“KAILANGAN NATING MAKAUSAP si Jules,” ani Rick, “naghihintay siya sa baba ng accommodation namin. Kung gusto mo, sabay tayong mag dinner?”
Napasinghap si Dianne. “Importante ba talaga?” she asked.
“This involves me and you, and we need advice. Alam mo na siguro ang pag-uusapan natin, hindi ba?”
Ilang minuto pa ay nasa baba na sila ng building nila Rick. Galing pa ng malayong site si Jules and the next second, they entered a small restaurant a block away from the building. Nag-order ang dalawa at hindi na rin siya nangiming um-order pa dahil libre naman daw iyon ng dalawa. It was a mixed cuisine restaurant, may chinese at Arabic food.
“So what will happen?” ani Rick kay Jules, “matagal ka na dito, I just don’t want to be worried, especially for Dianne. Nadamay lang siya dito.”
“I’ve heard cases of this before, yung iba ay napipilitang magpakasal, yung mga mag boyfriend girlfriend, eventually need nila yun. Mas protektado sila.”
Napatulala silang dalawa ni Rick. “P-pero hindi naman kami mag boyfriend,” ani Dianne.
“This is my fault,” singhap ni Rick. “I wasn’t thinking, I didn’t know Kyla could be this evil. That she would retort to threatening us.”
“Either way, nasa dalawa lang yan,” maiging titig sa kanila ni Jules. Jules are already working in Dubai for decades, alam na nito ang kalakaran. “Either it’s just bluff or makapangyarihan talaga ang koneksyon ni Kyla.”
“Pinuntahan niya ‘ko kanina, may mga sinabi siya na medyo nakaka-alarma. Dapat hindi na ganito, na kailangan niyang manira, total naman siya talaga iyong may tinatagong baho.”
“Dito sa Dubai, kung sino lang ang unang mahuli, ganun lang yun. Mahirap kung may kalaban ka dito. I suggest both of you, Rick and Dianne, dahil kayong dalawa ang sangkot dito, pag-usapan niyong mabuti.”
“Pano kung hindi siya titigil?” ani Rick.
“Just observe, a few days from now. If she still threatens, then you have to settle with her, in any way.”
“At babalikan ko siya?”
“Is that what she wants, na balikan mo siya?”
Napailing lang si Rick. “I would be so stupid to do that.”
“Then if this continues, what would you do?”
Napatahimik lang si Rick.
“How about this, kung gusto niyo talagang manatili dito, pwede naman kayong magpakasal ni Dianne. You can divorce later on. May kilala akong ginawa ‘to.”
Nabitiwan ni Dianne ang kutsara niya. Nagkatitigan sila ni Rick.
“Jules, you must be out of your mind,” ani Rick.
“Up to you guys,” kibit balikat ni Jules. “Ito naman ay suhestiyon ko lang. Mas kilala niyo naman ang mga ugali ng mga ex niyo, you can gauge if they’re just bluffing or-“
“Totoo, hindi naming alam kung totoo na ba ang sinasabi nila or hindi, pero ano sa tingin mo, Rick?”
“She’s surely a devil in sheep’s clothing. I have never imagined in my life na lolokohin niya ako, so who knows what she could do now?”
Napalulon ng laway si Dianne. “Hindi natin sila kilala,” napa-iling siya. Naririnig niya ulit tuloy ang makamundong halinghing ng mga hinayupak. “I don’t know what Sam will do next, o kinontak siya ni Kyla.”
“What do you mean?” tanong ni Rick.
“Sam was threatening me too, ngayon ko lang naalala. I don’t know if it’s a coincidence, pero may sinasabi siya tungkol sa mga bawal.”
“Well, if we reach to a point of danger, I guess someone should give up, one of us.”
“What do you mean?” hingap ni Dianne.
“I mean, one of us should go home. Hindi nila ipapa-deport kung uuwi tayo.”
“Nababaliw ka na ba? Ikaw na lang ang umuwi. Ayoko pa, wala nga ako pang taxi eh, pambili pa kaya ng ticket ng eroplano?”
“Eh ako, paano ako uuwi, kararating ko lang?”
“Then, huwag mo akong idamay. Wag mo kong hilahin sa problema mo. Ikaw ang humingi ng tulong, remember?”
“Which you agreed, pareho lang tayo dito, naguguluhan lang tayo-“
“Shhh…” tigil sa kanila ni Jules dahil lumalaki na ang boses nila. Napatahimik rin sila ni Rick.
“I-I can’t just marry,” iling ni Rick, “how could we marry, Jules? I can’t marry her!”
“At sa tingin mo gusto ko ring magpakasal sa kaniya?” panlalaki ng mata ni Dianne, tinuro si Rick habang kausap si Jules.
Napatango-tango si Jules. “It’s just a suggestion, okay? Why not call it a day off. Tingnan niyo lang ang mangyayari. For all you know, it’s just a threat.”
“Exactly,” napatayo na si Rick. “Come on, may trabaho pa tayo bukas.”
Masama ang titig ni Dianne kay Rick. Alam niyang stranger silang dalawa. Pero ang paraan ng pagkakasabi nito na para bang nandidiri ito o para bang wala talagang pag-asa na pakasalan siya nito. Well, siya din naman, hindi niya gugustuhin na magpakasal if ever sa lalaki. At hindi naman mangyayari iyon. Napaka imposible! Jusko. Gusto tuloy niyang iluwa ang masarap na pagkain dahil nangasim sa inis ang tiyan niya.
Tahimik lang sila sa biyahe. Nag offer naman ang dalawa na ihatid na siya. Pagkababa niya ay laylay ang balikat niya. If someone should give up, si Rick iyon. Kumportable na ang buhay nito sa Pilipinas, hindi ba? Kung mag ka problema man, ito ang dapat bumalik!
KARARATING LANG NIYA SA accommodation ng makaramdam siya ng komosyon. Naririnig niya ang room mate niya na parang sumisigaw, may dalawang tao sa labas ng kwarto nila, mga kapwa Pinoy.
“A-anong nangyayari?”
“Lumayas yung bago sa inyo. May mga bitbit.”
“H-ha?” anas niya at bigla siyang napapasok. Nang makita siya ay napaiyak ang room mate niya.
“Dianne, wala na…” napahikbi ito.
“Anong wala na?” she scanned her eyes and saw that their whole room was overthrown.
“Yung cellphone ko wala-“ Napabalikwas si Dianne, tinungo ang locker niya. Hindi maaari, halos mawalan siya ng dugo ng makitang nakabuka rin ang nakakandado niyang isang cabinet. Doon niya tinatago ang mga iilang pera niya, pati mga alahas na mga investment sana niya…lahat ay naglahong parang bula.