Chapter 6

1106 Words
Amiel Harold's P. O. V. Maaga akong nagising dahil rin hindi ako masyado nakatulog ng maayos, gumayak ako para magpunta sa gym. Alas sais ako ng umaga umalis at bumalik ako ng alas otso ng umaga sa condo. Napansin ko namang tahimik pa rin ang buong unit at mukhang tulog pa rin si Nikyle. Sa pag-uwi ko ay dumaan ako sa farmer's market para mamili ng ilang pagkain. Naligo ako at nag-ayos ng sarili. Pumunta ako sa kusina para gumawa ng vegetable salad. Nagsimula akong magpakulo ng tubig para ilagay roon ang itlog. I need boiled egg para sa salad. Nagsimula akong maghiwa-hiwa ng mga gulay gaya ng lettuce, cucumber, carrots, tomato at iba pang nabili ko sa market. Nang matapos ako ay inilagay ko iyon sa malaking bowl. Habang hinihintay ang itlog na maluto, ipinasok ko na sa ref ang mga nabili kong isda, manok at baboy. May ilang gulay rin akong binili. Napasandal ako sa sink habang hinihintay ang itlog. Nakaramdam ako ng lungkot. Naho-home sick ako. Noon ay ako pa ang naghahanda ng breakfast namin nila Mommy. We are a close family, tatlo na nga lang kami tapos magkakagalit pa ba kami? Nang tumunog ang cellphone ko na ginamit kong timer para sa itlog ay nilagay ko na ito sa malamig na tubig para mabalatan ko na at hiwa-hiwain upang mailagay sa salad. Sakto namang natapos ako ay biglang lumabas si Kai mula sa kwarto, nagulat pa ako sa kaniya dahil mayroon siyang facial mask sa mukha at nagmukha talaga siyang multo. "You're so mabait naman, talagang ginawan mo 'ko ng salad, are we married for real?" aniya habang naglalakad papalapit sa akin. Nang akmang kukuhanin niya ang salad ay tinapik ko ang kamay niya. "This is good for one person only," ani ko. "Hala? Ang dami niyan, kaunti lang naman, pahingi ako," aniya at muling kukuha. Kinuha ko ang bowl na puno ng salad at umatras sa kaniya. "Gumawa ka ng sa 'yo," cold kong sabi at lumakad patungo sa sala para doon kumain habang nanonood. "You're so madamot, kapag ako nagkaroon ng food, I won't share!" sigaw niya. Hindi siya pinansin at nilakasan ang volume ng TV kung saan ang palabas ay news. Nang maka-kalahati ako sa salad ay biglang sumigaw si Kai. "SIR! SHOCKS--ARAY ANG INIT! PAANO 'TO I-OFF!" Napatayo ako at tumakbo sa kusina. Nakita ko ang sunog na itlog na pinrito ni Kai. Mabilis kong pinatay ang kalan at napasapo sa noo ko. "The hell? You're in college at hindi ka marunong magprito ng itlog?" irita kong tanong. "Excuse me, we have maids at home. Three maids, may cooker kaya we don't need to hold spatula or pan." Nagmayabang pa talaga siya na kesyo hindi siya marunong magluto dahil mayaman sila. "Is that even a valid reason?" inis kong sabi. Kinuha ko ang spatula at napansin kong nakadikit ang itlog sa pan. "Did you even put an oil?" tanong ko sabay lingon sa kaniya. Tinanggal niya ang mask sa kaniyang mukha, mamasa-masa ang mukha niya. "Sh*t, I forgot," nanlalaki ang mga mata niyang sambit. Napasapo ako sa noo ko at kinuskos ang pan para matanggal ang nakadikit na itlog. "Napakalakas na ng apoy mo tapos wala pang mantika?" irita kong sambit saka tinapon sa trash can ang itlog. Napaiwas siya ng tingin sa akin sabay tapon ng facial mask niya sa trash can. Naghugas siya ng kamay. Bigla namang kumulo ang tiyan niya kaya nagkatitigan kami. "I-I'm really hungry though..." Napapikit ako ng mariin. Kinuha ko ang bowl ng salad at inabot ito sa kaniya. "Eat," ani ko at lumakad pabalik sa sala. "Ang bait mo naman?" sarcastic na sabi ni Kai. "Baka magalit ang parents mo, sabihin pinapabayaan kita at ginugutom," cold kong sabi. "Ang kaunti ng dressings, nasaan ang mayonnaise?" aniya. "Hanapin mo." "Bakit wala tayong fresh milk?" "Bumili ka," walang gana kong sagot. "How does this coffee maker works?" "Read the instructions." "There's no hot water. Walang ilaw yung dispenser!" "Plug it!" napatayo ako sa sobrang pagkainis ko. Napasapo ako sa noo ko. She's a college student and doesn't know the basic things in life? Really? "Sir, huwag ka na mainis. Hindi kasi ako sanay sa gawaing bahay, I have maids that serve me--" "You're married, I am not your maid, I'm your fake husband. Serve yourself, matuto ka naman. Napakasimpleng bagay lang ng mga 'yan hindi mo pa magawa, you're already an adult kahit sabihin mo na Nineteen ka lang at may teen pa rin sa age mo. Hindi lahat i-aasa mo sa ibang tao. Kaya mo naman kasi 'yan, ayaw mo lang at tamad ka." Kinuha ko ang remote control at pinatay ang TV. Napansin ko ang pagtahimik niya. She must be offended dahil sa sinabi ko. Napabuntong hininga ako at kinuha ang susi ng kotse ko. "Mag-grocery ako ng mga kailangan mo, sasama ka ba?" tanong ko. Nanatili siyang nakatayo sa tabi ng dining table at nakayuko. Nakaramdam naman ako ng kaba, mukhang dinibdib niya ang mga sinabi ko. Baka magsumbong pa ito sa magulang niya at bawiin ang marriage namin o kaya hindi ituloy ang investments. "Kai, I'm sorry," mabilis kong sabi. Napahawak ako sa kamay ko at pinatunog ang mga daliri ko dahil sa kaba. Kailangan matuloy ang pagiging mag-isa ng company namin at company nila. Hindi dapat ako maging ma-attitude sa kaniya. "Gosh, I miss home," bulong ni Kai at mabilis na naglakad. Nang dumaan siya sa akin ay akmang hahawakan ko siya pero mabilis siyang naglakad pabalik sa kwarto niya. Malakas ang pagkakasarado niya ng pinto. "Sh*t!" bulalas ko at tumakbo sa pinto. Nang pihitin ko iyon ay naka-lock ito. "K-Kai! Huwag ka na magalit, 'wag mo 'kong isusumbong kay Mrs. Jallorina!" sigaw ko. Bumukas bigla ang pinto. Masama ang tingin niya sa akin. Hawak niya ang isang bulak at patuloy sa pagkiskis sa kaniyang mukha. "Takot ka kay Mom?" sarcastic niyang tanong. Napabuntong hininga ako, napakagaling niya, napaniwala niya akong galit siya. Mukha na naman siyang mataray. "Okay ka na pala, aalis na ako at mamimili," ani ko at tinalikuran siya. "Teka! Sasama ako, marami akong ipapabili, wala na akong Cream sa mukha at eyebags patch," aniya. "We are going to buy foods, stocks dito, hindi mga pampaganda mo," ani ko. "Isabay na natin, ipag-drive mo 'ko---oo nga pala hindi ka maid. Pero asawa na kita, kaya dapat ipag-drive mo ang asawa mo," nakangiti niyang sabi. "Fine," singhal ko. "Magbibihis lang ako," aniya. "W-Wait, hindi ka maliligo?" tanong ko. "Naligo ako kagabi, mamaya na ulit ako maliligo wala pa namang 24 hours nung huli akong naligo, duh~," reklamo niya. "Oo na, tamad ka talaga," bulong ko. ******************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD