Chapter 12

1096 Words
       “HINDI NA SAFE DITO, DIANNE,” aniya ng room mate niya na napag-desisyunan nang umalis sa accommodation. “Kinuha niya rin ang savings natin, anong ipangbabayad natin next month? Tutal, magpapakasal naman kami ni Amir, doon na ako sa kaniya.” Tukoy nito sa Pakistani boyfriend nito.      “Pa’no ako, maiiwan ako dito?” pagak na hingaos ni Dianne. “Nakakapagod maghanap ng room mate, aakuin ko ang buong bayad pag walang makikihati sa ‘kin.”      Kani-kanina lang ay napapunta sila ng police station. Ngunit ni sila ay hindi alam ang mahahalagang impormasyon ng magnanakaw nilang room mate. Hindi rin daw nakuha ng landlord nila ang Emirates ID o ni passport ng bago nilang kasamahan. Baka modus na talaga daw nito ang ginagawa. Ngunit nagbigay pa rin sila ng pahayag at kinunan sila ng sketch.      “Diba may friend ka, yung si Micah?” suhestiyon ng roommate niya.      “Kahit mabait naman ang amo ni Micah, parang nakakahiya naman kung sasagarin ko ang kabutihan nila.”      Napailing ang kasamahan niya habang nag-iimpake. “Huwag kang mag-alala, kakausapin ko ang mga kasamahan ko. Baka may kilalang naghahanap ng accommodation, ire-refer ko dito.”      Napatango si Dianne. Hindi na niya masabi na iba pa rin naman kung nakasanayan na niya. Adjust na naman kasi kung bago na naman ang makakasama niya. Pero iyon talaga ang buhay dito, people come and go, at masuwerte ka kung yung mga nakakasama mo ay mapagkakatiwalaan at hindi ka sasaksakin sa likod.      Kinabukasan ay nakipag-usap siya sa landlord niya at mabait naman ito at pumayag na ang porsyento lang na sa kaniya ang babayaran niya sa susunod na buwan, maghahanap rin daw ito ng uukopa sa kuwarto.      Kinabukasan ulit ay hinagilap siya ng landlord nila. May nahanap daw itong u-ukopa sa kwarto, ngunit mag-asawa daw. Gusto daw ng mag-asawa na sa kanila lang ang kwarto dahil need daw ng privacy. Nag-o-offer daw ng mas malaki.      “Pasensya ka na Dianne, ha, pero kami rin ay gipit. Lugi ako kung papanatilihin kita at ilang porsyento lang ang babayaran mo, keysa naman sa kanila na nag-offer ng mas higit pa. Tutal, marami ka namang malilipatan-“      Hindi niya alam kung sasagot pa siya, dahil baka kung anong masabi niya. Ilang taon na rin siyang naninirahan sa accommodation, mga three years na rin kasama noong room mate niya at isang ate na kasama rin nila noon. Mababait sila at nagbabayad ng tama kahit minsan ay nagigipit sila.      Naiintindihan naman niya na negosyo lang ang lahat, pero masakit na ipagpalit lang siya ng ganoon ng landlord nila na hindi man lang kumokonsulta sa kaniya at mukhang tinganggap na nga nito ang bagong lilipat sa kuwarto.      “After two weeks pa naman sila lilipat, kaya’t pwede ka pang mag-stay dito ng two weeks, hija.”      Tikom ang bibig niya at hindi niya alam kung may mahahanap ba siya within two weeks. Sinabi na niya kay Micah ang tungkol sa kondisyon niya pero hihingi pa daw ito ng permiso sa amo nito.      Bakit lahat na lang ng kamalasan ay pumapasok sa buhay niya ngayon?           “DIANNE!” tawag sa kaniya ng isang tinig mula sa di-kalayuan. Her heart skipped a beat. Si Sam iyon. Dali dali siyang napalakad palayo sa baba ng accommodation niya. Bakit naman siya pinuntahan nito?      He followed her in the street, hanggang sa magpantay na ang hakbang nila. “Narinig ko ang nangyari sa inyo.”      “Saan mo naman narinig?”      “Pinili ko si Micah. Papalayasin ka na daw sa accommodation niyo. Ba’t hindi ka lumipat dun sa ‘min? Malapit rin naman iyon sa trabaho mo at mas malapit na tayo.”      “Nababaliw ka na ba, Sam?” higit niya. “Break na tayo, okay? At ba’t ako mag-sti-stay malapit sayo?”      “Ikaw na nga ang tinutulungan, eh!” umasim ang mukha ng lalaki. “Kung totoong boyfriend mo yung pinakilala mo sa’kin, eh asan siya ngayon? Akala ko ba mayaman yun? Bakit hindi ka tinutulungan?” madilim nitong ngisi.      “Stop it, Sam. Tinutulungan niya ako. Hindi mo lang alam, pero lilipat na ‘ko sa kaniya.” Okay, major lie, pero wala na siyang pake kasi sobrang naiinis na siya sa kausap niya n asana maglaho na ito sa mundo.      “Eh di ba bawal yun, lalaki at babae, hindi kasal?”      Napalulon ng laway si Dianne. “Magpapakasal na kami, okay? Kaya’t layuan mo na ko, Sam.”      “Sinabi mo na ba to sa pamilya mo? Nababaliw ka na siguro, Dianne. Ano bang pinakain sayo ng lalaking yun, ha? Ginayuma ka ba nun? Mismong pamilya mo siguro hindi maniniwala sayo-“      “Sasabihin ko sa kanila, malapit na. May mga inaayos lang kami, okay?”      “Sige nga, kung talagang seryoso ka, tawagan mo ang pamilya mo sa harap ko. Sabihin mong magpapakasal ka sa iba at hindi sa ‘kin. Tingnan natin kung tatanggapin ka pa nila,” challenge nito.      Nagdikit ang kilay niya. “Ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo?”      “At bakit hindi, ako lang ang magmamahal sayo, Dianne. Tiniis kong malayo, hindi ba? Nagsakripisyo ako. Pero ito lang ang igaganti mo?”      “Kung sakripisyo lang naman ang sukatan, mukhang sumobra na ako sa quota, Sam,” panginginig ng boses niya. “Nagsakripisyo ka ba? Paano? Siguro nagsakripisyo ka dahil mahirap sigurong pumatong sa ibang babae, hindi ba?” nagpatakan ang mga luha niya.      Napatulala ang kaharap niya at mabilis siyang napatakbo palayo dito. Buti na lang at crowded ang street na iyon, kaya’t mabilis siyang naka-ikyas sa mata nito. Naglakad siya ng naglakad. Pilit na pinapawi ang kalungkutan niya. Hanggang makaramdam siya ng malamig na hangin, mukhang malapit na siya sa dagat. Mukhang malayo layo ata ang nalakad niya.      Ilang lakaran na lang ay nasa bus stop na siya.      KARARATING LANG NI RICK sa accommodation ng mapansin ang pag-ring ng cellphone niya na inilagay niya sa table niya. It was a rather hectic day at nag take out na lang siya ng makakain.      Inabot niya ang cellphone at narinig ang boses ni Dianne. “Y-you’re down?” ulit niya. Ewan ba niya kung bakit siya nataranta or something. Bakit siya hinahanap ng babae? May emergency ba?      “Okay, I’ll be down,” mabilis niyang hinanap ang card niya.      When he was getting down, he was thinking of all the possible scenarios he would meet down. Napalabas siya ng building at sa isang malapit na parke doon nakatayo si Dianne. She looked as if she was freezing.      “Magpakasal tayo,” unang linya na bigkas nito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD