Chapter 3

970 Words
  “JUST AN HOUR, I promise. I have no bad intentions,” muntik na siyang mapasigaw ng madinig ang boses na pumukaw sa kaniya sa gilid niya. It was that guy! The asshole. “A-anong ginagawa mo dito?” sikmat ni Dianne sa lalaking may turnilyo ang utak. “You know that I can call the police, right?” “But that will make a scene. Hey, can you listen to me first?” mahinahon ito at napabuga ng hangin. “I need your help, and I will tell you my story, is that okay?” Nakanganga lang si Dianne habang nakikinig sa lalaki. Medyo mabilis ang pagsasalita nito, “So ang ibig mong sabihin, pupunta ako sa accommodation mo, u-upo ako at magpapakilala akong new girlfriend mo harap ng girlfriend mo?” “Excuse me,” tikhim ng lalaki. “Ex-girlfriend ang tawag mo ‘dun dahil hindi ko na siya girlfriend mamaya.” Napailing siya. “At sino namang maniniwala sa’yo nun? Na nagkaroon ka ng girlfriend matapos ng isa o dalawang linggo mo dito?” “Why not? We can tell her that we have been video calling each other since last year. At ikaw talaga ang nakapagpunta sa ‘kin dito.” Dianne is still skeptical. “Pa ‘no ko naman malalaman na hindi mo ko jina-jamming, ha?” “Okay,” hands-up nito. “You can have my passport, andiyan ang identity ko at lahat lahat na.” He shoved his passport to her na binuksan niya. Rick Buencamino, iyon an buong pangalan ng lalaki. He scanned his other pages at nakita ang Visa page na tinatawag na nakadikit sa passport, isa itong engineer. Pamilyar sa kaniya ang pangalan ng kompanya nito. Parang ito rin ang kompanya na nag-construct ng mall na pinagta-trabuhan niya. “Naniniwala ka na ba sa’kin?” his face lit up at napa-arko ang isang kilay nito. She realized how could this Kyla cheat on this guy? That girl must be stupid. And she realized Kyla’s name somehow sounds like Kaye. “Nananahimik akong mag-isa dito, okay? So anong makukuha ko pag pumayag ako sa deal mo?” “I’ll pay you. Whatever you want. Babayaran ko rin ang taxi mo pauwi. Saan ka nga pala nakatira?” “Sa Deira,” himig niya. “Nangungupahan ako dun. Lima kami sa isang kuwarto. Mag ba-bus na lang ako kesa taxi noh, ang mahal ng taxi.” Napanganga lang ang lalaki. “Really? Lima kayo sa isang kuwarto? Ilang square meters ang tinitirhan mo?” “Hindi ko alam, basta maliit, pero may magagawa ba ako? Yun ang mura. Kung hindi mo tinatanong, sa mall ako nagta-trabaho.” Napangisi siya saglit. “Medyo excited ka sa plano mo, hindi mo nga ako in-interview? Baka mali-mali ang sagutin ko sa girlfriend mo. Dalawa lang ang mangyayari, baka ending nito wala siyang pake, o baka naman sabunutan niya ko?” “Kyla wouldn’t do that, I guess so,” sagot nito. “You just have to be honest, I mean, no offense pero alam kong maiirita siya kung malalaman niya kung saan ka nagta-trabaho.” Dianne, in all absurdity, just chuckled. “Confident ka ba na masasaktan siya sa gagawin mo? Eh’ diba pinagpalit ka na niya?” Napasinghap ang lalaki. “I don’t know. I must be really crazy, okay?” “At bakit ako pa talaga sa lahat lahat ng babae?” she asked. “Hindi ba obvious? Ikaw lang ang nakakasalamuha ko pa ngayong araw. I’m just betting on fate, okay? Baka ikaw na talaga ang inihatid ng langit para sa role na ito.” Hindi niya napigil ang pagtawa niya, this guy seemed funny. Okay na rin siguro itong may kausap siya kaysa naman sige lang siya sa pag-e-emo dito sa dagat, at least ay nalilimutan niya yung lungkot. “Ikaw? Ba’t ka ba nag-iisa kanina hanggang dito?” tanong nito. “Iniiwasan ko ang boyfriend ko,” she curtly replied. It was the guy’s turn to let his jaw hang loose and she briefly smiled. “Hindi ako katulad ng girlfriend mo, okay? Listen to me.” So she tried to summarize her relationship with Sam in a few sentences. “Holy s**t,” he murmured, “that woman really sent you the audio recording?” Napatango-tango siya, and her eyes began to mist again. “Ang sakit diba? Sarap na sarap ang gago. Tapos pag may emergency ang pamilya niya, at uutang ng pera, ayun, nag vi-videocall agad yun sakin noon.” Napailing si Rick. “I’m so sorry. For me, I have to yet hear what she sounds like with that guy.” “Baliw!” usal niya. “So why don’t you do it, just like me?” “Seryoso ka ba?” nganga niya. “Come on,” he stood up. “You can use me too, you know. We can go to your boyfriend’s place. We can let him hear the recording himself with that Kaye and announce to him na boyfriend mo ‘ko, as a p*****t of course, for what you will do to help me.” The deal seemed to be appealing now. Ba’t ba siya magpapaka-martir kung buong buhay niya nagpaka martir na siya, maybe it’s time to get a payback, to taste what it feels to hurt the person who has hurted you too. Hindi siya habang buhay na pasensyosa at lumuluha na lang ng tahimik. Napatayo na rin siya. This night seemed to be a different and unique night in her whole years of experience here in Dubai. “Okay, let’s do it.” Nag-handshake sila.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD