Chapter 2

1124 Words
Chapter 2 The day before the agreement Ellise Nikyle's P. O. V. "Kai," tawag sa akin ng kapatid kong si Kalb. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Minsan niya lang kasi ako kausapin at kadalasan, aasarin niya lang ako. Lima kaming magkakapatid. I am the only girl. Apat silang lalake.  "Where's your manners?" taas kilay kong tanong. Ako ang panganay sa amin, pangalawa si Kalb, pangatlo si Aurelius, pang-apat si Jin at ang bunso namin ay si Aris. Humihiling pa ng babae si Mommy, pero puro lalake na ang mga kapatid ko, niloloko ko na nga lang may maging bakla sa kanila, which is kinagagalit naman ni Dad. "Nag-usap kami nila Mommy," ani Kalb at naupo sa tabi ko. Kasalukuyan kaming nasa salas, manonood sana ako ng movie pero dumating si Kalb. He sounds so serious, mukhang hindi siya mang-aasar. "Tungkol saan?" tanong ko. "Remember the marriage?"  Tumango ako at sinearch ang new movie ngayong buwan na ni-release last week. "Mom's friend agreed to it, are you still in?" tanong niya. Tila ba nanintig ang tenga ko sa narinig ko. Mabilis kong binitawan ang remote control at humarap kay Kalb. "Is this a prank?" tanong ko, kailangan ko maging sigurado. "Nope, ask Mom and Dad for assurance," mayabang niyang sabi. Seryoso nga siya, nagyayabang na siya e'. "Nakalimutan ko nga 'yong pangalan ng lalake, hindi ko pa rin siya kilala," ani ko. Bigla naman naming narinig ang yapak ng paa ni Mommy. Kakauwi lang nito galing sa trabaho, napansin naman naming nag-iisa lang siya. "Where's Dad?" tanong ni Kalb. "He's in a meeting, nauna na akong umuwi to talk to Kai. I have a good news--" "Itutuloy ang kasal?" pangunguna ko sa kaniya. Napangiti si Mommy at tumango. Nilapitan niya ako at hinawakan ang kamay ko. "As I told you, this is just a fixed marriage. Malaking pakinabang ang products nila, if magiging asawa mo ang nag-iisang anak ng Garcia, magagawa mong solohin ang company nila. Kailangan lang nating magamit ang products for our company, mas magiging popular ito kapag nasama sa company natin at mas lalaki ang sales natin. Magkakaroon ka ng karapatan galawin ang kung ano man na nasa company products nila--" "Mom, if I did? Will I be able to have a vacation alone in Paris, Amsterdam, New York--" "Exactly, kung papayag ka sa plano, but I assure you it will took years," ani Mommy. "Mom, sigurado ka na ba diyan? Ikaw rin, Kai. Are you willing to give up your marriage and virginity--aray!"  Sabay kaming napahampas ni Mommy kay Kalb dahil sa sinabi nito. "Baliw ka ba? I will not let him touch me kahit anong mangyare. Besides, it's just a marriage, okay?" ani ko. "Come on, anak. Don't be like that, she's your ate," ani Mommy. Pumamewang pa ako sa harapan ni Kalb at tinaasan siya ng kilay. "You're still innocent about love. Nagpapakabulag ka kasi sa social media. Puro high standards, mas mahal mo pa ang Korean actors na never mapapasa 'yo," pang-aasar ni Kalb. "I'm gonna kill you," pagbabanta ko. "Huwag na kayong mag-bangayan, you're already Nineteen, Kai. You're Seventeen, Kalb. Teenagers na kayo."  Napaiwas ako ng tingin kay Mommy. Kasalanan ko bang lumaki akong ganito? Aaminin ko naman na spoiled brat ako. Ang sarap kaya maging iisang babae na anak, I can get what I want.  "Yes, Mom. Nineteen na ako, baka naman pwede na ako magkaroon ng driver's license at kotse para--" Mom sighed at sinamaan ako ng tingin kaya napatigil ako sa pagsasalita. "Hintayin mo kasi, magbi-birthday ka na naman, ako nga matagal pa," ani Kalb. "Ang tagal ko pa mag-twenty, sa August pa!" daing ko. "Ilang buwan na lang naman, follow our family rules. License and car at the age of twenty, okay?" ani Mommy. "Yes, Mom." "I'll take a rest, it's been a tiring day. Bukas na bukas pupunta tayo sa building ng company ng Garcia. Gumising ka ng maaga," ani Mommy. Hinawakan niya ang pisngi ko saka ngumiti at lumakad na paalis. Finally, papayagan na nila ako, I just need to marry him. "Paano kung panget yung lalake?" tanong ni Kalb. "It doesn't matter. Kasal lang naman sa papel. He won't touch me or whatever." "Paano kapag sinaktan ka niya?"  "Don't act like we're gonna live in the same roof," ani ko at mahinang tumawa. "Malay mo. At saka, what if ma-fall in love ka sa kaniya?" tanong ni Kalb. Inirapan ko siya at kinuhang muli ang remote control saka tinuloy ang plano kong panonood. "Answer me, what if lang naman." Hinarap ko si Kalb. "Then let it be, kung mahal niya rin ako, why not. At saka, I don't know what love feels like pa, Kalb. Kaya I don't care pa rin," ani ko. "Talaga?"  "You talk too much, ano bang alam mo sa love?" ani ko. "I had a girlfriend, kaya alam ko ang feeling," aniya at tumayo. Akmang magsasalita pa siya pero nilakasan ko ang volume ng TV. ********************* Days passed. Kasama ko ang circle of friends ko at naglalakad kami patungo sa canteen. Sa kabilang sulok naman ng hallway ay nakita kong naglalakad si Sir Amiel, kasama niya si Ma'am Nerry. Pinanood ko silang maglakad habang tumatawa.  "Sis, ako na kukuha ng order niyo," kalabit sa akin ni Nicole.  "Pizza sa akin, tapos juice," ani ko at inabot sa kaniya ang pera.  "Saan tayo uupo?" tanong ni Joy. "Same place. Sa dulo," ani ko sabay turo sa madalas naming inuupuan. Nang makaupo na kami ay hinanap kong muli si Sir at Ma'am. Sakto naman nakita ko sila na nakapila na sa canteen, ang bilis naman nilang maglakad?  Nakita kong si Sir pa ang kumuha ng tray ni Ma'am para i-abot ito sa kaniya. Palagi ko na lang sila nakikita, are they even dating? I thought may boyfriend si Ma'am? "Girl, bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" tanong ni Joy habang naglalagay ng blush on. "Hhmm? Nothing, none of your business," sarcastic kong sabi at inagaw kay Dianne ang salamin niya. Kinuha ko ang lipstick na regalo sa akin ni Mommy saka nag-apply sa labi ko.  "My gosh! Look at this," ani Joy at inilapag ang cellphone niya. I read the messages. It's her conversation with a stalker that likes her.  "I told you, magagaya ka sa mga babaeng tinatapon na lang bigla sa kalsada," tumatawang sabi ni Dianne. "Aabangan ulit kita at papanoorin umuwi ng ligtas," pagbasa ko sa message ng stalker niya. "What a psychopath. Kung gusto ka niya, sabihin niya, humarap siya sa 'yo!"  "I agree with, Kai," ani Dianne. Dumating naman si Nicole dala ang mga pagkain namin. Nilapag niya iyon sa table at sabay-sabay na kaming kumain. Muli kong hinanap si Sir pero hindi ko na sila makita ni Ma'am.  ******************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD