Chapter 24 Suzanne Medina Pasilip-silip ako sa paligid para masigurong hindi ko makikita si Clay sa paglabas ko. Tatlong araw ko na siya iniiwasan. Nahihiya kasi ako sa kanya. Kahapon kasi habang nagdidilig ako ng halaman sa tapat ng bintana ng study room kung saan nando'n sina Clay at Mike, hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan nila. "Mike, bakit ako iniiwasan ni Suzanne? May nagawa ba akong mali?" Sabi ni Clay. "Ano sa tingin mo?" Sabi ni Mike. "Actually, nagsimula niya akong iniwasan tatlong araw na ang nakaraan na hindi ko siya nasundo pagkatapos ng klase niya. May importante akong nilakad no'ng hapong 'yon kaya pinakiusapan ko si Sebastian para sunduin siya. Kinagabihan, pagdating ko humingi ako ng tawad sa kanya," Sabi ni Clay. "Humingi ka na naman pala ng tawad. Ano