Chapter 5

1224 Words
She was sure as hell na dadapo na sana ang palad ni Kyla sa mga pisngi niya, pero hindi iyon nangyari. Dianne’s eyelids fluttered up, magkaharap sila ng babae. “I won’t even dare touch my skin on your face,” ngisi nito, may pait sa boses, “hindi deserve ng balat mo na madapuan ng balat ko kasi hayup ka.” Ano raw? Eh ito naman ang totoong hayop diba? “Pero I’ll make sure pagsisisihan niyo tong dalawa,” napaismid ito. “Eto ba pinalit mo?” in-eye to eye siya ni Kyla. “I don’t know Rick can be so stupid.” Acting lang naman to ah, ba’t nananakit tong babaeng to ng emosyon? Pangit ba siya? Hindi naman ah! Kausap ni Dianne sa sarili. “Natauhan lang siguro si Rick,” sagot niya at pasaring. “Dianne, stop it,” pigil sa kanila ng unggoy na nasa likod nila. Nag usap ang mga mata nila ni Rick, sinabi ng mata nitong tigilan na niya at baka mag-wild pa si Kyla. “Kyla, now that you’ve met her, I hope you will forgive me, pero hindi na kita pwede pang balikan. Mahal ko siya.” Napatikhim si Kyla, she turned her back, eyeing them both with contempt. “I don’t care, all I care is pagsisihan niyo tong dalawa, mga manloloko!” Kyla stomped her way out at may sasabihin pa sana siya ngunit binantaan siya ng mga mata ni Rick. “Tingnan mo nga naman oh,” she exhaled ng makitang nasa labas nan ng silid. “Akala ko talaga sasampalin ako nun.” “Hindi ganun si Kyla,” napasalampak si Rick sa sofa. There was angst and sadness in his face. “What do you think? She’s hurt? Maybe she’ll change her mind…maybe she will realize about me-“ “Hep-hep-“ pigil ni Dianne at napa-upo sa gilid ni Rick. “Ano bang sinasabi mo? Bibigyan mo yun ng chance?” “Maybe she’ll come back to me and try to change my mind, na baka ipaglaban niya ko.” “Ikaw na ang nagsabi na gusto mong maghiganti, hindi ba? Paghihiganti ang purpose mo, kaya wag kang marupok!” Napailing lang si Rick. Klaro sa mukha nito na mukhang nagsisisi ito sa nagawa. “You should have known, the moment that I saw her, gusto ko siyang yakapin, hagkan, but I stopped myself.” Napatingin si Dianne sa relos sa gitna ng wall ng apartment nito, malapit na palang mag hating gabi, may pasok pa siya sa oras. Gusto man niya itong damayan pa, may mga obligasyon siya sa buhay. “May trabaho pa pala ako,” singhap niya. “Siya nga pala, sana hindi mo ko indyanin ha? May pangako ka pa sa ‘kin.” Napa-angat ang mukha ng lalaki. “Makakaasa ka, I’ll help you too, Dianne.” “Ibibigay ko na lang ang number ko sayo, text mo ko pag okay ka na.” Inabot ni Rick ang cellphone nito at tiniype niya ang numero niya. “Ayan, number ko yan.” “Thanks,” ngiti lang nito tapos ay napadukot sa bulsa, “wala pa ‘kong sasakiyan kaya ipapa-taxi lang muna kita ngayon, okay lang ba?” “Okay lang, pero may bus pa naman siguro. Sige, una na ‘ko.” Inabot ni Rick sa kaniya ang three hundred dirhams at hindi naman siya nagkunwari dahil malaki na rin iyon, may pang snacks rin siya ng ilang araw. Sinamahan siya nito sa pagbaba at naglakad sila patungong bus stop. May iilan itong mga katanungan, tungkol sa pamumuhay sa siyudad, mga kaugalian at kultura. Game naman siya sa pagsagot at pagbibigay impormasyon dito. “Basta, sabihin mo lang, shorta…meaning niyan pulis, para matakot sila.” Ilang hakbang na lang ay nasa pinakamalapit na silang bus stop. “Salamat, ha,” pakli ni Rick. He was standing tall beside her. “Walang anuman,” kibit balikat niya, “at least may three hundred dirhams na ‘ko, halos kwatro libo na rin to noh.” “Wala pa kasi akong sahod,” kamot ng ulo ni Rick, “hayaan mo, lilibre kita ng snacks saan mo man gusto.” “Sige ha, kahit sa five star?” Napakamot ito ng ulo. “Magsasahod muna ako, tapos titingnan ko.” Napangiti na rin siya, she took her last glance to this guy before alighting to the bus. Hindi siya sure kung talagang mag re-reach out ito uli pero maligaya naman siyang nakatulong ng tao ngayong gabi, at least yung kalungkutan niya naibsan. This man, she felt, has so much in his future. Ngayong nandito na ito, kelangan lang nitong kumayod at tiyak ay matutupad anuman ang gusto nitong hilingin. Unlike her, kahit nasa ibang bansa na siya, medyo mahirap pa rin ang buhay. “OH, BA’T UMUWI KA?” gulat ang ka room-mate niyang si Herlene. Doon pa niya naalala na nagpaalam siyang baka magpapabukas pa siya dahil may plano sila ni Sam. “Hindi ba natuloy ang hotel niyo?” sunod-sunod ang tanong nito. Napailing lang siya. “Next time na lang, may trabaho ako bukas eh.” “Eh, puro ka trabaho, andito na boyfriend mo, matuto ka nang lumandi. Siyanga pala, andito na yung bagong roommate natin. Ayan oh, natutulog na,” biglang whisper ng ka room-mate niya. “Feeling ko, tomboy yan.” “Grabe ka naman, ininterview mo ba?” Napangiti lang si Herlene, apat sila sa isang kwarto. May isang common table sila at lutuan, at common CR. Ambag ambag sila sa pagbabayad sa landlord nila na isang Pinoy rin. Pinatay na rin nila ang ilaw dahil lampas hating-gabi na. Pagbagsak ng mukha niya sa unan ay doon nagsikalasan ulit ang mga butil ng luha mula sa mata niya. Mabilis niya iyong pinunasan at pinilit nyang palakasin ang loob niya. Mag-isa na lang siya ulit, at nakaya naman niya noon na mag-isa lang siya, kayat bakit hindi niya kakayanin ngayon? You are a brave woman, Dianne. Iyon ang sinabi niya sa sarili niya bago siya tuluyang makaidlip. THE NEXT DAY SHE WOKE UP early, madalas ay nag te-tren siya, anim na stop mula sa Dubai Mall ang tinitirhan niyang accommodation, kelangan niyang makipagsiksikan pag ganoong rush hour, may transport card siya para sa tren. She was swamped with work dahil may mga new arrival ng stocks ng sapatos at damit. Nagtatrabaho siya sa isang fashion brand store na nasa loob ng isang mall. Saleslady kumbaga sa pinas, nakatoka siya sa pag-a-assist ng mga kliyente, pag o-organize ng mga items at pati na rin ang paglilista at pagta-tag ng mga items. Tatlo sila sa store na iyon, isang Pinay na nasa cashier at siya rin na isang Pinay, at isang Bangladeshi na babae ang kasama nila, na naging malapit na rin sa kanila dahil mabait ito. Indian ang manager nila. Madalas na customer nila ay mga local, dahil may pagka-high-end ang fashion brand nila, may mga foreigners din, may mga Asian din at ang iba ay mga Pinay din lalo na kapag may promo sale. Hindi niya na-realize na nakapag-overtime na siya at late na niya na check ang mga mensahe sa cellphone niya. Maraming missed calls mula kay Sam. May isang missed call rin mula sa isang new number. Sino kaya ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD