Chapter 3

1037 Words
Amiel Harold's P. O. V. Nakatitig ako sa laptop ko habang pinag-iisipan kung ano ang ige-grade ko sa mga business proposal na ipinagawa ko sa kanila. Kailangan ko muna i-check ang documents bago nila i-print as an output. "Some of them are really good at this, some are not. Magbabagsak kaya ako? First semester pa lang naman," pagkausap ko sa sarili ko. Bigla namang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Napatayo ako kaagad, binuksan ko ang ilaw ng buong kwarto, lamp lang kasi sa study table ko ang naka-open. I prefer dark room. "Anak? Miel?" ani Mommy. Binuksan ko ang pinto at sinalubong niya ako ng matamis na ngiti. Napansin ko namang may hawak siyang laundry basket. "Nasaan yung mga bago mong polo? Lalabhan ko na," aniya. "Mom, ako na pong bahala maglaba nito. Magpahinga na lang po kayo," ani ko. "Marami kang ginagawa." Sinilip ni Mommy ang study table ko at nakita niyang bukas ang laptop ko, "Kita mo? Mag-focus ka na lang diyaan at ako nang bahala sa paglalaba," pangungulit niya. "Mommy, ikakasal na ako, kaya ko na po ito, dapat nga kayo ang pinagsisilbihan ko. You've done lots of sacrifice and hard work. It's my time, Mom. Ako naman ang babawi," ani ko. "Big boy na talaga ang anak ko," aniya at hinawakan ang ulo ko saka ginulo ang buhok ko. "Twenty-six na ako, Mom," ani ko. "Bukas magkikita kayo ni Nikyle, tama ba?" tanong ni Mommy. Tumango ako. "Kaya tinatapos ko na yung trabaho ko, para bukas wala na akong gagawin." "Do you have plans? For your suit, theme, church?" tanong ni Mommy. Umiling ako. "It's up to her, besides, hindi naman ito serious marriage," ani ko at ngumiti. "You're right, anak. Sige na at hindi na kita aabalahin, tapusin mo na 'yan, then you sleep, okay?" ani Mommy. "Yes, Mom. Thank you," sagot ko at sinarado na ang pinto. **************** Kinabukasan ay pumunta ako sa sinabing location ni Mrs. Jallorina kung saan kakilala niya ang mananahi ng gowns and suits, sobrang ganda raw ng mga gawa nila at kilala sila world wide. Nang mai-park ko na ang kotse ko ay nagtungo na ako sa loob ng building. May nag-assist sa akin na staff at dinala ako sa mataas na parte ng gusali kung saan may private room. Nang pumasok ako roon ay nakita ko si Nikyle na nakatingin sa mga magazines at albums ng mga gown. "Napakatagal mo, I hate waiting," aniya. Napabuntong hininga ako. Napakamaldita niya talaga kahit kailan. "Nasaan ang parents mo, hindi ba sila kasama?" tanong ko dahil napansin kong wala ang magulang niya, samantalang sila pa ang nag-text sa akin ng location. "Tayo na daw bahala mag-decide," walang gana niyang sagot. Naupo ako sa katapat niyang upuan dahil ayaw ko siyang katabi. Binigyan ako ng staff ng magazine at binuklat ang albums na puno ng suit. "Nakahanap ka na ba ng theme?" tanong ni Nikyle. Umiling ako. "Gosh, so paano na?" tanong niya at umirap. "Nothing, ikaw ba? Anong dream wedding mo, kasi ako kahit ano tutal hindi naman seryoso ang kasal na 'to," walang emosyon kong sabi habang tumitingin sa magazine. "I think... I want a beach wedding," aniya at tumingin sa akin. Napatingin ako sa kaniya. "Seriously, alam mo bang mahal 'yon?" inis kong sambit. She really want to spend thousands para lang dito sa kasal na hindi naman seryoso. Totoo ang kasal pero kami naman ay hindi nagmamahalan. "Sabi mo dream wedding, crazy ka ba?" aniya at umirap. Napabuntong hininga ako. Tama naman siya, I said dream wedding, hindi ko naman akalain na beach wedding ang gusto niya. "What if huwag na tayo mag ganito. Let's just sign the marriage contracts then live like nothing happened," ani ko. "Are you dumb? Alam mo ba yung salitang proof, evidence, legitimacy?" aniya. "Wala ka talagang galang sa mas matanda, I am still your professor," gigil kong bulong sa kaniya dahil baka may makarinig sa amin. "But, ikaw ang magiging asawa ko, sabi sa love ay age doesn't matter. Marami na akong napapanood na movies wherein ang wife ang mas bata pero siya ang mas nasusunod at ginagalang ng husband--" "Where not in movies, Nikyle." "Psh! Whatever, you're so annoying," inis niyang sabi. Binalik niya ang tingin sa album. "So, ano? Gusto mo talaga ng beach wedding?" tanong ko. Tumango siya. Napasapo ako sa noo ko. Malaking gastos pa pala ito. Nagtitipid na nga kami nila Mommy, we don't even have maids at home. We take responsibility to all the house hold chores. "Finally! I found the perfect wedding gown," aniya. Iniharap niya sa akin ang white na fitted na gown tapos luwa ang cleavage, pa-long gown pa ito. "Are you even allowed to wear that? It's too revealing," ani ko. "It's my body, pwede ko suotin lahat ng gusto ko. Masyado kang judger," irita niyang sabi sabay irap sa akin. "Humanap ka na ng ka-partner nito kasi final ko na 'tong gown," aniya. Tumayo siya at lumapit sa isang staff, mukhang ipinakita niya ang napili niya. "Susukatan na ako, bahala ka diyan," aniya sabay irap sa akin. Pumasok na siya at ang ilang staff sa loob ng dressing room. Nakakita naman ako ng white suit na may konting design na pakurba-kurbang tela na gold sa ilang bahagi ng coat. "Excuse me, Miss? I choose this one," ani ko at tumayo. Lumapit siya sa akin. Isang lalake naman ang dumating. "Sukatan ko na kayo, sir?" tanong niya. Tumango ako. Bago pa man kami makalakad ay bumukas ang pinto kung saan pumasok si Nikyle. Napatigil kami nang makita si Nikyle na nakasuot ng gown na tinuro niya, napakaganda niya sa gown na iyon bagamat kita ng bahagya ang dibdib niya. Nakangiti siyang lumakad patungo sa pader na may malaking salamin. Tinignan niya ang kaniyang sarili saka tumingin sa akin at tinaasan ako ng kilay. "What can you say? The best ako pumili, 'no?" aniya. Hindi ko pinahalata na nagandahan ako sa kaniya. Pumamewang ako at tinignan siya mula ulo hanggang paa. "Pwede na." Hinarap ko ang lalakeng staff, "Let's go, sukatan mo na ako," ani ko sabay lakad. Naiwan namang nakakunot ang noo ni Nikyle sa akin. Malamang ay na-offend at napahiya siya. Buti nga sa kaniya. ********************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD