'yan," ani sir. Napabuntong hininga ako at lumapit sa dalawang malaking bag. "Sino bang nag-pack ng mga 'to, hindi man lang nilagyan ng names!" irita kong sabi at binuksan ang isang bag. Nakita ko ang ilang crop tops ko at long sleeves. May nga jogger rin at lahat iyon ay branded, I don't wear not branded clothes. "Sa 'yo ulit. Wala ata akong damit," ani Sir. Pumunta ako sa isa pang bag at mabilis itong binuksan. Tumambad sa akin ang madaming boxer at brief na ang tatak ng garter ay Calvin Klein "My gosh!" sigaw ko at napatakip ng bibig. Tama ba ang nakikita ko? Ang laki ng brief niya, does that means malaki rin ang ---- nevermind, dirty mind! "S-Sa akin na 'to!" naiilang na sabi ni Sir at mabilis na sinarado ang bag na may brief niya. Ngumiti ako sa kaniya ng nakakaloko. "Sana all naka-Calvin Klein." "Stop it, Kai," aniya. Napataas naman ang kilay ko. "How did you know my nickname?" tanong ko. "I heard it from someone," aniya nang hindi tumitingin sa akin. "Okay, doesn't matter. Call my anything you want," ani ko at tipid na ngumiti. "Kuhanin ko pa yung dalawang maleta. Pakitabi ang gown mo," aniya. Hinila ko ang nakaladlad na gown ko. Naapakan pa iyon ni Sir kaya napairap na lang ako. Pakiramdam ko sinasadya niya talaga. "Ikaw na rin magbukas nito, baka sa 'yo na naman," aniya. Binuksan ko ang maleta. Tumambad ang uniform ko at ilang pantulog na damit. "Mine," ani ko sabay sarado ng maleta. Lumapit ako sa isa pang maleta at binuksan ito. Tumambad naman sa akin ang uniform nito at maraming white plain T-shirt. "Bakit ang daming white t-shirt? Kapag araw-araw mo suot 'to. Mukha kang hindi naliligo," ani ko at mahinang tumawa. "Mind your own business," madiin niyang sabi at sinaradong muli ang maleta niya. Lumapit siya sa closet at binuksan ito. Maraming hanger ito sa loob. Dalawa ang malaking closet. Left and right. "Sa akin na ang left, sa 'yo ang right. Ilalabas ko muna ang mga gamit ko. Maliligo muna ako, ikaw na diyan sa banyo na kwarto, sa akin ang banyo ng kitchen, deal?" tanong niya. "Deal, sir," nakangiti kong sabi. Tumango siya at lumabas na dala ang mga gamit niya. Naupo naman ako sa kama at nilabas ang cellphone ko. Nag-open ako ng social media accounts ko. As usual, maraming notifications. Binuksan ko naman ang email ko, natanggap ko ang mga litrato namin ni Sir sa kasal kanina at ang iba pang videos. Pinanood at tinignan ko muna ito lahat hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras. "Kai? Hindi ka pa rin nagbibihis!?" gulat na sabi ni Sir. Napatingin ako sa kaniya, nakasuot siya ng simpleng white T-shirt at shorts. Basa ang kaniyang buhok. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ang mabuhok niyang legs. Pero ang bigote at balbas niya nawala. Sabagay, lalake nga pala siya. Ano ba naman, Kai. "Maliligo na," ani ko at tumayo. Nilapag ko sa kama ang cellphone ko. "Inuuna mo pa ang cellphone mo, maybe your mother is really done with you kaya binigay ka sa akin," aniya. "Ang kapal naman ng mukha mo, I am an independent woman. I will soon travel the world alone!" pagmamayabang ko. "As if na kaya mo mag-isa," aniya at mahinang tumawa. Inirapan ko siya at nagtungo sa banyo. Napatigil naman ako nang maalalang nasa likod ko ang zipper. Muli akong lumabas ng banyo at nakasimangot na lumapit kay Sir. Nag-aayos na si Sir ng mga damit niya sa closet. "Sir," tawag ko. "Oh, anong problema mo?" "Zipper," ani ko at tumalikod. Hinawi ko ang buhok ko. Naramdaman ko naman ang paghila ni Sir sa Zipper kalahati lang ang hinila niya. Nakapa ko naman na ang zipper kaya lumakad na ako. Pero bago ako pumasok sa banyo ay nagsalita siya. "Welcome ha, welcome." Hindi ko siya pinansin at tuluyan nang pumasok ng banyo para maligo. ******************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD