Chapter 8

1073 Words
       “ARE YOU CRAZY? Dianne, layuan mo yang lalaking yan!” asik nito at pinipilit siyang itabi sa gilid nito ngunit nagpumiglas siya.      “Pare, just leave her alone-“ ani Rick na nagulat rin sa biglang paghila sa kaniya ni Sam.      But it wasn’t going to end too swiftly, sa isang iglap ay napabalandra na sa parke si Rick. Nasapo nito ang mukha.      “Huwag kang mag eskandalo, Sam, please. Gusto mo bang ma-deport ha?”        “Anong deport?” nganga nito. Napalinga-linga silang tatlo, buti na lang ay nasa sulok lang sila at walang nagawi noong sinuntok ni Sam si Rick.      “Kung may gagawing kabulastugan dito, mapapa-deport, hindi mo ba alam yun?”      Parang nasa state of shock pa ang lalaki kaya’t kinuha niya ang pagkakataon upang mapabilis ang pag-despatsa dito. “Tumigil ka na Sam, matagal nang walang tayo! Layuan mo na ko okay? Matagal na kong sawa sayo, tinulungan lang kita dahil naawa ako sayo. Pero ngayong nandito ka na, kaniya-kaniya na tayo ng buhay, okay?”      “T-tara na,” hinagilap niya ang balikat ni Rick. Mabilis silang napalakad palayo.      “Are you okay?” ani Rick na sinabayan lang siya sa paglalakad. Hindi na nila alam kung saang kalye sila napadpad.Nalimutan niyang naumbag ito saglit ni Sam at dinapyuan niya ito ng titig.      “Ikaw ata ang dapat kung tanungin? Okay lang ba ang panga mo?”      Napailing ito, hinaplos ang jawline nito. “Okay lang, no worries, hindi naman siguro namumula?”      “Actually, namumula ata. Pero konti lang.” Napatigil sila sa gilid ng isang building. May bus stop doon, at naghihintay ang mga tao ng masasakyan. “Lagiyan mo ng yelo pag-uwi mo.”      Napatango ito, “walang problema, ano, okay na ba tayo?”      “Sobrang okay,” singhap niya. “Sana last na yun. Sana naintindihan niya na ayoko na siyang makita?”      “Eh pano pag pumunta siya ulit sayo?”      “Itataboy ko siya,” singhap niya.      “Sure?” tukso sa kaniya ni Rick.      “Heh, kelangan ko nang mag move-on, okay?” irap niya.      Napangisi ito. “Well. That’s good, next time I see you, you should have already moved on.”      “M-magkikita pa tayo?” pitlag niya.      “Well, who knows? Namamasyal naman ako ng mall minsan, yun ay kung hindi ako magiging busy.”      Ilusyonada talaga siya, naisip ni Dianne. Imposibleng makikipag-mingle pa si Rick sa kaniya, magkaiba pa rin sila ng posisyon sa buhay. Engineer ito habang siya naman ay saleslady, in a few days, weeks and months, mag-iiba na ang buhay nilang pareho, makakahanap na ito ng sariling grupo nito, mga makaka-mingle nito. Well, hindi rin naman siya makikipag-mingle ulit dito noh! Tapos na ang usapan at promise nila.      “Okay, basta thank you ha,” ngiti niya. “at least break even na tayo, nakaganti na tayong pareho.”      Saglit silang nagkatitigan. Sa loob-loob niya, may parte sa pagkatao niya na ayaw pa niya itong pakawalan, na gusto pa niya itong pagsabihan ng hinaing niya sa buhay. Ngunit hanggang doon na lang siguro yun. Kailangan na umikot ang buhay niya at magpatuloy siya sa pagkayod. Kung hanggang kalian? Hindi niya alam. Pero makakahanap rin siya ng makakabuti sa kaniya.      Napatango ito. “sasakay ka ng bus?”      “Oo, malayo na ang tren, mahirap nang lakarin ulit. Ikaw? Paano ka uuwi. Kung gusto mo, tuturuan kitang mag-bus. Madali lang, susundan mo lang yung bus number na sasabihin ko, ihahatid ka sa pinakamalapit na bus stop sa building mo.”      “Well, that’s fine. At least makakausap pa kita.”      Napatulala siya. Ang ibig ba nitong sabihin ay iisa ang bus nila at uupo sila ng magkatabi?      Saglit siyang napatawa. “Magkaiba ang rota natin, ah. Pero baka maligaw ka no?”      Napatango ito at napakamot siya ng ulo. “Sige, kung sasamahan kita, masyado ng malayo, baka late na rin akong makauwi.”      “Ganito na lang,” dinukot nito ang cellphone nito. “Tatawagan ko si Jules, baka pwede niya tayong sunduin. Tapos hahatid ka na lang din namin. Para makapagpalamig pa tayo. Ice cream?”      Hindi na siya nakapagsalita dahil may kausap na si Rick sa cellphone nito. Ka-workmate ata nito.      “Architect namin, katabi lang din ng accommodation ko yung accommodation niya. Susunduin niya daw tayo, buti naman nasa malapit pa siya,” masigla ang ngiti nito.      “Ice cream?” ulit niya ng huling kataga nito. Na-realize niya kung anong nakikita ni Rick, may Baskin & Robbins ice cream shop pala na malapit sa kinatatayuan nila. Pwede silang pumasok at magpalamig saglit habang naghihintay sa kaibigan nito.      “Buti nakahanap ka agad ng kaibigan no?” aniya matapos isubo ang spoon ng cookies and cream ice cream sa cup. Masarap ang brand ng ice cream na iyon at cookies and cream ang paborito niyang flavor. Chocolate naman ang inorder ni Rick. Nilibre siya nito, pahabol daw sa pasasalamat nito.      “Mababait naman ang mga ka-trabaho ko, pati yung mga ibang lahi, professional naman. Pero tingnan natin, kakasimula ko pa lang kasi eh.”      “Hindi talaga maiiwasan na sa pagtagal ng panahon makikilala mo rin yung mga workmates mo at totoong ugali nila, normal lang yan, pero sa tingin ko, makakaya mo rin. Pakiramdam ko magaling ka sa trabaho mo.”      “Wow,” Rick smiled at her and she felt a little shimmy of butterflies floated around her stomach. His smile was just sweet. “Thanks for that, pano mo naman nasabi na magaling ako?”      “Siyrempre hindi ka naman siguro matatanggap kung wala kang mga qualifications o mga napatunayan, hindi ba?”      “You got me there,” tango nito. Nagpatuloy ang light nilang kwentuhan ng tumunog ang cellphone nito. Andito na daw ang kaibigan nito. She followed him through, at mabilis nilang na spot-an ang kotse ni Jules. Mukhang malapit na sa forties ang edad nito, mala-kuya at unang tingin pa lang ay humble at mabait ang aura nito. Binati nila ang isa’t-isa at sinabi niya ang street kung saan siya bababa. Hindi naman niya particular na sinabi ang exact address niya, at hindi naman siya sasama sa dalawa kung hindi niya ito pinagkakatiwalaan. Madalang lang ang krimen sa Dubai, iyon ay dahil sa pulisya nito. Kung may krimen man, mabilis nan a-iimbestigahan o nare-resolba.      She felt a twitch in her heart realizing this will be the last time she will see Rick.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD