Chapter 2

2286 Words
IN DUBAI, EVERTHING is convenient. No wonder for a city bedazzled with metal skyscrapers and streets lined with sports cars, everything must be fast. Just a hop out of the train station, and the cold wind already pressed her skin, she would be walking for a few minutes to a public beach. Naka-maong jacket siya dahil sa temperatura. Tuwing Nobyembre ay nagsisimula na ang tinatawag na winter season. Winter was what people call it here kahit hindi naman nag-niniyebe ang kalangitan, ito kasi ang mga panahon kung saan malamig ang hangin na para bang sumusuot sa kalamnan ang lamig. It would fog a lot sometimes blocking the streets. Marahil ay magugulat ang iba na merong winter season dito, ang akala din ng pamilya niya, buong taon ay mainit at puro disyerto kung saan siya nagtatrabaho. Noong nasa airport siya noon sa Pilipinas ay umiyak ang nanay niya dahil baka maltratuhin daw siya ng mga Arabo. Nangiti siya at sinabi niyang hindi naman siya magta-trabaho sa bahay. Nang dumating na siya at nagsimula na siya sa pagtatrabaho, tatag ng loob talaga ang puhonan niya para maka-survive. Sa trabaho niya, nakakatagpo siya ng iba’t-ibang lahi, iba’t-iba rin ang ugali. Minsan, sariling kababayan mo pa ang mag-lo-look down sa iyo. Napa-upo lang siya sa buhanginan, buti na lang ay bukod sa jacket ay may dinala siyang scarf. Iyon ang     nilatag niya sa buhangin kung saan masasamyo niya ang hangin mula sa dagat. Dahil nga National Holiday ay marami ring tao sa beach, ang iba ay naroon sa mga hilera ng restaurants mula sa di-kalayuan, may mga couples, magba-barkada at mga pamilya. Pinatay niya ang cellphone niya. Bahala na si Sam, tutal ay alam naman nito kung paano uuwi at babalik sa accommodation nito. Kulang pa nga ang ginagawa niya ngayon kabayaran sa panloloko nito! She just needed time for herself. Time to think… Medyo naluluha siya dahil naalala niya lahat ng pinagdaanan niya ulit, lahat ng lungkot na kinimkim niya. Lungkot para sa pamilya na kinagisnan niya sa Pinas. Oo nga, at convenient lahat dito, pero bawat gastos niya ay limitado. Minsan ay nag de-delata at kape siya bilang ulam para makatipid sa gastusin lalung-lalo na kung gipit rin siya at may mga emergency sa Pinas. Hindi na siya nagbakasyon nakaraang taon dahil ang perang ibabakasyon niya sana, iyon ang ginastos niya para sa mga papeles ni Sam. She stared blankly at the sea, unaware of the moving presence walking towards her at her back.   RICK IS DESPERATE, HE NEEDS KYLA to see him canoodling with another woman tonight at exactly midnight in the evening.  And he is running out of time, may apat na oras na lang siya upang maghanap ng papayag sa gagawin niya.   From Dubai Mall, stalking Kyla, ay napadpad siya dito sa beach. It was just a breezy ride, and he felt the adrenaline rush through him habang sinundan ng taxi niya ang sasakiyan na lulan si Kyla – a red Ferrari. He was thinking while following his girlfriend, since when did she became a top-notch liar? Tatlong taon na noon silang magkasintahan ng magdesisyon si Kyla noon na mag-abroad. Nurse ito kaya’t naging temptasyon talaga dito ang mangibang-bansa dahil sa malaking offer, mas triple o kwatro-higit pa sa nakukuha nito sa Pinas. At first, he was against it, engineer siya at sinabi niya dito na siya na lang ang bahala. Kung gusto talaga nitong magkaroon ng extra na pantustos sa pamilya nito, he can give her some allowances at least. Ngunit sa huli ay naintindihan niya rin ito, dahil iba din naman talaga ang satisfaction na nakukuha kung sariling sikap at pinaghirapan mo ang pera. Marriage is out of the picture yet three years ago, dahil ng minsan niya itong tanungin ukol sa kasal, hindi pa daw ito handa. Siguro’y magiging handa na ito matapos ng apat na taon pag nakabawi na daw ito sa pamilya nito. Isa pa, para naman ito sa future nilang dalawa, parte ng savings nito ay para sa magiging kasal at bahay nila. Sabi nga ni Kyla sa kaniya, matapos ng ilang buwan nito sa Dubai, kelangan niyang sumunod dito. Sa Dubai, ang propesyon niya ay kumikita ng isang daang libo o higit pa sa isang buwan kung mapupunta siya sa magagandang kumpanya at malalaking projects. Talagang in-demand rin ang mga engineers dahil puros construction ang siyudad, excited ito sa pagkukuwento sa video call. She was already excited about their future here. Maybe they will work together for a few years, apat o limang taon, tapos puwede na silang magpakasal at mag-migrate sa Canada o di kaya’y umuwi sa Pinas at mag-negosyo. They would already have built their dream home and start building a beautiful home. Madalas pa silang mag-video call ng mahigit isang taon at minsan naiiyak ito dahil miss na miss na daw siya nito pati ang pamilya nito. Kaya’t lagi siya nitong nire-remind na sumunod na dito, para at least ay hindi daw ito masyadong malungkot. He would at first be hesitant, sa totoo lang ay kumportable na siya sa Pinas, hindi man kasing-laki ng offer sa ibang bansa, ay malalapit siya sa mga kaibigan niya at ka-trabaho. Sobrang close rin niya sa pamilya niya. They are already at least much more comfortable than others at nakakakain sila ng masagana sa pang-araw araw. Engineer rin ang ama niya habang nasa bahay at nag-aalaga sa kanila ang ina nila. Ang gusto niya noon, katulad rin ng papa at mama niya, na nasa bahay lang ang babae habang kumakayod siya sa trabaho. Ngunit nagbago ang pananaw niya dahil kay Kyla, na isang career woman. May maliliit rin siyang mga kapatid na nagliliwaliw sa kaniya matapos ng trabaho. In the Philippines, you can have a work and life balance, iyon ang mga feedbacks na naririnig niya sa ilan din niyang mga ka-batch na nakapag abroad na. Marahil iyon ang pumipigil sa kaniya, dahil kumportable at masaya na siya sa kung anong mayroon siya, kumbaga ay kuntento na siya. Ngunit dahil mahal niya si Kyla at gusto niyang ipakita dito na seryoso siya at willing siyang tuparin ang mas malalaki pa nitong mga pangarap, he secretly applied to an agency. Gusto niya itong sorpresahin. Kinuntsaba niya ang pamilya nito pati ang malalapit nitong kaibigan. Mas naging exciting ang lahat dahil timing na ang arrival day niya sa Dubai ay dalawang araw bago ito mag-birthday. Kaya’t may oras pa talaga siya upang sorpresahin ito sa kaarawan nito. Alam niya kung saan ito nagta-trabaho at nagpapaalam naman ito kung ano ang shift nito. Nasa Dialysis unit si Kyla, madali lang tuntunin ang hospital kung saan ito nagta-trabaho. He can easily ask the receptionist or wait for her outside the hospital. Alam din niya kung saan ito nangungupahan. Either way, that time when he was in the airplane, he was already sweating. May susundo sa kaniya sa airport, representative sa agency niya. Nasa himpapawid pa lang siya ay nalulula na siya. Gabi na sa himpapawid ngunit kung itututok niya ang mata sa bintana silip sa ibaba ay napakaliwanang nito, dotted with red and yellow lights. When the plane dipped lower, he can already picture the city out more clearly, enhinyero siya kaya’t mas lalo siyang nalula. Something sizzled inside him. Maybe Kyla is right, he needs to get out of his comfort zone sometimes and get to know the world better. Mataas ang linya sa Immigration. Hindi naman siya kabado, mismong kaibigan niyang engineer rin na nasa Saudi na ngayon ang nagrekomenda ng Hiring agency kung saan siya nakapasok. Mga propesyonal naman ang nakakausap siya at lagi silang nagvi-video call every step of the way kaya’t panatag siyang wala siyang hassle sa immigration at legal ang mga dokumentong hawak niya. Puros iba’t-ibang lahi ang nakalinya, karamihan ay mga Chinese. Marami ring Indyano, Pakistani, Indonesian at siyempre Pinoy na katulad niya. Lahat nakikipagsapalaran, iba’t-ibang rason at storya. He felt a lump in his throat when finally he emerged in the front line. Isang arabo ang nasa seat, may nakapatong sa ulo nila, puti na nakabalal sa ulo nito at may itim na parang strap na nakapalibot upang hindi mahulog ang puting nakabalabal sa ulo nila. Mukha naman silang malilinis, sobrang puti ng mga suot nila. He would later know that the locals are called ‘Emiratis’ and that this is their everyday wear, in what they called kandura. Parang roba ang suot nila, naalala niya noong naging sakristan siya minsan sa simbahan, parang ganoon ang suot. Natapos rin lahat at nasundo na siya ni Mr. Greg, manager ng agency nila. Doon niya nalaman na may kasama pa siyang tatlo pa, isa ay Accountant, dalawa ay construction foreman at isang arkitekto. Nasa fifties na si Greg at mukhang mabait ito. Puros ito kuwento habang dina-drayb sila sa sasakiyan nito. Hindi niya maiwasang tumitig sa labas, dinaanan nila ang highway kung saan matatanaw mula sa di-kalayuan ang Burj Khalifa. Gabi na kaya’t hindi nila masyadong maaninag mula sa highway, ngunit para pala itong syringe. Mataas ito dahil matulis ang pang-itaas na struktura nito. Ang Burj Khalifa ang naitalang pinakamataas na tower sa buong mundo. “You would love it here, Rick,” Greg summoned his attention. “Hindi ba’t nandito rin ang girlfriend mo?” Napangiti siya. “Actually, siya po talaga ang nag-encourage sa ‘kin na sumunod sa kaniya. I’m excited to see her.” Napangiti rin ito, “basta ba’t hindi ka papaapekto ha? Pag nag-i-LQ kayo,” panunukso nito. Ipinaliwang nito na pupunta sila sa Sharjah, kalapit na siyudad lang ito ng Dubai, sobrang lapit lang nito na parang parte na rin daw ito ng Dubai. Mas de-kalidad at mura daw kasi ang mga accommodation sa parteng ito. Umakyat sila sa fifteenth floor ng matatawag na condo tower. Sa ground floor ay mayroong hardin at isang public swimming pool. Pagdating niya sa accommodation at matapos pa ng ilang briefing ay iginiya sila sa kaniya-kaniyang kuwarto nila. Agad siyang nag-impake at nag videocall sila ng pamilya niya, and after that, he rested for the next big day. Kinabukasan ay derecho sila sa medical process, mabilis lang at kinuhanan siya ng dugo at X-ray. Matapos ay dinrecho siya ng Relations officer ng kompanya sa main office. The Human Resource Head, toured him around the office, and he met Mr. Adrian, Project Manager nila na isang kano, at si Mr. Khalid, MEP (Mechanical, Electrical, Plumbing) Engineer nila na isang Egyptian. Civil engineer si Rick, kaya’t more on the contruction on-site ang field niya. It was an exhilarating and productive day, inimbitahan din siya sa isang team dinner, kung saan nakasalamuha niya ang iba pang makakasalamuha at makakatrabaho niya sa team. Mas umigting ang excitement niya na makita si Kyla. Nakisakay na siya sa Pinoy architect at idrinop siya nito sa hospital kung saan nagtatrabaho ang kasintahan niya. And then that’s when he saw it, and witnessed her betrayal. Alam niya ang numero nito, kaya’t ida-dial na sana niya ng makita niya ang pamilyar na pigura na lumabas ng hospital. Sinundan niya ito saglit ng makitang patungo ito sa parking lot. He was about to call her name ng makita mula sa di-kalayuan ang pagpasok nito sa isang kotse. From the street light, he saw that she kissed whoever was inside the car briefly, and when her face was fully visible… it broke his heart that it was really Kyla. His dear girlfriend na kakaiyak lang sa video call isang linggo ang nakakalipas dahil miss na miss na daw siya nito. Matapos ng dalawang araw ay ganoon pa rin ang nakita niya, parehong pulang sports car pa rin. Nakiusap siya sa architect niyang bagong kaibigan na si Jules na minsan ay manmanan nila si Kyla, at game na game rin naman si Jules. Kung hindi kano ay marahil isang arabo na may halong ibang lahi ang boyfriend ni Kyla ayon na rin sa profile na nakita nila ng sundan nila ito sa isang mall. “Alam mo bang puwedeng makulong ang girlfriend mo? Pa ‘no kung may asawa na pala yang ka-date niya?” ani Jules.  “Ang buong akala ko, konserbatibong bansa dito?” ani Rick kay Jules. “This isn’t Saudi man, but even there in Saudi, s**t happens. Mas lalo na dito na open country ito, at maraming foreigners dito, halo halo na ang kultura. So what do you expect from that? Patago lang dito lahat pero maraming maduduming bagay na nangyayari. Kailangan mo talaga ng tatag ng loob dahil madaming temptasyon dito.” He was so conflicted but he realized he can’t just break his contract and go home. He needs to face Kyla sooner or later. Or maybe get some revenge. Kung ano man iyon, kailangan niyang ipagpatuloy ang kung ano ang nasimulan niya, so he went to work as usual and after two weeks, he formed an idea. He finally texted Kyla to meet him in his accommodation tonight. At first, he wanted to just talk to her sincerely and really know what happened. He wanted to hear her side. Ngunit ng mabasa ang reply nito na parang inlove na inlove ito sa kaniya, at makita ulit sa mall na kasama pa rin nito ang lalaking estranghero, ay gusto niya itong kutusin ng buhay at silaban ng apoy. It was the night they were supposed to meet ngunit hanggang sa mga oras na ito ay kasama pa rin nito ang lalaki sa beach. Marahil, ang lalaki pa nga mamaya ang maghahatid kay Kyla sa accommodation niya.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD