Chapter 10

1153 Words
       AT ANO NAMAN ang konek ng pagiging saleslady sa paglalandi, minamaliit ba siya nito. “Ano namang konek non?” hindi na siya nakapagtimpi at sinagot niya ito sa mahinang tono. Buti na lang at wala ang manager nila ngayon kaya medyo kampante siya at ready siyang makipag-bunuan today.      “Ang tapang tapang mo, ha?” taas ng kilay ng kausap.      “Siyempre, hindi ako sinungaling,” himig niya. “Hindi katulad ng iba diyan, mukhang santa pero may tinatago naman.”      Napakunot ang noo ng kausap. “Alam mong ayoko ng gulo, pero sa ugali mong yan, na proud na proud na kabit ka pa, hindi ko talaga mapipigilan ang sarili ko.”      “Kabit?” echo ni Dianne. “Kelan pa ‘ko naging kabit? Eh wala na nga kayo nung nakilala ko siya. Bat di mo tanungin sa boyfriend mo kung bakit mas ginusto niyang sundan ako?”      Kyla’s face constricted. She was actually real hurt. It showed. Siguro tinamaan sa sinabi niya tungkol sa pagsunod. Maybe Kyla must have really wanted Rick to follow her, pero hindi na nito natiis kaya’t nangaliwa ito. But she must face and bury herself in the consequences of her actions, nahuli ito at kelangan nitong panagutan ang piniling aksyon ni Rick para dito.      “You are awfully a b***h,” singhag ni Kyla sa kaniya. She ran a cold stare at her. “But I will not slap you. You deserve more. Yung hindi mo kakalimutan sa buong buhay mo.”      It was Dianne’s eyebrow this time that lifted up. “Anong ibig mong sabihin? Tinatakot mo ba ‘ko?”      Kyla just sweetly snickered. “You know you can be deported anytime, right? Kasama ng magaling kong boyfriend. Bawal ang ginagawa niyo. I can bear witness anytime to what you’ve done.”      Napakunot ang noo niya, “anong?”      “I have connections, so just be careful-“ Kyla stepped back, still having that irritating smile.      She stood there perplexed, analyzing and digesting what have been said to her. And her blood ran cold as well, ewan ba niya kung ba’t kinabahan siya. Is it possible what she’s thinking? Baka makapangyarihan ang jowa nitong si Kyla. Baka nga may koneksyon sa pulis. Biglang tumibok ng mabilis ang puso niya. Still, in this country, power runs as strongly. Naroon pa rin ang tinatawag na kapit o palakasan system. Sometimes, it can be an eat run system. Kahit sa kompanya ay may mga palakasan pa rin.      It took her a moment to realize that Kyla was gone in front of her. Bigla niyang naisip ang pamilya niya at doon siya nakaramdam siguro ng kaba. She didn’t want to lose what she has now, hindi pa. She didn’t want to end up as a disgrace.      “Okay ka lang?” nakita ata ang pamumutla niya ng mapalapit siya sa Filipina rin niyang kasamahan na cashier. Napatango tango lang siya, dinahilan niyang strikta ang costumer. Nasa dulo naman sila kanina kaya’t hindi ata sila narinig nito.      Nag lunch break siya saglit sa food court ng mall. Binuksan niya ang baon niya, nilagang itlog at hotdog at kanin at nagsimula siyang kumain. Habang kumakain ay nanood muna siya ng Youtube upang mawaglit sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Kyla. Ngunit natigil ang panonood niya ng biglang nag ring ang cellphone niya, tumatawag ang numero na kilala niya – si Sam.      Kinansela niya ang call, at nagpatuloy sa pagkain, ngunit sadiyang makulit ang caller. Hindi na siya nakapagtimpi at binunksan na niya ang tawag. “Kumakain ako,” himig niya. “I already texted you Sam, pinaliwanag ko na hindi ba?”      “Makinig ka Dianne, hindi tama ang ginawa mo? Hindi ka lang ba magso-sorry para mapatawad kita, ha?”      The nerve with this guy! “At anong ipagso-sorry ko sayo, ha?”      “Na nagsinungaling ka sa akin siyempre. Na niloko mo ako. Natahimik ako, nag-isip ako, at naisip ko na ayaw ko ng ganito, na magtapos tayo ng ganito. Puwede pa kitang mapatawad kong magso-sorry ka sa kin-“      “Sa tingin ko, hindi ako dapat ang mag sorry. May mga taong totoong mga sinungaling sila, sila yung bumababoy talaga sa salitang loyalty. Naiintindihan mo?”      Ngunit tahimik lamang ang kausap. “Nalason na talaga ang isipan mo, Dianne. Ano mas magaling ba siya, ha?”      “Sobra,” reply niya. “Kaya nga siya ang pinili ko, di ba? Kaya pabayaan mo na ko.”      “Hindi ka ba nahihiya? Nag timpi ako at hindi ko sinabi sa pamilya ko ang ginawa mo, Dianne! Maghunos-dili ka naman at mahiya sa pamilya mo sa ginawa mo-“      “At ba’t ako mahihiya?” tumirik ang init ng isip niya, “nagtatrabaho ako ng marangal dito. Wala akong ginagawang masama.”      “Wala ba? Eh nakipaglandian ka sa lalaki mo. Pinagtaksilan mo ko.”      Look who’s talking talaga ang gago. Sa sobrang pagka-inis ay ini-off na niya ang cellphone. And she realized what revenge felt. Sweet taste of punishment. Totoo nga sigurong galit ang magnanakaw sa kapwa niya magnanakaw, o di kaya’y galit ang mga taksil pag napagtaksilan din. Ang kakapal talaga ng mukha! And she realized that guy was right, that Rick was right…let them have a taste of their own medicine.      Naka-receive na naman ulit siya ng text message.      Dianne, mag-isip kang mabuti. Wag mo kong galitin. Text message iyon ni Sam. Hinablot niya ang lunch box niya at dumerecho ulit sa trabaho. Naging busy sila kinahapunan, last week na kasi ng buwan kaya’t may pera ang tao for shopping.      Pinilit niyang mag-focus na lang sa mga costumers ngunit occasionally ay may mga what-ifs na pumaparada sa utak niya.      Matapos ng madugong shift ay naglalakad na siya palabas ng shop ng biglang may sumagi sa balikat niya. It was a warm hand that quickly left as well, at napalingon siya.      “R-Rick?” gulat niya. She can never believe that she will see him again.      “Hi,” napakamot ito ng ulo. “Ngayon lang ulit ako nakabalik.”      Napatulala siya at nagpatuloy ito ng pagsasalita. “Naging busy na kami sa field, ngayon lang ako natiyempo.”      “Halika na, pasira na ang mall,” ani Dianne at naglakad sila sa exitway papuntang tren.      “Dianne,” singhap ni Rick at hindi na nagpaligoy-ligoy, “we need to talk, actually a serious one.      She can sense the urgency on his voice, and somehow she felt that drumming in her heart again. A not so good beating this time. Marahil ay alam na niya ang idi-discuss nito. And then she realized also to tell him. “Actually, binisita ako ng ex mo.”      Napatulala si Rick, and a concerned look hovered over him. “This is alarming, tinotoo talaga niya ang sinabi niya sa akin, na hindi niya tayo tatantanan.”      Dianne’s head felt a burst of alarm also. This is serious.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD