Chapter 6

1129 Words
  THIS MUST BE RICK, naisip ni Dianne at tinitigan ang numero. Missed call lang naman at wala namang kung anong text message. Papa-exit na siya sa shop ng mamataan ang isang pamilyar na pigura, oh sh*t, si Sam. Dali-dali siyang sumegway ngunit huli na ang lahat dahil naabutan na siya nito. “Ba’t hindi mo ko nire-replyan? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko simula kagabi?” mukhang aburido ito. “Busy kasi ako, nag overtime ako sa trabaho today,” singhap niya. “Gusto ko nang magpahinga muna, Sam.” “Eh, pano yung kagabi? Ano yun, nawala ka na lang bigla-“ “Hindi maganda ang pakiramdam ko kagabi, sorry,” napailing siya, ewan ba niya, siya naman itong sinaktan at niloko, bakit siya pa yung mag so-sorry at magbe-bend down sa mood swing nitong mokong na ‘to. Pero ayaw niyang ganito na lang, gusto niyang gumanti kay Sam. Gusto niya yung isampal din dito kung anong pakiramdam ng niloko! Napasinghap rin si Sam. “Kung puwede lang sana in public, gusto kitang yakapin, ano? Kung gusto mo, sasama ako sa accommodation mo, para magkaroon tayo ng privacy-“ “Nakauwi na siguro ang mga kasama ko,” iling niya. “Kaya hindi puwede. Delikado na Sam, bago ka palang dito sa Dubai.” Nangalay ang balikat ni Sam. Sinundan siya nito hanggang nasa platform ng train station na sila. “Eh, mag ho-hotel nga tayo kagabi di ba?” Napatango si Dianne, inilihis ang titig dito. “Yun na nga, parang hindi yun good idea. Bago ka palang dito, Sam.” “So ano yun? Magtititigan lang tayo? Hindi kita mahahawakan, mayayakap?” Nagpalinga-linga si Dianne, “baka may makarinig sayo okay?” “Girlfriend kita, gusto kitang hawakan man lang,” tangis ni Sam. Kung marupok lang si Dianne, kanina pa siya nagpadala sa mga request nito, pero nakita niya kung gaano karupok rin si Sam. Kaya siguro ito nagpadala kay Kaye noong mga panahong wala siya. Hanggang ngayon, naririnig pa niya ang mga ungol ng dalawa sa utak niya. She felt numb and cold. “Bukas na lang, kakain tayo, dinner, okay ba yun?” bawi ni Dianne. “Pagkatapos ng shift ko.” Sinulyapan niya si Sam na sumigla ang mukha. “Okay, bukas ha?” “Kamusta ang trabaho mo?” anas ni Dianne. Sa kabila ng lahat, gusto niyang malaman kung maayos ang kalagayan nito at walang uma-agrabyado dito. Mawiling nagkwento si Rick tungkol sa mga kasamahan nito at kung paano rin ang sistema sa restaurant na pinagtatrabahuan nito. Papalapit na ang tren at kailangan na nilang maghiwalay ng landas muna. Naisip niya na tawagan mamaya ang numero na nagmiscall sa kaniya.Tutal, nag promise naman ang taong yun na tutulong sa kaniya. Kaya’t hindi masama kung talagang sisingilin niya ito. “HI,” nakababa na siya ng tren ng tawagan niya ang numerong iyon. A familiar voice hovered, and she didn’t know why but she felt relived. “Oh, I’m sorry, is this Dianne?” tanong ng boses sa kabilang linya na agad na nagpangiti sa kaniya. “Nag-miscall ka?” anas niya kahit obvious niya. “Yes, yes…nakalimutan ko nang mag-text kasi na-busy na ‘ko bigla. Hindi na rin ako nakatawag ulit.” “Kamusta, Rick?” himig niya. “Papauwi pa lang ako.” “Sobrang busy, nilibot ako ng mga head ko sa site today. Buti winter pa, magsisimula ang kalbaryo ko nito sa summer.” “Lulutuin ka kamo pag summer dito,” hagikhik niya. “Ikaw, kamusta? Actually, nag-miscall din ako saglit, kaya lang tumawag boss ko eh, kakamustahin din sana kita. Sana mas okay ka.” Napasinghap si Dianne. At least, ay medyo nabawasan ang bigat ng dibdib niya dahil may kausap siyang matinong tao ngayon. Nangiti na lang siya ulit ng maalala na sinampal niya ito kahapon. “Medyo busy, may mga bagong stocks kasi. Pag-uwi ko, nilapitan ako ni Sam, pinipilit akong sumama, sabi ko ayoko muna. Kaya nga kita tinawagan, if okay lang sayo?” “Sobrang okay, Dianne, you can tell me everything-“ “Ah eh,” napatigil siya saglit, biglang may pedestrian na kailangan niyang tawirin. Pauwi ang mga tao kaya jampacked ang daan. “Ano kasi, naalala mo yung promise mo? Siguro kelangan na nating gawin yun, kung hindi, baka mas kulitin pa ko ng gungong na ‘yun.” “Absolutely, kelan?” “Ah,” she cleared her throat. “Bukas? Libre ka ba? Pagpaplanuhan natin sana, baka lunch libre ka, tapos gawin na tin yung plano sa dinner?” “I’m not sure about lunch. Pero baka dinner, sige, daanan kita diyan. Sa mall ka diba?” Napatango siya, hindi niya alam kung bakit parang lumulutang siya. Finally ay may biglang dahilan kung bakit nasasayahan siya ngayon. At least may spice saglit ang buhay niya, malayo sa mga nagdaang mga taon na puro kayod, tulog at trabaho on repeat ang buhay niya araw-araw. May mga weekends naman na nakakapaglibot sila ng kasamahan niya sa trabaho. Naglilibot-libot sila sa Souk, o di kaya’t sa beach ay naliligo sila o nagpi-picnic sa parke. May mga grupo ng mga Pilipino na mababait naman, namimigay ng mga libreng snacks sa park. Minsan, pag weekend at kasabay ang day off nila ni Micah, ay namamasyal sila sa mall, beach o parke. Siyanga pala, si Micah ang masasabi niyang best friend niya dito sa Dubai. Magka klase na sila noon noong High school, pero hindi sila close dahil iba ang mga kabarkada noon ni Micah, pero nang dumating siya sa Dubai ay nag chat sila at nag-rekonek sila. Takbukan nila ang isa’t-isa tuwing nagigipit. Mga European ang amo ni Micah, mga teacher sa isang international school sa Dubai, may isang anak na babae kung saan nanny si Micah. Mababait ang amo nito, ilang beses na rin siyang nakabisita sa condominium kung saan nagtatrabaho ang kaibigan at welcome siya sa pamilya ng amo nito. Tatawagan niya ito matapos siguro ng dinner niya, lalabas lang siya at pupunta siya ng baqala upang di siya marinig ng mga kasamahan niya. Ang baqala ay isang mini grocery store kumbaga ay tindahan kung sa Pinas. “Sorry, exams ng mga bata,” ani Micah na nasa kabilang linya. “Oh, ano, kamusta si Sam?” “Ba’t si Sam ang kinakamusta mo?” pangangasim ng boses mo. “Oh, sino pa ba? Nagkita ba kayo sa mall, nag-hotel ba kayo? Sinuko mo na ba ang bataan?” may pagka-taklesa kasi si Micah. “Shhh,” aniya. “Akala mo naman may makakarinig,” halakhak ng nasa kabilang linya.      “Kung isusuko ko man, hindi sa unggoy na ‘yun noh! Maraming salamat sa pagbabasa...sana ay patuloy niyong suportahan ang story :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD