“WOW,”napalabi si Dianne at napatikhim ng bumaba na sila ng taxi, she just silently followed Rick, nakatira ito sa magandang accommodation, isang accommodation na sa pangarap lang niya tinitingnan. His accommodation is lined along the finer buildings in the Sharjah shoreline.
“One day, ay baka kailangan mo ng kotse,” aniya ng malaman kung saan ang opisina nito sa Dubai.
“Absolutely, but no worries for now, katabi ko lang ng accommodation si Jules, makikiride-on ako sa kaniya, at may kotse din raw na ipapahiram ang kompanya pag magsisimula na ako sa site.”
Napanganga lang si Dianne. “Ang tanga tanga ng Kyla na iyon para ipagpalit ka.”
Napalabi at napangisi si Rick, “Hindi naman nun alam na nandito ako, tapos naka-Ferrari pa yung pinagpalit sa ‘kin. Yung red ha.”
Napailing lang si Dianne, madalian silang pumasok sa lobby at may swinipe si Rick na isang elevator pass upang makapasok sila. They were lucky that it was only the two of them. Mukhang nasa galaan pa ang mga tao.
“Susunduin mo siya mamaya? Bababa ka?” tukoy ni Dianne sa girlfriend nito.
“Yes,” tikhim nito. “Then we would enter the room at nandoon ka naghihintay nakaupo. Ipapakilala kita bilang girlfriend ko.”
“Hindi ba siya mag wa-wild?” parang kinakabahan siya. Paano kung mag eskandalo ang babae? First of all, she has no idea what the personality of that woman is. Baka masabunutan pa siya!
“She wouldn’t do that, kilala ko si Kyla. Trust me, she wouldn’t care, may ipinalit na nga sa akin, diba?” mapait niyang tugon. “It’s just that I didn’t want to look like a loser.”
Napatango-tango si Dianne. She realized that this man is a bit sensible, and maybe she should try to relax and trust him more. Isa pa, kelangan din niya ito para gantihan si Sam, ang luko-loko niyang boyfriend. And then after that, she and this guy, will be nothing but strangers to each other.
“But you will stay here right?” she asked.
“Stay where?” kunot ng noo nito.
“Dito, sa Dubai?”
“Heck, will I terminate my contract just because of her? Oo, siya ang nag impluwensiya sa akin na pumunta dito. Pero sayang naman kung uuwi ako. I’ll at least finish my contract for two years.”
Napatango-tango siya. “Ako one year na lang din ang kontrata ko.”
“Will you stay?” he asked.
“Titingnan ko pa,” napasinghap siya. “Gusto ko nang umuwi pero medyo naubos ang savings ko dahil sa pagtulong ko sa mga papeles ng manloloko at gago kong boyfriend.”
“Correction. Ex-boyfriend,” pampalubag-loob ng kausap niya.
“Sana, ganoon lang kadali iyon,” she smiled bitterly and a small wet mist crossed her eyes nang bigla niyang maalala ang ungol na iyon sa voice message. Sarap na sarap siguro ang dalawa habang siya naman ay kayod kabayo ditto sa Dubai…
“Huwag mo nang masiyadong isipin ‘yun, may araw rin ang lalaking yun,” patuloy ng kausap niya. Napaangat ang mukha niya at hindi niya namalayang nakabuka na ang elevator. They alighted in the hallway. Binuksan ni Rick ang condo apartment nito. She is impressed, afar was a glass window kung saan nakikita ang kabuuan ng kalapit Dubai na mga buildings mula di kalayuan.
“Just feel comfortable,” itinuro ni Rick ang sofa. Napasulyap ito sa cellphone nito. Mukhang nag-chat na dito ang kasintahan nito. Lumabas ng pinto si Rick habang siya naman ay naiwang nakatulala. Her eyes scanned the room, malinis ito at bago ang mga furnitures. Halatang bagong gawa ang building wala pang isang taon. Halata ding bago pa lang ang naninirahan dito, the room was almost bare.
Ifinocus niya ang isipan sa kung ano ang sasabihin sa kasintahan ni Rick. Kanina habang pauwi sila ay nag-usap na sila kung ano ang sasabihin sa kasintahan nito. Sasabihin nila na isang taon na silang magkasintahan. They would pretend that Rick opened up an account in a dating site one year ago at doon sila unang nag-usap, hanggang sa nauwi sa araw-araw na call at videochat, and then they fell in love, patago at palihim kay Kyla.
Sasabihin niya na siya ang nag-udyok kay Rick na pumunta sa Dubai at inlove sa kaniya si Rick kaya’t pumayag ito. Sasabihin rin niya na may nangyari sa kanila sa unang beses nilang pagkikita. Kumbaga ay kokornerin nila si Kyla, ipapalabas na niloko siya ni Rick upang makapaghiganti si Rick.
Ang problema noon ay kung maaapektuhan ba itong babaita na makakadaupang-palad niya? May care ba ito eh nanloloko nga ito kaya’t siguro ay makapal na ang mukha nito at hindi na ito tatablan? Ganoon din kaya si Sam? Hindi rin kaya ito masasaktan sa plano niya para dito? Napasinghap na lang siya at napabalikwas ng biglang bumukas ang pinto.
There stood two humans, staring at her. Si Rick at ang katabi nito, na sa isang tingin ay aakalain mong isang artista o commercial model. Sobrang flawless nito, mestisa at matangkad. Nagkatitigan sila ng babae, nilatagan siya nito ng titig mula ulo hanggang papa. Napaawang rin ang bibig nito na tulad niya.
Okay din ang acting nito, eh. Para talagang inosente, she smirked in her mind. Lumaban rin siya ng titig, napatayo siya.
“Honey, sino siya?” she moved her eyelashes, and concerningly called Rick. Honey at love ang napagdesisyunan nilang tawagan. Okay to ha, bigla siyang napasubo sa acting.
Napamulagat naman si Rick, napatitig sa kaniya. It must be sinking in his mind na nagsisimula na ang kabobohan este plano nitong naisip.
“H-honey?” usal ng kasama nila. Obviously, ito na si Kyla, na sa likod na maganda at maamong mukha ay isang demonyita pala. Her voice seemed genuinely surprised, alarmed and shocked. “Tama ba ang narinig nito?”
“S-sorry,” napalingon dito si Rick, palipat lipat ang titig sa kaniya at sa babae, “Kyla, kaya kita pinapunta dito para aminin sa ‘yo ang totoo. Andito ako sa Dubai dahil kay love, siya ang mahal ko-“
“Love?” ulit ni Kyla, na parang nabiak ang boses. “A-ano to?” garalgal nito.
Kyla seemed to be a natural actress. Kung hindi nila alam na manloloko ito ay maaawa siya dito dahil sa pait na makikita sa mukha nito, na para bang nasaktan talaga ito.
“Girlfriend ko siya, Kyla, babe. I can’t lie to you. You deserve the truth. Kaya ako pumunta dito dahil sa kaniya.”
“A-ano?” napabalikwas ang titig ni Kyla sa kaniya. Sa gulat niya ay bigla itong napahiyaw. “Pinagpalit mo ko dito? Tanga ka ba?”
Napatango si Rick. “I guess so, isang taon na, na magka-usap kami.”
Napatikhim si Dianne. Isasagad na niya ang acting niya, minsan lang naman. “Alam kong girlfriend ka niya, pero mahal namin ang isa’t-isa, Kyla. At may nangyari na sa’min.”
Derecho ang mga paa ni Kyla patungo sa kaniya, mukhang naka ready ang palad nito palipad sa kaniya. Plak!