Chapter 7

1123 Words
 “MAY LQ kayo noh?” ani Micah na nagsimula na ng pag-i-interview sa kaniya. Naisip niyang mas mabuting sa personal na niya ito makausap kesa sa telepono lang.      Napasinghap na lang siya, kung mag de-desisyon man siya ng mag-isa, panindigan na niya. “Sasabihin ko rin sayo, sana matuloy yung day off mo this week ano?”      “Na-extend kasi kami dito sa Abu Dhabi, dito muna sila for two weeks. Sige lang, babawi ako sayo, lilibre kita ng pagkain.” Ani Micah, ang Abu Dhabi ang karagatig siyudad ng Dubai, at ito ang sentro ng bansa. Nahahati sa pitong emirates ang bansa ng United Arab Emirates, isa sa mga emirates lamang ang Dubai, ngunit kilala ito dahil maraming mga turista dito. Open country din ito, dahil isang tourist destination, ngunit kahit ganoon ay matindi pa rin ang pagpapatupad ng iilang batas na kailangan ay patnubayan at gawin.      Isa na ang halimbawa ay bawal ang public display of affection. Mahuhuli ka lalo na if may magsusumbong sa’yo, hindi basta basta ang paghahalikan, holding hands o kahit simpleng hug sa pagmpublikong lugar, itinuturing itong haram. Ang pakiki-apid o pagtira sa isang bubong na hindi mag-asawa, ay mapanganib rin, lalo kung may magsusumbong at mapapatunayang hindi kayo kasal, maaaring mapa-deport ang naisumbong o di kaya ay mapakulong. Ilan lang iyon sa mga examples ng mga batas na dapat ingatan sa bansang ito.      Hindi ibig sabihin na hindi ito nangyayari, ngunit sa bansang ito, doble ang pag-iingat lalo na’t matinik ang mga pulis at kinakatakutan ng mga tao sa pagpapasunod sa mga batas.      Pero medyo nalimutan iyon ni Dianne, na dahil sa nadala na rin ng hinagpis at galit at emosyon, hindi nila nakita ni Rick ang maaaring kahinatnan ng simpleng paghihiganti nila. That someday, it would spiral to an extent that it would change their lives. But today, it seemed that nothing can happen, that anything could go easy.      They never expected that in the bones of their exes, lies more than scathing lies but a revengeful side as well. Tinawagan niya si Rick, she asked for him to have a dinner with her tomorrow, eksaktong magpapakita sila kay Sam na magkasama. Sasabihin niya kay Sam na matagal na niya itong ipinagpalit. Na hindi na siya nito dapat guluhin pa…yun marahil ang nararapat, na hindi na siya magpapa apekto dito.      A TALL MAN hovered from a distance, si Rick iyon, katatapos lang din ng duty niya. Kinawayan niya ito upang pumasok saglit sa shop nila.      Naglibot ito ng saglit at pinakilala niya ang ibang kasamahan niya na walang kamalay malay sa gagawin nila mamaya, kung saan bubulagain nila si Sam.      “Are you ready?” himig ni Rick pagkatapos nilang kumain sa fast food ng mall. Nangako itong pagkarating ng sweldo nito ay mas masarap na pagkain ang ililibre nito. Sa pagkain ay napag-usapan nila ang kaniya-kaniyang pamilya. Aminado si Rick na nami-miss na niya hindi lamang ang pamilya ngunit ang mga barkada at kaibigan nito. Ayon sa kuwento nito, maginhawa na ang buhay nito ngunit dahil sa girlfriend nga nitong si Kyla ay napagpasyahan nitong sundan ang girlfriend nito. Siya rin ay nagkwento ng iilang bahagi ng buhay niya at muli nilang napag-usapan si Sam.      “Hindi ko alam pero tara na,” she jived. Naglakad sila sa palabas ng mall at naupo sa isang malapit na parke. Dito niya tinext si Sam kung saan sila magkikita at maghahanap ng makakainan. Malamig ang hangin at niyakap niya ang sarili ng mapaupo sa isang bench. Nakatayo si Rick, na parang nagmamatyag.      “Matapos ng gabing yun, hindi na kayo nagkita ng ex mo?” curious niyang tanong. “Hindi mo na siya gustong makita?”      “Kahit gustuhin ko man siyang makita, parang wala rin namang dahilan at saysay pa. I can’t trust her again.”      “Hindi siya tumawag sayo?”      “Tumawag?” napangisi ito, “saglit, nagtanong tungkol sayo. Ewan ko ba dun, huwag na natin siyang pag-usapan pa.”      Natahimik na lang din siya. “Thank you ha,” anas niya, “sumipot ka. Gusto ko na talagang tapusin kung anong nagpapabigat ng dibdib ko.”      “It shouldn’t be a problem, I was the guy who asked your help first. So I really wanted to pay you back.”      Muling sinulyapan ni Dianne si Rick, naisip niya na guwapo naman ito, matapos siguro ng heartbreak nito, mabilis lang itong makaka-move on at makakakita ng girlfriend. Sa dami dami ng magagandang babae dito sa Dubai, iba’t-ibang lahi, ay tiyak may maipapalit rin si Rick.      “What are you thinking?” himig ni Rick na napansin ata siyang napatulala.      “Ah wala,” kinakabahan lang.      “Akong bahala,” aprub sign nito.      Napahigop siya ng hangin at ilang segundo lang ay nakita na niya ang pamilyar na bultong iyon, na parang may hinahanap ang mata. Napatayo siya, she wanted to be clearly visible in sight. Tumabi siya kay Rick.      Rick must have saw what her eyes saw, at mabilis itong nakiramdam. He also drew more nearer to her, appearing that they are really closely walking together.      And the face saw them, and that footsteps drew more and more close to them na para bang inaaninag sila ng mga matang iyon.      “Dianne?” tawag ng lalaki na may ilang pulgadang layo sa kanila.          Dianne looked at Sam straightforward. “Sam,” she bleakly aired. “Pumunta ka talaga?”      “Paanong,” napabalikwas ito at pinali palit ang tingin sa kanilang dalawa ni Rick, “eh sinabi mo dito tayo magkita diba? Anong ibig sabihin nito? Sino yang lalaking yan?”      “Boyfriend ko siya, Sam. Kaya kita pinapunta dito para makita mo kami, para madali na lang ma-explain sayo, na ayaw ko na sayo. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi ako nakipagkita sayo noong nakaraang gabi.”      Sam’s mouth hanged open. Hindi makapaniwala ang unggoy. “Anong ibig sabihin nito?” he was shocked.      “Girlfriend ko siya,” Rick firmly aired. “Ngayon niya lang din sinabi ang tungkol sayo. Pero mahal ko na siya, hindi ko siya pwedeng bitiwan.”      “Gago ka ba?” asik ni Sam na umamba ang kamao bigla kay Rick. Napa-atras sila.      “Sam, lumayo ka na sa kin, please. Sana clear na to para layuan mo na ko, okay?”      “Ganun ganon na lang?” tiim-bagang nito, “matapos kitang sundan?”      “Sinundan mo ko, hindi dahil gusto mo. Ako ang nag suggest, ng makatulong ka sa pamilya mo. Ako ang gumastos lahat!”      “At pinamumukha mo na sa kin ngayon? Ha?” ewan ba niya kung bakit magagalit ang isang manloloko. It was ridicululous.      “Layuan mo na ko bago pa kita masampal,” madiin niyang sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD