bc

Met You in Dubai

book_age16+
796
FOLLOW
2.9K
READ
contract marriage
one-night stand
love after marriage
dare to love and hate
drama
comedy
sweet
bxg
enimies to lovers
husband
like
intro-logo
Blurb

Dianne met Rick in an awkward and funny circumstance near the Dubai Mall fountain. Two adults who wants to mend their broken hearts, they go in a thrilling adventure in the heart of the most dazzling city in the world, Dubai.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
     “WALANG HIYA KA…” biglang bulong ni Dianne habang nakapansak sa tenga ang earphones at nire-replay ang isang voice record na ipinadala sa kaniya sa pamamagitan ng chat message mula sa Pinas. Apat na oras ang pagitan ng Pinas at Dubai.      Dianne now stood meters away from the world’s largest choreographed fountain, the Dubai Fountain.      Nagsisiksikan ang tao sa arc bridge kung saan rin siya nakatuntong, a hymn of sound ensued and the excitement heightened dahil signal na iyon ng pagsisimula ng fountain show. Napakaraming tao dahil holiday ngayon ng bansa sa Disyembre, ang UAE National Day. May isang Briton na batang sumiksik sa gilid niya dala ang nakataas na video camera nito habang sa kabilang gilid niya nakatayo ang Indyanong mag-asawa.      A line of red dots blinked in the middle of the calm 30-acre Burj Khalifa Lake, at bigla nalang sa isang bugso ay may pumisik… “Ahhh Kaye s**t! s**t and sarap mo, Kaye,” boses mula sa voice record na pinakikinggan niya.      Voice record iyon ng serye ng pag-aalulong, halinghing, mura at konbersasyon ng isang babae at lalaki habang may ginagawang kamunduhan. “Ibang-iba…” aniya ng boses ng lalaking kilalang-kila niya. “Ibang-iba kay Dianne?” mapang-akit ang boses. Dianne’s throat tightened. Tumama sa mukha niya ang mga pisik ng butil ng tubig mula sa napakalakas na pagbugso pataas ng fountain. The pool of water from the fountain lake boomed and jettisoned up the sky, white and red array of colors spiraled and danced five hundred feet up the air. Napakaganda niyon para sa mga mata ni Dianne, but it held no magic. Masakit man sakaniya at wari’y parang dinidikdik ang puso niya, ay matapang niyang hinintay ang susunod na maririnig. “Ahhh…” animo’y pagsang-ayon lang ng lalaki sa tanong habang nasa gitna ng masarap na pagdedeliryo. “Ahhh ibang-iba…sobraaa…tsaka hindi naman ako nakaka-score dun, pero sa’yo, nakaka-adik ka, Kaye.” Habang ang iba ay patuloy ang pagkalula sa fountain show ay nagsimula na ang pagka-upos ng sigla sa mata ni Dianne, her eyes was becoming void of any twinkle lalo’t patuloy ang pakikinig niya sa recording. Natigil lang ang pakikinig niya ng putulin iyon ng isang tawag. “Asan ka na? Babe, andito na ‘ko sa mall. Papunta na ‘ko sa fountain,” aniya ng isang lalaking ka-boses ng lalaki na nasa recording. “Andiyan ka na? Nagsimula na ba?” “Oo, ba’t ba ang tagal mo? Halika na. Kanina pa ‘ko dito,” she masked her voice with urgency. Dianne, stop being foolish. Matagal mo nang nakukutuban na merong mali sa relasyon niyo ni Sam pero heto ka pa rin, nagpapakatanga! At heto na nga ang malaking sampal sa mga kutob mo. Five years? What’s the worth of all those years kung ito ‘yung dadatnan mo? Binayaran at inasikaso mo pa ang papeles ng lalaking ‘yan! Pero para ano? Pagdating dito ng lalaking ‘yan ay mamalaman mong may kabalbalan palang ginawa habang kayod-kabayo ka naman dito sa Dubai. Wala na siya sa Pilipinas, hindi na mauulit yun. Isa pang boses na kumakatawan sa pagtatalo sa utak niya. Siguro nagawa lang ‘to ni Sam dahil nalulungkot lang siya doon noon. Lalaki siya, may mga pangangailangan, hindi ba? You can’t throw away everything dahil may isang gabing pagkakamali lang siya… Listen to yourself… Dianne ilang taon ka ng nagtrabaho para sa future niyo, pero may future pa ba talaga? Pa’no kung hindi lang pala isang beses ginawa ni Sam? Isa-isang nagsikalasan sa gilid ng mata niya ang mga luha niya.      Mahal niya si Sam pero nalilito siya. Pa ‘no kung hindi pala isang beses lang? Ang mas nakakabigat ng damdamin ay kung bakit kay Kaye pa? Kaye was her mortal enemy, inis na inis siya sa babaeng iyon High School pa lang siya.  Kumbaga pataasan ng ihi ang pamilya nila bilang magkakapit-bahay. Kalaban niya sa honor roll si Kaye, sa school competitions, mapa-beauty pageant at ngayon kalaban at kahati pa talaga pati sa lalaki? “Excited na ‘ko babe. Nakapag-pa reserve na rin ako ng hotel, dederecho ta ‘yo dun pagkatapos natin sa mall,” patuloy ng lalaki sa kabilang linya. “Happy anniversary. Excited ka na rin ba? Huwag kang magagalit babe ha, pero pangako ko talaga sa sarili ko na sa unang sweldo ko dito ay i-te-treat kita at mag ho-hotel tayo, ano ba naman ‘to kumpara sa nagawa mo sa ‘king tulong di ‘ba, babe?” Sam’s voice was tinged with a different excitement this time. Nagpaalam ang damuho kasi alam nitong baka magalit siya’t nagwaldas pa ito ng pera para sa hotel. Alam nitong napaka-kuripot niya at ayaw niya ng magarang mga selebrasyon. May isang buwan na simula ng makarating sa Dubai si Sam, tinulungan niya ito sa mga papeles at pambayad sa kaparehong agency na kumuha sa kaniya bilang sales lady sa isang fashion brand stall sa Dubai Mall. Pinasok si Sam bilang waiter sa isang Pinoy restaurant na located may labinlimang minuto mula sa Mall na pinagtatrabahuan niya.  She promised something to him noong nakarating na ito dito. Matagal narin niya iyong hinihintay and she just felt the moment was right. Dianne ibibigay mo ba talaga ngayong gabi kay Sam ang ipinangako mong ibibigay sa kaniya? Yeah, your virginity. You kept yourself pure habang siya naman… An enraged rush of tears came out from her eyes. Hindi naman iyon ang problema niya, masakit na masakit lang talaga. Naisip niya ang pagpapadala niya pag dumidelihensya ito tuwing may emergency ang pamilya ni Sam. She was never a selfish girlfriend at alam niya kung anong emosyon at effort ang ibinigay niya para sa relasyon. She was surrounded by temptations. Minsan nagigipit siya at may mga offers ng pakikipagkaibigan pero iniwasan niya lahat ng iyon. And finally now, she knew from one snap…that it was over. Natigilan ang pag-da-drama niya ng maramdaman niya ang biglaang pagbundol ng kung anong matigas sa likod niya. Lumingon siya at natagpuan ang isang lalaking nakangising-aso sa kaniya. Nang mabasang estranghero na naka-blanko ang ekspresyon niya ay binundol ulit nito ang hinaharap sa puwet niya. Napalitan ng pagdidilim ng mata ang ekspresyon niya. “Bastos!” sikmat niya. “Mga bastos kayong mga lalaki! Puro sarap lang ang gusto niyo!” Nagbago ang ekspresyon ng lalaking iba ang lahi at napa-atras. “You want me to call shorta?” Police. Pagpupuyos niya at napa-iling ang kausap, mukhang natakot. Ang ibig sabihin niyon ay tatawag siya ng pulis. Eh’ kanina’y walang takot ito sa pambabastos kahit pampublikong lugar! Pinunasan niya ang luha matapos maglaho ang maniyak. It was too late to realize na pinagtitinginan na siya ng mga tao. “Okay ka ‘lang? Kabayan?” biglang pukaw sa kaniya ng isang boses mula sa di-kalayuan. Kabayan kasi ang tawagan pag kapwa-Pinoy dito. Itinangala niya ang mukha at natagpuan ang matangkad na estrangherong nag-aalalang nakatunghay sa kaniya. Kung saan ito nagmula ay hindi na niya alam, dahil magically ay nag-appear na lang ito sa harap niya. Tumango siya at bumalik ulit ang interes ng mga tao sa palabas na show. “Tara,” anito na para bang magkakilala sila. He gently lead her out of the crowd sabayng marahang hila sa balikat niya. “H-hindi mo ba tatapusin ang show?” tanong niya at binalingan ulit ang fountain. “Mas importante na mailayo kita sa mga panganib,” he just gently smiled at patuloy siyang hinila. “S-sino ka?” she was still processing what just happened. “Rick,” he offered her a handshake. Nakalabas na sila mula sa arc bridge. Tinanggap niya ang kamay nito and he grabbed her hand into a grip. “Dianne…” she wearily smiled at kinalas agad ang hawak nito. “Salamat, sige ha…” tinuro niya ang likod, “mauna na ‘ko-“ Oo nga’t Pinoy ito pero hindi niya ito kilala. Isa pa, kilala ang mga Pinoy na lalaki dito sa maraming kabulastugan! May mga nagpapanggap na binata pero may mga anak at pamilya pala sa Pinas. “Well, but thank you is not enough,” sagot ng lalaki. Napamaang siya, nagdikit ang kilay. “Excuse me?” “Can we have dinner?” tinuro nito ang restaurant. “Please. I’ll explain something to you.” “Hindi kasi kita kilala, sorry, pero thank you,” it was weird not only because a guy was offering her a sudden dinner but because the guy offering her was in an entirely different league of handsomeness. Naka-maong jeans at Polo shirt ito, he had some amount of sexy facial hair. Napakapal ng pilantik ng mata nito, at malalalim ang bilugang mga mata. Tamang-tama lang ang pangangatawan nito, bakat sa Polo shirt nito ang masels sa balikat. Kung hindi ito nagsasalita ng Tagalog ay baka mapagkamalan niya itong Pinoy na may halong dugong Turko o di kaya’y Jordanian. “Could you be my girlfriend?” habol ng guwapong estranghero ng tumalikod na siya. Napalingon siya ulit. “Just for one hour, please?” may pagsusumamo ang mata nito. Congratulations Dianne, you met so many assholes today! “Are you on drugs?” sumurot na ang dugo niya. “Bastos ka rin ano?” Tinalikuran niya ulit ito. Mukhang gusto ata ng ka one-night stand o f*ck buddy ang unggoy. “Please,” nakasunod pa rin ito. “I need your help, kahit ngayong gabi lang.” Kahit ngayong gabi lang daw? My god! Todo na talaga ang pangangailangan ng lalaking ‘to. Sobrang uhaw na uhaw ata sa laman. Guwapo pero mukhang may turnilyo sa utak. Baka bad breath o may lihim na body odor kaya’t walang nagtatagal at pumapatol.  “Alam mo, please, humanap ka ng ibang mapagdidiskitahan mo, puwede ba? Last word ko na ‘to!” pinag-apoy niya ang mga mata. “Dianne, right? I saved you, and if you could save me too. Ngayon lang. I can even pay you, if gusto mo. Okay na din, if you could give me some-“ Nanginginig na kinalas niya ang palad niya mula sa pisngi nito na nasampal na niya. “Eh’ mas manyak ka pa pala ‘dun sa lalaking ‘yun!” paghuhumindig na ng boses niya. She didn’t care if she made another scene, this night was too much for her to handle. Napatakbo na siya palayo. Nilakad niya ng mabilis ang patungong tren. Kahit medyo malayo, wala siyang pakialam. Hindi niya sinagot ang tawag ni Sam. Mabuti na lamang at konektado ang lahat ng train station. May pinag-iisipan na siyang puntahan at iyon ay isang pampublikong beach kung saan makakalanghap siya ng sariwang hangin.                            

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
417.9K
bc

My Ex, My Boss, My Husband R-18

read
560.5K
bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
329.7K
bc

I Married A Stranger (Tagalog)

read
1.5M
bc

Reckless Hearts

read
258.9K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
243.9K
bc

Wicked Seduction (R-18)

read
339.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook