Amiel Harold's P. O. V.
Halos malula ako sa mga pinagkukukuha ni Kai na pagkain. Kahon na cereals, fresh milks, biscuits at may mga chichirya pa.
"Sanitary napkins!" aniya at biglang tumakbo.
Napabuntong hininga na lang ako. Kanina pa ako sunod ng sunod sa kaniya, mapupuno na ang cart namin. Nadaan naman ako sa mga food in can kaya pumunta ako doon para kumuha ng ilang delata at spam na mabilis prituhin.
"Sir? Nasaan ka na ba?" rinig ko si Kai na sumisigaw.
Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa cart sabay hagis ng sanitary napkins. Inayos ko ang mga pinamili niya habang siya ay masayang naglalakad at lahat ng makikita niya ay nilalagay niya sa cart.
Nang matapos kaming mag-grocery ay nagtungo na kami sa cashier. Busy si Kai sa kaniyang cellphone habang ako ay binibigay sa cashier lahat ng pinili kong ilagay sa cart.
"That's it," ani ko sa cashier nang akmang kukuhanin niya ang fresh milk.
"1,486, sir."
Nag-abot ako ng 1,500.
"I received 1,500."
"Bakit--Wait, Miss hindi pa tapos, ito pa," ani Kai at tinuro ang mga pinamili niyang nasa cart.
"Paki-punch na itong mga 'to. Siya ang magbabayad," ani ko sabay turo kay Kai.
Umalis na ako sa tapat ng cashier. Habang ang kahera naman ay nagsimula nang i-punch ang mga pinamili ni Kai. Nanlalaki ang mga mata ni Kai sa akin. Napahalukipkip ito habang nakatingin sa total price na nasa monitor.
"2,890, Ma'am," ani ng kahera kay Kai.
Malungkot na kinuha ni Kai ang kaniyang wallet. Mahina naman akong natawa sa reaksyon niya, kuha siya ng kuha, akala niya ata ay ako ang magbabayad.
Kinuha ko ang cart at inilagay doon ang mga supot-supot na pinamili namin. Si Kai naman ay masama ang tingin sa akin.
"That's my f*cking allowance!" ani Kai.
"I am your husband, not your ATM card. Sa tingin mo ba babayaran ko lahat ng wants mo?" natatawa kong sabi.
"Ikaw ang nagyaya mag-grocery!" singhal niya.
"Sabi ko, bilhin ang mga needs para sa bahay. Look what I brought, para sa ating dalawa ang mga 'to, tingin mo ba gagamit ako ng sanitary napkins?" sarcastic kong sabi.
"You're so annoying, sana pala hindi na ako sumama!" aniya.
Naglakad na ako at sumunod naman siya. Mukhang ito ang first time niyang malagasan ng pera para bilhin ang wants and needs niya. Halatang spoiled siya, masama ang loob niya sa nagastos niya pero siya rin naman ang makikinabang noon. Maybe her parents bought anything for her.
"May Ice cream, bibili ako, pampalamig."
Umirap pa siya sa akin. Sumunod ako sa kaniya. Nang mapatingin ako sa ice cream shop ay napatigil ako nang makita ang babaeng napupusuan ko ng ilang taon.
"Huy, bakit huminto ka, tara na, ayaw mo ba ng ice cream?" tanong ni Kai.
"I-I don't like sweets," alibay ko.
"Fine, ako na lang. Hindi mo ba ako sasamahan bumili--teka, si Ma'am Nerry ba 'yon?" tanong ni Kai.
Nanlaki ang mga mata ko nang banggitin niya si Nerrisa.
"T-Talaga?" ani ko.
"May kasama siyang lalake. Boyfriend niya ata 'yon," ani Kai.
"G-Ganon ba?"
"Hindi mo ba pupuntahan si Ma'am, magtropa kayo 'di ba? Lagi ko nga kayo nakikitang sabay pumupunta sa canteen. I saw you get her food," aniya.
Napaiwas ako ng tingin kay Kai. Paano ko ba iiwasan ang scenario na ito.
"Bumili ka na, hintayin kita," ani ko.
Naglakad na siya papasok ng ice cream shop. Napasandal ako sa glass window ng shop. Napayuko ako. I can see that she's really happy to be with that man. Umaasa akong hindi mag-propose ang lalakeng 'yon kay Nerrisa. Natatakot akong tuluyan na siyang makuha ng lalakeng 'yon. Kahit ano namang pilit ko, pagmamagandang loob sa kaniya, kaibigan lang ang turing sa akin ni Nerrisa.
I'm still hoping that there will be a day that I can call Nerrisa mine.
*******************
Ellise Nikyle's P. O. V.
Habang nasa counter ako at nakapila sa ice cream ay napaisip ako kung bakit nagbago ang mood ni sir nang sabihin ko si Ma'am Nerry na kasama ang boyfriend niya.
"Nikyle?" biglang may tumawag sa akin na pamilyar ang boses.
Nang lingunin ko ito ay nakita ko si Ma'am Nerry kasama ang Nobyo niya na pumila sa likuran ko.
"Good morning po, Ma'am," bati ko.
"Who is she?" tanong ng boyfriend ni Ma'am.
"She's one of my student. Ang ganda niya 'no?" ani Ma'am.
"Hala! Thank you po," ani ko.
"Sinong kasama mo?" tanong ni Ma'am.
"Si--Mga friends ko po, bibili lang po ako ng ice cream," ani ko.
Muntik ko pang mabanggit na si Sir, super close ko nang makalimutan na it's our biggest secret!
"Oh, it's sunday kasi, friends and family day," nakangiting sabi ni Ma'am Nerry.
"Opo," ani ko.
Nang ako na ang susunod sa counter ay bumili ako ng Strawberry Banana flavor. Nang matapos ang ice cream ko ay nagpaalam na rin ako kala Ma'am.
Nang makita ako ni Sir na lumabas ng shop ay naglakad na ito. Patakbo ko naman siyang hinabol at sinundan. Nang makarating kami ng parking lot ay tahimik lang siyang naglalagay ng pinamili namin sa trunk ng kotse.
"Are mad at me?" irita kong tanong kay Sir.
"No, I'm not. Gusto ko na umuwi marami pa akong iche-check na papers," ani Sir.
Tumango ako. Dapat lang na hindi siya magalit at wala siyang karapatan. Is it really because of me or Ma'am Nerry?
Nang makasakay kami sa kotse ay mabilis na nagmaneho si Sir.
"Are you sure you're not mad. I bet you're not okay, ang dilim ng awra, I can feel it!" ani ko habang kumakain ng ice cream.
Hindi niya ako sinagot. Kinuha ko na lamang ang cellphone ko at tumingin sa inbox ko. Ang daming DM.
{Why are you not replying?}
Napataas ang noo ko sa taga-Winston University na lalakeng ito. He's a nerd, akala ko hindi niya ako papatulan. I just tried to reach him. Valedictorian kasi siya at biggest turn on sa akin ang lalakeng matalino.
{I'm kinda busy because of my accounting subject :
I replied.
Nagulat naman ako nang mabilis niya itong na-seen at agad siyang nag-reply.
{I can help you}
Napangiti ako.
{How?}
{Let's meet? I'll answer your accounting activities}
Napatingin ako sa langit at nag-isip kung anong ire-reply ko. Although may assignment nga kami sa accounting.
{Sure!}
**********************