Chapter 8

1295 Words
Ellise Nikyle's P. O. V Pagdating ng hapon ay nakipagkita ako sa lalakeng taga-Winston University. Nag-meet up kami sa isang sikat na coffee shop na may vintage na venue. Nag-commute lamang ako papunta doon, dala ko ang isang ballpen at activity sheet ko. Pagdating ko roon ay nakita ko siya sa bandang dulo. Nakasuot ako ng simpleng pants na high waisted at crop top. "Hi, Mr. Dwight Tolentino," ani ko at naupo sa tapat niyang upuan. Tila ba naaligaga siya, tumayo siya at muling naupo na naman. Hindi ito makatingin ng tuwid sa akin. "Are you okay?" tanong ko sabay lapag sa table ng activity sheet at ballpen. Napatingin ako sa buhok niyang super neat ng pagkakagupit. Malinis ang kaniyang tenga at walang butas 'di gaya ng ibang lalake. Maayos din ang suot niyang grey na polo, walang kusot, mukhang planchado pa. Kumikinang ang silver niyang relo na rolex, mukhang tunay ang relo na suot niya. Nakasuot rin siya ng salamin na pa-square, halata ang mataas na grado ng mata niya. "Y-Yes, m-medyo kinakabahan lang. This is our first meet--I mean, nakita na kita sa personal noon pero we didn't talk, so this is the first time na magkakaharap tayo," aniya. He's talkative pala in person. "Okay, by the way, this is the activity sheet. Nag-promise ka kanina na sasagutan mo 'yan for me," ani ko. Napatingin siya sa akin at kumurap naman ako ng ilang beses sa kaniya habang nakangiti. Sana ay ma-hypnotize ko siya. Ang gwapo naman pala niya kapag tinitigan, wala kasi siyang maayos na picture sa social media, takot ata siya sa camera. "Gagawin ko talaga, I keep my promise. Alin ba dito ang sasagutan?" tanong niya at kinuha ang ballpen saka activity sheet. "Yung problem 1 to 5. By the way, nag-order ka na ba? I want milktea na lang, if mayroon sila," ani ko. "H-Hindi pa kasi ako umo-order, hindi ko alam yung gusto mo," aniya. Kinuha ko ang menu na nakapatong sa gilid ng table. May stand pa ito. Nakalagay sa maliit na cardboard ang lahat ng tinda nila. "Ow! May oreo cheese silang flavor. I want this, ikaw ba?" tanong ko sa kaniya sabay ngiti. "I'll take cappuccino," aniya at tinaas ang kamay niya. May lumapit sa aming waitress. "Ano pong order niyo, Ma'am and Sir?" "One cup of Capuccino, Medium size." Tumingin sa akin si Dwight kaya nagsalita na rin ako. "Medium ng Oreo cheese milktea, with pearl, 50 percent sugar," ani ko. "Anything else?" tanong ng waitress. "May gusto ka pa ba?" tanong ni Dwight. "Hhhmmm, maybe nachos," ani ko. "That's it." Umalis na ang waitress. Nilabas ni Dwight ang kaniyang cellphone at nanlaki ang mga mata ko sa cellphone niyang bagong labas na Iphone. Nakita kong pumunta siya sa calculator. "I will solve this first," aniya. "Sure, take your time. I'll just take a photo of myself tutal maganda ang view," ani ko. Ngumiti siya sa akin. Nilabas ko ang monopad at kumuha ng litrato sa sarili ko. Napatingin ako kay Dwight at kinuhanan ko siya ng litrato habang nagso-solve ito. Ilang minuto ang lumipas ay dumating na ang order namin. Hindi ginalaw ni Dwight ang kape niya habang ako ay kumakain lang at umiinom ng milktea, masyado siyang focused sa kaniyang ginagawang solving. Bigla siyang nag-angat ng tingin sa akin, napataas ang kilay ko. "It's done," aniya. Napangiti ako. Kinuha ko ang activity sheet at ang limang problems ay may sagot na. "Balanced lahat, ang galing," ani ko. Nilagay ko na sa sling bag ko ang answer sheet at ballpen. "Kumain ka na," ani ko. Humigop na siya sa kaniyang kape, napatingin ako sa maganda niyang cellphone. Naka-off ito. Hindi ko napigilan ang sarili kong kuhanin ito at nang mag-on ang kaniyang phone ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita kong wallpaper niya. "E-Ellise!" naiilang na sabi ni Dwight. Napangiti ako. "Is this you? You're so hot!" ani ko. Ang picture na nasa wallpaper niya ay black and white picture niyang naka side view. Kita hanggang dibdib niya. Messy ang buhok nito habang kitang-kita ang kurba ng matangos niyang ilong at adams apple. "N-Nakakahiya," aniya sabay agaw ng cellphone niya. "Make that your profile picture and everyone will start to like you," ani ko. "Are you belong to everyone?" tanong niya. "Maybe..." ***************** Alas syete na ako nakauwi sa condo dahil dumaan pa kami ni Dwight sa mall para maglakad-lakad. Siya ang nagbayad sa lahat ng gastos ko, kahit ang fare ko siya nagbayad sa grab driver. Nilagay ko ang password number ng condo unit namin ni Sir Amiel at pagpasok ko ay nakita kong nakaayos na ang sofa into bed, naroon na rin ang unan niya at kumot. Bukas ang TV pero wala siya roon. Pagkasarado ko ng pinto ay bigla na lamang lumitaw si Sir sa gilid ko. "My gosh! What are you doing there?" irita kong tanong. "Bakit late ka na? It's already seven in the evening, madilim na sa labas. Do your parents let you go in night? Don't you know you're a woman and it's dangerous out there," ani Sir. Inirapan ko siya at hinubad ang sandals ko. "Sir, first of all ay wala rito si Mommy and Daddy--" "At bakit hindi ka nagpaalam, bigla ka na lang nawala!" "Why are you acting like a real husband, bakit naman ako magpapaalam sa 'yo. I had a date with a hot, handsome and smart guy." "What? A date?" "Bakit? Our deal is to have separate paths na ginagawa pa rin natin kahit nakatira tayo sa iisang bubong," ani ko. "Whatever, do what you want pero kapag may nangyare na masama sa 'yo, 'di ako papayag na ako ang sisisihin ng parents mo. It's your choice," cold niyang sabi sabay lakad patungo sa sofa bed. Inirapan ko siya at pumunta na sa kwarto ko para maligo at maglagay ng skin care. Nang matapos ako ay iniwan kong nakababad sa mukha ko ang facial mask. Nahiga ako sa kama at nagsuot ng earphones, nagpatugtog ako ng random songs. Ilang sandali lamang ay biglang bumukas ang pinto. Napatanggal ako ng earphones. Hindi mapakali si Sir. Hinagis niya sa kama ko ang kumot niya at unan. "The hell! Anong ginagawa mo?" sigaw ko. Hindi niya ako sinagot. Nakarinig ako ng door bell. Napabangon ako at sinilip si Sir na binalik sa sofa ang sofa bed saka pinatay ang TV. Nag-ayos siya ng kaniyang T-shirt sabay tingin sa akin. Tinuro niya ang kama. "Sino ba 'yan--" napatigil ako sa pagsasalita nang buksan niya ang pinto. Niluwa nito si Mommy and si Mrs. Garcia. May dala silang paper bag. Napaupo ako sa kama at umakto na parang hindi sila nakita. "My daughter! I missed you!" sigaw ni Mommy at pumasok sa kwarto. Niyakap ako ni Mommy. "Did you do what I told you before?" bulong niya habang nakayakap sa akin. "W-What?" "Seduce him," ani Mommy. "Mommy naman, let's take it slowly," ani ko. "Why? He's handsome naman, anak. Inaayos pa lang namin ang kontrata para sa company nila. Binabalak naming kuhanin ang buong company nila para maging corporation," ani Mommy. "I'm doing my best, Mommy," ani ko. Humiwalay si Mommy sa pagkakayakap sa akin at hinila ang facial mask ko sabay hagis sa table. "Gamitin ang ganda," aniya sabay chin up sa akin. Tumango ako. "Oh? Bakit dalawa ang kumot?" tanong ni Mrs. Garcia pagpasok niya sa kwarto. "M-Mommy, nag-aagawan kasi kami sa kumot ni Kai kaya nagtig-isa na lang kami," ani Sir. Napakagaling magpalusot. "Are you guys about to sleep? Nagdala pa naman kami ng lutong ulam," ani Mrs. Garcia. "N-No po, hindi pa kami nagdi-dinner," ani ko. "Sakto pala, let's eat, come on," ani Mommy at hinila na rin ako palabas. Nagkatinginan kami ni Sir. Masama ang tingin niya sa akin. *******************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD