Chapter 1
Amiel Harold's P. O. V.
"Ellise Nikyle!?"
Nagkatitigan kami. Hindi ako makapaniwala na ang isang babaeng kagaya niya? Anak siya ng isang Jallorina. Kaya pala rich kid ang galawan at salitaan niya. Now I know.
"Wait--What? You two know each other?" tanong ni Mommy.
"She's my student--"
"He's my professor--"
Napataas ako ng kilay. Hanggang dito ay wala siyang galang.
"She always sleep at my class hours--"
"Don't you dare, Mr. Garcia. Huwag mo 'kong ipahiya sa harapan ng parents ko!" sigaw niya.
What a spoiled brat.
"She doesn't even wear proper uniform. Look at her dyed hair, it's inappropriate---"
"It's a university, sir!"
"Yeah, and we have rules that should be followed--"
"Two of you!" biglang tumayo si Daddy, "Enough."
Napahalukipkip si Nikyle habang ako naman ay pinamulsa ang dalawa kong kamay. Now, I can finally talk to her parents para maayos ang ugali ng babaeng ito.
"Hindi pa kayo kinakasal, may away mag-asawa na kaagad kayo?" tumatawang sabi ni Mrs. Jallorina.
"MOMMY!" daing ni Nikyle at inirapan ako.
Napakamaldita niya talaga. Kahit sino, wala siyang aatrasan. Takot nga sa kaniya ang mga kaklase niya, pati ang group of friends niya, lahat ng iutos niya nasusunod.
"You're an adult, act as one."
Nang sabihin ko iyon ay hinampas ako ni Mommy.
"You are her husband, not her teacher, huwag mo siya pagsalitaan ng ganiyan, anak."
Napatingin ako kay Mommy na nanlalaki ang mga mata sa akin ngayon. Wala naman akong nagawa. I have to act professional bago ko makalimutan na may misyon ako ngayon at wala akong choice kung hindi pakasalan ang babaeng ito.
"I'm Amiel Harold, it's nice meeting you, my fiance," ani ko at lumakad papalapit sa kaniya sabay lahad ng kamay ko.
"Nakakatuwa naman! Napakagwapo pa ng anak mo, Bianca. I really feel the chemistry," ani Mrs. Jallorina at tumayo pa sa sobrang tuwa niya.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Nikyle at kita ko ang pasimple niyang pagkurot sa braso ni Nikyle.
"Ito na!" bulong niya sa kaniyang ina.
Tinanggap ni Nikyle ang kamay ko. Ngumiti ako sa kaniya ng pilit at ganoon rin siya, pero halata sa mukha niya ang pagka-sarcastic.
"They will build a good relationship," ani Mommy.
"I believe in that, friend!" ani Mrs. Jallorina.
Nang bitawan ko ang kamay ni Nikyle ay inirapan niya ako. Napabuntong hininga na lamang ako at napalunok ng sarili kong laway habang nagpipigil sa kaniya.
I swear, balak ko siyang ibagsak sa subject ko. Wala na nang respeto, ayaw pa makinig sa klase. Porket laki sa marangyang pamilya. She never looked up at people, she always looked down on us, hindi nga rin siya namimili ng age, even a person like me who is her teacher, I have a degree.
"Our breakfast must be okay, let's go to the conference room," ani Mommy.
Tumayo na ang lahat. Nauna akong lumabas ng office ni Dad at nagtungo sa conference room, sa labas pa lang ay amoy na ang mabangong sausage. Nakaramdam naman ako ng pagkulo ng tiyan ko, paborito ko kasi iyon.
Nag-lead ng dasal si Daddy, pagkatapos ay kumain na kami. Patuloy naman sa pagkukwentuhan si Mommy at si Mrs. Jallorina. They also discussed about the wedding day that will be held next month on a -- church.
Tahimik lamang ako sa pagkain, napatingin ako kay Nikyle at napansin ko ang ilaw sa lap niya. Pasimple akong sumilip sa ilalim ng lamesa. I saw her phone in her lap, she's scrolling in her social media.
Napasapo ako sa noo ko. Kahit sa hapagkainan, wala siyang respeto? Hindi niya man lang ba titigilan ang cellphone niya? Kung itago ko kaya ang cellphone niya kapag kinasal na kami. It will be fun kung gaganti ako sa kaniya matapos ang mga ginawa niya sa klase ko.
*************
Days passed, it's Tuesday at may klase ako sa kanila. Hapon na at mukhang exhausted na ang lahat ng students.
Pagpasok ko sa classroom ay napansin kong iilan lang ang tumayo para batiin ako ng good afternoon. Hinanap ko naman ang babaeng blonde ang buhok. Nasaan kaya si Nikyle?
"Sit down, class," ani ko.
Sa pag-upo nila ay nakita ko si Nikyle sa bandang likod na nakadukdok ang ulo sa lamesa habang may liwanag sa kaniyang hita.
"Turn off your phones and listen. We will have an activity. Group yourself into five," ani ko at kinuha ang pentelpen ng white board saka nagsulat.
Narinig ko naman ang ingay ng bulungan nila. May ilang nag-aagawan pa sa members.
"Business proposal?" pagbasa ng honor ng class na nasa harapan nakaupo.
"Yes," ani ko at hinarap sila. "Na-discuss na natin last week ang business proposal, right?"
"Yes, Sir."
"Isulat niyo sa index card ang members niyo. Ipasa niyo sa akin."
Sumunod naman sila. Naupo ako sa teacher's table at kinuha ang envelope na may lamang records ng section nila. Isa-isa na nilang inabot ang index card. Kinukuha ko lang lahat ng mag-aabot at nang kukuhanin ko sa isang estudyante ang card ay hindi niya binitiwan ito. Napakunot ang noo ko at tiningala kung sino ito.
It's Nikyle, smirking at me.
"Hanggang dito ba naman?" bulong ko.
"Ang sarap mo lang asarin, sir."
Binitawan niya ang index card, talagang diniinan niya ang pagbanggit ng sir. She's really pissing me off.
"Hahayaan ko kayong mag-meeting para sa business proposal niyo. Paikutin niyo ang upuan niyo," ani ko.
Isang babae naman ang lumapit sa akin.
"Sir, hanggang kailan 'to?" tanong niya.
"You're?"
"Ms. Bonifacio," aniya.
"Ms. Bonifacio, I will be giving everyone, two weeks, tutal three days lang ang meet natin in one week, siguro naman enough time na 'yon? Any concerns?"
Tumayo si Nikyle.
"Yes, Ms. Jallorina?"
"May I go out?" tanong niya.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"What?" takang tanong ko.
"Rest room?" sarcastic niyang sambit.
Napansin ko namang lahat ng estudyante ay nakamasid sa amin ni Nikyle. Ayoko naman na may masabi pa sila, hindi rin pwedeng may makaalam ng magiging relasyon namin ni Nikyle.
"Sure, you may go," ani ko.
Nang maglakad na palabas si Nikyle ay isang lalake namang nakasalamin ang lumapit sa akin.
"Excuse me, sir," aniya.
Mahinahon siyang nagsalita at naglakad papalapit sa akin. Sobrang hinhin niya.
"Regarding po sa--"
Isang malakas na tawa ang narinig ko. Napalingon ako sa babaeng 'yon. Ang isa sa kaibigan ni Nikyle.
"Ms. Ponce, can you please lower your voice?"
"S-Sorry, sir. Nabigla lang. Ito kasi," aniya.
Binalik ko ang pansin ko sa lalakeng nakasalamin na nagtatanong sa akin tungkol sa activity nila.
******************