Chapter 4

1224 Words
Ellise Nikyle's P. O. V. "Why do we need to have a prenup, Mommy?" tanong ko kay Mom habang nasa harap kami ng hapagkainan. "Because you need to show that it's real. Hindi dapat nila mahalata na ginagamit natin sila for their products, manufacturing," pagsagot ni Daddy sa tanong ko. Napabuntong hininga ako at kumuha pa ng beef steak. "Kung babae lang ako, ako na sasalo para sa 'yo, ate," ani Aurelius dahilan para matawa ako. I appreciate him so much, sa lahat ng kapatid ko, siya ang pinakamabait, maalalahanin, masipag pero pasaway minsan. "Maging bakla ka na--" "Nikyle!" Napatigil ako dahil sa pagsaway ni Daddy. Ayaw niya talaga ng bakla sa pamilya namin. "Joke lang naman," ani ko at muling kumain. "Magpahinga ka na, before your wedding day, magpa-spa ka, salon. Do your nails, hair, wax your armpit, do everything na ikagaganda mo lalo para mahulog ang loob sa 'yo ng Amiel Harold na 'yon. Kapag nangyare 'yon, you can take control of their company kasi susunod na sa 'yo 'yon," ani Mommy. They really want me to get his heart? Paano naman kung pareho naming ayaw ang isa't isa. He's too much older. Six years ang tanda niya sa akin. "What if hindi niya ako payagan galawin ang company nila?" tanong ko. "No vacation alone, no travels," ani Dad. Nanlaki ang mga mata ko. So, I have to be nice to him? Nakakairita naman. Kailangan ko kahit ayoko. Bakit ba kasi sa dami ng lalake, si Sir pa? Ang may matigas na puso sa mundo! **************** Amiel and I had a prenup na ginanap ng isang buong araw dahil sa iba't ibang outfit at angle. Hindi naman namin kinibo ang isa't isa ng araw na iyon. Sa school naman, we act normal, hindi ko na siya masyado inaasar dahil sa pagbabanta ni Daddy about sa no travel alone. Wala naman akong pera para mag-travel mag-isa. I'm still studying. Days passed, I had to make my nails clean and not so long. Nagpaayos din ako ng eyebrows ko and eyelashes lift. Nagpa-whole body massage rin ako. Nagpa-perm din ako ng buhok. Nagpa-wax ako sa armpit at legs. Dumating ang araw ng kasal. Gabi pa lang ay bumyahe na kami patungo sa Guimaras, doon nakakuha ng private resort si Mommy na pinasarado para sa amin, exclusive. Pagdating namin doon ay tahimik ang paligid at tanging alon lang ng dagat ang maririnig. Dahil sa matagal na byahe ay pinili ko na lang na matulog. *************** Amiel Harold's P. O. V. I have to act happy, lalo na at nandito ang parents ni Nikyle. Mahirap na, baka kung ano pa ang sabihin kung makikita nila ang bangayan namin ng anak niya. I won't do the same mistakes I made before. Suot ko ang wedding attire ko, nilagyan ako ng light make up ng isang make up artist, he also fixed my hair. Aaminin ko naman na ang gwapo ko tingnan ngayon. Tinanggal ko kasi ang kaunti kong bigote at balbas. Inubos ko talaga ang buhok. "You're ready, sir. Pwede na po kayong mauna sa event place sa dalampasigan," ani ng isang staff. "Yes," ani ko sabay ngiti sa kaniya. She lead the way, habang ang photographer naman ay kinukuhanan ako ng mga litrato. Paglabas ko ng hotel ay namangha ako sa ganda ng set up. May stage, red carpet. Gawa sa kahoy ang mga upuan na may puting tela. Napansin ko namang iilang piraso lang ang upuan, hindi ba nag-invite si Nikyle? Actually, I did not choose a best man dahil wala naman akong ka-close na lalake. Hindi naman sa wala akong kaibigan, I just don't have the best of friends. Umakyat na ako sa stage at nakita kong naglalakad na sila Mommy kasama sila Mr. And Mrs. Jallorina, sobrang ganda ng mga make up at kasuotan nila. Nakakita naman ako ng apat na batang lalake. Nakita ko rin ang pinsan kong babae na si Irylle, sa side ni Papa ko siya Pinsan. Buti naman at nakapunta siya. Kababata ko rin kasi siya at madalas kaming maglaro noon. Naupo na silang lahat, ang pari naman ay naglakad na papunta sa gitna ng stage saka tumunog ang mikropono. Isang kanta ang nag-play bigla. I don't know what that song is pero tagalog ito. Nakita ko si Nikyle na naglalakad sa red carpet, papalapit ito sa akin. Nakakita ako ng camera at mukhang ako ang kinukuhanan ng litrato kaya napangiti na lang ako ng pilit. Nang makalapit sa akin si Nikyle at namangha ako sa ganda niya lalo na at naka-make up. Swerte rin ang tunay na mapapangasawa niya lalo na at maganda siya pero napakapangit ng ugali niya. Sobrang spoiled brat at napakamaldita, walang manners, walang consideration. Sobrang bastos kausap lalo na kapag matanda, ni hindi siya marunong mangopo. Mahalaga lang sa kaniya ang social media niya na ako naman ay walang pake doon. "Natulala ka?" tanong niya at napa-smirk. "I'm done judging you, let's go," ani ko. Napaawang ang labi niya. Ako na ang kumuha ng kamay niya para ilagay sa braso ko. Naglakad kami patungo sa harapan ng pari. Habang nagsesermon ang pari ay nakatitig lang kami sa isa't isa, sobrang sama ng tingin niya sa akin at ganoon din ang ginawa ko. "After this, we will go in different paths," bulong niya. Tumango ako at ngumiti. "I pronounce you, husband and wife, you may now kiss the bride." Napakunot ang noo ko. Nakalimutan kong may ganitong part sa kasalan, kailangan ko bang halikan ang babaeng ito!? Nagpalakapakan sila, nakatingin ang lahat sa akin. Inangat ko ang belo ni Nikyle. "Do we really need to do this?" nag-aalala kong tanong. "Yes." Pagkasagot niya sa akin ay mabilis siyang tumingkayad para abutin ang labi ko. Isang mabilis na halik ang natanggap ko mula sa kaniya. "This is a secret, okay?" aniya. Tumango ako sa kaniya. Ngumiti kami sa camera. Bumaba na kami ng stage at ilang sandali lamang ay nilapitan kami nila Mommy. "Bilang wedding gift namin para sa inyong mag-asawa. We are giving you this key to your temporary home," ani Mommy. Pinanlakihan ko siya ng mata pero kumindat ito sa akin. Ibig sabihin, parte ito ng pag-acting namin? "Yes! We are giving you a condominium unit in Quezon city. Malapit lang naman sa company natin para hindi kayo mahirapan." Nagkatinginan kami ni Nikyle nang sabihin iyon ng Mommy niya. Tila ba ilang na ilang siya. Mukhang nagulat rin ito sa desisyon ng magulang niya. "A private car will bring you two there," ani Mr. Jallorina. Napayuko ako. Ayokong kuhanin ang inaabot nilang susi. Pero biglang hinawakan ni Mommy ang kamay ko at inabot ito sa akin. Napalunok ako, gusto ko magsalita at umayaw sa plano nilang ito. Akala ko pa naman ay ikakasal lang kami pagkatapos nito maayos na, hindi ko alam na required pa lang tumira kami sa iisang bubong. "Ihatid na natin sila sa kotse," ani Daddy. Naglakad na kami nang nakasimangot habang pasakay ng kotse. Pilit akong ngumiti sa kanila habang kumakaway. Nang tuluyan na kaming makapasok sa kotse ay napasimangot kami pareho ni Nikyle. "The f**k is this?" singhal niya. Nagkibit balikat ako. Umusog si Nikyle patungo sa kabilang pinto at sumandal doon sa bintana. Talagang nilayuan niya ako. She just kissed me! Napatingin ako sa susi na hawak ko. "We f****d up our plan to have separate paths." *******************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD