Chapter 9

1162 Words
  TWO WEEKS AFTER      NAGLALAKAD SILA SA gilid ng Deira creek, isang historical site sa Dubai, dahil doon mo makikita ang mga historical boats nila na isa ring tourist spot. It was a Friday kaya’t maraming naglalakad sa walkway doon, may isang maliit na parke rin kung saan pwedeng maglatag ng mat at mag-picnic. The creek was pristine blue that day, may malamig na ihip na hangin. Dianne always loves this season, kung saan malamig ang panahon, dahil mag-aalburuto at magkukusumisyon na sila pag summer. Malilimitahan ang galaan pag nasa peak na ng tag-init at halos wala nang lumalabas dahil sa sobrang tirik ng araw at temperatura.      “Napaka-imposibleng hindi ka ginulo ng lokong yun, parang kaduda-duda naman,” ani Micah. Napa-upo sila sa isang bench at pareho silang kumagat ng mainit na shawarma.      Ang shawarma ang isa sa mga pagkaing mami-miss niya ng lubusan pag isang araw ay wala na siya sa Dubai. Kakaiba ang shawarma dito, mura at malinamnam, at talagang fresh ang karne. Masarap din ang mga hinalong spices. Isang shawarma lang ay busog na sila dahil siksik sa laman at may kasali pang pickled cucumber at carrots. Nagdala sila ng coke in can.      “Hindi talaga, hindi rin nag-text eh. Siguro ay masaya yun, hindi ba? Nakawala na ng tuluyan ang loko.”      “Kahit na, sobrang sama naman nun kung ganon,” ingos ni Micah. Kinuha nito ang cellphone sa sling bag nito at parang kumislap ang mukha nito. “Siyanga pala, babatiin muna natin ang mga chikiting.”      Alas tres na ng hapon sa Dubai, habang alas siyete ng gabi naman sa Pinas. Nagbukas ito ng video call, lumitaw ang mukha ng dalawa nitong mga batang anak na babae.      “Hello mamuuu,” kiss ng isang bata sa screen na may suot na birthday hat.      “Hello anak, happy birthday, kamusta ang party, may mga bisita pa ba?”      “Opo mamu, dumadating pa sila tita. Thank you mamu, marami akong handa at ang laki ng cake ko.”      “Oo naman Beatrice. Yan lang ang maibibigay mi mamu, pero sana happy ka anak, ha. Sorry sa inyo ni Katrina ha, hindi na muna makakauwi si mama, pero promise ko next year, andiyan ako sa birthday niyo.”      Lumingon sa kaniya si Micah, kinawayan niya ang mga bata sa screen. “Hello, si ate Dianne niyo to, happy birthday,” ngiti niya sa screen sa dalawang kyut na bata. Nilayo muna ni Micah ang screen sa mukha nito dahil may luha nang nangilid sa mata nito. Habang pinupunasan ni Micah ang mata at mukha ay siya muna ang magiliw na kumakausap sa mga bata sa screen, tinatanong niya kung anong mga regalo ang natanggap nito.      “Ibibigay ko na lang sa mama niyo ang gift ko, ha? Pag-uwi niya ay dadalhin niya ang gift ko sa inyo.”      “Ano po yon, tita Dianne?” excited na napatili ang bata sa screen.      “Naku, secret muna, para mas exciting diba?” hagikhik niya. Nag-thumbs up si Micah na mukhang tapos na pahiran ang luha at binalik niya dito ang cellphone niya.      “Oh siya anak, basta magpaka bait kayo anak, ha? Lagi kayong mag pray. Huwag matigas ang ulo dahil matanda na rin ang lola niyo. Mag-aral ng mabuti at behave sa school.”      “Opo mama,” ngiti ng dalawang bata sa screen na nagsisiksikan para makuha ang view. “Si Katrina, tinuturuan ko po siya sa assignment niya.”      “Sa Math, kasi ayoko ng Math mama,” kamot ng ulo ng mas nakababata sa kapatid. Napangiti si Micah sa mga anak, at ilang minuto ang lumipas ay kelangan nang magtapos ang tawag.      “Sobra ko kayong miss mga anak, basta hintayin niyo lang si mama, ha?”      “Sige po mamu, lagi kang nasa dreams at prayers namin po.” Kaway ng mga bata bago ito nag flying kiss tapos kinausap muna saglit ni Micah ang ina nito na lola ng mga bata na siyang nagbabantay sa dalawa kasama ng isang kapatid na dalaga ni Micah.      “Ma? Basta text lang kayo ha or call, one call away lang ko, ha?”      ANLAKI NA NILA NOH? Naglibot-libot ulit sila ni Micah hanggang sa makaabot sila ng Deira, may binili ang kaibigan sa mall, ilalagay nito sa cargo. May binili rin siyang mga pampasalubong, tinitipon niya para mapuno ang cargo box niya. “So,sabihin mo nga sa akin? Guwapo ba iyong engineer na sinasabi mo?” Napangiti na lang siya. “Eh ano kung guwapo? Hindi ko din naman makikita yun ulit. Magkaiba naman kami ng buhay.” Napasinghap si Micah. “Tutal, break na naman kayo ni Sam. It’s time to move on, friend. Pwede ka nang makipag-date, sagutin mo na ang mga nagcha-chat sayo.” Napatawa lang si Dianne. “Kung dito lang din naman, huwag na. Madaming manloloko dito, alam mo yan.”  Natapos ang pamamasyal nila at naghapunan sila bago sila naghiwalay ng landas. Mabuti at andiyan ang kaibigan niya para maibsan ang bigat ng dibdib niya. IT WAS A NORMAL MALL DAY, wala masiyadong tao dahil week days naman, naglista lang sila ng mga kulang na stocks ng kasamahan niya. Nasa Womens wear section siya at inaayos ang mga naka-hanger na mga damit ng biglang may boses na bumulaga sa likod niya. Nang lumingon siya, pamilyar ang hitsura. “Hi,” bati ng naka-postura sa likod niya. The woman was donning a branded shades up in her hair, at naka sexy halter top at jeans ito. The woman looked insanely pretty. “Hi,” piyok niya. Amd she realized who it was. That girl was that engineer’s cheating ex-girlfriend!    “We meet again,” plastic na ngiti ng kausap. How did this girl know kung saan siya nagtatrabaho? In-espiya ba siya nito? Sinundan? Nagtanong ba ito kay Rick? Speaking of Rick, ni hindi man lang nagparamdam ang unggoy. “Anong maitutulong ko?” pormal at civil niya na lang na sagot since nasa store sila. Ayaw niyang ma-eskandalo. Kyla looked at pinprickingly sinister. “I’m looking for a dress, a red one. Susuotin ko sa company party, malapit na. Oh, by the way, you know me, right?” Napapitok siya bago sumagot. “Siguro, pero hindi ako sure,” she chose the safe route. “Kung red dress ang hinahanap mo, marami kami, halika ipapakita ko yung mga styles.” Napangiti ang kausap, plastic pa rin. Sinundan siya nito sa aisle at napa-hinto sila sa mga linya ng mga damit na tinutukoy niya. “May mga cocktail kami at semi-formal po.” Inisa-isa niya ng turo ang mga kulay pula sa nakahilera. “Maganda ang quality, medyo aray lang sa presyo.” “Well, I don’t mind about the price,” sarkastika ang tunog nito. Naramdaman niya ang titig nito na parang binabalatan siya, it was scorching hot and judging her. “Kaya pala,” dinig niyang usal nito. “Kaya pala nilandi mo si Rick? Saleslady ka dito?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD